You are on page 1of 24

AKO AY NAKAKAPAG-ISIP AT

KUMIKILOS NG NAAYON SA TAMA

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Unang Markahan

BLESSILDA ROSE F. VIZCARA


Debeloper

Department of Education. Cordillera Administrative Region.


Schools Division of Mountain Province.Barlig District.
Eastern Bontoc National Agricultural and Vocational High School

iii
Department of Education

DEPARTMENT OF EDUCATION

Cordillera Administrative Region

SCHOOLS DIVISION OF MOUNTAIN PROVINCE

Bontoc, Mountain Province

Inilathala ng:
Learning Resource Management and Development System
 

KARAPATANG-ARI
2020 
 

Isinasaad sa Seksyon 9 ng Pampangulong Kautosan bilang 49/Seksiyon 176


ng Batas Republika Blg. 8923:

“Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari sa anumang akda ng


Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya
o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang materyal na ito ay binuo para sa implementasyon K-12 Curriculum sa


pamamagitan ng Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management and Development System (LRMDS). Maaaring paramihin ang kopya
nito para sa layong pang-edukasyon at pinahihintulutang iwasto, dagdagan o
pagbutihin ang mga bahagi sa kondisyong kikilalanin ang orihinal na kopya maging
ang karapatang –ari. Walang bahagi ng kagamitang ito ang maaring gamiting
pagkakitaan.

i
PAUNANG SALITA
 
Ang modyul na ito ay proyekto ng Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management and Development Unit, Kagawaran ng Edukasyon,
mga Paaralang Pansangay ng Mountain Province bilang tugon sa implementasyon
ng K - 12 Kurikulum.
 
Ang Kagamitang Pampagkatuto na ito ay pag-aari ng Kagawaran ng
Edukasyon- CID, mga Paaralang Pansangay ng Mountain Province. Layunin nitong
mapaunlad ang performans ng mga mag-aaral lalo na sa Filipino.

 
 
Petsa ng Pagbuo Julyo 10, 2020
Lokasyon ng Dulugan MPSDO – Barlig- EBNAVHS
Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao

Baitang 10
Uri ng Kagamitan LM – Modyul
Lenggwahe Filipino

Karapatang-ari (taon) 2020

 
Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip
sa paghahanap ng katotohanan at paggamit
ng kilos-loob sa paglilingkod/ pagmamahal.
Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng mga angkop
na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanan at maglingkod at
magmahal.
MELC/Code 1. Natutukoy ang mataas na gamit at
tunguhin ng isip at kilos-loob.
EsP10MP-Ia-1.1
2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa
pagpapasya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upamg malagpasan
ang mga ito. EsP10MP-Ia-1.2
Pokus na Kasanayan Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at
Kilos-Loob (Will)
Kwarter/Linggo Unang Kwarter/Unang Linggo

 
PASASALAMAT
 
 

ii
Buong pusong nagpapasalamat and debeloper sa lahat ng mga tumulong
para matapos ang modyul na ito. Nawa ay pagpalain tayo ng Panginoon.
 
 
BLESS VIZCARA
Debeloper

MEALUDY A. LIWADEN FUNNY B. FIADCONG


T3/ School Pre-evaluator MT-1/School Pre-evaluator

PAMATNUGUTAN NG DIVISION LRMDS

ANDRES M. CUYASAN NIKKI T. MACABEO


Project Development Officer II Librarian II
 

PABLO Jr. P. LIPAS JESSICA B. MASWENG JOCELYN P. SAMIDAN


Division Evaluator EPSvr-EsP EPSvr-LRMDS

MGA KONSULTANT 

KHAD M. LAYAG, EdD


CHIEF, Curriculum Implementation Division

VIRGINIA A. BATAN, CESE


OIC-Assistant Schools Division Superintendent

FEDERICO P. MARTIN, EdD, CEdD, CESO V


Schools Division Superintendent

iii
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

Karapatang-ari……………………………………………………………………. i

Paunang Salita …………………………………………………………………… ii

Pasasalamat………………………………………………………………………... iii

Talaan ng Nilalaman………………………………………………………………. iv

Dahong Pamagat………………………………………………………………….. 1

Alamin………………………………………………………………………………... 2

Subukin………………………………………………………………………………. 3

Pagtatalakay…………………………………………………………………………..

Balikan……………………………………………………………………………….. 6

Tuklasin………………………………………………………………………………. 7

Suriin…………………………………………………………………………………. 8

Pagyamanin………………………………………………………………...............

Mga Gawain

Gawain 1…………………………………………………………………….. 10

Pagtatasa 1………………………………………………………………….. 10

Gawain 2…………………………………………………………………….. 10

Pagtatasa 2………………………………………………………................ 11

Gawain 3…………………………………………………………………….. 11

Pagtatasa 3………………………………………………………………….. 11

Isaisip………………………………………………………………………………… 12

Isagawa…………………………………………………………………………..…. 13

Tayahin………………………………………………………………………………. 14

Karagdagang Gawain………………………………………………………………. 16

Pagwawasto………………………………………………………………………….. 17

Bibiliyograpiya……………………………………………………………………….. 19

1
iv
AKO AY NAKAKAPAG-ISIP AT
KUMIKILOS NG NAAYON SA
TAMA

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10


Unang Markahan

BLESSILDA ROSE F. VIZCARA


Debeloper

1
ALAMIN

Magandang buhay minamahal na mag-aaral! Alam kong handang-handa ka


nang simulan ang iyong unang aralin sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao
ngayong ikaw ay nasa ika-sampung baitang.
Ang unang modyul na ito ay tungkol sa Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip
at Kilos-Loob. Ang pokus ng araling ito ay ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol
sa paggamit ng isip sa paghahanap ng katotohanan at paggamit ng kilos-loob sa
paglilingkod/pagmamahal. Makakatulong ang mga gawaing nakapaloob sa modyul
na ito upang ikaw ay makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang iyong
kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal.

Ang mga sumusunod ang mga kasanayang inaasahang maipamamalas mo


pagkatapos ng modyul na ito:
1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upamg malagpasan ang mga ito.

Mga paalala sa magulang o sa kanino mang tutulong sa ating mag-aaral:


1. Maraming salamat sa pagtulong sa ating mag-aaral.
2. Sana po ay habaan pa ninyo ang inyong pasensya sa paggabay sa ating
mag-aaral.
3. Kayo po ay inaasahang tutulong para matapos ng ating mag-aaral ang
modyul sa itinakdang oras (dalawang oras o higit kung kinakailangan).

Mga paalala para sa mag-aaral:


1. Basahin nang maigi ang mga panuto sa bawat gawain bago simulang
sagutan.
2. Huwag mahiyang humingi ng tulong sa kung sino man na alam mong
makakatulong sa iyo para matapos ang modyul na ito.
3. Huwag mag-atubiling magtanong sa akin kung may gusto kang liwanagin
tungkol dito sa modyul. Maaring magtext o tumawag sa aking numero –
09166081345 Lunes – Biyernes mula 8:00 AM – 11:30 AM.

Ngayong alam mo na ang mga kansanayang inaasahang matututunan mo sa


modyul na ito, marahil ay handang-handa ka nang simulang matuto. Pero bago ang
lahat, magkakaroon ka muna ng paunang pagsubok.”

2
SUBUKIN
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong o pangungusap at piliin ang naaayon na
sagot mula sa mga pagpipilian. Bilugan ang titik o letra ng iyong sagot.

1. Ito ang pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-


uunawa.
A. Imahinasyon
B. Instinct
C. Kamalayan
D. Memorya
2. Ito ang kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito,
A. Imahinasyon
B. Instinct
C. Kamalayan
D. Memorya
3. Ayon kay Fr. Roque Ferriols, ang katotohanan ay
A. grupo ng mga tao
B. samahan ng mga tao
C. tahanan ng mga katoto
D. kapatiran ng mga katoto
4. Dito nagkakaroon ng malalim na kahulugan ang mga nakakalap na
impormasyon ng pandama.
A. Isip
B. kilos-loob
C. Puso
D. saloobin
5. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama
ba o mali?
A. Mali, magkahiwalay ang pandama at isip
B. Mali, dahil hindi nakadepende ang isip sa pandama
C. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
D. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip.

3
6. Ang ibig sabihin ng katagang “ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos” ay
A. Ang tao ay kahawig ng Diyos.
B. Ang tao ay nilikha – di tulad sa hayop.
C. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama.
D. Ang tao ay walang kakayahang mag-isip, pumili, at gumusto di tulad ng Diyos.
7. Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquino, ang tao ay
A. may emosyon
B. may kakayahang taglay din ng hayop.
C. binubuo ng materyal na bagay lamang.
D. binubuo ng ispiritwal at materyal na kalikasan
8. Ayon kay Robert Edward Brenan, ano ang tatlong kakayahang magkatulad sa
tao at hayop?
A. isip, kilos, pandama
B. imahinasyon, instinct, memorya
C. pakiramdam, panlasa, paningin
D. pandama, pagkagusto, pagkilos
9. Ito ay ang kakayahang makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng
kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
A. maghusga
B. makaalam
C. makaunawa
D. mangatwiran
10. Ayon kay Max Scheler, ito ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito
nakabatay ang iba’t-ibang pagkilos ng tao
A. paggalang
B. paglilingkod sa kapwa
C. pagmamahal
D. pagtulong
11. Sa tao, maaring ang emosyon at ang kilos-loob ay magkaroon ng
magkaibang pagkilos. Tama o mali?
A. Mali, dahil hindi puwedeng ihiwalay ang emosyon sa ikinikilos ng tao.
B. Tama, dahil pwedeng ihiwalay ng tao ang kaniyang pandama at pagkilos.
C. Tama, dahil ang tao ay may kakayahang kumuha ng buod o esensiya sa
mga bagay na umiiral.

4
D. Mali, dahil pareho lang ang kilos ng tao sa hayop dahil pareho lamang
silang umaasa sa kanilang pandama.
12. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa?
A. kakayahang mag-abstraksiyon
B. kamalayan sa sarili
C. pagmamalasakit
D. pagmamahal
13. Ayon kasy Esteban, ang dalawang kakayahan ng tao na kaakibat ng
kalikasan ng tao ay
A. isip at kilos-tao
B. pandama at isip
C. emosyon at kilos-loob
D. pangkaalamang pakultad at pagkagustong pakultad
14. Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya sa kapanganakan ng tao.
Tama o Mali?
A. Mali, dahil ang tao ay ipnanganak na may kakayahang mag-isip
B. Mali, dahil ang taong kapapanganak ay maari ng mag-isip at magkagusto
C. Tama, dahil sadyang walang kakayahang mag-isip ang wala pang muwang
D. Tama, dahil nakukuha niya ito sa ugnayan niya sa reyalidad sa
pamamagitan ng mga panlabas na pandama
15. Ang pagtugon sa obhektibong hinihingi ng sitwasyon ay
A. kakayahan
B. karunungan
C. katangian
D. katarungan

5
BALIKAN
Sumasang-ayon ka ba na ang tao ang natatanging nilikhang nabubuhay sa
mundo? Bakit?

Ating balikan ang mahalagang linya na ibinahagi sa Baitang 7 ng


Edukasyon sa Pagpapakatao na ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t
siya ay tinatawag na kaniyang obra maestra. Nagiging bukod tangi ang tao dahil sa
kaniyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos.

Sa modyul na ito iyong muling tutuklasin ang iyong kakayahan para


matugunan ang hamon ng pagpapakato. Pagpapakatao na hindi madaling gawin ng
isang tao.

Inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa sa modyul na ito:

 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.


 Nakikilala ang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.
 Nakakagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
mahanap ang katotohanang maglingkod at magmahal.

6
TUKLASIN

ITUWID MO! Magbigay ng salungat na argumento sa mga binigay na argumento.


Halimbawa:

Maliit na bagay lang naman ang Kaya maraming tao ang natututong
magpakopya. Nakatulong pa mandaya dahil sinasabi nilang
ako sa kaniya. maliit na bagay lang magpakopya.

Mas mabuti nang mangopya


kaysa sa bumagsak ang grado.

Ang tagumpay ay puwedeng


makamtan kahit mali ang
pamamaraan.

Sagutin ang mga tanong:

1. Batay sa mga argumentong isinulat mo, ano ang natuklasan mo tungkol sa


kakayahan ng iyong isip?

2. Apektado ba ng iyong pangangatuwiran ang iyong kilos-loob?

7
SURIIN

Basahin at unawain ang mga konseptong patungkol sa mataas na gamit at


tunguhin ng isip (Intellect) at kilos-loob (Will)

Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos. Binigyan Niya ang tao ng
kakayahang mag-isip, pumili at gumusto. Ang tao ay nilalang na may likas na
kaalaman tungkol sa mabuti at masama. At ang tao ay naiiba sa hayop dahil ang tao
ay nilikhang hindi tapos – di tulad sa hayop na walang pinaghahandaang
kinabukasan sapagkat sa kapanganakan pa lamang, tukoy na kung ano siya sa
kaniyang paglaki.

Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquino, ang tao ay binubuo ng


ispiritwal at material na kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang
kakayahan ng tao.

a. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kaniyang


panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay
nakauunawa, naghuhusga, at nangangatwiran.
b. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon
at dahil sa kilos-loob.

Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil sa kaniyang
pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama – ang paningin, pandinig,
pandama, pang-amoy, at panlasa, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa
reyalidad. Ang mga panloob na pandama naman ay ang:

a. Kamalayan – pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at


nakapag-uunawa
b. Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na
pangyayari o karanasan
c. Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at
palawakin ito
d. Instinct – kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon
nang hindi dumaan sa katwiran.

8
Ayon kay Robert Edward Brenan, may tatlong kakayahan na nagkakapareho
sa hayop at tao:

a. Ang pandama na pumupukaw sa kaalaman


b. Pagkagusto (appetite) na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon
c. Ang pagkilos o paggalaw
Naiiba ang tao sa hayop dahil bukod sa pandama, ang tao ay may isip hindi
lamang upang makaalam kundi upang makaunawa at humusga. Ang makaunawa ay
ang kakayahang makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang
bigyan ito ng kahulugan. Ang maghusga ay ang kakayahang mangatuwiran.

Isa pa sa nagagawa ng tao dahil sa kaniyang isip ay ang kakayahang kumuha


ng buod o esensiya sa mga partikular na bagay na umiiral (mag-abstraksiyon). Dahil
sa kakayahang ito ng isip, ang tao ay nakabubuo ng kahulugan at kabuluhan ng
bagay (man is a meaning manker).

Ayon sa paliwanag ni De Torre, ang kaalaman o impormasyong nakalap ng


pandama ng tao ay pinalalawak at inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas
malalim na kahulugan. Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang
maimpluwensiyahan ang kilos-loob.

Ayon kay Fr. Roque Ferriols, ang katotohanan ay “tahanan ng mga katoto”.
Ibig sabihin, may kasama ako na nakakita o may katoto ako na nakakita sa
katotohanan. Halimbawa nito ay ang sakripisyo ng magulang para sa anak. Totoo
itong nandiyan, ngunit kung isasarado ng anak ang kaniyang pag-iisip, hindi niya ito
makikita.

Ipinanganak man ang taong hindi TAPOS, nilikha naman siyang kawangis ng
Diyos na may isip at kilos-loob upang tuklasin ang katotohanan at buuin ang
kaniyang pagkatao sa pamamagitan ng pagmamahal at paglilingkod sa kaniyang
kapwa.

9
PAGYAMANIN
Gawain 1.Mula sa naging talakayan, kompletuhin ang mga sumusunod na
pangungusap.

1. Ang tao ay may isip hindi lamang upang makaalam kundi upang
makaunawa at__________________.

2. Ang tao ay nilalang na may likas na ___________ tungkol sa mabuti at


masama.

3. Ang ___________________ ay ang kakayahang makakuha ng buod ng


karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.

4. Ang tao ay binubuo ng __________________ at material na kalikasan.

5. Nilikha ang tao na kawangis ng Diyos na may isp at


___________________.

Pagtatasa 1. Sagutin ang mga tanong ayon sa iyong pang-unawa sa natapos


na talakayan.
1. Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang hindi TAPOS?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ano ang Katotohanan ayon kay Fr. Roque Ferriols?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang ating mga pandama bilang tao?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Gawain 2. Suriin ang sitwasyon. Isulat ang iyong pananaw o opinion tungkol
sa naging solusyon sa problemang nabanggit.

Ikaw ay isa sa mga honor students sa inyong klase sapagkat magaling


kang gumawa ng asignatura at kadalasan ay mataas ang iyog nakukuhang
marka sa mga pagsusulit. Ito ay dahil ikaw ay masipag mag-aral at magbasa
ng mga libro. Inaya ka minsan ng iyong kaklaseng maglaro ng Mobile

10
Legends, ngunit di mo na namalayan na nagiging sugapa ka na sa paglalaro
sa online game na ito. Halos lahat ng mga asignatura mo ay kinokopya mo na
lang sa mga sagot ng ibang tao sa internet kung kaya’t bumababa na ang
iyong performance. Sinasabi mo na okay lang naman mangopya sa internet
dahil hindi naman sinabi ng guro na bawal itong gawin.

Pagtatasa 2. Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Tama ba ang naging katwiran mo patungkol sa pangongopya sa mga sagot


ng ibang tao sa internet? Pangatwiranan mo.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ano dapat ang naging solusyon sa bumababa mong performance?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Gawain 3. Mag-isip ng kanta na tumutukoy sa tamang paggamit ng isip at


kilos-loob. Kunin lamang ang mahalagang parte ng kanta na tumutukoy sa
tamang paggamit ng isip at kilos-loob.

Halimbawa: Ang kantang “Truth” by Bamboo


Friend or foe you come to me
Wasn’t sure how deep a hole I was getting into
Yet I choose to wake up every morning with a smile on my face
Or see life for what it is.

Pamagat ng Kanta:______________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
Pagtatasa 3. Ipaliwanag ang mensahe ng piniling kanta sa Gawain 3.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

11
ISAISIP
Gumawa ng tulang akrostic sa salitang T-A-O na nagbibigay kahulugan sa mataas
na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.

Halimbawa:
T- unay na may kakayahang mag-isip at gumawa ng buod ang tao sapagkat siya’y
may
A- ngking pandama na direktang nakaugnay sa reyalidad. Kung kaya’t ito ang isa sa
mga dahilan kung bakit may
O-rder o kaayusan sa kaniyang pakikipagkapwa tao.

T - ___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________
A - ___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
O - ___________________________________________________________
________________________________________________________ __

12
ISAGAWA
Pagnilayan Ko. Magsulat ng isang sitwasyon kung saan ikaw ay nagkamali sa iyong
naging pasiya at pagkatapos ay iyong isulat kung ano ang mga pagpapasiya mo
kung ikaw ay mapupunta sa parehong sitwasyon sa hinaharap.

Sitwasyon:

Ang dapat kong maging pasiya o desisyon:

13
TAYAHIN

Tayahin 1. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin kung ang
pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagot sa patlang na nakalaan bago
ang bilang.
___________1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at
sa masama.
___________2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang
ang pagkakaiba dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.
___________3. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama,
nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.
___________4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan
at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
___________5. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig,
pang-amoy at panlasa.
Tayahin 2. Unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin ang TITIK ng iyong
sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Isulat ito sa sagot sa
patlang na nakalaan bago ang bilang.

HANAY A HANAY B
___6. pagkakaroon ng malay sa pandama, a. kamalayan
nakapagbubuod, at nakauunawa b. instinct
___7. kakayahang makaramdam sa isang c. panloob na pandama
karanasan at tumugon nang hindi d. memorya
dumadaan sa katwiran e. imahinasyon
___8. kakayahang lumikha ng larawan sa f. panlabas na
sa isip at palawakin ito pandamdam
___9. kakayahang kilalanin at alaalahanin
ang nakalipas na pangyayari o karanasan
___10. ito ang paningin, pandinig, pangamoy,
at panlasa

14
Tayahin 3. Piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang papel.
11. Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na
Kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan?
a. Kamukha ng tao ang Diyos.
b. Kapareho ng tao ang Diyos.
c. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
d. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
12. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
a. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
b. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular
na mga bagay.
c. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan
nito ang kaniyang nauunawaan.
d. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o
emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
13. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa
masama.
a. damdamin b. isip
c. kilos-loob d. pagkatao
14. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang
pinili
a. damdamin b. isip
c. kilos-loob d. pagkatao
15. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa
katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at
akmang kilos-loob.
a. emosyon b. isip
c. karunungan d. kilos-loob

15
KARAGDAGANG GAWAIN

MOTTO KO BILANG ISANG TAONG MAY PASIYA

Panuto: Gumawa ng isang motto para isulong ang pang-unawa sa mataas na gamit
at tunguhin ng isip at kilos-loob.

Halimbawa: “Pag-isipang mabuti ang kahihinatnan ng bawat desisyong gagawin


bago ito tuluyang isagawa.”

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Binabati kita dahil iyong natapos ang unang modyul sa ating asignaturang
Edukasyon sa Pagpapakatao para sa baitang 10. Nawa’y marami kang
natututunan sa araling ating natapos at iyong isabuhay ang iyong natutunan.

Kung wala ka nang katanungan sa unang modyul ay maari mo na itong


isumite sa iyong guro at magpatuloy sa ikalawang modyul.

Pagpalain ka ng Diyos at laging pagbutihin pa ang iyong pag-aaral.

16
PAGWAWASTO

Pagyamanin

Gawain 1.
1. Humusga
2. kaalaman
3. makaunawa
4. ispiritwal
5. kilos-loob

Pagtatasa 1
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA PAGTATASA 1
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
(5) (4) (3) (2)
Kalidad ng Kompleto at Naayon ang May malaking Hindi naaayon sa
Pagpapaliwanag naaayon ang sagot sagot sa mga kakulangan sa sagot tinalakay na mga
sa mga konseptong ayon sa natalakay na konsepto ang
konseptong tinalakay ngunit mga konsepto. sagot. Kailangan
tinalakay. may kakulangan. ng muling
pagtalakay.

Gawain 2
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA PAGTATASA 2
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
(10) (8) (6) (4)

Kalidad ng Naayon sa May kaunting May kakulangan sa Kinakailangan ng


Pagpapaliwanag sitwasyon ang kakulangan sa pangangatwiran at muling talakayan
pangangatwiran. pangangatwiran. may kelangang para maiwasto
linawin sa naging ang
katwiran. pangangatwiran.

Pagtatasa 3
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA PAGTATASA 3
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
(10) (8) (6) (4)
Kalidad ng Malinaw o Katamtaman lamang May kelangang Kinakailangang
Pagpapaliwanag kongkreto ang ang tinutumbok ng linawin sa isaayos ang
pagpapaliwanag. paliwanag. pagpapaliwanang pagpapaliwanag.

17
Isaisip

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula


(10) (8) (6) (4)

Kalidad ng Malinaw ang Katamtaman Hindi gaanong May mga


Paggawa mensaheng lamang ang malinaw ang kailangang
pinapahatid nilalaman ng mensaheng baguhin sa
mga salitang pinapahatid sa mga mga salitang
ginamit. salitang ginamit. ginamit sa
acrostic.

Tayahin Subukin
Isagawa
1. TAMA 1. C
2. MALI
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula2. A
3. MALI 3. C
(10) (8) (6) (4)
4. TAMA 4. A
Kalidad ng Angkop at malinaw Katamtaman 5. MALIHindi gaanong Kailangan ng5. D
Paggawa ang pagpapasiya lamang ang 6. a angkop ang naging paggabay sa6. C
sa binigay na kaangkopan 7. b pagpapasiya sa pagpapasiya.7. D
sitwasyon. ng 8. e ibinigay na
8. D
pagpapasiya9. d sitwasyon.
9. C
sa sitwasyon.10. f
11. d 10. C
12. c 11. C
13. b 12. A
14. c 13. D
15. c 14. D
15. D

BIBLIYOGRAPIYA
Dy, Manuel Jr B., & Hidalgo, Fe A., EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO MODYUL
PARA SA MAG-AARAL 2015., FEP PrintingCorporation Department of
Education- Instructional Materials Council Secretariat, DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

18
Para sa mga katanungan, maaaring tumawag o sumulat sa:

Eastern Bontoc National Agricultural and Vocational High School


Barlig, Mountain Province

Blessilda Rose F. Vizcara


Contact No: 09166081345
Email Address: blessildarose.vizcara@deped.gov.ph

19

You might also like