You are on page 1of 17

ARALING

PANLIPUNAN
Classroom Observation

Name of Teacher
( Gamitin ang code para mabuo ang salita)
Ipaalala ang mga pamantayan sa pagsasagawa ng gawain upang maisagawa ito nang maayos.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
A B K G I N 0 P S W

4 1 10 1 5 6 4 8 1 6 9 5 2 5 3
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ __ ___ ___ ___ __

Itanong : Anong salita ang inyong nabuo? Ano


ang pagkakaunawa ninyo sa salitang nabuo?
Pagsasagawa ng pangkatang Gawain
Pangkat I- Pagsasadula ng isang gawaing pansibiko.
( Filipino Integration)
Pangkat II- Gumuhit ng isang pangyayaring maipakikita ang
gawaing pansiko at sabihin ang kahalagahan nito. (Arts
Integration)
Pangkat III- Mag-interview sa mga kamag-aral tungkol sa
mga kagalingang pansibikong at ang kahalagahan nito.

Pangkat IV- Gumawa ng isang maikling tula tungkol


kahalagahan ng gawaing pansibiko. (Filipino Integration)
 Ang salitang sibiko ay mula sa salitang Latin na ang
ibig sabihin ay mamamayan.
 Noong unang panahon sa lipunang Prances,
tinatawag na civique ang isang mamamayang
nakapag buwis ng buhay para sa kanilang kapuwa.
 Naipagpapalit ito sa salitang civil o sibilyan na isang
indibidwal na wala sa serbisyo ng pamahalaan o
hindi nanunungkulan bilang isang sundalo subalit
nakatutulong nang malaki sa kaniyang bayan.
 Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang sibiko
upang pormal na tukuyin ang mga mamamayang
bumubuo ng lipunan. Kadalasan ng ikinakabit sa
salitang ito ang mga katagang “kagalingang o
welfare”
 Ang kamalayang pansibiko ay kaisipan na ang
bawat isa ay may kakayahang paunlarin ang lipunan
sa anumang paraang kayang niyang tugunan at
gampanan.
 Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan ang mga
mamamayang may kamalayang pansibiko ay higit
na nakatutuwang
 Tinutukoy ng Civic Welfare o kagalingang pansibiko ang
pinaka mataas na kabutihang makakamit at mararanasan
ng mga mamamayan. Ang kabutihang ito ay natatamasa
sapagkat nanggagaling sa kagyat na pagtugon at
pagmamalasakit ng kapuwa mamamayan.
 Ang pagkukusang loob, pagtulong ng walang inaasahang
kapalit, at bayanihan ay mga susing katangiang dapat
taglayin sa gawaing pansibiko.
 Maari ring tingnan ang gawaing pansibiko bilang
malawakang pagsasama-sama ng mga tao upang tiyaking
nasa pinaka mahusay silang pamumhay lalo na ang
pinakamahihirap
Tunay ngang di matatawaran ang
kahalagahan ng gawaing pansibiko
sa isang bansa.
Ito ay isang paraan ng pagtiyak na
ang mga mamamayan sa isang
lipunan ay tunay na Malaya,
nagsasarili, at kontento sa kanilang
pamunuan.
Hanapin sa hanay B ang kaakibat na tungkulin ng mga karapatang nasa
Hanay A. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Hanay A
1. Isang mamamahayag ng balita si Norie sa telebisyon
2. Naihalal si Chez bilang Punong Barangay
3. Pinag-aaral si Rose ng mga magulang sa isang pribadong paaralan.
4. Maagang pumunta sa presinto si Allan para bomoto
5. Sumapi sa isang samahan sa paaralan si Corazon.
Hanay B
A. Gawin nang tapat ang tungkulin.
B. Pagbutihin ang pag-aaral
C. Magsabi nang katotohanan
D. Iboto ang karapat-dapat na kandidato
E. Maging mabuting kasapi ng samahan
Iguhit ang mukhang masaya kung ang pahayag ay may
kinalaman sa kagalingang pansibiko at mukhang
malungkot kung hindi.
1. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan ng bahay-
ampunan
2. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods
3. Pagtatanim sa mga gilid ng kalsada
4. Panonood ng sine
5. Paglalaan ng oras sa mga bahay-ampunan
6. Pagpapakain sa mga batang lansangan
7. Paglalro ng mga gadgets
Sitwasyon: May isasagawang
paglilinis ng mga kanal at tabi
ng kalsada ang samahan ng
mga kabataan sa inyong
barangay. Ano ang maari
mong maitulong?
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ano ang kahulugan ng salitang sibiko?
A. mamamayanB. pamayanan C. Sambahayan D. pamantayan
_______2. Alin ang naglalarawan sa gawaing pansibiko?
A. pagtulong sa mga maykakayahang gumanti at magbayad
B. pagtulong ng kusang-loob at walang inaasahang kapalit
C. pagtulong sa mga may katungkulan sa pamahalaan
D. pagtulong sa mga matatanda lamang o senior citizen
______3. Bakit mahalaga ang kagalingang pansibiko?
A. Tinitiyak nito ang katiwasayan at kapayapaan ng mga mamamayan.
B. Tanda ito ng kakanyahan ng isang lipunang namumuahay nang
maitwasay.
C. Napaglilingkuran lalo na ang mga nagangailangan sa lipunan.
D. Lahat ay nagpapakita ng kahalagahan ng kagalingang pansibiko.
_____ 4. Alin sa mga sumusunod ang kaya mong maibahagi sa mga
nagangailangan?
A. pagbibigay ng mga mamahaling gadgets na mapaglilibangan
B. pagbibigay ng mga lumang damit at pagkain para sa mga
nabiktima ng Bulkang Taal.
C. pagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa paaralan sa mga lugar na
apektado ng pagputok ng bulkan.
D. pagbibigay ng perang magagastos tulad ng pambili ng pagkain.
_____5. Nakita mong nag-aatubiling tumawid sa kalsada ang isang
matandang babae. Ano ang gagawin mo?
A. Aalalayan ko sa pagtawid ang matandang babae.
B. Panonoorin ko siya sa kanyang pagtawid.
C. Sasabihan ko siyang mag-ingat sa pagtawid dahil maraming
sasakyan.
D. Tatawagan ko sa cellphone ang pulis para itawid sa kalsada ang
matanda

You might also like