You are on page 1of 3

 ANG KATITIKAN NG PULONG (KNP): ANO ITO?

 Ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord, pagdodokumento


ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang pagpupulong.
 Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o
organisasyong maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin
o sanggunian para sa mga susunod na mga pagpaplano at pagkilos.

 ANG KATITIKAN NG PULONG (KNP): MGA BAHAGI NITO

A. HEADING – ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o


kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng
pagsisimula ng pulong.
B. MGA KALAHOK – dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang
pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
C. PINAGTIBAY NA KNP – dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay
napagtibay o may pagbabagong isinasagawa sa mga ito.
D. ACTION ITEMS - dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang
tinalakay kasama ang mga hindi pa natapos o nagawang proyekto.
E. PABALITA O PATALASTAS – dito nakalagay ang mga adyenda o suhestiyon para sa
susunod na pulong.
F. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG – itinatala sa bahaging ito kung kailan at
saan gaganapin ang susunod na pulong.
G. PAGTATAPOS – inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
H. LAGDA – mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng
katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
 KATITIKAN NG PULONG (KNP): MGA GAWAIN

1. Hangga’t maaari ay hindi partisipant sa nasabing pulong.


2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong
heading.
7. Gumamit ng rekorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.

 KATITIKAN NG PULONG (KNP): URI O ESTILO NG PAGSULAT NG KNP

A. ULAT KATITIKAN – sa ganitong uri ng katitikan ay kailangan nakasulat ang lahat ng


detalyeng napag-usapan sa pulong.
B. SALAYSAY NG KATITIKAN – nakasalaysay ang mahahalagang detalye ng pulong.
Ang ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento.
C. RESOLUSYON NG KATITIKAN – nakasaad lamang ang mga isyung napagkasunduan
ng Samahan. Sa uring ito kadalasang mababasa ang mga katagang “Napagkasunduan na o
Napagtibay na”.

 KATITIKAN NG PULONG (KNP): HALIMBAWA

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VIII
DR. V. ORESTES ROMUALDEZ EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.
SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Tacloban, City

ULAT KATITIKAN NG ISINAGAWANG PULONG PARA


SA NATIONAL
ACHIEVEMENT TEST
OKTUBRE 2020
Conference Room, DVOREF

Layunin ng Pulong: Preparasyon para sa National Achievement Test


Petsa/Oras: Oktubre, 2020 sa ganap na ika-9:00 n.u
Tagapanguna: Erlinda A. San Gabriel, Punong-guro

Bilang ng mga Dumalo: Sampu (10)

 Erlinda A. San Gabriel, Joenne O. Cajara, Abegail Efren, Jessica Pulga, Ruby Lyn
Decen, Rald John Asuncion, Jason Cadajas, Nicky Diaz, Alexis Mellona, Reaflor
Cornelio

Mga Liban: Walang liban

A. Call to Order
Sa ganap na alas 9:00 n.u ay pinasimulan ni Gng. San Gabriel ang pulong sa
pamamagitan ng pagtawag ng atensiyon ng lahat.
B. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Decen
C. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. San Gabriel bilang tagapanguna ng
pulong.

D. Pagpapatibay ng Katitikan ng Pulong


Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Setyembre 2020 ay binasa ni Gng.
San Gabriel. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G. Galpo at sinang-
ayunan ni G. Lorica.
E. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong

Paksa Talakayan Aksiyon Taong Nagsagawa


Magtalakay sa Tinalakay ni Bb. Inaprubahan ang Bb. Reaflor
kinakailangan ng Reaflor ang mga mga ginawang Gng. San Gabriel
departamento ng kinakailangan sa itinerarya ng
Matimatika rebyu ng asignatura gagawing rebyu
at ang mga
posibleng lalabas na
mga katanungan
Magtalakay sa Tinalakay ni G. Inaprubahan ang Ginoong Diaz
kinakailangan ng Diaz ang mga mga ginawang Gng. San Gabriel
departamento ng kinakailangan sa itinerarya ng
Social Science rebyu ng asignatura gagawing rebyu
at ang mga
posibleng lalabas na
mga katanungan
Pag-iskedyul ng mga
Asignatura
Lugar na
pagdadausan at mga
gagamitin
Magtalakay sa
kinakailangan ng
departamento ng
Ingles
Magtalakay sa
kinakailangan ng
departamento ng
Agham

F. Ulat ng Ingat-Yaman
Iniulat ni Bb. Pulga ang panukalang badyet na kinakailangan sa nasabing pulong.
G. Pagtatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin at pag-usapan, ang
pulong ay winakasan sa ganap na alas 12:00 ng tanghali.
H. Iskedyul ng Susunod na Pulong
Nobyembre 05, 2020 sa Conference Room, DVOREF, 9:00 n.u

Inihanda at
Isinumite ni:

Jeffrey O. Galpo
Nakatalaga

You might also like