You are on page 1of 6

Title: PROJECT SHINE ARAL TARLAKHENYO

(School-Home Integration of RBI/TVBI in the New Normal Education) sa Radyo Pilipino


DZTC 828 AM Radio at RTV Tarlac Channel 26 hatid ng DEPED SCHOOLS DIVISION OF
TARLAC PROVINCE.

Topic : Mga katangian ng Produktibong Mamamayan

Format : DZTC 828


Length: 25 minutes
Scriptwriter / Broadcaster: Grace R. Rilveria
Objective: Pagkatapos makining sa episode na ito and mga mag-aaral ng G4 ay inaasahang makapagbibigay
kahulugan at katangian ng pagiging produktibong mamamayan.

TIME TECHNICAL INSTRUCTIONS SPIEL


3 Seconds DZTC: INSERT PROGRAM ID
On-Camera Welcome sa ating Aral Tarlak-Henyo ng SDO Tarlac
Province na kasalukuyang napapanood dito sa RTV
Tarlac Channel 26 at sabayang napapakinggan sa 828
AM DZTC Radyo Pilipino Tarlac. At sa channel 100
converge cable TV
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER
Magandang araw, naririto na naman tayo nagsisikap at
nagpupunyagi na maging Maka-Diyos, Makatao,
Makakalikasan at Makabansa.

3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

Kamusta kayo mga ginigiliw kong mag-aaral? Ang aking


pagbati at paghanga sa inyong masidhing
pagpupunyagi sa patuloy na pag-aaral sa himpapawid
upang matuto sa kabila ng hamon ng pagkakataon ng
covid 19 Pandemic.
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

Ako ang inyong guro sa Araling Panlipunan Grade 4,


Ginang Grace R. Rilveria upang samahan at gabayan
kayong maunawaan ang nilalaman ng ating aralin na,
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

INSERT: PPT SLIDE Mga katangian ng Produktibong Mamamayan


NUMBER 2
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

On-Camera Matanong ko lang, kumain na ba kayo? Mainam kung


kayo’y nakakakain na. Kung hindi pa, kayo ay malayang
gawin ito habang kayo’y nakikinig sa ating aralin.
Siguraduhin din ninyo na kayo ay komportable at
maayos na naririnig ang ating broadcast.

Bago tayo magsimula sa ating paksa ngayong araw ay


alalahanin muna natin ang ating naging Aralin noong
nakaraan lingo tungkol sa Pagpaunlad ng sarili.
Pagpapaunlad ng Bayan gaya ng Pangangalaga sa
kalusugan, Tamang Saloobin sa Paggawa at magin
matalinong mamimili. (pause) natatandaan pa ba ninyo?
Mahusay!
On-Camera Natitiyak kong kayo ay handang-handa na mga bata sa
ating bagong Araling sa araw na ito. Maging alerto at
listo sa anumang inpormasyong magbibigay sa atin ng
inspirasyon, pag-asa at aral sa buhay na makatutulong
sa pagiging mabuting mamamayan,
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

Sa puntong ito, nais kong ihanda ninyo ang inyong aklat


On- Camera at Learning Activity Sheet. Ihanda rin ang inyong ballpen
at papel, upang maitala ninyo ang mga mahahalagang
inpormasyon na aking mababanggit. Tayo ay
magsisimula na. Buksan ang aklat o Learner’s Material
sa pahina Three hundred eighty two at atin nang
tuklasin ang ating bagong aralin.

3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

INSERT: PPT SLIDE Pagmasdan ang mga larawan. Masasabi mo ba kung


NUMBER 3 ano ang nasa unang larawan? Pagkamasipag.
Mahusay! Ikalawang larawan. Magandang saloobin sa
paggawa. Magaling! Ikatlong larawan……… pag
eehersisyo. Tama!

Dumako naman tayo sa larawan nasa ibaba. Ano ang


napapansin sa unang larawan? tinatangkilik ang sariling
produkto. Magaling! Ikalawang larawan. pagre-recycle
ng mga basura. Mahusay! at sa pang huling larawan
ano naman ito? Produktong yari sa ating bansa.
Mahusay!

3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

On-Camera
Ginagawa mo rin ba ang mga nakalarawan? Tama.

3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

INSERT: PPT SLIDE Kung ginagawa mo ang mga ipinakikita sa larawan,


NUMBER 4 ikaw ay maituturing na produktibong mamamayan. Ang
mga mamamayan na nakakatulong o kapaki-
pakinabang sa kaniyang tahanan, pamayanan, at sa
bansa ay tinatawag na produktibong mamamayan.

On-Camera Kayo mga bata. Tinatawag ba kayong produktibong


mamamayan? Dapat lang!
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

INSERT: PPT SLIDE Alam niyo ba mga bata na may katangian ang pagiging
NUMBER 5 produktibong mamamayan. Ito ay ang mga sumusunod.
Una, Tamang Saloobin sa paggawa. Ang wastong
saloobin sa paggawa ay dapat itanim sa isipan habang
bata pa. Hindi dapat ikahiya ang paggawa bagkus ito ay
dapat ipagmalaki. Naipamamalas ito sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng tiwala sa sariling kakayahan,
pagkamalikhain, kaayusan, katapatan, pagpasok sa
tamang oras at pakikiisa at pakikipagkapuwa-tao.
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

INSERT: PPT SLIDE Pangalawa, May PINAG-AARALAN AT KASANAYAN


NUMBER 6 SA PAGGAWA.Nakasalalay sa mga katangian ito ang
pagtupad sa mga tungkulin inaatang sa iyo nang buong
husay at ganap. Upang ang isang tao ay makagagawa
nang mahusay, napakahalaga na siya ay nakapag-aral
at nagkaroon ng ibayong pagsasanay at mga pagsubok
sa kaniyang napiling gawain. Sa ganitong paraan,
malaki ang kaniyang maitutulong sa pag-angat ng
kaniyang napiling hanap-buhay at ng kaniyang
tanggapang pinapasukan.
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER
INSERT: PPT SLIDE NMBER Pangatlo. PAGIGING MALUSOG Upang maging
7 kapaki-pakinabang, mahalagang magkaroon ng
magandang pananaw sa buhay at malusog na
pangangatawan. Bunga nito, madali kang makapag-iisip
ng mga ideya at makagagawa nang maayos at may
kagalingan.

3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

INSERT: PPT SLIDE Pag-apat, Matalinong mamimili


NUMBER 8 Ang mga sumusunod ay katangian ng isang
matalinong mamimili.

- Naghahanda ng talaan/ listahan ng mga bibilihin


upang makatipid sa oras at pagod.
- Gumagawa ng badget para sa pagkain,
kagamitan, at iba pang pangangailangan.
- Tinitiyak na husto sa timbang ang binibili.
- Mapanuri sa kalidad ng mga bilihin.
- Tinitignan ang expiration date ng kaniyang
binibili.
- Hindi nagpapadala sa mga patalastas at
pananalita ng tindera.
- Isinasaalang-alang ang sustansiya ng pagkain sa
pinamimili.
PPT SLIDE NUMBER 9 Panglima, Tinatangkilik ANG SARILING PRODUKTO,
Ang pagtatangkilik sa sariling produkto ay malaking
tulong upang umangat ang ating kapuwa Pilipino at
buong bansa.

Pang-anim, Ginagamit nang wasto ang mga kalakal


at pagli-lingkod, Dapat ingatan at gamitin ng mga
mamamayan sa wastong paraan ang lahat ng mga
produkto at serbisyong kanilang tinatamasa upang ito ay
tumagal at mapakinabangan nang maayos.

3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

PPT SLIDE NUMBER 10 Pangpito, Nagtitipid sa enerhiya


Ang mga sumusunod ay mga kaparaanan sa
pagtitipid sa enerhiya at tubig.
 Tiyakin na laging nakapatay ang mga ilaw at de-
koryenteng kagamitan kung hindi ginagamit.
 Gumamit ng energy saving na mga ilaw gaya ng
compact fluorescent lamps (cfl) o LED (light
emitting diodes).
 Gawing sabay-sabay at maramihan ang
pagpaplantsa ng mga damit at iba pang
kasuotan.
 Gumamit ng palanggana sa paghuhugas ng mga
prutas, gulay, at mga gamit sa kusina.
 Gumamit ng regador sa pagdilig ng mga halaman
sa halip na hose. Gumamit ng baso sa
pagsisipilyo ng ngipin sa halip na direktang tulo
ng tubig sa gripo.
 Huwag hayaang nakabukas ang gripo habang
naghuhugas ng mga pinggan o iba pang gamit.

3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

PPT SLIDE NUMBER 11 Pangwalo. Muling ginagamit ang mga patapong


bagay. Ang pagrerecycle ay isang paraan upang
magamit na muli ang mga bagay na patapon ngunit
maaari pang mapakinabangan. Mag-recycle upang
mabawasan ang pagdami ng mga basura. Gayundin,
paghiwa-hiwalayin ang mga basura ayon sa nabubulok
at di-nabubulok upang di masayang ang mga maaari
pang magamit o mapakinabangan.
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

PPT SLIDE NUMBER 12 Tandaan mga bata.


 Ang produktibong mamamayan ay nakatutulong
at kapaki-pakinabang sa kaniyang tahanan,
pamayanan, at bansa.
 Ang pagiging produktibong mamamayan ay
paraan ng pagtulong at pakikiisa sa pag-unlad ng
bansa.

3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

PPT SLIDE NUMBER 13 Sa pagkakataong ito mga bata ating sukatin ang
inyong talas sa pakikinig tungkol sa ating aralin.
Alam kong nakahanda na ang inyong Activity
Sheet. Para sa ating unang Gawain.
Panuto: Lagyan ng tsek () ang bilang na
naglalarawan ng isang produktibong
mamamayan at ekis (x) kung hindi.

1. Nag-aaral nang mabuti.(2x babasahin)


2. Ginagawa o tumutulong sa gawaing iniatang sa
kaniya. (2x babasahin)
3. Nakikiisa sa mga programa sa barangay gaya ng
paglilinis ng harapan ng bahay. (2x babasahin)
4. Sinusuri kung may sira ang mga gripo. (2x
babasahin)
5. Bumibili ng mga gamit na yari sa bansa gaya ng
sapatos, kakanin, at mga palamuti. (2x
babasahin)
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

PPT SLIDE NUMBER 14 Nasagutan niyo na ba lahat mga bata? Tignan nating
kung ang lahat ng inyong sagot ay .
Sagot !
1. 
2. 
3. 
4. 
5. 
Napakadali. Hindi ba? Malamang nakuha niyo lahat ang
sagot.
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER
PPT SLIDE NUMBER 15 Para sa ating ikalawang gawain. Panuto: Sagutin kung
anong katangian ng produktibong mamamayan ang
tinutukoy sa bawat bilang.
1. Laging nasa takdang oras si Nelson sa pagpasok
sa trabaho para matapos niya ang lahat ng
gawain. (2x babasahin)
2. Si Well ay nag-eehersisyo araw-araw. (2x
babasahin)
3. Nagpatala si Marie sa Technical Education and
Skills Development Authority upang mapabuti pa
ang kaniyang kaalaman sa pagguhit. (2x
babasahin)
4. Laging nililinis ni Elzon ang mga nabili niyang
mga gadget para hindi agad masira. (2x
babasahin)
5. Tuwing umaalis ng bahay, tinitiyak ni Manuel na
natanggal ang mga saksakan ng mga de-
koryenteng kagamitan. (2x babasahin)
Kung tapos na kanyo sa pagsagot, narito na ang tamang
sagot.
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER
PPT SLIDE NUMBER 16 Tamang sagot
1. Tamang saloobing sa pag gawa
2. Pagiging malusog
3. May pinag-aralan at kasanaya sa pag gawa
4. Ginagamit ng wasto ang mga kalakal
5.Nagtitipid sa enerhiya
Nakuha ba niyo lahat. Napakahusay! Niyo mga bata.
3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER

PPT SLIDE NUMBER 17 Para sa inyong karagdagang Gawain, Na makikita sa


inyong activity sheet PANUTO: Kopyahin ang tsart sa
notbuk. Lagyan ng tsek ang kolum kung kailan mo
ginagawa ang mga katangiang nabanggit. Para sa
unang kolum Palagi, pangalawang kolum, Minsan at sa
pagatlong kolum, Hindi. Maari ninyong isumite sa inyong
guro ang inyong sinagutang Learning Activity Sheets sa
susunod na pagkuha ng inyong mga modules.

On-Camera O, hayan! Tapos na ang ating aralin para sa araw na ito.


Inaasahan ko na kayo’y natuto sa ating talakayan .
Abangan ninyo ang ating susunod na pag-aaralan dahil
tiyak, marami na naman kayong matututuhan.
Muli,… ako ang inyong guro sa Araling Panlipunan

Grade 4 .Teacher Grace R. Rilveria na nagsasabing…

3 Seconds DZTC: MSC UP AND UNDER


On-Camera “Ang pag aaral ng Araling Panlipunan ay daan sa
pagiging Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at
Makabansa.”
Hanggang sa muli…Paalam….
BIZ: MISC UP THEN OUT

-END-

You might also like