pormal na pulong. Sumusulat ng agenda upang bigyan ng impormasyon ang mga taong kasangkot sa mga temang pag- uusapan at sa mga usaping nangangailangan ng pansin at pagtugon. Binibigyang-halaga rin dito ang rekomendasyon na lulutas sa isang isyu. Pagkatapos, ang napagkasunduang rekomendasyon ay dapat magkaroon ng resolusyon.Ito ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong.
Ang agenda ay parang mapa. Nagsisilbi itong gabay na
nagbibigay ng malinaw na direksiyon kung paano mararating nang mabilis ang patutunguhan. Ito ay ang talaan ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong. Ang agenda ng pagpupulong ay mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng pulong dahil nililinaw nito ang layunin, detalye ng mga paksang tatalakayin, mga mangunguna sa pagtalakay, at ang haba ng bawat isa. Kinakailangang maibigay ang agenda sa mga taong kasangkot sa pulong bago pa dumating ang takdang panahon ng pagpupulong. Kinakailangang mapag-aralan ng mga kasangkot ang nakatala sa agenda upang magkaroon sila ng panahon na siyasatin ang nilalaman nito at makapagbigay pa ng mga mungkahi o ideya. Mahalagang kasangkot sa paggawa ng agenda ang kalihim, habang ang kalimitang nagpapatawag naman ng pulong ay ang mga opisyal tulad ng pangulo ng pamantasan o mga administrador, CEO, direktor, pinuno ng samahan, at iba pang mga may pananagutan sa paggawa ng agenda. Sa madaling salita, ang kalihim at mga administrador ang siyang mga kasangkot sa pagsulat ng agenda.
Layunin ng agenda ang makapag makapagbigay at
makapagbahagi ng idea sa mga kalahok patungkol sa paksang tatalakayin at sa mga usaping na ngangailangan ng antensyon sa anumang pagpupulong.
Natutunan ko kung gaano ka halaga ang agenda sa isang
pagpupulong sapagkat ito ay ang talaan ng mga usapin na kailangang pag-usapan at talakayin sa isang papgpupulong o pag- uusapan , Mahalaga ito upang organisado at tuloy-tuloy ang pag- uusap. Ito rin ay nakakatulong upang maiwasan ang mga pagtatalo ng mga kasali sa isang pagpupulong o pag-uusap, Sa pamamagitan nito ay makikitang sinusuri at plinano ang gagawing pagpupulong dahil nakahanda na ang mga dapat at kailngang pag-usapan.Ito rin ay mahalaga dahil napaglalaanan ng sapat na oras at panahon ang bawat usapin sa pag-uusap at pagpupulong dahilan upang hindi masayang ang oras at panahon ng bawat isa.