You are on page 1of 9

Grade

9/10

Ligao National High School

SIK-LAD
Socio-Emotional Learning Course

1|TATAG LNHS SGCO - HimBaBanTiran


School Guidance & Counseling Office
HimBaBanTiran
SIK-LAD 3Ts TRAINING COURSE
A Socio-Emotional Learning Guide

DEPARTMENT OF EDUCATION
LIGAO NATIONAL HIGH SCHOOL
DIVISION OF LIGAO CITY
LIGAO CITY
S.Y. 2022 - 2023

2|TATAG LNHS SGCO - HimBaBanTiran


3|TATAG LNHS SGCO - HimBaBanTiran
DAY3:
GAWAIN
We-Konek
Isa na namang mapagpalang araw sa ating lahat! Nakalulugod isipin na tayo ay
nasa ikatlong araw na ng ating samahan dito sa SIK-LAD module. Ngayong araw,
inaasahan na mas mapapalalim natin ang ating pagkakakilala sa konsepto ng
katatagan.

Isa sa mga humahamon sa ating katatagan bilang tao, lalo na sa mga kabataan,
ay ang masyadong maraming mga alalahanin na minsan ay hindi na saklaw ng ating
kakayahan para tugunan. Minsan ay lubos tayo nitong nababahala sapagkat hindi natin
kontrolado ang sitwasyon. May mga pagkakataon na inuubos nito ang ating pasensya
at inaalis nito ang pag-asa na maaari pang sumibol ang panibagong magandang yugto
ng buhay.

Sa panahon ng pandemya ngayon, lubos tayong


nababalisa. Hindi lang natin inaalala ang ating mga sarili kundi
pati na rin ang mga mahal natin sa buhay, lalo na ang mga
nakatatanda at ang mga bata. Idagdag pa ngayon ang reyalidad
na tayo ay nag-aaral na sa pamamaraang Face to Face.

Kaya sa mga panahong ito, mahalaga ang suporta at


ang pag-antabay ng bawat isa. Sa kabila ng mga
kinakaharap nating mga unos, pagsumikapan pa rin nating
makamit ang mga unti-unting dumidilim na alapaap ng
pangarap. Pasasaan din at ang ulap na madilim ay
liliwanag at liliwanag din. Ika nga ng marami, walang
ulang hindi tumitila.

Oh siya, huwag kang bibitiw ah. Andito lang ako.


Wala man tayong Internet at password ng ating
kapitbahay. Ikaw at Ako – We-Connect!

4|TATAG LNHS SGCO - HimBaBanTiran


Para ipagpatuloy ang Gawain natin sa araw na ito,
bigyan muna natin ang ating sarili nang maikling sandali o
pagkakataon upang makapagnilay ng bahagya sa ating
mga alalahanin.

Marapatin na gugulin ang Gawaing ito nang may


kahinahunan at kalinawan ng pag-iisip.

Isaalang-alang ang mga aktuwal na karanasan sa


mga panahon ito. Mas mainam kung mas magiging
matapat sa kung ano man ang ibabahagi. Tandaan,
ayon sa
natutuhan natin sa ikalawang araw (Kumustahan):
mahalagang nakikilala natin ang ating mga pakiramdam
kasama ng ating mga suliranin nang sa gayo’y nababantayan
natin ang ating mga tunguhin.

Huwag nating subukang ikubli ang mga suliranin upang mas


makapag-isip tayo ng konkretong paraan para lampasan ang
mga ito. Halika, samahan ako at gawin natin ito!
Halika at Gawin Natin ‘To

PANUTO:

1. Kumuha ng papel (Short Bond Paper) at Pluma. Isulat dito ang iyong
pagkakakilanlan. Sundin ang format sa nakaraang dalawang araw.

2. Gabay ang pagsasalarawan sa ibaba, gumawa ng sariling bersyon nito.

3. Sa loob ng mga “speech bubbles” isulat ang hindi bababa sa tatlong mga
alalahanin o suliranin ayon sa kategoryang nakasulat dito:

a. Sarili
b. Kaibigan
c. Pamilya
d. Sambayanan

4. Maaaring magdagdag ng “speech balloon” sa bawat kategoryang nais mong


isabay sa gawaing ito.

5|TATAG LNHS SGCO - HimBaBanTiran


ANG AKING MGA ALALAHANIN
 Sarili: Pagaaral, Kinabukasan, Kaibigan
 Pamilya: Pera, Hanap-buhay
 Kaibigan: Pakikisama, Ugali, Tangkad
 Sambayanan: Basura, Nakawan, Maingay

Sagutan ang Sumusunod:


1. Kumusta ka pakatapos isa-isahin ang iyong mga suliranin o alalahanin sa buhay?
Mabuti nman pagkat naalaman ko na ang mga alalahin ko sa sarili,
pamilya, kaibigan, at sambayanan.
2. Sa mga kategorya ng alalahanin, alin sa mga ito ang lubos na nakakaapekto sa
iyong pag-unlad bilang isang indibidwal? Paano nito nasusubukan ang iyong
katatagan?
Sarili, pagkat ikaw lamang ang maaring maka solusyon ng mga
problemang ito, maaaring humingi ng tulong sa ibang tao ngunit ikaw
dapat ang humanap ng solusyon sa iyong problema.
3. Paano mo hinaharap at nilalampasan ang mga suliraning ito? Palalimin.
Humi-hingi ako ng tulong o mga advice sa aking mga kakilala na
pinagdaanan rin ang suliranin na aking nararanasan.

6|TATAG LNHS SGCO - HimBaBanTiran


ILAW SA GITNA NG DILIM

Sa kabila ng lahat ng iyong alalahanin, gumuhit o magdikit ng isang larawan na


magpapaalala sa iyong sarili na kailangan mong manatiling matatag sa lahat ng suliranin na
dumarating sa iyong buhay. Tandaan, hindi natatapos ang suliranin ng tao, ngunit kailangan
niyang magpatuloy sa kabila nito. Mapapagod tayo ngunit hindi susuko. Maaaring
magpahinga sandali, ngunit kailangang bumangon at magpatuloy. Hindi man natin ito
kayaning mag-isa pero mayroong mga bagay at tao na nagbibigay inspirasyon para patuloy
na lumaban sa buhay.
Halika at Isalarawan ang iyong ilaw sa gitna ng dilim. Sa muli, maaaring gamitin
ang sarili mong pagguhit o dati nang larawang makikita sa loob ng tahanan.

Ito ang aking napili pagkat kapag nakikita ko ang aking sarili na nakapgtapos na sa
kursong engineering ay makakatangap na ako ng diploma na may pangalan ko at
maari ko na sabihing ako ay isa nang matagumpay na mamamayan.

7|TATAG LNHS SGCO - HimBaBanTiran


Ano Naman Ngayon?

Pakatapos ng mga Gawain simula kahapon hanggang


ngayon, mainam na mabuo natin ang ating karanasan at mga
natutuhan.
Nagsimula tayo sa simpleng collage kung saan
diniskubre nating ang mga mukha ng Katatagan at kung
bakit
kailangan ito ng tao upang umunlad sa buhay.
Kani-kanina lamang ay pinalalim natin ang ating
pagkakaintindi sa konseptong ito sa pamamagitan ng
pag-iisa-isa ng ating mga suliranin. Ang mga suliraning
ito ay natuklasan nating kabahagi na ng ating pang-
araw- araw na buhay. Nahinuha rin natin na may mga
bagay at
tao na sadyang nariyan upang magbigay sa atin ng
inspirasyon sa gitna ng mga suliraning ito.
Panuto:
1. Sa iyong papel, isulat ang kabuuan ng napulot na aral galing
sa iyong mga karanasan sa mga Gawain sa mga nakalipas na araw.

2. Limitahan ang sagot hanggang sa dalawang pangungusap lamang.

Ano Naman Ngayon?


Natutunan ko na mahalaga ang katatagan bilang isang mamamayan
pagkat ito ang nagiging dahilan ng ating pagtagumpay sa buhay.

Opisyal na natapos mo ang mga Gawain sa araw na ito. Ikinagagalak kong batiin
ka sa nagawa mo sa araw na ito. Isa kang tunay na mapagkakatiwalaang mag-
aaral. Huwag kalimutan na lahat ng gawaing hinihingi sa modyul na ito ay kailangang
nakasulat sa isang papel (short bond paper). Kailangang may nakatalagang Gawain kang
isusumite sa bawat araw. Ipunin ang mga ito hanggan sa katapusan ng linggo
sapagkat kokolektahin ito at ipapamahagi sa inyong mga Tagapayo (Advisers).
Hanggang bukas ulit Kaibigan! Samahan ninyo si Henry upang mas malaliman
nating maintindihan ang halaga ng Katatagan sa Panahong Kinakaharap natin sa
ngayon. Sa muli, ako ay si Nathan. Kitakits!
8|TATAG LNHS SGCO - HimBaBanTiran
Ligao National High School

SIK-LAD 9|TATAG

Socio-Emotional Learning Course


LNHS SGCO - HimBaBanTiran

You might also like