You are on page 1of 2

IV.

PAGSASANAY/GAWAIN

A. Suriin ang halimbawa ng agenda. Pagkatapos, ipaliwanag kung anong pagkakaayos ng


agenda ang iyong nabasa. (10 Puntos)
- Ang agenda ay isang talaan ng mga napag-usapan na kailangang talakayin at gawin sa isang
pagpupulong. Madalas makikita natin sa agenda ang petsa, oras, lugar kung saan ito gaganapin.
Kailangan din maipakita dito ang layunin kung bakit magkakaroon ng pagpupulong, idiniditalye
nito ang schedule o ang target na oras bawat isyu o paksa. Gumagawa ng agenda para
masigurong matatalakay ang mga dapat pag-usapan ng maayos at nasa oras.

B. Sagutan ang mga katanungan. (5 puntos bawat isa)

1. Ano ang pagkakaiba ng pagsulat ng agenda sa pagsulat ng korespondensiyang opisyal?


Ans: ang pagsulat ng agenda ay batay sa tinatalakay ng tao o tema na gagawen. samantalang
ang korespondensiyang opisyal naman ay nakabatay sa mga tugon ng mga opisyal ayon sa
temang ginawa o agenda.

2. Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng isang agenda at pagupulong?


Ans: Mahalaga ang adyenda dahil ito ang pangunahing magiging paksa ng pagpupulong.
Mahalaga din ang pagtala ng katitikan nang sa ganon ay maipaliwanag ng maayos ang napag
usapan sa mga taong hindi nakadalo sa pagpupulong. Maaari rin itong maging batayan sa
susunond na pagpupulong. Mahalaga ang adyenda dahil ito ang pangunahing magiging paksa
ng pagpupulong.

3. Bakit kinakailangang magsulat ng agenda bago ang pagpupulong?


Ans: Una, magiging organisado ang pag-uusap at mga pagpupulong. Ikalawa, magiging banayad
ang daloy ng mga usapin sa isang pagpupulong. Ikatlo, maiiwasan ang mga pagtatalo dahil
mismong ang nagsulat ng agenda ay kadalasan ding may mungkahing solusyon. Ikaapat, hindi
mauubos ang oras, at magagamit ito ayon sa itinakdangg layunin nito. Ikalima, lahat halos ng
usapin ay matatalakay kung may agenda, dahil ito ay pinag-isipang mabuti bago pa man
dumating ang pagpupulong.
4. Para sayo ano ang magandang sangkap ng isang matagumpay na pagpupulong?
Ans: Ang mga miyembro – kinakailangan batid ng lahat ng mga miyembro na magkakaroon ng
isang pormal na pagpupulong ang inyong pangkat o organisasyon.

2. Quorum – ito ay tumutukoy sa sapat na bilang ng miyembro na nakadalo upang


makapagsimula na ang pagpupulong.

3. Agenda – ito ay tumutukoy sa mga paksang pag-uusapan sa pormal na pagpupulong.

4. Katitikan – kinakailangan na magkaroon ng katitikan upang maging opisyal at mairekord ang


mga napag-usapan sa pormal na pagpupulong.

5. Resolusyon – matapos magkaroon ng mga pagpapasya sa isinagawang pagpupulong,


kinakailangang gumawa ng resolusyon na nagpapatibay sa mga pinag-usapan sa pormal na
pagpupulong.

You might also like