You are on page 1of 24

12

Andres Bonifacio:
Ang Tao Bilang Nagkatawang
Ispiritu
MAGITING Modyul
Andres Bonifacio: Ang Tao Bilang Nagkatawang Ispiritu
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Tonisito M.C Umali, Esq.
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Genoveva M. Mapa


Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag, Lani A. Miraflor
Tagasuri ng Wika: Donna Erfe Aspiras, Christina Chioco, Ralph Gigante,
Romeo P. Lorido, John Ocampo, Gilda Panuyas,
Grace Valenton, Bennedick Viola,
Julie Ann M. Villanueva
Tagasuri ng Anyo at Larawan: John Paul C. Paje, Leonardo S. Amarila
Tagadisenyo ng Modyul: Jeremy P. Daos, Donnell C. Gomez,
Mark Anthony D. Mangiduyos, Danilo V. Nuñez Jr.,
Jonathan Paranada, John Paul C. Paje,
Ryan C. Pastor, Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit: Samuel C. Bermudez
Tagalapat: Nycole Anne M. Moraña
Tagapamahala: Jocelyn D. Andaya, Leila P. Areola,
Ariz Delson Acay Cawilan, Ernani O. Jaime,
Rowel Padernal, Romeo B. Parayno,
Rosalie Masilang, Staff of Directors
May B. Eclar, Nicolas T. Capulong, Librada M. Rubio
Angelica M. Burayag, Rosalinda Ibarra,
Ma. Editha R. Caparas, Manolito B. Basilio,
Garry M. Achacoso

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region III


Office Address: Matalino St., D. M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
12
MAGITING Modyul
Andres Bonifacio:
Ang Tao Bilang Nagkatawang
Ispiritu
Pagkilala at Pasasalamat

Taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot namin sa mga may-akda


ng mga sanggunian, huwaran at lunsarang akda na aming ginamit sa
Magiting modyul na ito. Sila ay hindi matatawaran sa higit na kasanayan
at kakayahan sa paglikha ng mga akdang maipagkakapuri’t
maipagmamalaki ng lahing Kayumanggi.
Pasasalamat sa mga pinagpipitaganang kawani ng Kagawaran ng
Edukasyon sa pangunguna ni Tonisito M.C. Umali, Esq., Deped
Undersecretary, Edel B. Carag, Director III, External Partnership
Services, Ernani O. Jaime, PhD, Supervising Education Program
Specialist, Bureau of Learnig Delivery, Rosalie Masilang, PhD,
Supervising Education Program Specialist, Rowel Padernal, Senior
Education Program Specialist, Bureau of Curriculum Development, at
Romeo Parayno, Head - Special Event,
Pasasalamat din kina May B. Eclar, PhD, CESO III - Regional
Director, Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V- Director III, Officer-In-
Charge, Office of the Regional Director, Rhoda T. Razon, EdD, CESO V -
Assistant Regional Director, Ronelo AL K. Firmo, PhD, CESO V -
Schools Division Superintendent, Officer-In-Charge, Office of the
Assistant Regional Director, Librada M. Rubio, PhD, Chief CLMD, at
Angelica Mangawang-Burayag, PhD, Regional Digital Magiting Module
Focal Person. Gayundin kina Ruel T. Maranan, President, Ayala
Foundation Incorporated, at Celerina R. Amores, Senior Director,
Corporate Communication, at Ayala Foundation Incorporated.
Sa mga manunulat na nagsipaghandog ng tulong at nagbahagi ng
kaalaman upang mapadali’t mabuo ang Magiting modyul na ito,
maraming salamat.
Naging mahalagang bahagi kayo ng pamanang ihahain sa ating
mga kabataan at mamamayang naghahanap ng yaman ng ating
kinagisnang kultura at panitikan.
Ipinaaabot din ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naglaan
ng oras at panahon upang matapos ang modyul na ito, at higit sa lahat
pasasalamat sa Dakilang Maykapal na gabay nating lahat.

Mga May-akda
Paunang Salita
Para sa mga dakilang Guro:

Isang mabungang paggabay na matutuhan ang mga aralin sa


asignaturang Pambungad sa Pilosopiya ng Tao. Halina’t pagsumikapang
basahin at unawain ang nilalaman ng Magiting Modyul.

Inihanda ang modyul na ito para sa mga mag-aaral upang


mapahalagahan ang mga natatanging kultura na ipinamana ng mga bayaning
Pilipino. Kinalap ang mahahalagang paksa, inayos at sinuri ng mga dalubhasa
upang epektibo na maisabuhay ang pagiging magiting ng sambayanang
Pilipino. Sasamahan ka ng iyong guro na unawain ang nilalaman ng modyul na
ito salig sa itinakda ng K to 12 Kurikulum upang maitanim sa iyong isipan at
maisagawa ang kabutihang-asal sa kapwa na tatak ng Pagka-Pilipino.

Ang modyul na ito ay magsisilbing instrumento upang malinang ang


kasanayan ng bawat mag-aaral, magabayan sa malayang pagkatuto ng mga
gawain at maipagmalaki ang pagiging magiting na isa sa pagkakakilanlang
Pilipino.

Ito ay binubuo ng mahahalagang aralin at mga kaukulang gawain na


lilinang sa kanilang kasanayan na maipakita ang angking husay at
pagmamalasakit sa kapwa Pilipino. Tumutugon sa itinadhana ng batas ng
Pilipinas para mapatnubayan ang mga mag-aaral na gawin ang kabutihan para
sa karangalan ng bansa.

Sisikapin ding matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral na


magkaroon ng mga kaalaman na kanilang magagamit sa sariling pag-unlad
bilang isang magiting na Pilipino. Isinaalang-alang din ng mga dalubhasa ang
kalagayan ng mga mag-aaral na mapagtagumpayan na masagutan ang bawat
gawain.

Bilang tagapamatnubay, inaasahan na nakapaghanda ka ng panimulang


impormasyon na gagabay sa mga mag-aaral kung paano magiging instrumento
ang modyul na ito sa kanilang pag-aaral. Sa ibibigay na modyul ay inaasahan
na gagabayan at aalalayan ng guro ang mga mag-aaral kaugnay sa kanilang
mga tala ng pag-unlad na siyang magiging batayan sa pagkatuto ng bawat
mag-aaral. Pananatilihin ang pagsubaybay sa mga mag-aaral kaugnay sa
kanilang pagsagot sa mga nakalagay na tanong sa bawat gawain ng modyul.

Para sa mga mag-aaral:

Maalab na pagbabahagi ng kaalaman sa pamamagitan ng malalim na


pag-unawa at pagpapahalaga sa Magiting Modyul.

Ang ilaw ng lampara ay magsisilbing tanglaw ng bawat mag-aaral upang


makita ang liwanag na gagabay sa paglinang ng bawat kasanayan upang
matuto at mapagtagumpayan ang bawat gawain. Ang magiting modyul na ito ay
tulad ng isang ilaw na sumisimbolo na handa sa mga pagsubok o hamon ng
buhay. Sa kabila ng mga unos ay nananatiling maliwanag sapagkat ikaw,

i
bilang isang mag-aaral ay may kalayaang linangin ang bawat kasanayan
anuman ang iyong matututuhan ay magiging kaagapay mo ito upang ikaw ay
maging matagumpay na kabataang Pilipino.

Binuo ang modyul na ito upang matulungan ka na malinang ang


pagpapahalaga sa kulturang pamana gaya ng pagiging magiting na taglay ng
ating mga bayaning Pilipino. Habang ikaw ay wala sa pormal na silid-aralan,
layunin ng modyul na ito na ipagpatuloy ang iyong pag-aaral at pagkatuto
kaugnay sa mahahalagang aralin na bahagi ng ating kultura na makatutulong
sa bawat indibidwal na tiyak na maipagmamalaki hindi lamang ng ating sarili
kundi sa buong mundo. Nawa’y magiging kapaki-pakinabang ang bagay na ito
para sa iyong pagkatuto.

Ang modyul na ito ay madaling gamitin o user friendly. May pitong


bahagi ito na binigyan ng katumbas na icon upang madali mong maunawaan
ang mga gawaing nakapaloob sa bawat bahagi nito.

Narito ang mga bahagi ng modyul na dapat mong matandaan.

Sa bahaging ito sisimulang ilahad ang


Magsimula Tayo mga pangunahing konsepto na dapat
mong matutuhan sa buong modyul.

Nilalaman ng bahaging ito ang mga


Pamantayan sa Pagkatuto, Most
Adhikai’y Tipunin Essential Learning Competencies
(MELC), mga layunin na inaasahang
iyong matatamo sa pagtatapos ng
aralin

Ang maikling pagsusulit na nilalaman


Gumising sa ng bahaging ito ay naglalayong tayahin
Panimulang Gawain ang iyong mga paunang kaalaman
tungkol sa aralin.

Ipakikilala sa iyo sa bahaging ito ang


Isagawa Natin bagong aralin sa pamamagitan ng
mga kakaiba at mapanghamong
gawain na dapat mong maisagawa
Patatalasin ang iyong isipan ng
bahaging ito habang binibigyan ka ng
Taliman ang maikling pagtalakay sa aralin. Dito ay
Pagsusuri bubuksan sa iyo ang mga bagong
konsepto at mga kasanayan na dapat
mong matamo.

ii
Nakapaloob sa bahaging ito ang mga
gawain para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
Isapuso’t Isaisip mapagtibay ang iyong pagkaunawa sa
aralin. Matitiyak mo ang katumpakan
ng iyong sagot sa mga gawain dito sa
bahaging Susi ng Pagwawasto.
Naglalaman ito ng mga gawain o
katanungan na may layuning
maiproseso ang iyong mga natutuhan
Naisasabuhay at
Napagninilayan mula sa aralin. Sa bahaging ito ay
isasalin mo ang natamong bagong
kasanayan o kaalaman sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Susukatin ng mga gawain sa bahaging


Galing ay Patunayan ito ang antas ng iyong pagkatuto na
nakamit sa aralin o kompetensi.

Sa bahaging ito makikita ang mga


Talahulugan terminolohiya at hindi pamilyar na
salitang ginamit sa modyul at ang
kahulugan ng mga ito.
Dito mo matutunghayan ang mga
tamang sagot sa lahat ng mga gawain
Susi sa sa modyul. Ang antas ng puntos na
Pagwawasto iyong makukuha ang magpapakita sa
iyo kung nakasunod ka ba sa gawain
at aralin.
Ito ang nakaayos na tala ng lahat ng
naging sanggunian, reperensiya,
Sanggunian babasahin at iba pang materyal na
naging batayan ng mga konsepto at
aralin na tinalakay sa modyul na ito.

Pakatandaan ang mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Huwag kabagutan ang pagbabasa. Basahin nang may pag-unawa ang


bawat bahagi ng modyul. Tandaan na sa pagbasa nakasalalay ang
pagkatuto.
2. Pakaingatan ang paggamit ng modyul. Hindi marapat na lagyan ng anumang
marka, guhit o sulat ang alinmang bahagi ng modyul. Huwag ding itupi o
pilasin ang alinmang pahina nito.
3. Sagutin ang lahat ng gawain sa modyul simula sa bahaging Gumising sa
Panimulang Gawain bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa

iii
modyul. Ang Karagdagang gawain ay ang huling gawaing dapat
maisakatuparan.
4. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago sagutin o gawin ang
bawat pagsasanay. Maglaan ng hiwalay na papel para sa pagsagot sa mga
gawain.
5. Maging matapat sa sarili, sa pagsagot sa pagsasanay, pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
6. Huwag magpalipat-lipat sa mga bahagi ng modyul. Makabubuting simulan
ito sa pinakaunang bahagi hanggang sa pinakahuli. Makatutulong ito sa
iyo upang maiwasan ang kalituhan sa mga konsepto at nang masagot mo
nang wasto ang mga gawain at pagsasanay.
7. Pananagutan mong ibalik ang modyul na ito sa iyong guro para sa tamang
pagtataya kung ikaw nga ay naging matagumpay sa pagtatamo ng
pagkatuto gamit ang modyul na ito.
Kung may bahagi ng modyul na ito na nahihirapan kang unawain ang
aralin at sagutin ang mga gawain, sumangguni o humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasambahay
na makapagtuturo at gagabay sa iyo. Kung hindi pa rin ito sapat ay
komunsulta agad sa iyong guro o tagapagdaloy. Marapat na bukas lagi ang
linya ng komunikasyon sa pagitan mo at ng iyong guro.

Tandaan na ang ikapagtatagumpay mo sa pag-aaral sa modyul na ito ay


nasa iyong mga kamay. Tara na at simulan mo na ang pagtuklas ng
karunungan, magtiwala ka lamang sa iyong sarili. Kaya mo ito!

iv
Magsimula Tayo

Sa modyul na ito ay matutunghayan mo ang dapat mong malaman kung


paano mo malampasan ang iyong mga kahinaan at magawan ng paraan upang
ito ay maging kalakasan.

Ang tao ang sentro ng pilosopiya at sa pag-unawa ng likas na katangian


nito. Siya ang pangunahing layunin ng disiplina. Tao ang may mataas na
kakayahan at talino na nagiging dahilan upang maging dominante sa ibabaw
ng lupa.

Ayon kay Andres Bonifacio, “walang mahalagang hindi inihandog ng may


pusong mahal sa bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot”. Marapat lamang na mahalin at magsilbi
nang buong katapatan sa bayan at sa mga mamamayan dahil sa ating angking
talino. Gamitin ang talino, isip at kakayahan upang malampasan ang mga
limitasyon.

Maraming regalo ang Diyos sa tao na kung minsan ay napapabayaan na


pahalagahan at paunlarin. Tao ang obra maestra ng Diyos kaya malaki ang
kaniyang responsibilidad na makipagtulungan sa kanyang paligid na gawing
makabuluhan,mabunga at kapaki-pakinabang.

Ang pagiging tao ay may malaking pagkakaiba sa hayop dahil sa


kaniyang kakayahang makipag-ugnayan sa kapuwa kasama ang ekspresyon ng
mukha, galaw at tindig ng tao. Kasama sa kalikasan ng tao ay ang pisikal na
gawain. Siya ang responsable sa sarili at kapwa- tao sa lipunang ginagalawan,
sa Diyos at ang kanyang layunin sa buhay bilang tao.

Lahat ay may tungkulin na gawing makabuluhan ang buhay. Gumawa


ng mga bagay na magbibigay inspirasyon sa iba upang pamarisan hindi upang
wasakin ang mabuti at maganda.

Ang anumang kahinaan ay gawing kalakasan. Kaya natin ito. Subukan


mo!

1
Adhikai’y Tipunin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga leksyon


patungkol sa tao bilang nagkatawang ispiritu.

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. nasusuri ang sariling limitasyon o kahinaan at posibilidad para malampasan
ito. PPT11/12-If-3.1
a. naiisa-isa ang mga kahinaan ng tao;
b. natutukoy ang mga paraan upang mapangibabawan ang mga limitasyon
ng tao; at
c. nabibigyang- solusyon ang ilang sitwasyon upang malampasan ang
limitasyon ng tao gamit ang isip.

Gumising sa Panimulang Gawain

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong at isulat
ito sa sagutang papel.

1. Siya ay nilalang na matalino kaya kayang-kaya niyang gawin ang lahat na


nais niya na inaakala niyang magpapasaya sa kaniya.
A. kaibigan B. tao
C. kapitbahay D. magulang
2. Maraming di-kayang gawin ang tao. Tukuyin ang isa sa mga ito.
A. lumipad B. mag-imbento
C. magsalita D. magtrabaho
3. Palatandaan ng pangingibabaw sa limitasyon ng tao.
A. mag-imbento B. magpalipad ng eroplano
C. lumangoy sa kailaliman D. lahat ng nabanggit

A. kapangyarihan B. talento
C. isip D. lahat ng natukoy

2
5. May_____________ ang tao upang magawa niyang higitan ang anumang
bagay na nais niyang gawin.
A. ispiritwal na kakayahan B. imahinasyon
C. mahika D. Birtud
6. Isang esensiya ng paglampas sa limitasyon ng tao ay ang __________.
A. pag-amin sa kahinaan B. magtanong sa mga eksperto
C. mag-eksperimento D. magbasa nang magbasa
7. Ang ibig sabihin ng “baguhin ang sarili para sa mas mahusay “sa esensiya
ng paglampas ng limitasyon ay;
A. pagpalit ng mga kasuotan at istilo B. pagsubok sa sariling
kakayahan
C. pagpalit ng mga kagamitan D. lahat ng nabanggit
8. Kapag natukoy mo ang mga posibleng maging simula ng iyong pag-unlad ito
ay nangangahulugan ng _________.
A.tagumpay B.kababaang -loob
C.pagsikapang isakatuparan D.mag-ensayo
9. Bawat tao ay may kakayahang hanapan ng solusyon ang pagsubok
kung_______.
A. matalino B. hinaharap ang pagsubok
C. madiskarte D. masipag
10. Ang kakayahangmalampasan ang limitasyon ng nangangahulugan din
ng______________.
A. magaling B. talentado
C. nakikiuso D.may kontrol sa sarili tao
11. Nasubukan mo na bang naisip kung ano ang sa kabila ng mundo? Ibig
sabihin nito ikaw ay _________.
A.nagtatanong at nag-aanalisa B. malalim kang mag- isip
C.maraming tanong D.marami kang birtud
12. Ang pantapat sa di mo alam ay___________.
A. lagpasan B. alamin/diskobrehin
C. magtanong nang magtanong D. magdasal
13. Sa reyalidad ng buhay ang tao ay di lang mulat sa katotohanan kundi
____________ nito.
A. nakikialam B. nagpapagal
C. kasosyo D. kabahagi
14. Ang pakikibahagi ng tao sa kaniyang kapaligiran ay tanda ng ________
A. kakayahang umunlad B. pagsisikap
C. pag-aaral D. pakikialam
15. Ayon kay Socrates upang masabing tao ang isang tao kailangan niyang_____.
A. maging tapat sa sarili at kapintasan B. mag-aral
C. paunlarin ang sarili D. makiisa

3
Isagawa Natin

Gawain 1: Basahin at Unawain


Ang tao ay binubuo ng katawan at ispiritu na may maraming
oportunidad upang mag-aral at alamin ang rurok ng tagumpay at ang
pagkatao ng tao ngunit may kaakibat na limitasyon. Marami ang di niya
kayang gawin pero naghahanap siya ng paraan upang ang kaniyang
kakulangan ay mapunan. Ang kaniyang kakayahan ay nangingibabaw,
namamayani at nalalampasan ang kaniyang natural na limitasyon dahil sa
kaniyang angking husay at talento na nagiging dahilan ng kaniyang
pamamayani sa sankalupaan. Kumpara sa hayop tayo ay walang angking
bilis na katulad ng nagagawa ng hayop at lakas ng kanilang senses o
pandama. Sa kabila ng mga kahinaang ito: ang hindi nakakalipad ang tao,
nakaisip siya na lumikha ng eroplano upang marating ang alapaap. Walang
kakayahan na huminga sa ilalim ng tubig tulad ng mga isda ngunit
nakapag-isip siya na gumawa ng apparatus o kagamitan upang makahinga
sa ilalim ng tubig. At nakapag-imbento ng mga kagamitan upang maiangat
ang bagay o kargamento sa kabila ng kahinaan sa pagbubuhat.

Ang transcendence o ang kakayahan


o abilidad na lampasan ang limitasyon ay
isang katangian na nagpapaiba sa tao
kumpara sa ibang nilalang na nabubuhay.

Napakahalaga ng pag-iisip na
nagiging daan upang lampasan ang ating
limitasyon o to go beyond many of our
physical limits. Gamit ang imahinasyon at
pagmumuni nalalampasan natin ang ating
iniisip at karanasan. Nakakarating sa nais
mong paroroonan na di ka umaalis sa
iyong lugar. Binabalikan ang nakaraan at
naiisip ang kinabukasan dahil sa angking
pag-iisip. Madalas naiisip pa ng tao ang
mga bagay na wala pa sa kaniyang
kapaligiran.

Mahusay! Ituloy pa natin ang mga gawain.

4
Gawain 2: Alamin ang Natutunan
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang pangunahing bahagi ng katawan ng tao ang nagiging daan upang
malampasan ang kahinaan?
A. kamay B. paa
C. isip D. kalooban
2. Ano ang mayroon sa tao na wala sa ibang nilalang?
A. puso B. diskarte o diposisyon
C. damdamin D. isip
3. Ano ang dapat gawin kapag mayroong kang kakulangan?
A. mag-aral nang mabuti B. mag-isip nang paraan
C. magtanong/magsaliksik D. lahat nang nabanggit
4. Ang _________ o ang kakayahan o abilidad na malampasan ang limitasyon
ay isang katangian na nagpapaiba sa tao kumpara sa ibang nilalang na
nabubuhay.
A. transcendence B. mahika
C. ilusyon D. birtud
5. Paano pinatunayan ng tao na hindi siya natalo ng kaniyang kahinaan?
A. nagbasa at naglakbay B. nagsaliksik at sumubok
C. naglakbay at nag-isip D. nagsaliksik at nag-isip

Taliman ang Pagsusuri


Binabati kita! Iyong natapos ang mga unang gawain sa ating modyul.
Inaasahan ko na ikaw ay may natutunan.Ipagpatuloy natin. Handa ka na ba?

Gawain 1: Akalain Mo!!!


Panuto: a. Lagyan ng tsek() kung ang pahayag ay tumutukoy sa kahinaan.
b. Lagyan ng dalawang tesk () kung ito ay transcendence o
kakayahan na lampasan ang limitasyon.

______1. Hindi nakakalipad ang tao.


______2. Gumawa ng eroplano upang marating ang alapaap.
______3. Walang kakayahan na huminga sa ilalim ng tubig tulad ng mga isda.
______4. Gumawa ng apparatus o kagamitan upang makahinga sa ilalim ng
tubig.
______5.Nakapag-imbento ng mga kagamitan upang maiangat ang bagay o
kargamento.
5
Gawain 2: Kilalanin Mo Ako
Panuto: a. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon.
b. Isulat sa sagutang papel ang tandang pananong (?) kung malayo sa
katotohanan (beyond belief) at tandang padamdam (!) kung may
katotohanan.

Isang dapithapon naglalakad ka sa kabundukan (1)____, nang biglang


sumagi sa isip mo ang napanood mong palabas sa sinehan (2)____. Naalala mo
ang mga bidang kabayong may pakpak (3)____. Sinalubong siya ng kidlat na
kumikinang ang ngipin (4)____. Nagulantang ang mga magbubukid na nakakita
na papauwi na noon mula sa panghuhuli ng sampung palakang lalaki at limang
palakang babae upang ulamin (5)____.

Gawain 3: Proud to be Pinoy


Panuto: a. Awitin at unawain ang nilalaman ng awitin. “Mga Kababayan” ni
Francis Magalona.

b. Piliin ang letra ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong at


isulat ito sa sagutang papel.

“Mga kababayan ko
Dapat lang malaman nyo
Bilib ako sa kulay ko
Ako ay Pilipino
Kung may itim o may puti
Mayron naman kayumanggi
Isipin mo na kaya mong
abutin ang yung minimithi”

______1. Ano ang kahulugan ng linyang “bilib ako sa kulay ko”?


A. pagiging kayumanggi
B. positibong pagtanggap sa sarili
C. taas noo
D. lahat ng nabanggit

______2. Ano ang ibig sabihin ng salitang kayumanggi sa linyang “Kung may
itim o may puti. Mayron namang kayumanggi”?
A. Negro
B. Amerikano
C. Pilipino
D. Koreano

6
______3. Anong pag-unawa mo sa linyang ito?

“Mayron naman kayumanggi


Isipin mo na kaya mong
abutin ang yung minimithi”

A. libre ang mangarap


C. mithiin mo ,abutin mo
B. ang pangarap ay kayang abutin
D. Wala sa kulay nasa puso
______4. Ano ang ipinahihiwatig ng awitin sa pagiging Pilipino?
A. Ang Pilipino ay masipag at madiskarte
B. Tanggap ng Pilipino ang kanyang kulay
C. Hindi nakakahiya ang maging kayumanggi
D. Wala sa kulay ang pagkamit ng pangarap

______5. Anong kalakasan ang pinakikita ng awitin?


A. Pagiging Pilipino
B. Wala sa kulay ang pagkamit ng pangarap
C. Bawasan ang pagiging mahiyain
D. Malakas ang loob ng Pinoy

Gawain 4: Paligid Ko, Buhay Ko


Panuto: a. Piliin ang wastong sagot sa sumusunod na pahayag.
b. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

______1. Ang tao ay may kamalayan sa kanyang sarili at aktibong kalahok sa


realidad. Siya ay may kamalayan sa realidad hindi lamang ng kanyang
kapaligiran kundi kalahok din sa realidad. Ito ay nangangahulugan ng
______.
A. Hindi nabubuhay ang tao na mag-isa.
B. Kailangan ng tao ng kamalayan at pakikilahok sa kapaligiran
C. Dapat may malay ang tao sa paligid
D. Mahalagang may malay ka sa iyong sarili

______2. Ano ang mangyayari sa taong walang malay sa kanyang sarili


at kapaligiran?
A. Walang pakialam
B. hindi marunong makisama kaya walang kaibigan
C. Hindi binibigyang pagkakataon ang sarili na umunlad.
D. Lahat ng nabanggit
______3. Ang ibig sabihin ng realidad ay ______________?
A. katotohanan
B. kasulukuyan
C. lahat ng mangyayari

7
D. pakikiisa

______4. Siya ay may kamalayan sa realidad hindi lamang ng kanyang


kapaligiran kundi kalahok din sa realidad. Ito ay palatandaan ng
_____________.
A. mahalaga na may malay sa paligid at aktibong nakikiisa.
B. palatandaan ng katalinuhan
C. pakikialam sa nangyayari
D. kagalingan

______5. Ang tao ay may kamalayan sa kanyang sarili at aktibong kalahok sa


realidad. Anong mensahe nito?
A. pagpapasya sa sariling kamalayan at pakikipag-ugnayan
B. pakikiisa
C. may sariling mithiin
D. pakikibahagi

Gawain 5: Pak na Pak!!!


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang “T” kung tama ang tinutukoy ng pahayag
at “M” kung mali.

______1. Ang ating kalikasan bilang tao ay may kakayahan na lampasan ang
limitasyon.

______2. Ang tao ay binubuo ng ispiritu na may maraming oportunidad upang


mag-aral at alamin ang kapaligiran.

______3. Marami ang di niya kayang gawin pero naghahanap siya ng paraan
upang ang kanyang kakulangan ay mapunan.

______4. Mas malakas ang pandama ng hayop.

______5. Ang kakayahan ng tao ay nangingibabaw at namamayani.

8
Isapuso’t Isaisip

Ang transcendence o ang kakayahan o abilidad na lampasan ang


limitasyon ay isang katangian na nagpapaiba sa tao kumpara sa ibang nilalang
na nabubuhay.

Napakahalaga ng pag-iisip na nagiging daan upang lampasan ang ating


limitasyon o to go beyond many of our physical limits. Gamit ang imahinasyon
at pagmumuni nalalampasan natin ang ating iniisip at karanasan.
Nakakarating sa nais mong paroroonan na di ka umaalis sa iyong lugar.
Binabalikan ang nakaraan at naiisip ang kinabukasan dahil sa angking
pag-iisip. Madalas naiisip pa ng tao ang mga bagay na wala pa sa kanyang
kapaligiran.

Ang tao ay binubuo ng katawan at ispiritu na may maraming


oportunidad upang mag-aral at alamin ang kapaligiran at ang pagkatao ng tao
ngunit may kaakibat na limitasyon. Marami ang di niya kayang gawin pero
naghahanap siya ng paraan upang ang kanyang kakulangan ay mapunan. Ang
kanyang kakayahan ay nangingibabaw, namamayani at nalalampasan ang
kanyang natural na limitasyon dahil sa kanyang angking husay at talento na
nagiging dahilan ng kanyang pamamayani sa sangkalupaan. Ang pagiging tao
ay may malaking pagkakaiba sa hayop dahil sa kanyang kakayahang
makipag-ugnayan sa kapwa kasama ang ekspresyon ng mukha, galaw at tindig
ng tao. Kasama sa kalikasan ng tao ay ang pisikal na gawain. Siya ang
responsable sa sarili at kapwa tao sa lipunang ginagalawan, sa Diyos at ang
kanyang layunin sa buhay ng tao.

Kahinaan/ Limitasyon Transcendence/Paglampas sa Limitasyon

Hindi makahinga sa Gumawa ng apparatus upang


kailaliman ng tubig magamit sa kailaliman ng tubig.

Hindi makalipad Gumawa ng eroplano upang


sa himpapawid masakyan sa himpapawid.

Walang kakayahang Nag-imbento ng mga kagamitan


buhatin ang mga mabibigat upang mgaiangat ang mga bagay.

9
Naisasabuhay at Napagninilayan

Panuto: a. Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
talata.

b. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

pag-iisip binalikan
transcendence imahinasyon
katawan at ispiritu kaalaman

Ang __________________ o ang kakayahan o abilidad na lampasan


ang limitasyon ay isang katangian na nagpapaiba sa tao kumpara sa ibang
nilalang na nabubuhay.

Napakahalaga ng __________________ na nagiging daan upang lampasan


ang ating limitasyon o “to go beyond many of our physical limits”. Gamit
ang __________________at pagmumuni nalalampasan natin ang ating iniisip at
karanasan. Nakakarating ka sa nais mong paroroonan nang hindi ka umaalis
sa iyong lugar, __________________ mo ang nakaraan at naiisip ang kinabukasan
dahil sa kakayahang mag-isip. Madalas naiisip pa ng tao ang mga bagay na
wala pa sa kanyang kapaligiran. Ang tao ay binubuo ng __________________ na
may maraming oportunidad upang mag-aral at alamin ang kapaligiran at ang
pagkatao ng tao ngunit may kaakibat ito na limitasyon o hangganan.

Isang maligayang pagbati sa iyo! Patapos kana sa


iyong modyul. Ako ay humahanga sa iyong kasipagan.
Sana ay marami kang natutuhan at maipamalas mo pa
lalo ang iyong galing at kagitingan.
Muling ipamalas ang kakyahan sa susunod na
gawain. Kayang kaya mo yan!

10
Galing ay Patunayan

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

1. May_____________ ang tao upang magawa niyang lampasan ang anumang


bagay na nais niyang gawin.
A. ispiritwal na kakayahan B. imahinasyon
C. mahika D. birtud

2. Isang esensiya ng paglampas sa limitasyon ng tao ay ang ____________.


A. pag-amin sa kahinaan B. magtanong sa eksperto
C. mag-eksperimento D. magbasa nang magbasa

3. Sa realidad ng buhay ang tao ay di lang mulat sa katotohanan kundi


____________ nito.
A. nakikialam B. nagpapagal
C. kasosyo D. kabahagi

4. Ang pakikibahagi ng isang tao sa kanyang kapaligiran ay tanda ng


_________.
A. kakayahang umunlad B. pagsisikap
C. pag-aaral D. pakikialam

5. Ayon kay Socrates, para masabing tao ang isang tao kailangan niyang
_______.
A. maging tapat sa sarili at mapaunlad ang mga kapintasan
B. mag-aral
C. paunlarin ang sarili
D. makiisa

6. Ano ang pangunahing bahagi ng pisikal ng tao ang nagiging daan upang
malampasan ang kahinaan?
A.kamay B.paa
C.isip D. kalooban

7. Ano ang mayroon sa tao na wala sa ibang nilalang?


A. puso B. diskarte o diposisyon
C. damdamin D. isip

8. Ano ang dapat gawin kapag mayroon kang kakulangan?


A. mag-aral nang mabuti B. mag-isip ng paraan
C. magtanong/magsaliksik D. lahat ng nabangit

9. Ang _________ o ang kakayahang lampasan ang limitasyon ay isang


katangian na nagpapaiba sa tao kumpara sa ibang nilalang na nabubuhay.
11
A. transcendence B. mahika
C. ilusyon D. birtud
10. Paano pinatunayan ng tao ang di siya natalo ng kanyang kahinaan?
A. nagbasa B. nagsaliksik at sumubok
C. naglakbay D. nag-isip

11. Ang ibig sabihin ng “baguhin ang sarili para sa mas mahusay “sa esensiya
ng paglampas ng limitasyon ay;
A. pagpalit ng mga kasuotan at istilo B.pagsubok sa sariling
kakayahan
C. pagpalit ng mga kagamitan D. lahat ng nabanggit

12. Kapag natukoy mo ang mga posibleng maging simula ng iyong pag-unlad ito
ay nangangahulugan ng _________.
A. tagumpay B. kababaang -loob
C. pagsikapang isakatuparan D. mag-ensayo

13. Bawat tao ay may kakayahang hanapan ng solusyon ang pagsubok kung
_______.
A. matalino B. hinaharap ang pagsubok
C. madiskarte D. masipag

14. Ang kakayahang malampasan ang limitasyon ng tao ay nangangahulugan


din ng ______________.
A.masipag B. maagap
C. nakikiuso D.may kontrol sa sarili

15. Nasubukan mo na bang naisip kung ano ang nasa kabila ng mundo? Ibig
sabihin nito ikaw ay_________.
A. nagtatanong at nag-aanalisa B. malalim ang isip
C. maraming tanong D. marami kang birtud

12
Talahulugan

Transcendence - Ito ang kakayahang lampasan ang limitasyon ay


isang katangian na nagpapaiba sa tao kumpara
sa ibang nilalang na nabubuhay.

Kakayahang umunlad - Ito ay tanda ng pakikibahagi ng tao sa kanyang


kapaligiran.

Kontrol ang Imahinasyon - Ito ang ginagawa ng tao upang magawa niyang
lampasan ang anumang bagay na nais niyang
gawin.

Pag-amin sa Kahinaan - Ito ang esensiya ng paglampas sa limitasyon ng


tao.

Pag-iisip - Ito ang nagiging daan upang lampasan ang ating


limitasyon.

13
14
Galing ay Patunayan Naisasabuhay at
Taliman ang Pagsusuri
Napagninilayan Gawain 4: Paligid Ko,
1. A 9. A
1. Transcendence Buhay Ko
2. A 10. B
1. B
3. D 11. B
2. Pag-iisip 2. C
4. A 12. C
5. A 13. B 3. Imahinasyon 3. A
6. C 14. D
4. Binabalikan 4. A
7. B 15. A
8. D 5. A
5. Katawan at Ispiritu
Gawain 5: Pak na Pak!!!
1. T
2. M
3. T
4. T
5. T
Taliman ang Pagsusuri Isagawa Gumising sa Panimulang
Gawain 1: Akalain Mo!!! Gawain 2: Alamin ang Gawain
1.  Natutunan 1. B 9. B
2.  1. C 2. A 10. D
3.  3. D 11. A
2. B 4. C 12. B
4. 
5.  3. D 5. A 13. D
6. A 14. A
4. A 7. B 15. A
Gawain 2: Kilalanin Mo Ako
5. B 8. C
1. !
2. !
3. ?
4. ?
5. !
Gawain 3: Proud to be Pinoy
1. B
2. C
3. B
4. D
5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Abella, Robert D., M.Div., D.Min., Introduction to the Philosophy of the


Human Person.C & E Publishing, Inc. Quezon City, Philippines.

Recto, Angel S. Pilosopiya ng Edukasyon, 2004. Rex Knowledge Center,


109 Sen M Cuenco Sr., Quezon City.114 Metro Manila

"K12 MELC With Corresponding CG Codes And Guidelines". 2020.


Commons PH. https://commons.ph/k12-melc-cg-codes
guidelines/.

"Kahinaan At Kalakasan Ng Karakter Ng Pilipino". 2020. Slideshare.Net.


https://www.slideshare.net/markrabanillo/kahinaan-at-
kalakasan-ng-karakter-ng-pilipino.

Makatangmagaaralblog, View. 2020. "Kaisipan Ni Gat. Andres


Bonifacio".

Makatang Mag-Aaral. Accessed August 3. 2020


https://josalibradilla.wordpress.com/2017/12/05/kaisipan-ni-
gat-andres-bonifacio/.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like