You are on page 1of 3

GAWAING PANGKAISIPAN:

Pangalan: Lady Jean Lagata Kurso/Seksyon: BEED I-A


Propesor: Bb. Raquel Poliquit Iskor:

A. Mag-isip ng dalawampung (20) salita at bigyan ito ng iba’t ibang


katawagan ayon sa bawat antas ng wika. Ipaliwanag ang kahulugan ng
bawat salita.

Pambansa Pampanitikan Kolokyal Lalawiganin Balbal


1. Puwede Maaari Pwede posible keribumbum
2. Umaga Pagsikat ng Umaga buntag Sunshine dizon
araw
3. Madaling- Bukang Madaling-araw kaadlawon Zombie hour
araw liwayway
4. Kuwarto Silid Kwarto silid roomlalu
5. Libro Aklat Libro aklat libro
6. Litrato Larawan Litrato Litrato piksur
7. Bahay Tahanan tanan balay baler
8. Asawa Kabiyak Asawa uyab jowa
9. Trabaho Hanap-buhay Trabaho Hanap-buhay raket
10. Dakila Tanyag Dakila Maayo kaayo peymus
11. Langit Himpapawid Langit Langit heavenly
12. Malaki Ga-higante Malaki dako daks
13. Katulong Katuwang Katulong katabang angels
14. Kotse Sasakyang Kotse awto tsikot
panlupa
15. Aalis Gagayak Alis pagbiya Larga/gora
16. Kaklase Kamag-aral Kaklase Kamag-aral Ko-mate
17. Malikot and Magnanakaw kawatan Matet de Leon
Magnanakaw kamay
18. Kasintahan Kalaguyo Kasintahan uyab jowa
19. Tayo na Halika na Lika na Adto ta Arat na
20. Sinabi Winika Wika/ika miingon chismis
PAGTATAYA

B. Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang komposisyon na naglalahad at


tumatalakay sa isyung “bakit hindi nararapat tanggalin ang Asignaturang Filipino sa
kolehiyo” na binubuo ng hindi kukulang sa tatlong talata at kada talata ay may limang
pangungusap. Kunan ito ng larawan at ipadala sa pinuno ng grupo.

Asignaturang Filipino sa Kolehiyo

Matagal nang usap-usapan and pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo


at talaga namang nagbigay ingay sa iba’t ibang plataporma. Bakit nga ba hindi
nararapat tanggalin ang asignaturang Filipino? Anu-ano ang mga maaapektuhan sa
pagtanggal nito? Anu-ano ang mga posibleng idulot ng pagtanggal ng asignaturang ito
sa hinaharap at sa mga estudyante? Alam nating lahat na ang asignaturang Filipino ay
siyang nagbibigay sa atin ng kaalaman ukol sa ating wika, kasaysayan, bansa, at iba
pang mga paksa na may kinalaman sa Filipino.

Bilang estudyante ng Pilipinas na humigit kumulang labinlimang taon, malaki na


ang naitulong at naitutulong pa sa akin ng asignaturang Filipino kung kaya’t ang
pagtanggal nito sa kolehiyo ay alam kong magiging malaki ang epekto sa hinaharap
gayundin sa mga estudyante at mga guro. Sa pagtanggal ng asignaturang Filipino, isa
ang departamento ng edukasyon sa mga maaapektuhan ng lubos dahil ang layunin nito
ay ang bumuo ng mga mahuhusay na estudyante na siyang magiging kinabukasan ng
Pilipinas, ngunit paano ito maisasagawa kung ang sariling wika ay hindi natin
pagtutuunan ng pansin sa edukasyon? Ang mga kabataan ay siya ring maaapektuhan
nito dahil kaakibat ng asignaturang Filipino ang pagtuturo ng tamang pag-unawa sa
ating wikang pambansa kaya pag tinanggal ito ay maaaring marami sa ating mga
kabataan ang magiging mangmang sa sarili natin wika na kung saan ay isang malaking
insult para sa ating lahat. Ang higit na maapektuhan sa pagtanggal ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo ay ang kinabukasan ng ating bansa. Maraming bayani na ang
lumaban sa iba’t ibang dayuhan na sumakop sa atin na siyang dahilan ng kalayaang
ating inaasam-asam ngayon kaya nararapat lamang na ating respetuhin at bigyan ng
halaga ang ating mga bayani sa paraan ng hindi pagtanggal ng asignaturang Filipino at
hindi pagtangkilik ng lubos sa wika ng ibang mga bansa.

Sa kabuuan, hindi magiging maganda ang dulot ng pagtanggal ng asignaturang


Filipino sa kolehiyo dahil sa iba’t ibang dahilan na siyang nakasaad sa komposisyong
ito. Isa pa ay wala rin akong nakikitang benepisyo sa pagtanggal ng asignaturang
Filipino kaya hindi na dapat to ginawang isyu sa unang pagkakataon pa lamang dahil
insulto ito sa marami lalo na sa ating mga bayani. Hayaan niyong tapusin ko itong
komposisyon na ito sa pamamagitan ng pag-iiwan ng isang tanyag na kasabihan na
siyang galing sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. “Ang hindi magmahal
sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda”, Wikang Filipino ang siyang
nagpapakilala sa atin sa iba’t ibang bansa at ito ay isa na sa ating pagkakakilanlan,
isang insulto para sa ating lahat na ang wikang pambansa natin ay hindi natin gamay
dahil sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Dapat nating tangkilikin at
mahalin ang sariling atin upang tayo ay umunlad nang hindi nakadepende sa iba at
walang utang na loob na siyang sisira sa atin sa hinaharap; Asignaturang Filipino sa
kolehiyo ay hindi nararapat na tanggalin kahit na kailan.

You might also like