You are on page 1of 15

KAHALAGAHAN NG

PAGIGING RESPONSABLE
SA KAPWA
Modyul ng Mag-aaral sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Ikalawang Markahan● Modyul 4

APRIL M. ESLAY
Tagapaglinang ng Modyul

Kagawaran ng Edukasyon • Dibisyon ng Lungsod ng Baguio


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF BAGUIO CITY

Inilathala ng:
Learning Resource Management and Development System

PAUNAWA HINGGIL SA KARAPATANG SIPI


2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“Hindi maaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ang


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o
tanggapan ng pamahalaan ng naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang materyal na ito ay binuo para sa implementasyon ng K to 12 Kurikulum


sa pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)- Learning Resource
and Management System (LRMDS). Maaaring paramihin ang kopya nito para sa
layong pang-edukasyon at pinahihintulutang iwasto, dagdagan, o pagbutihin ang
mga bahagi sa kondisyong kikilalanin ang orihinal na kopya maging ang karapatang-
ari. Walang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring gamiting pagkakakitaan.

ii
PAUNANG SALITA

Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division lalo ng


Learning Resource Management and Development Unit, Department of Education,
Schools Division of CAR bilang tugon sa implementasyon ng K to 12 Curriculum.

Ang modyul na ito ay pag–aari ng Department of Education - CID, Schools


Division of CAR. Layunin nito na mapabuti ang mga kasanayan ng mga mag–aaral
sa Edukasyon sa Pagpapakatao.

Petsa ng Pagkakagawa : Nobyembre, 2020


Lokasyon : Schools Division of Baguio City-LRMS
Asignatura : Edukasyon sa Pagpapakatao
Baitang :6
Uri ng material : Modyul
Wika : Filipino
Markahan/Linggo : Q2/W7
Kasanayang Pampagkatoto : nakapagpapakita ng kahalagahan ng
pagiging responsible sa kapwa sa
pamamagitan ng pagkakawanggawa.

(Supplemental Module)

iii
PASASALAMAT

Taos pusong pasasalamat ang ipinapaabot sa mga sumusunod na indibidwal


at tanggapan na naging bahagi sa pagkabuo ng modyul na ito.
Sa Tagapamatnubay ng Edukasyon sa Pagpapakatao, Bb. Nora D. Dalapnas
sa paghikayat sa mga guro para makabuo ng modyul na ganito.
Sa Punong Guro ng Lucban Elementary School, G. Joseph A.Estigoy sa
pagwasto ng modyul na ito at sa walang sawang gabay at tulong para makagawa ng
modyul na siyang makakatulong sa mga guro at mag-aaral sa paglinang sa
kakayahan sa Edukasyon ng Pagpapakatao.
Sa tanggapan ng LRMDS na naglaan ng kanilang kagalingan upang ibahagi
ang mga kinakailangang impormasyon na nagamit upang mabuo ang modyul na ito.
Higit sa lahat sa Diyos na siyang pinagmumulan ng lahat ng mga biyaya at sa
walang sawang paglingap at pagmamahal sa lahat ng kanyang likha.

Development Team
Developer/s: April M. Eslay
Illustrator: Charmie Basuel

School Learning Resources Management Committee


Joseph A. Estigoy School Head / Principal
Rebecca S. Busaing Subject/Learning Area Specialist
Manuel B. Agbunag School LR Coordinator

Quality Assurance Team


Nora D. Dalapnas EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Brendalee C. Awingan PSDS – District 8

Learning Resource Management Section Staff


Armi Victoria A. Fiangaan EPS – LRMS
Christopher David G. Oliva Project Development Officer II – LRMDS
Priscilla A. Dis-iw Librarian II
Lily B. Mabalot Librarian I
Jerichko Bauer Laroco Division Illustrator

CONSULTANTS

JULIET C. SANNAD, Ed. D.


Chief Education Supervisor – CID

CHRISTOPHER C. BENIGNO
OIC-Asst. Schools Division Superintendent

MARIE CAROLYN B. VERANO, CESO V


Schools Division Superintendent

iv
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

Paunawa Hinggil sa Karapatang Sipi….………………………. ii


Paunang Salita …………………………………………………. iii

Pasasalamat …………………………………………………. …. iv
Talaan ng Nilalaman……………………………………………… v
Alamin …………………………………………………………….. 1
Subukin…………………………………………………...……….. 1
Balikan ……………………………………………………………. 2
Tuklasin …………………………………………………………… 3
Suriin ……………………………………………………………… 5

Pagyamanin………………………………………………………. 5

Isaisip ……………………………………………………………… 7

Isagawa ………………………………………………………….. 7
Tayahin………………………………………………….…………. 8
Karagdagang Gawain………………………….………………… 9
Susi sa Pagwawasto…………………………………………….. 10

Sanggunian………………………………………………………. 11

v
ALAMIN

Sa araling ito, ating sisiyasatin kung paano maging responsable sa


pamamagitan ng pagkakawanggawa. Sa pagkakawanggawa naipapakita ang
pagmamalasakit sa kapwa sa pamamagitan ng taos-pusong pagbibigay sa mga
nangangailangan. Ang isa sa pinakamahalaga na naiaalay ng isang taong
nagkakawanggawa ay ang paglalaan ng kanyang oras. Natututo ang isang tao na
maging responsable sa pamamagitan ng pagsasakripisyo at paglalaan ng oras para
sa iba. Sa pagkakawanggawa naipapakita ang pagpapahalaga sa kapwa. Isa ito sa
mga katuruan na makikita sa banal na aklat. Mahalin mo ang kapwa mo tulad ng
pagmamahal mo sa iyong sarili.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na ikaw ay


nakapagpapakita ng kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa sa
pamamagitan ng pagkakawanggawa.

Simulan na natin ang pag-aaral!

SUBUKIN
I. Lagyan ng puso ( ♥ ) kung ang larawan ay nagpapakita ng pagkakawanggawa.

A.

B.

1
C.

D.

Edukasyon Sa Pagka-Tao at Pagpapakatao 6., 2016

BALIKAN
I. Iguhit ang masayang mukha sa patlang kung ang tinutukoy sa bawat
bilang ay tama at malungkot naman na mukha kung ito ay mali.

_________ 1. Ang pagiging mahabagin sa kapwa ay nagdudulot ng mabuti


sapagkat maaring dito magsimula ang pagkakawanggawa.

_________ 2. Nagtatapos lamang sa pagsasabi ng ”kawawa naman” ang


pagiging mahabagin.

_________ 3. Ang isang bata na gaya mo ay maaari ring makapagbigay ng


tulong sa kapwa.

_________ 4. Ang pagiging mahabagin ay naipadarama sa mga mahihirap


lamang.

_________ 5. Ang mga abusadong tao at mga taong nagkasala ay hindi dapat
kaawaan.

2
TUKLASIN
Basahin at unawain ang tula.

Pagkakawanggawa
by: April M. Eslay

Sa pagkakawanggawa,
May mapapala ka ba?
Bakit marami sa atin
Ginagawa ito ng kusa

Tuwa at saya ang idudulot nito


Sa mga taong natutulungan mo
Ngunit higit naman ang balik nito
Galak na madarama ng iyong puso

Ang pagkakawanggawa
Ay isang tagubilin
Tulungan ang kapwa
Unawain at mahalin

Kung ang lahat ng tao


Ito ang nasa puso
May mabuting pagbabago
Dito sa ating mundo

Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Tungkol saan ang tula?


a. tungkol sa pakikipagkaibigan
b. tungkol sa pamilya
c. tungkol sa pagkakawanggawa

2. Ano ang naidudulot ng pagkakawanggawa?


a. tuwa at saya sa mga natutulungan
b. kalungkutan para sa nagbibigay
c. galak sa puso ng nagbibigay

3. May mapapala ba sa pagkakawanggawa?


a. Oo,dahil pag tutulong ka aantayin mo ang kapalit na biyaya.
b. Oo, dahil sa pagkakawanggawa makikilala ka ng maraming tao.

3
c. Oo,dahil sa tuwa at galak na maidudulot nito sa taong natulungan at taong
tumutulong.

4. Paano maipapakita ang tamang pagkakawanggawa?


a. Pagtulong sa mga kakilala lamang
b. Pag-unawa sa kalagayan ng mga biktima ng bagyo at pagbibigay
ng tulong sa kanila, ikaw man ay mahirap o mayaman.
c. Pagbibigay ng barya sa naglilimos na matanda kung may
nakakakita sa iyo.

5. Kung ikaw ay magbibigay, sino sa mga sumusunod ang tutulungan mo?


a. Ang mga kakilala ko lamang na nangangailangan ng tulong.
b. Ang kahit na sino na makikita kong nangangailangan ng tulong.
c. Ang mga taong alam kong pagdating ng panahon ay magbabayad ng utang
na loob.

SURIIN

Ang salitang kawanggawa o charity sa Ingles ay mula sa salitang


Latin na caritas. Ayon kay Santo Thomas Aquinas, ang pagkakawanggawa
ay ang pakikipagkaibigan ng tao sa Diyos”, na “nag-uugnay sa atin sa
Diyos. ”Nagsisimula sa pagbibigay ang pagkakawanggawa. Maaring ito ay
pagbibigay ng mga pangangailangan o ng kung ano ang mayroon ka tulad
ng pagkain, laruan, damit at iba pang materyal na bagay. Madaling
kagiliwan ang taong mapagbigay. Hinahangaan ng sinuman ang taong
mapagbigay. Nais ng Diyos na maging mapagbigay at mapagmahal ang
lahat.Kapag nagkakawanggawa ka, ipinapakita mo ang pakikipagkaibigan
mo hindi lamang sa taong binigyan mo, kundi maging sa Diyos. Nakikiisa
ka sa pagmamahal ng Diyos kapag nagbibigay ka sa iba, nagiging
mapagbigay at matulungin ang isang tao at hinahangad lamang na
gumawa ng mabuti sa kapwa.

Mailalarawan ang pagkakawanggawa sa pamamagitan ng


pagbibigay at pagsasakripisyo. Ipinakikita mo na handa kang gumawa ng
isang bagay para sa ikabubuti ng ibang tao. Kinalimutan mo ang iyong
personal na kagustuhan. Katulad iyan ng pagsasabing, “Magiging mabuti
ako sa iyo. Pasasayahin kita. Mahalaga ka sa akin.” Madaling magbigay ng
mga materyal na bagay ngunit ang hamon ng pagkakawanggawa ay ang
ibigay ang iyong oras at atensyon. Ang mas malaking hamon pa ay
magbigay hindi lamang sa mga minamahal at malapit sa iyo, kundi maging
sa mga nanakit sa iyo, sa mga hindi mo nakasundo, at sa mga mahihirap.
Mas nakasisiya sa Diyos kung ang 4pinag-uukulan mo ng pansin at
binibigyan mo ay ang mga kapus-palad. “Talagang sinasabi ko sa inyo:
anuman ang hindi ninyo ginawa sa isa sa maliliit na ito, hindi ninyo ginawa
sa akin”
Marahil maitatanong mo, “ano ang mangyayari kapag nagbigay ka?”
Äno ang mapapala mo sa pagkakawanggawa?” Sa maniwala ka at hindi,
kapwa nakararanas ng tuwa ang nagbibigay at tumatanggap kapag
nagkakawanggawa. Mailalayo ka ng pagkakawanggawa sa pagiging
makasarili at pagtutuon ng pansin sa kung ano ang magagawa ng iba para
sa iyo. Kapag matulungin at bukas ka sa iyong kapwa, higit na maraming
biyaya ang darating sa iyo. Masisiyahan ka sapagkat sa iyong pagbibigay
ay may nagagawa kang pagbabago sa buhay ng iba. Isa itong magandang
hakbang sa paglikha ng mas mabuting daigdig- kung saan mas iniisip ng
tao ang magbigay kaysa tumanggap.

Mula sa sinabi ni John F. Kennedy, “Huwag itanong kung ano ang


magagawa ng Diyos at ng iyong kapwa sa iyo; sa halip ay itanong kung
ano ang magagawa mo para sa Diyos at sa iyong kapwa.”

PAGYAMANIN
Gawain 1: Isulat ang Tama kung ito ay nagsasaad ng katotohanan at Mali naman
kung hindi.

_______ 1. Lahat ng tao mayaman man o mahirap ay may mga


pangangailangan.

_______ 2. Ang mga mayayaman lamang ang maaaring may maibigay na


tulong sa kapwa.

_______ 3. Isa sa pinakamahalagang maiaalay sa kapwa ay ang oras o


panahon.

_______ 4. Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang


mayroon ka nang bukal sa kalooban.

_______ 5. Lubos na kasiyahan ang naidudulot ng pagtulong sa kapwa.

ISAISIP
Kung nasaan ang pagkakawanggawa at pagmamahal, naroroon din ang
Diyos.

5
Nakalulugod sa Diyos ang pagkakawanggawa at nabibigyan ka ng
pagkakataong makibahagi sa pagmamahal ng Diyos.

Kung ikaw ay mapagkawanggawa, nagtatamo ka ng higit na kaligayahan at


pagpapala.

Naipapakita sa pagbibigay ng walang pag-iimbot at pagsasakripisyo ang


tunay na pagkakawanggawa.

ISAGAWA

Gawain 1: Lagyan ng ( / ) kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng totoong


pagkakawanggawa at ( X )naman kung hindi.

__________ 1. Ibinabahagi ni Destiny sa iba ang biyayang mayroon siya na


maluwag sa damdamin at walang inaasahang kapalit.

__________ 2. Ipinapanalangin ni tatay Dario ang mga biktima ng bagyong


Ulysses na dumaranas ng paghihirap.

__________ 3. Masayang-masaya si Mayor Bong na nagbabahagi ng mga


bigas sa mahihirap tuwing eleksiyon at nagtatawag ng media
para maipalabas sa telebisyon ang kanyang ginagawa.

__________ 4. Para matuwa ang guro, nagbibigay si Kiko sa ginagawang


pangangalap o solicitation sa paaralan para sa kamag-aral na
namatayan kahit labag ito sa kanyang kalooban.

__________ 5. Naglalaan ng oras si Vangie upang pakinggan ang kanyang


kaibigan na nagbabahagi ng kanyang problema.

TAYAHIN
Basahin at unawain. Sagutan ng TAMA kung ito ay nagsasaad ng katotohanan
at MALI kung hindi.

6
__________ 1. Ang paggawa ng mabuti ay nagsisimula sa pagkakaroon
ng pagmamalasakit sa kapwa.

__________ 2. Ang paggawa ng mabuti ay hindi nararapat na manatiling


hangarin lamang, kailangan ng pagkilos.

__________ 3. Ang pagkakawanggawa ay may hangarin na makakuha


ng paghanga at paggalang mula sa ibang tao.

__________ 4. Ang paggawa ng mabuti ay kailangan nagsisimula sa


kasapi ng pamilya.

__________ 5. Ang pagkakawanggawa ay hindi ipinagkakait kahit pa sa


kaaway.

__________ 6. Ang tunay na kabutihan ay nangangahulugan ng paggawa


ng mabuti sa kapwa ngunit hindi nangangahulugang may
kailangang isakripisyo tulad ng oras at mga bagay na
mayroon ka.

__________ 7. Sa pagkakawanggawa ay naipapakita ang


pakikipagkaibigan hindi lamang sa taong natulungan
kundi maging sa Diyos.

_________ 8. Ang kabutihan sa kapwa at pagkakawanggawa ang


bumubura sa pagiging makasarili dahil ito ay humihingi ng
pagbabahagi.

___________ 9. Sa pagkakawanggawa dapat maging malinaw ang


layunin, maging wagas at dalisay ang hangaring
makatulong sa kapwa na walang hinihintay na kapalit.

__________ 10. Madaling kagiliwan ang taong mapagbigay. Ito ang


pangunahing dahilan kaya maraming tao ang
nagkakawanggawa.

KARAGDAGANG GAWAIN
Bilang isang batang gaya mo, sumulat ng isang sitwasyon na nagpapakita na ikaw
ay nakagagawa ng mabuti sa kapwa. Alalahanin ang mga nagawa sa mga

7
nakaraang taon, alin sa mga ito ang masasabi mong halimbawa ng
pagkakawanggawa?

....................................................................................................................._______
_________________________________________________________
....................................................................................................................._______
_________________________________________________________
....................................................................................................................._______
_________________________________________________________
....................................................................................................................._______
_________________________________________________________
....................................................................................................................._______
_________________________________________________________

SUSI NG PAGWAWASTO

Subukin p.
1. ♥
2. ♥ 8
3. ♥
4. ♥
Balikan p.
1.
MGA SANGGUNIAN

Batayang Aklat

9
Mercy N. de Guia, Seryeng Edukasyon sa Pagpapakatao: Paghuhubog ng Pagkatao
para sa Pagtibay ng Bansa – Ikaanim na Baitang, 2016
Lyn C. San Sebastian, Edukasyon Sa Pagka-Tao at Pagpapakatao 6., 2016

Magandang Balita Biblia. 1976

10

You might also like