You are on page 1of 3

4th Quarter Exam

(KAALAMAN)

1. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hakbang sa pagsasagawa ng pagpupulong, alin


dito ang hindi kabilang?
a. Paumanhin
b. Pagtalakay sa agenda
c. Adapsiyon sa nakaraang katitikan
d. Paglagay ng nakalaang oras para sa bawat paksa
2.Anong antas ng wika ang ginagamit sa pagsulat ng katitikan ng pulong?
a. Pormal
b. Impormal
c. Lalawiganin
d. Pampanitikan
3. Kailan inihanda ang agenda?
a. Habang nagpupulong
b. Pagkatapos ng pagpupulong
c. Bago ang araw ng pulong
d. Isang linggo matapos ang pulong
4. Anong bahagi ng pagpupulong isinasagawa ang nasabing sitwasyon? “Ang
pagpupulong ay natapos sa ganap na alas 3:30 ng hapon.”
a. Paumanhin
b. Call to Order
c. Adjournment
d. Pagbabasa sa nagdaang Katitikan ng Pulong
5. Anong bahagi ng pagpupulong isinasagawa ang nasabing sitwasyon? “Matapos
manalangin, isinalaysay ni Bb. Gene ang talaan ng mga dumalo sa pulong.”
a. Paumanhin
b. Call to Order
c. Adjournment
d. Pagbabasa sa nagdaan Katitikan ng Pulong
6. Ayon sa aklat ni Lyn Gaertner, walang istandard na pormat para sa pagsulat ng
katitikan. Ngunit mahalagang malaman ni Efren kung ano-ano ang mga sumusunod na
detalye na dapat napakaloob sa katitikan ng pulong bilang siya ang natalagang
sekretarya ng St. Lorenzo Ruiz. Alin sa mga mahalagang detalye ang ilan sa mga dapat
napakaloob?
a. Oras, lokasyon, at ice breaker
b. petsa , dumalo, at isinuot
c. Pulong, lokasyon, at mga pagkain
d. Agenda, petsa, at tagapagdaloy
7. Isa sa mga inaasahang magawa ni G. Jimmy bilang kalihim sa isinasagawang
pagpupulong ay ang katitikan. Lingid sa kanyang kaalaman na may limitasyon sa
pagsumite ng isang katitikan upang maipabatid sa mga nakatalagang tungkulin ang
kanilang mga gawain at iba pa. Ilang oras ang kailangan para ito maibahagi o
maisumite?
a. 28 oras
b. 38 oras
c. 48 oras
d. 58 oras
8. Nakasanayan na ng NEW Company ang buwang pagpupulong. Si Archt. Merten,
bilang bagong CEO, ay naghanda para dito. Isinasaalang-alang niya ang isa sa mga
mahahalagang bagay sa pagsulat nito tulad ng pagtatalaga ng mga paksang kailangang
pag-usapan. Batay dito, ilang bilang ng paksa ang dapat niyang isulat?
a. Hindi higit sa tatlo
b. Hindi higit sa apat
c. Hindi higit sa lima
d. Hindi higit sa anim
9. Sa isinasagawang pagpupulong nina Tina, binasa ng kalihim ang katitikan ng
nakaraang pulong upang malaman kung mayroon pang nais talakayin o klaripikasyon sa
isang paksa. Batay dito, sa aling hakbang ng pagsasagawa ng pulong ito napabibilang?
a. Paumanhin
b. Pagtalakay sa agenda
c. Adappsyon sa katitikan ng nakaraang pulong
d. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong
10. Ang mga sumusunod ay ilang sa mga hakbang sa pagsasagawa ng pagpupulong,
alin dito ang hindi kabilang?
a. Paumanhin
b. Pagtalakay sa agenda
c. Adappsyon sa katitikan ng nakaraang pulong
d. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong
11. Ang APO Company ay inaasahang magkakaroon ng buwanang pagpupulong sa
ika-9 ng Abril 2021 sa pamamagitan ng zoom. Alin sa mga sumusunod na detalye ang
mahalagang isama sa gagawing kaititikan?
a. Mga napagdesisyonan, mga napagtalunan, resulta ng botohan
b. Petsa, oras, aytem ng agenda, mga napagdesisyonan, mga napagtalunan
c. Petsa, oras, aytem ng agenda, mga napagdesisyonan, mga napagkasunduan,
Pangalan ng opisyal o tagapamahala, Pangalan ng Kalihim
d. Petsa, oras, aytem ng agenda, mga napagdesisyonan, mga napagtalunan,
resulta ng botohan
12. Sang-ayon sa nakasanayan at natunan ni Belen bilang kalihim sa mga gagawing
pagpupulong sa kanilang kompanya, hindi niya kinalimutan na kailangan malagdaan
niya ang kaititikan ng pulong na nabuo pagkatapos ng bawat pulong.
Tama
Mali
13. Sa pagsulat ng isang katitikan sisiguraduhin kong positibong salita lamang ang
aking isusulat, mga suhestiyon, napagkasunduan, at napagdesisyonan ng buong
kalahok sa pulong.
Tama
Mali
14. Habang nagsusulat ng katitikan, natanong ni Bb. Louie sa sarili kung kailangan pa
bang isulat ang mga lumiban sa pulong na isinagawa. Alin sa mga sumusunod kaya
posibleng kasagutan?
a. Oo, maaring isama ang pangalan ng mga lumiban sa pulong kung kinakailangan
b. Hindi na kailangan pang isama ang mga pangalan ng mga lumiban sa pulong
kung walang pahintulot sa kanila
c. Parehong tama ang a at b.
d. Wala sa nabanggit
15. Alin sa mga sumusunod na bahagi ang inilalarawan ng pahayag sa ibaba?
“Naglalahad ng impormasyon kung saan gaganapin ang pagpupulong.”
a. Detalye ng pagpupulong
b. Layunin ng pagpupulong
c. Mga paksang tatalakayin
d. Rebyu ng katitikan

(PROSESO)
1. Kapansin pansin ang problema sa komunidad kapag umuulan, ang pagtaas ng tubig
naging sanhi ng pagbaha. Dahil sa suliraning ito sa lungsod ng Pilar, nagpatawag ang
bagong upo na alkalde ng isang pulong para sa lahat ng mga kapitan ng bawat
barangay at mga volunteers. Limang araw bago ag pagpupulong ay nagbahagi ang
alkalde ng kopya ng agenda sa mga inaasahang dumalo. Batay dito, ano nga ba ang
dahilan ng maagang pagbabahagi ng agenda?
a. Upang maitala ng bawat isa sa kanilang mga kwaderno
b. Upang malaman ng mga inaasahang dadalo kung gaano sila kaimportante
c. Upang maibahagi sa lahat nang mas maaga at mailagay sa portfolio ng agenda
d. Upang mapaghandaan ng aasahang dadalo ang kanilang gagawin ganoon din
ang paksa sa pagpupulong.

You might also like