You are on page 1of 4

Calubian National High School

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Ikaapat na Markahan

Date:___________

Jessica Rose B. Basañez


AP 10 Student Teacher AP 10 Cooperating Teacher

I. Layunin
Kasanayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na
nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko. (AP10PKK-IVa-1)
 Natutukoy ang konsepto ng pagkamamayan at pakikilahok na pansibiko.
 Nasusuri ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.
II. Nilalaman
a. Paksa: Aralin 1- Pagkamamayan: Konsepto at Katuturan
b. Sanggunian: Araling Panlipunan 10 (Mga Kontemporaryong Isyu) Modyul pp-351- 368
c. Kagamitan: Mga larawan, kagamitang biswal, laptop, modyul.
d. Values: Pakikipagtulungan at pakikiisa sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga gawain at usaping
pansibiko tungo sa kaunlaran ng bansa.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain

1. Panalangin at Pagbati
2. Pagtala ng Lumiban
3. Paglalahad ng mga Alintuntunin
4. Balik- Aral
Magbabalik-tanaw tayo sa ating mga natutunan sa ikatlong markahan. Gagawin natin itong kapana-panabik na
gawain. May inihanda akong mga katanungan batay sa mga paksang naitalakay. Bilang proseso, bawat mag-aaral ay
magpapasa-pasahan ng chalk habang hinihintay ang paghinto ng tugtog. Kung sino ang mahintuan nito ay siyang
sasagot sa tanong at isusulat gamit ang illustration board at ng chalk. Pagkatapos, titingnan ng lahat kung tama ba ang
naging kasagutan; sasabihin lamang ng klase kung TAMA o MALI. Para malaman natin kung kayo ay may
nalalaman, lahat ay magtataas ng kani-kanilang mga sagot. Uulitin ang proseso hanggang sa maubos ang naihandang
mga katanungan.

1. Ano ang iba't-ibang uri ng kasarian?

2. Magbigay ng halimbawa ng diskriminasyon sa kasarian.


5. Pagganyak
Magkakaroon ng isang maikling gawain, tatawagin itong SURIIN-BILANGIN-BIGKASIN.

Susuriin kung tungkol saan ang larawang aking ipapakita. Gamit ang mga numero at alpabeto na makikita sa
incomplete words sa ibaba ay kailangang mabuo sa pamamagitan ng pagbilang upang makuha ang kaakibat nitong
letra nang sa ganun ay makuha ang tamang salita na maaaring may kaugnayan sa ating bagong paksa. Pagkatapos,
bibigkasin ito ng buong klase. Mayroon 2 minuto upang gawin ito.

A 11 T 9 B O N 7

M 1 M 1 M 1 Y A 14 SAGOT: AKTIBONG MAMAMAYAN

B. Paglalahad ng Aralin
Ang paksang tatalakayin ay tungkol mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok
sa mga gawain at usaping pansibiko.

C. Panlinang na Gawain

1. Aktibiti
“KATANGIANG TAGLAY, ISAGAWA NG SABAY-SABAY”
Sa gawaing ito, ang klase ay hahatiin sa limang pangkat. Ang bawat pangkat ay magiisip at magbibigay ng isang
pangunahing halimbawa ng katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan. Bibigyan ng sapat na oras
ang lahat ng pangkat upang ito ay isagawa, pagkatapos ilahad sa klase ang napagdesisyunan sa pamamagitan ng
malikhaing paraan gaya ng dula-dulaan, awit, tula, news reporting at iba pa. Pagkatapos lahat ng grupo sa kanilang
malikhaing paglalahad ay kailangang masagutan ang mga sumusunod na katanungan

2. Analisis
Batay sa ginawang aktibiti, sasagutin ang mga sumusunod na mga katanungan:

 Ano ang katangian na iyong ipinakita batay sa inyong malikhaing paglalahad na dapat taglayin ng isang aktibong
mamamayan?
 Bakit kailangan taglayin ng isang mamamayan ang ganitong katangian upang maging aktibo sa lipunan?

3. Abstraksyon

Alamin ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at
usaping pansibiko, alamin muna natin ang kahulugan ng salitang sibiko, pagkamamamayan at pakikilahok sa
gawaing pansibiko.

Mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan.


 Makabansa
a. Tapat sa bansa
b. Handang ipagtanggol ang estado
c. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas
d. Nakikipagtulungan sa gobyerno
e. Pagtangkilik sa sariling Produkto
f. Pagbabayanihan sa Panahon ng Kalamidad at mga suliran na ating kinakaharap.
 Makatao
 Produktibo
 May lakas ng loob at tiwala sa sarili
 Matulungin sa kapuwa
 Makasandaigdigan.

4. Aplikasyon
Upang malaman ko kung gaano kalalim ang inyong pagkaintindi sa ating paksa, mayroon akong maikling gawain na
ipapagawa sa inyo.

Tukuyin kung anong katangian ang ipinapakita sa mga larawan bilang isang aktibong mamamayan sa mga gawain at
usaping pansibiko.

D. Paglalahat

 Ano-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan?


 Nararapat bang maisabuhay ang mga katangiang nabanggit upang maging isang aktibong mamamayan?
 Ano ang mangyayari sa bansa kung ang isang tao ay may taglay na katangian para maging isang aktibong
mamamayan?
 Anong pagpapahalaga ang iyong mahihinuha sa pakikilahok ng mga gawain at usaping pansibiko?

Ang pagsulong at pag-unlad ng ating bansa ay nakasalalay sa ating mga mamamayan. Gampanin ng bawat isa sa atin
na makibahagi sa mga gawaing pansibiko upang makaagapay tayo sa pangangailangan ng ating komunidad at sa
ating bansa. Sa pamamagitan ng pagkukusa na makipagtulungan at pakikiisa sa paggawa ng mga gawaing pansibiko,
gaano man kadali o kahirap ito ay may malaking tulong upang mabigyang kalutasan ang mga suliraninna kinakaharap
ng ating pamayanan.

IV. Pagtataya

Panuto: Sagutin ang mga sumsunod na mga katanungan. Piliin at isulat ang tamang letra sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy din para sa mga responsibilidad o gawain na ginagawa ng mga mamamayan para sa lipunang
kanilang kinabibilangan.
a. Sibiko
b. Pagkamamamayan
c. Pakikilahok sa gawaing pansibiko
d. Nasyonalidad

2. Ito ay isang politikal at legal na katayuan ng isang tao na kung saan ang isang estado ay kinikilala siya bilang isang
mamamayan.
a. Sibiko
b. Pagkamamamayan
c. Pakikilahok sa gawaing pansibiko
d. Nasyonalidad

3. Ito po ay tumutukoy sa mga indibidwal at kolektibong aksiyon na dinisenyo upang malaman at matugunan ang mga isyu ukol
sa kapakanang pampubliko (public concern).
a. Sibiko
b. Pagkamamamayan
c. Pakikilahok sa gawaing pansibiko
d. Nasyonalidad

4. Ito ay tumutukoy sa kung saan ipinanganak ang isang indibidwal o sa relasyon ng isang individual sa isang bansa o
estado batay sa kanyang etnisidad at lahi.
a. Sibiko
b. Pagkamamamayan
c. Nasyonalidad
d. Pakikilahok sa gawaing pansibiko

5. Ang mga sumusunod ay ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan, MALIBAN sa?
a. Makabansa
b. Makasarili
c. Makatao

6. Ito ay ang pagtangkilik sa sariling atin sa pamamagitan ng pagbili ng mga lokal na produkto at pagsuporta sa mga maliliit na
industriyang Pilipino. Anong katangiang taglay ng isang aktibong mamamayan ang ipinapakita?
a. Makatao
b. Makabansa
c. Makasandaigdigan
d. Matulungin sa kapuwa

7. Si Jona ay may nakitang papatawid na matandang babae sa kalsada at ito’y kaniyang inalalayan upang makatawid ng maayos.
Anong katangiang taglay ng isang aktibong mamamayan ang ipinapakita?
a. Makatao
b. Makabansa
c. Makasandaigdigan
d. Matulungin sa kapuwa

8. Si Mang Roland ay isang masipag na magsasaka. Lahat ay pinagbubutihan niya lalo na sa pagtatanim ng palay upang
mayroong maiani at maibili sa mga mamamayang nangangailangan. Anong katangiang taglay ng isang aktibong mamamayan
ang ipinapakita?
a. Makatao
b. Makabansa
c. Produktibo
d. Matulungin sa kapuwa

9. Ang mga sundalo ay siyang nagbubuwis ng buhay para sa kapayapaan at matapang na hinaharap na panganib dulot ng mga
terorista. Anong katangiang taglay ng isang aktibong mamamayan ang ipinapakita?
a. Makatao
b. Produktibo
c. Makasandaigdigan
d. May lakas ng loob at tiwala sa sarili

10. Layunin ng Bantay Bata 163 o programa ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation ay protektahan ang mga bata laban
sa anumang uri ng pang-aabuso. Edukasyon, medical, community outreach projects, feeding at parenting ay iilan lamang sa mga
serbisyong hatid nito. Anong katangiang taglay ng isang aktibong mamamayan ang ipinapakita?
a. Makatao
b. Produktibo
c. Makasandaigdigan
d. Makabansa

Tapos na ba? Pakipasa na ang inyong papel.

V. Takdang Aralin
Panuto: Sa A4 size bond paper, gumawa ng isang collage na nagpapakita ng mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong
mamamayan sa pakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.

Isaalang-alang ang mga sumusunod na


krayterya sa paggawa ng collage.
Pagkamalikhain 15
Presentasyon 15
Kalinisan at Kaayusan 10
Orihinalidad 10
Kabuuan 50 puntos

Maliwanag ba klas?
Kung wala ng katanugan, ako ay mapapaalam na. Maraming salamat sa inyong pakikinig at partisipasyon! “Magaral
ng mabuti klas upang ang buhay ay bumuti”.

You might also like