You are on page 1of 4

SECOND QUARTER WEEK 8 (8.3-8.

4)

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XI
SCHOOLS DIVISION OF DIGOS CITY
Digos City
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9

Name: __________________________________Grade & Section: _______________Date: _________


Pangalan ng Guro: _____________________________
Topic: Pakikilahok at Bolunterismo
Learning Competencies & Code: EsP9TT-11h-8.3 – Napatutunayan na:
A. Ang pakikilahok at bolunterismo ng bawat mamamayan sa mga gawaing pampamayanan,
panlipunan/pambansa, batay sa kanyang talento, kakayahan at papel sa lipunan, ay makatutulong sa
pagkamit ng kabutihang panlahat.
B. Bilang obligasyon sa likas na dignidad ng tao, ang pakikilahok ay nakakamit sa pagtulong o paggawa sa
mga aspekto kung saan mayroon siyang personal na pananagutan.

Concept/Short Input:

Sa pamamagitan ng pakikilahok, ang tao ay nagiging mapanagutan hindi lamang sa kanyang sarili kundi sa
kanyang kapuwa. Nakikilala niya ang kanyang mga kakayahan, talento, at kahinaan na makatutulong upang magkaroon
siya ng tiwala sa kanyang sarili. Nakikibahagi siya sa lipunan bilang isang aktibong kasapi nito at nagkakaroon ng
kaganapan ang kanyang pagkatao.

Ang tunay na diwa ng pakikilahok at bolunterismo ay kailangang makita sa ating lipunan lalo na sa kasalukuyan. At bilang kabataan
ito ay maaari mong simulan. Wika ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani sa isa sa kaniyang panayam sa Radyo Veritas para sa kabataan, na
huwag lamang makuntento sa mga araw araw na karaniwang gawain, iyong hindi nababahala at pinababayaan lamang tumakbo ang mundo,
bagkus kinakailangan na ang kabataan ay “manggulo” – ibig sabihin ay magsikap na humanap ng pamamaraan at maging kasangkapan para
sa ikauunlad ng buhay at lipunan. Ayon naman kay Pope Francis sa kaniyang mensahe sa kabataan noong nakaraang World Youth Day sa
Rio de Janerio, Brazil noong June 24, 2013, “Ang kabataan ang durungawan kung saan ang hinaharap ay nagdaraan” na ibig sabihin na sa
kabataan makikita ang kinabukasan. Katulad ng sinabi rin ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal, nasa kabataan ang pag-asa ng bayan.

NOTE: GUMAMIT NG ISANG MALINIS NA PAPEL O “BOND PAPER KUNG KINAKAILANGAN.

Gawain 1: Picture Analysis

A B

Sagutin:

1. Maalaala mo pa ba kung saan nagsimula ang sakit na COVID-19? At kailan nagsimula ang lockdown dito sa
ating probinsya?
2. Base sa dalawang larawan na nasa itaas, ano sa palagay mo ang mga dahilan ng mga taong ito na nagbigay ng
kanilang panahon, oras at lakas para tumulong mag-repack at mag-distribute ng relief goods sa ating mga ka-
probinsya?
3. Paano nila ginamit ang kanilang talento at kakayahan para sa ating mga kababayan?
SECOND QUARTER WEEK 8 (8.3-8.4)
4. Paano nila ipinakita ang kanilang personal na pananagutan para sa ating mga kababayan?
5. Para sa iyo, bilang isang kabataan na menor de edad pa lamang, ano ang iyong dapat gawin upang
mapapatunayan ang iyong mga pananagutan sa ganitong sitwasyon-pandemya?

Gawain 2 Paggawa ng Slogan (10 point)


Panuto:
A. Gumawa ng Slogan na nagpapakita na ikaw ay may obligasyong tumulong sa anumang paraan batay sa iyong
papel na ginagampanan sa lipunan na may layuning maiangat ang iyong dignidad. Gawin ito sa malikhaing
paraan.
B. Kunan ito ng larawan at ipasa sa inyong “Group Chat”. Huwag kalimutang lagyan ng iyong personal na
impormasyon.
C. Ang hard copy ay isumiti ito kasama sa iba pang mga gawain.
Rubriks para sa paggawa ng slogan
Pamantayan 10pts. 8pts. 5pts. 3pts.
Pagkaka-ayos Lahat malinis ang collage at Halos sa mga Ilan sa mga Hindi malinis at
madaling maintindihan kagamitan ay malinis at kagamitan ay hindi
halos sa impormasyon malinis at ilan sa maintindihan
sa collage ay madaling impormasyon ay
maintindihan madaling
maintindihan

Nilalaman Naipakita ang kahusayan Naipakita ang pag- Naipapakita ang Kakulangan
unawa sa paksa katamtamang sap ag-unawa
pag-unawa sa sa paksa
paksa
Presentasyon Nagpapakita ng kaalaman Nagpapakita ng kasiya- Limitadong Malabo o
at pagkamalikhain sa siyang kaalaman at kaalaman at kulang ang
ginawang collage pagkamalikhain pagkamalikhain impormasyon

Gawain 3

Panuto: Gumawa ng “reflection paper” kung paano mo gagamitin ang iyong talento o kakayahan upang maipapakita
ang iyong papel na ginagampanan sa lipunan bilang tugon sa adhikaing makakatulong sa kabutihang panlahat. Pwede
mong gamitin ang mga katanungan sa ibaba bilang gabay sa iyong gagawin.

1. Mahalaga ba ang pakikilahok at bolunterismo sa isang kabataan? Pangatwiran.


2. Ano-ano ang naidudulot nito sa iyong kapwa? Sa paaralan? Sa lipunan? Ipaliwanag.
3. Paano mo gagamitin ang iyong mga talento sa iyong pagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
4. Ano-ano ang kabutihang naidudulot ng bolunterismo? Paano ito makakatulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat?

Nagawa mo ba ang lahat? Kung oo, binabati kita dahil alam kong handa kana para sa susunod
nating aralin. Kung hindi ay magpatulong ka sa nakakatanda na kasama mo sa iyong bahay o
sumangguni sa iyong mga kamag-aral o guro.

Reference:

 Batayang aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao – 9 (Modyul para sa mag-aaral)


Pahina 121-123
 https://www.google.com/search?
sxsrf=ALeKk00GW_ch3j3OyNEa9XXmwUss3OlKfA:1624875716545&source=univ&tbm=isch&q=COVID+19+FR
ONTLINERS+giving+food+packs+images&sa=X&ved=2ahUKEwjM043fjbrxAhUlzIsBHQeGC-
IQ7Al6BAgFEA8&biw=1366&bih=647
 Personal idea

Prepared by: GRACITA B. CAYLAN


Digos City National High School
SECOND QUARTER WEEK 8 (8.3-8.4)

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XI
SCHOOLS DIVISION OF DIGOS CITY
Digos City
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO - 9

Name: ________________________________Grade & Section:_______________Date: __________Guro: _________

Topic: Pakikilahok at Bolunterismo


Learning Competencies & Code: EsP9TT-11h-8.4 – Nakalalahok sa isang proyekto o gawain sa barangay o mga
sektor na may particular na pangangailangan.

Concept/Short Input:

 Nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na ibahagi ang kanyang sarili sa kapuwa at nagagampanan din niya ang
habilin sa atin ng Diyos na mahalin ang kapuwa tulad ng pagmamahal sa sarili. Sinabi ng Diyos na anumang
bagay ang gawin mo sa pinakamaliit mong kapatid ay sa Akin mo na rin ginagawa.
 Sana sa pamamagitan ng mga gawain at araling ito ay maramdaman mo na ikaw ay may magagawa, na may
personal na pananagutan ka para sa iyong kapuwa at lipunan. Kung sisimulan mo sa iyong sarili at nagawa mo
ito nang buong puso, matitiyak ko sa iyo na ikaw ay magkakaroon ng kaganapan sa iyong buhay, isang buhay na
ganap at masaya.

NOTE: GUMAMIT NG ISANG MALINIS NA PAPEL O “BOND PAPER KUNG KINAKAILANGAN.

Gawain 1

Panuto: Sagutin ang mga tanong:

May nabago ba sa iyong pananaw at pagkaunawa ng pakikilahok at bolunterismo? Paano mo ito maisasabuhay?
Kung ito naman ay naisasabuhay mo na, maaari mong isulat ang iyong karanasan ukol dito. Gawin ito sa isang
buong papel o bond paper. (10 points)

Ano ang nabago sa aking


Paano ko maisasabuhay
pananaw at pagkaunawa sa
pakikilahok at bolunterismo? ang pakikilahok at
boluntarismo?

IKAW ITO
Gawain 2

Panuto:

a. Ikaw ba ay nagkaroon ng pagkakataon sa iyong buhay na nagbuluntaryo sa isang gawain sa iyong


barangay/purok. Alalahanin ang pagkakataong iyon at gumawa ng comic strip kung ano yung mga ginawa mo
nuon. Isulat ito sa malinis na “bond paper”. Kung wala pa, sa iyong “comic strip” ay magpapahayag ng isang
plano kung anong uri ng pagbubuluntaryo ang gusto mong gagawin. (10 points)

b. Sa pinakababa ng iyong comic strip, ipaliwanag kung ano ang iyong naramdaman pagkatapos ng iyong gawain.
Ano ang pwede mong sabihin para maganyak din ang iba na sumali sa mga gawaing pagbubuluntaryo.

c. Kunan ito ng lawaran at ipasa sa inyong “Group Chat”. At ang hard copy ay isumiti kasama ang mga iba pang
gawain.

Gawain 3

Panuto: Sa panahon ng krisis tulad ng pagkalat ng sakit na COVID 19 ipakita mo kung paano ka makatutulong para
mahinto at mapigilan ang pagkalat ng sakit kahit pa tayo ay naka-stay home. Gawin mo ang sumusunod: (10 points)

a. Mag-selfie ka na nagpapakita na ikaw ay sumusunod sa mga protocol o mga alituntunin ng ating gobyerno.
SECOND QUARTER WEEK 8 (8.3-8.4)
b. Pwede ka rin gumawa ng video tungkol dito na ikaw mismo ang nasa video (at least 2-3 minutes).

c. Pagkatapos ay ipost mo ito sa iyong social media at e-mention mo ang pangalan ng iyong guro sa iyong post.
Matapos ipost, screen shot mo at idikit ang larawan sa isang short coupon bond.

Gawain 4

Panuto: Gamit ang isang malinis na papel o bond paper, ipaliwanag ito: Paano naiaangat ang dignidad ng tao sa
pamamagitan ng Pakikilahok at Boluntarismo? Ano ang kahalagahan nito sa sarili, lipunan at sa Diyos? (150
words)

Pamantayan sa pagsulat ng sanaysay

Pamantayan 20 Puntos 15 Puntos 10 Puntos

Nilalaman 8 points
10 points Ang nilalaman ng 5 points
ginawang sanaysay ay
Ang nilalaman ng ginawang nakaayon sa paksa ngunit Ang nilalaman ng ginawang
sanaysay ay kakikitaan ng may isang bahagi na sanaysay ay hindi naayon sa
kaayunan ng paksa. hindi nararapat nang isali paksa.

Lohika 6 points 4 points 3 points


Kakikitaan ng lohika o May isa hanggang May kaguluhan ang ginawang
kaayusan ng ideya ang dalawang pangungusap pagpapakahulugan sa
ginawang sanaysay. na kinakailangang ayusin sanaysay
pa

Gamit ng 4 points 3 points 2 points


Malinis ang pagkagawa ng Kung may isa hanggang May higit sa tatlo ang burang
Salita/Kalinisan sanaysay. May wastong tatlong bura ang ginamit sa ginawang
palugit, walang burador na ginawang Sanaysay. sanaysay.
ginamit.

Natapos mo ba ang lahat ng gawain? Kung oo, binabati kita at sa iyong pagtugon sa
pangangailangan ng iyong kapuwa at ng lipunan. Ipagpatuloy mo ito ng buong husay at lagi mong
isipin na ginagawa mo ito para sa iyong sarili, kapuwa at sa ating Diyos.

Reference:

 Batayang aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao – 9 (Modyul para sa mag-aaral)


Pahina124-125;127
 Personal idea

Prepared by: GRACITA B. CAYLAN

You might also like