You are on page 1of 21

TEMPLEYT PARA SA TELEBISYONG TALAKAYAN

Aralin
Araling Panlipunan: Ugnayan ng Kita, Pag- iimpok at Pagkonsumo
3

Bumuo sa Pagsusulat ng Script

Manunulat: Monina R. Antiquina


Editor: Monina R. Antiquina, EPS - AP
Tagasuri: Monina R. Antiquina, EPS-AP; Nelson S. Lasagas, EPS II – AP (RO)
Tagaguhit: Pilar K. Mangila
Tagalapat: May D. Olavides
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, Ed. D.
Sonia D. Gonzales
Virgilio P. Batan, Jr., CESE – SDS – Dipolog City Division
Jay S. Montealto, CESO VI – ASDS – Dipolog City Division
Amelinda D. Montero, DM – CID Chief
Nur N. Hussien, DM – SGOD Chief
Ronillo S. Yarag, EdD – Division EPS LRMS
Edgardo S. Cabalida, EdD – Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon IX
Sangay ng Lunsod ng Dipolog
Kinaroroonan ng Tanggapan: Olingan, Lunsod ng Dipolog
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
Telebisyon Iskrip ni: Monina R. Antiquina
EPS – AP
SDO – Dipolog City

Insert Station ID Pambungad na Musika…

Panimula ng Titser Brodkaster Guro: Magandang umaga po sa lahat sa ating mga tagasubaybay sa ating
programang pangkaalaman ng Deped. Magandang umaga din po sa lahat ng
mga mag-aaral na nanonood ngayon lalong lalo na ang mga Grade 9 at sa
lahat ng ating mga mahal na magulang na gumagabay sa pagkatuto ng
kanilang mga anak at sa lahat po ng nanonood ngayon sa atin.

Ako nga po pala si Teacher ________ . Ikinalulugod ko pong kayo ay aking


makakasama sa ating programa ngayon, sana’y kapupulutan natin ng
panibagong kaalaman at aral ang ating matutunan mula sa panonood at
pakikinig ninyo sa oras na ito.

Guro: Bago tayo magsimula, may mga importanteng paalala muna ako. Una,
makinig ng mabuti habang ako ay nagsasalita, iwasan muna ang ibang
ginagawa habang hindi pa natatapos ang ating programa. At pangatlo, kung
may hindi maintindihan, maaaring magtanong kay nanay, tatay, ate, kuya o
kung sino man ang kasama sa bahay o kay teacher pagkatapos ng programa.
Paki handa ang inyong mga module at maging komportable sa inyong
kinauupuan.

I flash sa TV screen ang mga layunin.


Layunin ng aralin:
Guro: Handa na ba kayo?! Sisimulan na natin ang ating paglalakbay patungo
Mga Nilalaman (Paksa/ Aralin) sa karunungan!

C. Ugnayan ng Kita, Pag- iimpok, at Pagkonsumo Guro: Bago muna ang lahat-lahat sa ating talakayan ngayon ay ipapaalam ko
muna ang mga dapat ninyong matutunan sa paksang aralin natin. Ang ating
1. Kaugnayan ng Kita sa Pagkonsumo at Pag- iimpok paksa ay tungkol sa Aralin 3, pinamagatang Ugnayan ng Kita, Pag-iimpok at
2. Katuturan ng Consumption at Savings sa Pag-iimpok Pagkonsumo (Paggasta)

Mga Pamantayan sa Pagkatuto:


Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na
ito, ang mag-aaral ay inaasahang;

MELC’s: Napapahalagahan ang pag-iimpok at


pamumuhunan bilang salik ng ekonomiya
Guro: Yan ang ating dapat na matutunan pagkatapos ng talakayan natin sa
Inaasahang din na ikaw ay: paksang ito.

a. nakapagbibibigay ng kahulugan ng Kita, Pag- Guro: Malinaw ba mga mag-aaral? Inaasahan ko na makakamit natin ang
iimpok at Pagkonsumo. mga pagkatutong ito.
b. nakapaglalarawan ang ugnayan ng kita, pag-
iimpok at pagkonsumo.
c. Naisasagawa ang lahat ng Gawain sa modyul na
ito.

Patalastas (Commercial Break)

Guro: Sa ating pagbabalik sisimulan natin ang ating talakayan kaya


manatiling nakaantabay sa ating programa.

Iflash sa TV Screen.
Guro: Sa nakaraang aralin, natutunan ang tungkol sa Pambansang
Kita. Dito nasuri ang Pambansang Kita/ Gross National Product – Gross
Domestic Product) bilang panukat ng kakayahan ng isang ekonomiya.
Nakilala rin ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang produkto
at napag-alaman ang mga kahalagahan sa pagsukat ng pambasanbg kita.
Ngayon ay mapag-aaralan ang tungkol sa ugnayan ng Kita, Pag-
iimpok at Pagkonsumo.
Ang kakayahang kumonsumo ng tao ay nakabatay sa salapi na
maaari nitong gastusin. Ang salapi namang maaaring iimpok ay nakabatay
kung magkano ang matitirang salapi matapos ibawas ang salaping ginamit
sa pagkonsumo. Mauunawaan sa araling ito ang ugnayan ng
pangkalahatang kita, pag-iimpok, at pagkonsumo.

I flash sa screen (PPT) ang mga tanong sa ating Guro: Sa puntong ito, nais kong malaman kung ano ang bahagdan ng
Subukin nalalaman ninyo tungkol sa ating paksang aralin. Kumuha ng sagutang
papel para sa Paunang pagsubok.

(Bigyan ng eksaktong panahon sa pagsagot sa paunang pagsubok)

Guro: (Pagkatapos ng takdang oras ng pagsagot) Okay. Inaasahan ko na lahat


kayo ay tapos na sa ating paunang pagsubok. Ang mga sagutang papel ay
ipapasa kasama ng lahat ng inyong mga natapos na Gawain sa buong
linggong ito.
I flash sa TV screen ang mga tanong sa Balikan
(Habang naka flash sa TV ang mga aktibidad dapat Guro: Magbalik aral tayo Class. Handa na ang lahat para sa bahaging ito?
ay may hawak- hawak na module ang mga mag-
aaral)
Gawain A: Ano sa iyo? Ibigay ang sariling kahulugan mo sa mga
sumusunod na konsepto. Gawin ito sa sagutang papel.
Mga Tanong:
Para sa akin ang Kita ay _________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Ang Pagkonsumo ay ______________________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Ang Pag-iimpok ay ________________________________________________


__________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

I flash sa screen ang tungkol sa Gawain sa Guro: Bago tuluyang talakayin ang ating paksa, nais kong magkaroon muna
Tuklasin. kayo ng pagsasanay sa susunod nating Gawain.

Gawain B: Mangarap Ka at Tuparin


Sitwasyon: Gusto mong magkaroon ng ipon na isang daan at limampung peso
(150.00) bawat linggo at mayroon ka lang P50.00 na allowance bawat araw, ano ang
mga dapat mong gawin upang matupad ito? Sagutin ang mga tanong sa ibaba upang
maisagawa ang Gawain. Isulat sa sagutang papel ang magiging kasagutan.

1. Paano ka magkakaroon ng kita?

Sagot:_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
__________________.

2. Paano mo iipunin ang P150.00 bawat linggo?

Sagot:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
______________________________________.
Iflash sa Tv Screen ang sagot.

3. Paano ang gagawing mong paggastos sa P50.00 mong allowance bawat


araw?

Sagot:
_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________.

Guro: Ngayon ay dapat lahat nakatuon sa susunod nating Gawain ang


pagtalakay natin sa paksa.

Guro: Sa parting ito ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang


tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang-aralin. Dito
I flash sa screen ang tungkol sa Suriin.
tinitiyak na ikaw ay maihahanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga
impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon
ka ng mahahalagang ideya sa mga konsepto ng kita, pag-iimpok at
pagkonsumo. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang babasahin
at Gawain upang masagot mo paano ang kaugnayan ng kita, ipon at
paggasta o pagkonsumo. Halika at umpisahan na ang masayang pagbabasa
at pang-unawa sa paksa.
Patalastas (Commercial Break)

Guro: Nagbabalik tayo sa ating klaseng panghimpapawid. Sa yugtong ito


Class, tunghayan natin ang tungkol sa ating paksa. Habang binabasa ko ang
teksto ng ating aralin, basahin din sa inyong hawak na module ang mga ito
at sabayan ninyo ako. Umpisahan natin.

UGNAYAN NG KITA, PAGKONSUMO AT PAG-IIMPOK

Nakahawak ka na ba ng malaking halaga ng pera? Sabihin na nating isang


libong piso o higit pa. Paano mo iyon pinamahalaan? May mga tao na kapag
nakakahawak ng pera ay mag-iisip kung papaano ito palalaguin. Mayroon
namang impulse buyer, basta may pera bili lang nang bili hanggang sa
maubos. At kung wala nang pera, saka maaalala kung ano ang kaniyang
pangangailangan. Ikaw, isa ka ba sa kanila? Ano para sa iyo ang pera at
paano ito dapat gamitin?

Ang pera katulad ng ating mga pinagkukunang-yaman ay maaaring maubos.


Ang pera ay ginagamit sa pagbili ng mga bagay na kinakailangan upang
mapunan ang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao. Ang pagkonsumo
gamit ang salapi ay kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at
pagdedesisyon upang mapakinabangan nang husto at walang nasasayang.
Ang pinanggagalingan ng pera ng maraming tao ay ang kanyang kita. Ang kita
ay halagang tinatanggap ng tao kapalit ng mga produkto o serbisyong
kanilang ibinigay. Sa mga nagtatrabaho, ito ay suweldo na kanilang
tinatanggap. Ang KITA ay maaring gastusin sa mga pangangailangan at
kagustuhan at iba pang mga bagay na kinukonsumo. Subalit dahil sa
paggasta ng pera, mayroong pang ibang bagay na maaring gawin dito. Maari
itong itabi o itago bilang savings o ipon.

Sa “Macroeconomics” ni Roger E. A. Farmer (2002), sinabi niya na ang savings


ay paraan ng pagpapaliban ng paggastos. Ayon naman kina Meek, Morton at
Schug (2008), ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit sa pagkonsumo, o
hindi ginastos sa pangangailangan. Ang ipon na ginamit upang kumita ay
tinatawag na investment. Ang economic investment ay paglalagak ng pera sa
negosyo. Ang isang indibidwal ay maaari ring maglagay ng kanyang ipon sa
mga financial asset katulad ng stocks, bonds, o mutual funds.

Bakit ba kailangan ng savings? Ano ba ang halaga nito? Ang pera na iyong naipon bilang
savings ay maaaring ilagak sa mga Financial Intermediaries tulad ng mga bangko. Ang mga
bangko at iba pang financial intermediaries ay nagsisilbing tagapamagitan sa nag-iipon ng
pera at sa nais umutang o mag-loan. Ang umuutang o borrower ay maaaring gamitin ang
nahiram na pera sa pagbili ng asset (pagmamay-ari) na may ekonomikong halaga o gamitin ito
bilang karagdagang puhunan. Ang pera na iyong inilagak sa mga institusyong ito ay maaaring
kumita ng interes o dibidendo.

Kung itatago mo nang matagal na panahon sa alkansiya ang iyong pera, hindi
ito kikita at maaari pang lumiit ang halaga dahil sa implasyon. Bukod dito,
dahil sa pagtatago mo at nang maraming tao ng pera sa alkansya, maaaring
magdulot ng kakulangan sa supply ng salapi sa pamilihan. Makabubuti kung
ilalagak ang salapi sa matatag na bangko o iba pang financial intermediaries
upang muling bumalik sa pamilihan ang salaping inimpok.

I flash ang Pigura sa screen


Suriin ang pigura:

Suriin ang Pigura:


Pamprosesong Tanong: Isulat sa sagutang papel ang inyong sagot.

1. Ano ang pakakaiba ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok?


2. Ano ang papel na ginagampanan ng financial intermediaries?
3. Kung ikaw ay mag-iimpok, ano ang maaaring pakinabang mo dito?

Guro: Tunghayan ang ugnayan ng Kita, Ipon at


Paggasta/Pagkonsumo: Batay sa binasang teksto, paano ang
nagaganap na ugnayan ng kita, ipon at paggasta? Isulat sa
saguatng papel ang mga sagot.

Mga Gabay na Tanong:

1. a. Sa iyong sariling pagkakaintindi sa modelong daloy ng ugnayan ng


kita, ipon at pagkonsumo, ano ang ugnayan ng Naimpok (Savings) sa
Financial Intermediaries sa utang (loans)?
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
____________________.

1.b. Ano ang kaugnayan ng Utang (Loans) sa Nangungutang sa Financial


Intermediaries?
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________.

1.c. Ano ang kaugnayan ng Pag-aari (Assets) sa Financial Intermediaries sa


Interest at Dibidendo?
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________.
1.d. Ano ang kaugnayan ng Interest at Dibidendo sa Nag-iimpok sa
Naimpok (Savings)?
Sagot:____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
______________________________.

Guro: Lahat ng mga gawain na ibinibigay upang inyong sagutin, ay


dapat sagutin parte ito ng portfolio ninyo. Lahat ay ipapasa kalakip
ng lahat ng Gawain sa loob ng linggong ito. Maliwanag ba sa inyo
Class? Meron bang katanungan?

7 HABITS OF A WISE SAVER

1. Kilalanin ang iyong bangko.


Alamin kung sino ang may-ari ng iyong bangko – ang taong nasa likod
at mga taong namamamahala nito. Magsaliksik at magtanong tungkol
sa katayuang pinansiyal at ang kalakasan at kahinaan ng bangko. Ang
Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), Bangko Sentral ng
Pilipinas (BSP), Securities and Exchange Commission (SEC), at ang
website ng bangko, dyaryo, magasin, telebisyon, at radyo ay
makapagbibigay ng mga impormasyong kailangan mong malaman.

2. Alamin ang produkto ng iyong bangko.


Unawain kung saan mo inilalagay ang iyong perang iniimpok. Huwag
malito sa investment at regular na deposito. Basahin at unawain ang
kopya ng term and conditions, huwag mag-atubiling linawin sa mga
tauhan ng bangko ang hindi nauunawaan.

3. Alamin ang serbisyo at mga bayarin sa iyong bangko.


Piliin ang angkop na bangko para sa iyo sa pamamagitan ng iyong
pangangailangan at itugma ito sa serbisyong iniaalok ng bangko.
Alamin ang sinisingil at bayarin sa iyong bangko.

4. Ingatan ang iyong bank records at siguruhing up-to-date.

Ingatan ang iyong passbook, automated teller machine (ATM), certificate


of time deposit (CTD), checkbook at iba pang bank record sa lahat ng
oras. Palaging i-update ang iyong passbook at CTDs sa tuwing ikaw ay
gagawa ng transaksiyon sa bangko. Ipaalam sa bangko kung may
pagbabago sa iyong contact details upang maiwasang maipadala ang
sensitibong impormasyon sa iba.

5. Makipagtransaksiyon lamang sa loob ng bangko at sa


awtorisadong tauhan nito.
Huwag mag-alinlangang magtanong sa tauhan ng bangko na magpakita
ng identification card at palaging humingi ng katibayan ng iyong naging
transaksiyon.

6. Alamin ang tungkol sa PDIC deposit insurance.


Ang PDIC ay gumagarantiya ng hanggang Php500,000 sa deposito ng
bawat depositor. Ang investment product, fraudulent account (dinayang
account), laundered money, at depositong produkto na nagmula sa hindi
ligtas at unsound banking practices ay hindi kabilang sa segurong
(insurance) ibinibigay ng PDIC.

7. Maging maingat.

Lumayo sa mga alok na masyadong maganda para paniwalaan. Sa


pangkalahatan ang sobra-sobrang interes ay maaring mapanganib.
Basahib sa Circular 640 ng Bangko Sentral para sa iba pang
impoprmasyon tungkol ditto.
Guro: Tayo’y nagbabalik pa rin sa ating talakayan. Kayo ba ay
nakakasunod sa ating talakayan Class? Ngayon ay magkakaroon tayo
ng isa pang Gawain.

Gawain A. Four- Square Graphic Organizer. Ibigay ang hinihiling ng


konsepto sa bawat kahon. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
Guro: Tandaan na ang lahat ng Gawain ay gagawin sa inyong
sagutang papel. Huwag na huwag susulatan ang module na inyong
hawak.
Gawain B. Concept Map: Ibigay ang hinihiling. Isulat sa sagutang papel ang
sagot. Tingnan sa screen at sa inyong module kung ano ang hinihiling ninyo
na gawin.

Guro: Sa pagkakataong ito, ay matutunghayan ninyo ang mga


kaalaman na dapat tandaan at malaman tungkol sa ating paksang
aralin. Mahalaga ang mga ito dahil ito ang nagbibigay linaw tungkol
sa ating paksa.
Marapat lang na ang mga ito ay dapat maintindihan at maisaulo dahil
ito ang pinaka buod ng ating matututunan.

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

1. Ang pera ay tulad ng ating pinagkukunang yaman ay maaaring maubos.

2. Ang pagkonsumo gamit ng pera o salapi ay kinakailangan din ng matalinong pag-iisip at


pagdedesisyon upang mapakinabangan ito nang husto at walang nasasayang.

3.Ang kita ay halagang natatanggap ng tao kapalit ng produkto o serbisyong ibinibigay. Ang
tawag sa tinatanggap ng mga empleyado ay suweldo o sahod.

4. Merong pang ibang bagay ang gamit ng pera bukod sa paggasta. Ito ay maaring itabi o itago
bilang savings o ipon.

5. Ayon kay Roger E.A. Farmer sa kanyang aklat na Mcroeconomics 2002, ang savings daw ay
paraan ng pagpapaliban ng paggastos.

6. Ayon naman kina Meek, Mortar at Schrug (2008) ang ipon o savings ay kitang hindi ginamit
sa pagkonsumo o hindi ginastos sa pangangailangan.
7. Ang investment ay mga ipon na ginamit upang kumita.

8. Ang Economic investment ay paglalagak ng pera sa negosyo.

9. Ang isang tao ay maaaring maglagak ng ipon sa mga financial asset tulad ng stocks, bonds
o mutual funds.

10. Ang mga bangko ay tinatawag din na mga financial intermediaries ay nagsisibilbing
tagapagitan sa mga nag-iipon ng pera at sa mga nais umutang o mag-loan.

11. Ang mga umuuatang o borrowers ay maaaring gamitin ang nahiram na pera o salapi sa
pagbili ng asset (pagmamay-ari) na may ekonomikong halaga o kakayahang gamitin para sa
karagdagang puhunan.

12. Ang pera na naipon o nailagak sa mga bangko o financial intermediaries ay maaring
kumita ng interest o dibidendo.

13. Kung itatago nang matagal na panahon ang inyong pera sa alkansiya hindi ito kikita at
maaaring lumiit ang halaga nito dahil sa implasyon.

14. Ang Implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng halaga ng mga bilihin at magpapababa sa
halaga ng pera.

15. Ang pagtatago ng pera nang matagal na panahon sa alkansiya ay magdudulot ng


kakulangan ng suplay ng pera sa sirkulasyon.

Upang higit ninyong mapag diinan ang pagkatuto sa ating paksa ay may mga
karagdagang pang Gawain upang higit ang matutunan natin.

Handa na ba ang lahat? Okay itutuloy natin ang mga Gawain:

Gawain 1- ANO KA? Ano ang Impulse Buying? Ikaw ba ay isang Impulse Buyer? Oo o
Hindi? Bakit? Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Sagot:_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________.
Gawain 2- Checklist: Lagyan ng tsek (√) ang mga bagay na sumasang-ayon,
tandang pananong (?) kung hindi ka tiyak sa iyong paniniwala tungkol sa paghawak
at pag iingat ng pera at ekis (×) kung hindi ka sumasangayon.
Ang pagsusuri sa sarili ay nakakatulong para magkaroon ka ng balanseng pananaw
sa pera. Halimbawa, itanong sa iyong sarili ang mga sumusunod:
Guro: Sa pagkakataong ito alam kong marami na kayong natutunan sa ating
talakayan. Tingnan nga natin kung hindi ako nagkakamali. Maghanda kayo
Class para sa huling pagsubok. Dito malalaman natin kung totoo nga na may
mga natutunan kayo.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik
na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

( Magtakda ng eksaktong panahon para sa pagsagot)

Guro: Para sa mga huling Gawain tingnan ang ating screen upang magkaroon kayo
ng ideya sa susunod na Gawain.

Gawain 1: Iguhit Mo! Kung ikaw ay isang bagay o simbolo na maikukumpara tungkol
sa pag-iingat at paggasta mo sa iyong pera, ano ka na bagay o simbolo? Iguhit ito at
ipaliwanag bakit iyan ang sumisimbolo sa iyo.Gawin ito sa sagutang papel.
Gawain 2: Bumuo ng maikling katha, kanta, tula o sanaysay na
naglalarawan sa iyo sa paghawak, paggasta at pag-iingat mo sa iyong pera.
Gawin ito sa sagutang papel.

Sagot:____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
______________________________________________.
(Playing Background Program Music)
Guro: Mga mahal kong mga mag-aaral, dumating na ang punto na
pansamantalang tatapusin natin ang ating sesyon sa araw na ito. Magiging
malugod ako na magkikita-kita ulit tayo sa ating susunod na serye.

Hangad kong ang inyong kaligtasan.

Magandang araw sa inyong lahat at maraming salamat sa inyong


pakikibahagi.

Paalam sa inyong lahat at sa susunod na TV serye ng ating Panghimpapawid


na tele-aralan.

You might also like