You are on page 1of 6

I.

Paksang Aralin: Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo

II. Mga Layunin:

a. Nakatutukoy ng kondisyon sa panahong isinulat ang akda;

b. Nakapagbababahagi ng kahalagahan ng paksa at kung saan ito maaaring gamitin; at

c. Nakagagawa ng malikhaing presentasyon batay sa paksa.

III. Mga Kagamitang Pampagtuturo

a. Sanggunian

Marasigan, E. V., & Del Rosario, M. G. (2015). Pinagyamang Pluma 10. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.
b. Projector, Laptop

IV. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
a. Pagdadasal
b. Pagbati
c. Pagtsek ng atendans
d. Paglahad ng mga patakaran
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak

Ano sa tingin ninyo ang ipinapahiwatig


ng larawang ito?
Kasaysayan po
Magaling! Kasaysayan nga. Ano ba ang
alam ninyo sa kasaysayan natin?
May dumating pong mga espanyol at lumaganap
ang Kristiyanismo.
Mahusay! Tungkol diyan ang
tatalakayin natin ngayon.
2. Paglalahad
Alam n’yo ba kung ano ang mga aklat
na nailimbag ni Dr. Jose Rizal?
Ano-ano ang mga iyon? Opo.

Noli Me Tangere po at El Filibusterismo.


Tama! Ang tatalakayin natin ngayon ay
patungkol sa ikalawang nobela ni Dr.
Jose Rizal. Ang kaligirang
pangkasaysayan ng nobelang El
Filibusterismo.

a. Paglinang ng talasalitaan
Word Scramble.
Magpapakita ang guro ng dalawang
salitang magkasingkahulugan subalit
ang isa ay wala sa tamang ayos kung
kaya’t isusulat ninyo ang tamang ayos
nito.
Halimbawa: manalangin- gamdalas
matiwasay – mayaos
Sagot: manalangin – magdasal
matiwasay – maayos
1. Nanganib sa prayle
2. Hinimok na umalis
3. Lumisan ng Pilipinas
4. Naaliw sa ganda
5. balakid sa pagsusulat
6. Pamilya’y pinag-uusig
7. Lumiban sa pagkain
8. nasamsam na kopya
9. sipi ng nobela
10. naiwaksi sa isip

3. Pagtatalakay
a. Pagbibigay ng Tanong Pangganyak
Mayroon ba kayong nais malaman
patungkol sa kasaysayan ng El
Filibusterismo?

Mabuti. Tandaan ninyo ang tanong na Ano po ang ibig sabihin ng Filibusterismo?
iyan sapagkat sasagutin ninyo iyan
mamaya.

b. Pagbabasa nang tahimik sa akda


Bumuo ng sampung pangkat. Pumili ng
representante upang bumunot ng
papel dito sa harap. Ang papel na ito
ang magiging gabay ninyo sa
pagbabasa ng akda. Ang sagot ninyo ay
iuulat ninyo dito sa harapan.
Mayroon kayong limang minuto upang
basahin ang akda nang tahimik at para
masagutan ang katanungan.
Pagkatapos ninyong basahin ang akda
ay bumuo kayo ng isang katanungan
maaaring magsimula sa
Ano/Sino/Saan/Kailan/Paano/Bakit.

Bumunot na ng papel
Ang mga mag-aaral ay bubunot ng papel.
1. Ibigay ang mga pangyayaring nagtulak kay Rizal
upang isulat ang El Filibusterismo
2. Ibigay ang lugar at petsa ng pagsulat ni Rizal ng
El Filibusterismo
3. Isa-isahin ang mga suliraning naranasan niya
habang sinusulat ang El filibusterismo.
4. Ibigay ang dahilan kung bakit kinailangan na
lisanin ni Rizal ang Paris at lumipat sa Brussels,
Belgium.
5. Ibigay ang dahilan kung bakit muntikan nang
hindi mailimbag ang nobela.
6. Ibigay ang damdaming naghari kay Rizal nang
tinulungan siya ni Valentin Ventura.
7. Ibigay ang maaaring mangyari sa Pilipinas kung
hindi tumulong si Valentin Ventura sa
pagpapalimbag ng akda.
8. Ibigay ang dahilan kung bakit nakumpiska sa
Hong Kong at Pilipinas ang mga kopya ng El
Filibusterismo.
9. Ibigay ang paraan kung paano nakatulong kina
Andres Bonifacio at kanyang kilusan ang akdang
ito ni Rizal.
10. Ilahad ang kaibahan ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
c. Pagsagot ng tanong pangganyak
Ano nga ulit ang tanong kanina?

Okay. Sino ang makasasagot ng tanong


na iyan?
Okay. Ano pa?
Ano ang ibig sabihin ng Filibusterismo?
Maaari. Ayon naman sa The New
Webster’s Dictionary, obstruction of
Isa pong pagsuwail.
legislative action by delaying tactics
e.g. by making long speeches to gahaman
consume time
Ang El Filibusterismo, kung isasalin sa
wikang Filipino ay Paghahari ng
Kasakiman.

Oras na para iulat ninyo ang inyong


mga sagot.
Pagkatapos ng pag-uulat, itanong ninyo
ang inihanda ninyong katanungan.

(pag-uulat ng mga mag-aaral)


Magaling. maraming salamat.

Mayroon pa ba kayong mga


katanungan? Paglilinaw?

Sigurado?
Wala na po.
4. Paglalahat
Lahat ng lalake na may suot na relo,
Opo.
pumunta dito sa harapan upang
bumunot ng papel.
Ano ang nabunot ninyo? Sagutin. Ano ang natutunan mo? Ang natutunan ko po ay
labis ang pagmamahal ni Dr. Jose Rizal sa
Pilipinas. Nagsakripisyo siya upang makapagsulat
at maiparating sa mga Pilipino ang kasakimang
nangyayari noong sinakop pa tayo.
Mahusay! Kasunod naman.
Paano mo mapapahalagahan ang paksang
tinalakay? Sa pamamagitan po ng pagbasa ng
akda, pagtangkilik ng sariling atin.
Magaling. kasunod. Saan maaaring gamitin ang natutunan mo?
Patunayan. Kahit saan po. Sa paaralan o sa bahay.
Maaari kasi itong ibahagi sa mga kaibigan at
kaklase nang sa ganoon ay madagdagan ang
kanilang kaalaman.
Mabuti. Ikaapat.
Ano ang masasabi mo sa gawain ngayon?
Masasabi ko po na nag-enjoy ako at kinabahan
din ako kanina sa tanong.
Okay. Panghuli.
Isang pangungusap upang lagumin ang paksa. SI
Dr. Jose Rizal ay maraming ginawa para maghatid
ng kaalaman sa atin, mga Pilipino, sana ay
patuloy nating tangkilikin ang sariling atin.
Maraming salamat.

5. Pagpapahalaga
Sa tingin ninyo, mahalaga ba na
matutunan natin ang kasaysayan ng
nobelang ito?
Opo.
Bakit kaya? Kasi po ito ay atin. Sariling atin. Likha mismo ng
ating bayani para sa ating mga Pilipino nang sa
ganoon ay mamulat tayo mula sa
Magaling! Sa tingin ninyo, bakit niya
isinulat ang nobelang ito?
Dahil sa pagmamahal niya po sa mga Pilipino.
Mahusay! Dahil sa pagmamahal niya sa
mga Pilipino, sa Pilipinas. Kung ating
iuugnay sa URIAN Core Values, saan
kaya makikita ang ginawa ni Dr. Rizal?
Nationalism po.
Tumpak! Ano ang Nationalism? Pagmamahal sa bayan po.

Tama! Ipinapakita ni Dr. Rizal ang


pagmamahal niya sa bayan sa
pamamagitan ng ano?
Pagsulat po.
Magaling! Pagsusulat. “Pen is mightier
than sword” ika nga. Kayo ba, mahal
niyo ba ang inyong bayan? Ang
Pilipinas?
Opo.
Talaga ba? Paano mo nasabi? Sa pamamagitan ng pagtangkilik ng sariling atin
at pag-aaral ng mga asignaturang may kaugnayan
sa pagiging Pilipino.
Magaling. Nawa’y pag-aralan nga natin
ang sariling atin. Lalo na ang
asignaturang Filipino na siyang
humuhubog sa pagiging Pilipino natin.
6. Pagpapalawak
Ngayon, mayroon kayong kalayaan
upang pumili ng inyong gagawin subalit
nakalimita lamang sa dalawa –
pagguhit o paggawa ng clay. Sa loob ng
limang minuto, gawin ninyo kung ano
ang napili ninyo. Ang iguguhit o
bubuuin ninyo ay isang bagay na
sumisimbolo sa paksang tinalakay natin
ngayon. At kung maaari, ito’y isang
panghihikayat.
V. Pagtataya

Panuto:

Tukuyin ang kondisyon sa panahong isinulat ang akda. Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ang pangyayari
ay tumutukoy sa mga kondisyon sa panahong isinulat ang El Filibusterismo. Isulat sa linya ang
magpapawasto sa pangyayari kung mali ito.

Si Gobernador Heneral Emiliio Terrero ang namumuno sa bansa nang simulan ni Rizal ang
pagsusulat ng ikalawang nobelang El Filibusterismo

__________________________________________________________________________________

Higit na naging madali para kay Rizal ang pagsulat ng El Filibusterismo kaysa Noli Me Tangere.

__________________________________________________________________________________

Nalagay sa panganib ang pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Rizal habang isinusulat niya ang
nobelang ito.

__________________________________________________________________________________

Ang ganda at kasiyahang hatid ng Paris ay nagbigay-inspirasyon sa kanyang tapusin na ang


kanyang nobela sa lugar na ito.

__________________________________________________________________________________

Mas maraming pahina ang tinanggal, nilagyan ng ekis, bnura, o hindi isinama ni Rizal sa Noli
kaysa mga pahinang hindi niya isinama sa El Fili.

__________________________________________________________________________________

VI. Kasunduan

Basahin ang unang kabanata ng El Filibusterismo. Pahina 468-478

You might also like