You are on page 1of 29

Araling Panlipunan 4-

QUARTER 4 -Week 4-5


*Naipaliliwanag ang mga gawaing lumilinang sa
kagalingan pansibiko AP4KPB- IVd-e-4
BALIKAN
Gumuhit ng bituin kung ang mga sumusunod
ay tumutukoy sa KARAPATAN at araw naman
kung TUNGKULIN.
1. magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
2. magtanggol sa bayan
3. pumili ng relihiyon
4. gumalang sa watawat
5. makipagtulungan sa pamahalaan
6. sumunod sa batas
7. magkaroon ng edukasyon
8. bumoto
Tuklasin
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at
ilahad ang iyong mga sagot.
1. Nagsabi sa iyo ang kamag-aral mo na nawawala ang kaniyang wallet. Ano ang tulong na magagawa mo sa kaniya?

2. Magkakaroon ng feeding program ang isang samahan sa inyong barangay para sa mga batang lansangan. Ano ang gagawin mo?

3. Nakita mong tumatawid sa kalsada ang iyong matandang kapitbahay. Ano ang maaari mong gawin?
Suriin
Ano ang mga nasa larawan?
Ano ang gawaing Pansibiko?

Ito ay tumutukoy sa mga nakatutulong sa pagpapaunlad ng pamayanan at bansa. Ito ay nakasentro sa mga gawain na makamit ang para sa ikabubuti ng nakararami.
Mahalaga ang gawaing pansibiko ng
isang bansa, sapagkat ito ang paraan
ng pagtiyak na ang mamamayan sa
isang lipunan ay tunay na malaya,
nagsasarili at kontento sa kanilang
pamamaraan
Ano ang layunin ng gawaing
pansibiko?
• Layunin nitong lutasin ang mga suliranin at mula rito ay makapagdulot ng mabubuting pagbabago sa pamayanan.

• Pinalalakas din ng mga gawaing pansibiko ang mga mamamayan upang sila ay magkaroon ng kapangyarihang maglunsad ng mga kapaki-pakinabang at pangkaunlarang proyekto.
• Ang social integration o pagkakabuklod-buklod ng mga mamamayan ay napatatatag din at nakatutulong sa pag-iwas sa paglaganap ng mga nakapipinsalang gawain sa lipunan tulad ng pagkalulong sa droga, pagdami ng naliligaw ng landas at dropouts, krimen, at kawalan ng katarungan.

• Sa pamamagitan ng mga gawaing pansibiko, ang civic virtue o ang dedikasyon ng mga mamamayang maging matulungin at hindi makasarili ay napagyayaman.
Mga Halimbawa ng
Gawaing Pansibiko
1. pagtatanim para sa kalikasan
2. pagsasagawa ng seminar ukol sa usaping
pinansyal
3. pagkakaroon ng cleanup drive
4. pagsasagawa ng medical mission
5. pagtulong sa mga magsasaka
Ano ang Kagalingang Pansibiko?

Nagmula sa salitang Latin ang sibiko na


ang ibig sabihin ay
mamamayan.

Ang mamamayang nakapagbuwis ng


buhay para sa kaniyang kapuwa ay
tinatawag na civique noong unang
panahon sa lipunang “Pranses”.
Ito ay naipagpapalit sa salitang civil o sibilyan na
tumutukoy sa isang taong hindi naging sundalo o wala
sa serbisyo ng pamahalaan ngunit malaki ang
naitutulong sa kaniyang bayan.

Sa ngayon, ang salitang sibiko ay ginagamit upang


tukuyin ang mga mamamayang bumubuo ng lipunan.

Madalas na ikinakabit sa katagang


ito ang mga salitang “kagalingan” o welfare.
Ang civic welfare o kagalingang pansibiko ay
tumutukoy sa pinakamatatag na kabutihang
mararanasan o makukuha ng mga mamamayan.

Natatamasa ang kabutihang ito bunga ng mabilis na


pagtugon at pagtulong ng mamamayan.
Pagyamanin
Isulat sa sagutang papel ang letrang T kung ito ay
nagpapahayag ng kagalingang pansibiko at letrang M kung
hindi

____ 1. pagboboluntaryo sa pagtulong sa mahihirap


____ 2. pagtangkilik ang mga produktong gawang Filipino
____ 3. pagbibigay ng donasyon sa mga biktima ng kalamidad
____ 4. pagsasawalang-bahala sa mga batas na ipinatutupad
ng pamahalaan
____ 5. pagsasagawa ng clean up drive sa barangay
Isagawa!
Iguhit ang tsart at magtala ng mga gawaing
pansibiko sa mga sumusunod na
pangangailangan.
Sagutin
Isulat ang salitang TAMA kung ang larawan ay nagpapakita ng
gawaing pansibiko at MALI kung hindi.
2.
3.
4.
5.

You might also like