You are on page 1of 4

Halimbawa ng Katitikan ng Pulong

San Juan Dela Cruz Parish Savings and Credit Cooperative


F. Bautista St., Ugong, Valenzuela City

Buwanang Pulong ng mga Opisyales


Pebrero 5, 2020
SJDSPCC Conference Hall

Layunin ng Pulong: Pagpapatayo ng Satellite Office ng Kooperatiba


Petsa/Oras: Pebrero 5, 2020
Tagapanguna: Godofredo Dela Cruz (BOD-Chairperson)
Bilang ng mga Taong Dadalo: 10
Mga Dumalo: Godofredo Dela Cruz - BOD Chairperson
Ma. Regina Del Mundo –Vice Chairperson
Luis Antonio – BOD Leonila Espiritu – BOD
Rodrigo Adriano – BOD Ester Valdellon - BOD
Matilde Dela Rosa – BOD Elvira Magno - CEO
Teodora Cleofas- Ingat Yaman Samgelica Yacub- Kalihim
Liban: Wala
Pagbubukas ng Pulong (Call to Order)
Sa ganap na alas 9:00 ng umaga ay pinasimulan ni Chairperson Godofredo
Dela Cruz ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag sa atensyon ng lahat.
Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Dir. Leonila Espiritu.
Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Chairperson Godofredo Dela Cruz
bilang tagapanguna ng pulong.
Pagbasa at pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Enero 8, 2020 ay binasa ni
Gng. Elvira Magno. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni Dir. Luis
Antonio at ito ay sinusugan ni Dir. Rodrigo Adriano.
Pagtalakay sa Agenda ng Pulong
Ang sumusunod ay ang mga agenda ng paksang tinalakay sa pulong:

Paksa Talakayan Aksyon Taong


Magsasagawa
Magkakaroon ng
Inihain ni Teodora pagpupulong ang
Cleofas ang arkitekto, Pangungunahan
1. Pondo para sa halagang inhenyero, Board ni Dir. Godofredo
pagtatayo ng nakalaan sa of Directors para Dela Cruz
satellite office pagpapatayo ng sa plano at
satellite office. gastusin sa
itatayong satellite
office
2. Lugar kung Lugar na malapit Makikipag-usap
saan sa PureGold Paso sa may-ari ng lote Elvira Magno,
magpapatayo de Blass para proseso na CEO
kinakailangan.
3. Mga kailangan Marami ang Sasaliksikin ang Dir. Ma. Regina
sa kailangang mga kailangang sa Del Mundo
pagpapatayo ayusin, unahin pagpapatayo ng
ng satellite muna ang mga satellite office Dir. Matilde Dela
office permit. Rosa

VI. Ulat ng Ingat Yaman


Iniulat ni Gng. Teodora Cleofas ang nalalabing pera ng kooperatiba sa bangko
ay nagkakahalagang 54 milyong piso ngunit may halagang 3 milyong piso na dapat
bayaran sa darating na buwan.

Mosyon: Tinanggap ni Dir. Godofredo Dela Cruz ang ulat na ito ng Ingat Yaman at
sinang-ayunan ni Dir. Ma. Regina Del Mundo.

VII. Pagtatapos ng Pulong


Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin at pag-
usapan ang pulong ay nagtapos sa ganap na alas 11:45 ng umaga.

Iskedyul ng susunod na Pulong:


Marso 09, 2020 sa SJDPSCC Conference Hall sa ganap na ika-9:00 ng umaga.
Inihanda at isinumite ni:

Samgelica Yacub
Kalihim

Tayahin
A. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa estilo ng pagsulat ng katitikan na naglalahad ng lahat ng


isyung napagkasunduan ng samahan.
A. Ulat ng Katitikan C. Resolusyon
B. Salaysay ng katitikan ng Katitikan D. Wala sa nabaggit

2. Bahagi ito ng katitikan ng pulong kung saan makikita ang mahahalagang napag-
usapan, kung sino ang nanguna sa pagtalakay at ang desisyon ukol dito.
A. Pagtatapos C. Usaping Napagkasunduan
B. Pabalita o Patalastas D. Mga Kalahok o Dumalo

3. Akademikong sulating ito na naglalaman ng mga napag-usapan, tala, rekord


mahahalagang diskurso at desisyon sa isang pagpupulong.
A. Adyenda C. Katitikan ng Pulong
B. Bionote D. Replektibong Sanaysay

4. Bahagi ito ng katitikan ng pulong na kakikitaan ng petsa, oras at lugar ng susunod


na pagpupulong.
A. Heading C. Talatakdaan
B. Patalastas D. Usaping napagkasunduan

5. Nakalagay sa bahaging ito ng katitikan ng pulong kung sino ang tagapagdaloy ng


pulong, mga pangalan ng lahat ng dumalo, ang mga panauhin at ang mga liban sa
pagpupulong.
A. Mga Kalahok o Dumalo C. Patalastas
B. Usaping napagkasunduan D. Talatakdaan

6. Tumutukoy ito sa estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong na nagtataglay ng


detalyeng napag-usapan sa pulong, nakatala dito maging ang mga taong nagsalita
o nagtalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga kasaping sumang-ayon sa
mosyong isinagawa.
A. Ulat ng Katitikan C. Resolusyon ng Katitikan
B. Salaysay ng katitikan D. Lahat ng nabaggit
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring kumuha o gumawa ng katitikan ng
pulong?
A. Kalihim C. Typist
B. Tagapanguna ng pulong D. Reporter sa korte

8. Anong kasanayan ang dapat taglayin ng taong naatasang magsulat ng katitikan ng


pulong?
A. Bilis ng pagsulat C. Talas ng pandinig
B. Linaw ng pag-iisip D. Lahat ng nabaggit

9. Bahagi ito ng katitikan ng pulong na nagtataglay ng pangalan ng samahan,


organisasyon o kompanya, petsa, lugar ng pinagdausan at mga oras ng pagsisimula
at pagtatapos ng pulong.
A. Heading C. Patalastas
B. Pagbasa at pagpapatibay D. Pagtatapos

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi hakbang sa pagsulat ng Katitikan ng Pulong?
A. Bumuo ng listahan ng mga dadalo sa pulong.
B. Isulat ang mga mahahalagang impormasyon habang nagpupulong
C. Magpasiya kung anong pagkain ang ihahain sa pulong.
D. Pagkatapos ng pagpupulong, iberipika ang mga naitala o kaya nama’y
basahin ang mga paksang napagdesisyunan

B. Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang diwang ipinahahayag ng


nakasalungguhit na bahagi ng pangungusap. Kung hindi naman, isulat ang salita o
mga salitang maaaring magwasto rito.

11. Sa resolusyon ng katitikan, makikita ang mga isyung napagkasunduan ng


samahan, kadalasang mababasa ang mga katagang “Napagkasunduan na… o
Napagtibay na…”
12. Ang agenda ng pulong ay nagsisilbing opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa
pulong.
13. Sa bahagi ng pagtatapos makikita ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng
pulong at kung kailan ito isinumite.
14. Makikita sa pagbasa at pagpapatibay ng nagdaaang katitikan ng pulong ang
napagtibay o mga pagbabagong isinagawa sa katitikan.
15. Katumbas sa ingles ng tala o record ng mga naganap sa pulong ay minutes of
meeting.

You might also like