You are on page 1of 59

11

BAITANG

APPLIED 002:
FILIPINONG SA PILING LARANG:
AKADEMIK
Ikalawang Kwarter
Unang Linggo-Ikawalong Linggo
S.Y. 2021-2022

1
LEARNER’S PACKET (LeaP)
Pangalan: Guro sa Asignatura:
Baitang at seksyon: Gurong Tagapayo:
Contact Number: E-mail:
Unang Asignatura Filipino sa Piling Larang: Akademik Baitang 11
Linggo Kwarter Ikalawang Kwarter Petsa

I. Aralin Pagtalakay sa Paksang Agenda

II.MOST ESSENTIAL Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong


LEARNING COMPETENCIES upang makabuo ng sintes is sa napag-usapan.
(MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO Mungkahing Mga Gawain sa Pag-aaral


Oras/ Araw
A. Panimula Unang Araw
Panimulang Katanungan:

1. Narinig mo na ba ang salitang agenda? Ipaliwanag ito sa


iyong pagkakaalam?
2. Saan sa palagay mo ginagamit ang agenda? Bakit?
3. Nakagawa ka na bang isang agenda?

Ang agenda ay listahan, plano, o balangkas ng mga


pag-uusapan, pagdedesisyunan o gagawin sa isang
pulong. Ito ay kronolohikal o ayon sa pagkakasunod-sunod batay
sa halaga nito sa indibidwal. Ginagamit din sa pagtukoy sa
gawaing dapat aksyunan o bigyan ng prayoridad tulad ng sosyo-
ekonomiko ng agenda sa pilipinas.

Ayon kay Sudraprasert (2014), ang agenda ay nagtatala ng

2
paksang tatalakayin sa pulong. Ayon naman sa Prezi.com ang
layunin ng agenda ay bigyan ng ideya ang mga paksang tatalakayin
sa isang pormal na pagpupulong, sa mga usaping nangangailangan
ng atensyon.

Isa sa mga nilalaman ng Agenda ay ang petsa, oras at lugar ng


pagpupulong mula sa simula hanggang sa pagwawakas nito.
Kinakailangan din na naroroon ang layunin na inaasahang
matamo sa pagpupulong, dito ay kinakailangang masagot ang
katanungan kung bakit nagkakaroon ng pagpupulong. Kabilang din
dito ang paksa o usapin na tatalakayin upang makaroon ng
kahandaan ang mga dadalo sa pulong sa mga mapag-uusapan.

B. Pagpapaunlad Unang Araw


Panuto: Ilagay ang TAMA kung sa sa iyong palagay ay tama ang
mga pahayag at MALI naman kung hindi.

1. Ang agenda ay gabay samga mangyayari sa buong


pagpupulong.
2. Hindi na kinakailangan pa na magpakita ng pagkakasunod-
sunod ng mga mangyayari sa pulong ang agenda.
3. Isa s layunin ng agenda ay magbigay ng ideya sa mga paksa na
natatalakayin sa pulong.
4. Kailangan na nakalagay ang petsa at oras sa isang agenda.
5. Ibinibigy ang agenda matapos ang pagpupulong.
6. Magiging oraganisado at mabilis ang pagpupulong kung may
nakahanda na na agenda.
7. Kailangang isaalang-alang ang mga hakbangin sa pagbuo ng
isang agenda.
8. May tatlong bahagi ang pagpupulong.
9. Kabilang sa nilalaman ng agenda ay ang mga panglan ng
taong dadalo.
10. Hindi na kailangan pang ilagay ang mga paksang tatalakayin
sa isang agenda.

PAGTALAKAY SA PAKSA

Agenda…
Ang salitang agenda ay
nagmula sa pandiwang latin na “Agere”
sa pananaw na ito mabibigyang
depinisyon ang agenda bilang isang dokumento na naglalaman ng
listahan ng mga pag-uusapan at mga dapat talakayin sa isang
pagpupulong.

3
Ito din ay galing sa salitng latin na agendum na
nangangahulugang “to do” o mga gagawin o kaya ay dapat gawin.
Ang Agenda ay karaniwang nanggagaling sa pinuno o
pangulo at ilang miyembro ng organisasyon. Ihahanda ng kalihim
ang tinatawag na “call to order” upang tawagin ang pansin o
imbitahin ang mga personalidad na kinakailangan sa pagpupulong.
Ayon Sudprasert (2014), ang adyenda ang nagtataka ng mga
paksang tatalakayin sa pulong, isa ito sa napakahalagang
maisagawa sa isang pagpupulong, sapagkat dito maaring magmula
ang mga paksa, at oras sa bawat ng isasagawang meeting. Magiging
maayos ang daloy ng pagpupulong kung may nakahanda ng
adyenda.
Adyenda o talaan ng mga bagay na dapat maisaalang-alang
o maisakatuparan. Ito ay mga plano o layunin na maaaring
gumabay sa isang tao para makamit ang ninanais na
kahahantungan. Madalas na ginagamit ang salitang adyenda sa mga
pagpupulong, halimbawa ay ng mga organisasyon o samahan.
Tumutukoy ito sa mga isyung dapat pag usapan at pagtuunan ng
pansin.
Mahalaga angpaggawa ng adyenda sa isang pagpupulong
sapagkat ito ay nakakatulong na hindi masayang ang oras at mapag-
usapan ng maayos at malinaw ang mga paksa.

Konsiderasyon sa Pagdisenyo ng Agenda

1. Saloobin ng mga kasamahan


 Bigyang pansin ang aspetong ito bago buuin ang isinusulat
na adyenda. Wag isipin na ang adyenda ay para lamang sa
mga paksang gusto mong talakayin o ng ilang tao nakasapi
sa inyong organisasyon. Isaalang-alang ang lahat ng
miyembro at hingin ang kanilang opinyon sa mga bagay na
dapat mapag-usapan sa pagpupulong.

2. Paksang mahalaga sa buong grupo


 Sa paglilista ng mga papaksain sa isang pagpupulong ,
siguraduhin na ang mga ito ay ang pinakamahahalaga at
ang mga bagay na kinakailangang agad na mapag-usapan o
bigyang aksyon.

3. Estrakturang patanong ng mga paksa


 Mabuting isaalang-alang ang mga katanungan na makukuha
sa isang paksa. Ang bawat paksa ay nagtataglay o nasasagot
dapat ng mga sumusunod na katanungan.
 Ano?
 Saan?
 Bakit?
 Kailan?
 Sino?

4
 Paano?

HALIMBAWA:
Paksa: 2020 SK Brgy. Langkaan 1 Feeding Program

Mga katanung na dapat taglay ng paksa


1. Sino-sino ang kasama sa programang ito?
2. Kailan ito isasakatuparan?
3. Ano-ano ang mga paghahandang isasagawa?
4. Bakit kinakailangang bigyan ng aksyon ang
ganitong programa?
5. Saan ito isasakatuparan?

4. Layunin ng mga paksa


 Sa pagsulat ng isang adyenda kinakailangang na alam ng
manunulat ang layunin ng bawat paksa. Ito ng magsasabi
kung ang paksa ba ay kailangan na ng agarang aksyon at
mapasama sa isasagawang meeting ng kanilang samahan. .
Alam dapat ng manunulat o maggagawa ng adyend kung
ano ang inaasahang resulta o solusyon na maaring
malaman sa pagtatapos ng pagupulong.

5. Oras na ilalaan sa bawat paksa


 Makakatulong ito upang magamit ng maayos ang bawat
oras sa pagpupulong. Sa pagkakaroon ng oras na ilallaan sa
bawat paksa mapag-uusapan ng maayos ang mga bagay na
dapat mapag-usapan. Mapag-usapan din ang lahat ng
paksang nasa adyenda kung nkalakip na dito ang oras na
dapat itong matalakay.

*Hakbang sa Pagbuo ng Agenda


1. Alamin ang layunin ng pagpupulong

Bukod sa layunin ng bawat paksa, sa pagsulat ng isang


adyenda marapat na alam din ng mganunulat ang
layunin ng gagawing pagpupulong. Makakatulong
naman ito sa pagtingin kung nakamit ba sa pagtatapos
ng pulong ang dahilan kung bakit kailangang
pagpulungan ang mga paksa o kung bakit may
isinagawang meeting.

2. Sulatin ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang


pagpupulong

Kinakailangang mapaghandaan ang pagpupulong ng

5
mga taong kasangkot dito ang pagpupulong. Ang
adyenda ay ibinibigay bago pa manmasimula ang
pulong. Hindi ito maaring ibigay o ipaalam habang
nagpupulong o matapos ang pulong.

3. Simulan sa mga simpleng detalye

Sa pagsasagawa ng adyenda, kailangan itong simulan ng


manunulat sa simpleng detalye. Katulad ng pangalan
ng Organisasyon, saan mangyayari ang pagpupulong,
kalian ang pagpupulong at mga tao na dapat makita sa
pagpupulong.

4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa para sa


agenda

Hindi lahat ng paksang maiisip o ibibigay ng mga


miyembro ay kailangang maisama sa adyenda. Sapat na
ang mga paksa na hindi sosobra sa limang upang
magkaroon ang mga paksa ng sapat na oras upang
mapag-usapan mabiyang solusyon, at maaksyunan.

5. Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa

Nakakinip ang pagpupulong na nahihigit sa dalawang


oras ang bawat paksa. Maiiwasan ang ganitong
pagkakataon kung may mga oras na nakalakip sa bawat
paksa. Hindi dapat ito bababa sa 10 minuto at tataas sa
20 minuto upang hind maging napakatagal ang
pagpupulong.

6. Isama ang ibang kakailanging impormasyon para sa


pagpupulong

Dito papasok ang mga naiwang paksa o detalye sa


nakaraang pulong. Dapat na ilakip ng manunulat ang
suportang detalye na maaring makaligtaan na pag-
usapan sa isang paksa. Makakatulong ito upang sa
gayon ay mabigyang pansin ang mga detalye na
maaring hindi matalakay sa pagppulong.

Para sa detalyadong pag-aaral sa paksa at mga halimbawa nito


bisitahin ang link na ibibigay ng guro.

C. Pagpapalihan Ikalawang GAWAIN 1:


Araw
Panuto:

1. Itala ang mga naging kahalagahan ng pagkakaroon ng isang


Agenda sa isang pagpupulong.
2. Gayahin ang tsart na nasa ibaba sa pagsagot.
3. Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa

6
Asignaturang Piling Larangan.

D. Paglalapat Ikalawang GAWAIN 2:


Araw
Panuto:

 Gumawa ng sariling bersyon ng isang anunsyo sa


pagpupulong o agenda. Sikaping magamit ang mga hakbang
at gabay sa paggawa nito. Lagyan ito ng pangalan ng
organisasyon at bumuo rin ng sariling logo.
 Sundin sa paggawa ang Hakbang na ibibigay ng guro.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.

PAMANTAYAN
Nilalalaman -7
Kaangkupan -3
Pagkamalikhain -5
KABUUAN -15

V. PAGTATAYA Ikatlong Araw MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 1 (10 AYTEMS)

Identipikasyon. Ilagay sa patlang kung anong bahagi ng adyenda


ang tinutukoy sa pahayag.

1. Marso 15, 2020 -


2. Filipi-knows Club -
3. Hemosa, Bataan District II-
4. Pagdiriwang ng Buwan ng Wika -

7
5. Rolando Delos Reyes Jr.-
6. 20 minuto-
7. Masiglang Bayan National High School Auditorium-
8. School Hotline 143 3333 091212-
9. Kenneth John Laxamana-
10. Tagisan sa Pgbigkas ng Tula-

VI REPLEKTIBONG SANAYSAY Ikatlong Araw GAWAIN 3:

Panuto:

 Gumawa ng isang sanaysay na nagpapakita ng dahilan kung


bakit kinakailangang magkaroon ng sapat na kaalaman sa
pagbuo o paggawa ng isang agenda. Ilagay ito sa isang buong
papel. Maging malikhain sa paglalagay ng disensyo at maging
malinis sa pagsulat.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.

PAMANTAYAN:
Pagkamalikhain - 7
Nilalaman -5
Kaangkupan -3
Kabuuan -15

SANGGUNIAN
https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Ak ademik?fbclid=IwAR1ZMoIGUoILqrnn1wt3-
01YFGlfNMTfpVnEu0Piga3qrhuNVszxcJvC200
Pagsulat ng Agenda by John Berhel Galila (Prezi Next: https://prezi.com>pagsulat-ng-agenda)
https://www.0.discoverapp.com/http/filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/adyenda.html?m=1
https://www.0.discoverapp.com/https/prezi.com/yl50txuv5w1l/pagsulat-ng-agenda/
Brainly.ph - https://brainly.ph/question/366436#readmore
https://www.0.discoverapp.com/https/www.studyblue.com/notes/note/n/memorandum-adyenda-at-katitikan-ng-pulong/
deck/21586486
Aklat: Filipino sa Piling Larang (Akademik)

8
LEARNER’S PACKET (LeaP)
Pangalan: Guro sa Asignatura:
Baitang at seksyon: Gurong Tagapayo:
Contact Number: E-mail:
Ikalawang Asignatura Filipino sa Piling Larang: Akademik Baitang 11
Linggo Kwarter Ikalawang Kwarter Petsa

I. Aralin Pagtalakay sa Paksang Katitikan ng Pulong

II.MOST ESSENTIAL Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong


LEARNING COMPETENCIES upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan.
(MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO Mungkahing Mga Gawain sa Pag-aaral


Oras/ Araw
A. Panimula Unang Araw
Panimulang Katanungan:

1. Ano ang pagsasatitik o pagsasapapel ng mga napag-usapan


sa iyong palagay?
2. Ano ang masasabi mo sa salitang pulong?
3. Narinig mo na ba ang salitang katitikan ng pulong? Meron
ka bang ideya patungkol dito?

Ang Katitikan ng Pulong ay isang akademikong sulatin


na naglalaman ng mga tala o rekord ng mahahalagang
punto nailahad sa isang pagpupulong. Mhalaga ito dhil
naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyayari sa pulong. At
dahil ng nakatala ang lahat dito. Nagsisilbing gabay din ito at

9
ebidensya sa mga napag-usapan.

Ito ay ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng


Lupon. Pwede rin itong gawin ng sekretarya, typist, kalihim, o
reporter sa korte.

Nakasaad sa Katitikan ng Pulong ang mg sumusunod:

Paksa- ito ang mga tala na pag-uusapan sa pulong


Halimbawa. Brgy. Health Mission 2020

Petsa- kung anong kalian gaganapin ang pagpupulong.


Halimbawa: 1/27/2020

Pook – tumutukkoy ito sa lugar na pagdarausan ng pulong.


Halimbawa: Brgy. Main Hall

Oras ng Pagsisimula at pagtatapos- Halimbawa: 1:00-3:00 PM

B. Pagpapaunlad Unang Araw


Panuto: Sa pamamagitan ng salitang “Katitikan ng Pulong” umisip
ng mga bagay na dapat sundin sa pagsasagawa nito.

K-
A-
T-
I-
T-
I-
K-
A-
N-

N-
G-

P-
U-
L-
O-
N-
G-

10
PAGTALAKAY SA PAKSA

Katitikan ng Pulong
Ang Katitikan ng Pulong o tinatawag sa engles na Minutes
of the Meeting ay gawaing pagdodokumentaryo ng lahat ng
pangyayari o mapag-uusapan sa isang pagpupulong. Itatala ang
anumang mapag uusapan sa simula hanggang sa wakas ng isang
pagpupulong. Isinasagawa ang pagdodokumentaryong ito upang
magsilbing ebidensya na kakailangangin sa mga susunod pang
pagpupulong. Isinusulat dito ang tinatalakay sa pagpupulong na
bahagi ng adyenda. Hindi maaring magpulong kung walang
isinagawang adyenda ang isang organisasyon. Nakasulat din kung
sino-sino ang dumalo, anong oras nag simula at nag wakas ang
pagpupulong gayun din ang lugar na pinagganapan nito.

Ang pagsulat ng katitikan ng pulong ay maaring maikli at


tuwiran o di naman kaya ay detalyado.

 DETALYADONG KATITIKAN NG PULONG- Dito ay


kinakailangang isulat mismo ang naging iskrip o kung ano
ang sinabi ng bawat miyembro. Mas mahirap ang paraang
ito ng paggawa ng katitikan ng pulong sapagkat
kinakailangang may mabilis na pagsulat o pagtala at
malinaw na pakikinig ang kalihim o typewriter ng
pagpupulong.

 MAIKLI/ TUWIRANG KATITIKAN NG PULONG- Hindi na


kinakailangan pang maging detalyado ang paggawa ng uri
ng katitikan ng pulong na ito. Maaring itala ang mga napag-
usapan sa pamamagitan ng tsart. Kung saan nakalakip ang
paksa (pinag-usapan), mungkahing solusyon at bilang ng
mga sumang-ayon dito.

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Pulong

1. Pagbubukas ng pulong

11
– Karaniwang binubuksan ang pulong sa pagbati at
pagdarasal.
2. Paumanhin
- pagbibigay paumanhin para sa mga bagay na
nakaantala sa pagpulong.
3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang pulong
- pagbabalik-tanaw sa nakaraang pagpupulong o sa
mga naiwang usapin sa naunang pagpupulong.
4. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong
-Kagaya sa binanggit sa ikatlo bibigyang linaw ang mga
nakaraang usapan sa pamamagitan ng tala sa naunang
pagpupulong.
5. Pagtalakay ng mga liham
6. Pagtalakay sa mga ulat
- dito tatalakayin ang mga ulat sa mga proyekto ng
mga komite. Halimbawa sa isang brgy. Ang konsehal na
nakatoka sa Committee of Sports ay mag-uulat para sa
proyekto na kanyang isinasagawa.
7. Pagtalakay sa mga agenda
- ito ang mga listahan ng paksa na pag-uusapan sa
isang pulong .
8. Pagtalakay sa paksang di- nakasulat sa agenda
- hindi maiiwasan na mga mga paksang hindi
mabibigyan ng pansin sa pagpupulong.. Maaaring talakayin
ang mga paksang ito sa mga natitirang oras matapos mapag-
usapan ang mga paksa sa agenda.
9. Pagtatapos ng pulong
- Pag-uulat sa mga natapos, napag-usapan at naging
resulta ng pagpupulong.

Mga dapat tandaan sa pagsulat ng Katitikang

Pulong:

1. Kailan ang pagpupulong?


2. Sino-sino ang mga dumalo?
3. Sino-sino ang di-nakadalo?
4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay?
5. Ano-ano ang mga napagpasyahan?
6. Ano ang mga napagkasunduan?
7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos at kailan
ito dapat maisagawa?
8. Mayroon ang kasunod na kaugnay na pulong kung mayroon
kailan, saan at bakit kailangan?

12
DAGDAG NA KAALAMAN…
Mahalaga ang bawat
bahagi ng pulong. Simula sa
pagbubukas hanggang pagtapos ng
pulong. Ang kalihim o sekretarya
ang may responsibilidad sa
mangyayaring pagpupulong sa isang organisasyon siya ang
mahahanda ng adyenda base sa ulat kung ano ang mga mapag-
uusapan. Sa kanya din nakasalalay ang pormal na pagbubukas ng
pulong, ang sekretarya din ang magtatala ng mga importanteng
bahagi o mga pag-uusap ng pulong at sa ang mag-uulat ng
ebalwasyon sa natapos na pulong. Marapat na maging mahusay sa
pakikinig at mabilis sa pagtatala ang sekretarya ng isang
pagpupulong. Dahil nga sa kanyang nakatalaga ng responsibilidad
na ito hindi maaring makisali o makibilang ang kalihim sa pag
uusapan ito ay upang manatili ang kanyang pokus sa pagtatala ng
mga importanteng bahagi ng pagpupulong, mangyayari lamang ito
kung sya ay mapahihintulutan ng mga miyembro ng organisasyon.

Para sa detalyadong pag-aaral sa paksa at mga halimbawa nito


bisitahin ang link na ibibigay ng guro.

C. Pagpapalihan Ikalawang GAWAIN 1:


Araw
Panuto:
 Sa pamamagitn ng tsart sa ibaba ilagay ang tatlong
mhahalagang bahagi ng pulong at sagutin kung bakit ang
mga ito ay mahahalagang bahagi nito.
 Gayahin ang tsart na nasa ibaba sa pagsagot.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.
Katitikan ng Pulong:
Ano-ano ang
mahahalagang
bahagi nito?

BAKIT?
BAKIT? BAKIT?

13
D. Paglalapat Ikalawang GAWAIN 2:
Araw
Panuto:

 Bumuo ng sariling bersyon ng Katitikan ng Pulong.


Isipin na ikaw ay isang sekretarya sa isang Organisasyon o
samahan. Gumawa ng Katitikan ng Pulong batay sa aralin
ngayong araw.

Gabay:
Ilagay ang pangalan ng Organisasyon.
Ilagay ang pangalan ng ma dumalo.
Ilagay ang mga panagalan ng hindi dumalo.
Ilagay ang petsa at oras ng pagpupulong.
Umisip din ng mga paksa at posibleng nagging usapansa
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Ang sanaysay ay kinapapalooban ng 2-3 talata.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

PAMANTAYAN
Nilalalaman -7
Kaangkupan -3
Pagkamalikhain -5
KABUUAN -15

V. PAGTATAYA Ikatlong Araw MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 2 (10 AYTEMS)

Panuto: Kahunan ang mga salitang NAGPAMALI SA PAHAYAG at


ilagay ang tamang kasagutan sa patlang.

1. Nasa kamay ng pangulo ng organisyasyon ang mangyayari sa


lagat ng bahagi ng pagpupulong.
2. Ang pulong ay karaniwang nagsisimula sa pabati at pagtatala
kung sino ang miyembro na nakarating sa meeting.
3. Ang Katitikan ng pulong ay kilala sa ingles na Members of the
Meeting.
4. Kinakailangang maisulat ng detalyado ang iskrip sa Tuwirang
Katitikan ng Pulong.
5. Makikita sa huling bahagi ng katitikan ng pulong ang lugar kung
saan idinaos ang pagpupulong.
6. Sa Agenda din manggagaling ang dokumentong nagtatala ng
mahahalagang diskusyon at desisyon.

14
7. Maari nang magsimula ang pulong ng walang adyenda ang
isang oraganisayon.
8. Ang katitikan ng pulong ay ang listahan ng mga pag-uusapan sa
mangyayaring meeting.
9. Isang pormat lamang ang ginagamit sa pagsulat ng katitikan ng
pulong.
10. Ang mga sekretarya lamang ng organisasyon ng pinapayagang
magsalita sa pagpupulong.

VI REPLEKTIBONG SANAYSAY Ikatlong Araw GAWAIN 3:

Panuto:

 Gumawa ng isang sanaysay patungkol sa natutunan sa


aralin ngayon ikalawang lingo. At ipaliwanag kung paano ito
makatutulong sa iyong sa pagsulat bilang mag-aaral.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Ang sanaysay ay kinapapalooban ng 2-3 talata.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

PAMANTAYAN:
Kalinawan -7
Nilalaman -5
Kaangkupan -3
Kabuuan -15

SANGGUNIAN

https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Ak ademik?fbclid=IwAR1ZMoIGUoILqrnn1wt3-
01YFGlfNMTfpVnEu0Piga3qrhuNVszxcJvC200
https://www.academia.edu/38736853/Linggo_5_Pagsulat_ng_Adgenda_at_Katitikan_ng_Pulong
Brainly.ph - https://brainly.ph/question/800438#readmore
https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.scribd.com/document/353021750/Kahulugan-Ng-
Katitikan-Ng-Pulong&ved=2ahUKEwin-raBktvqAhWUUt4KHbskB84QFjADegQIAhAB&usg=AOvVaw09FEVtG3Huq5BQB1zTszr-
&cshid=1595224586085
www.slideshare.net/mobile/tinelachica04/pagsulat11katitikan. Accessed 7 Sept. 2017.
https://prezi.com/p/r61qqwphbeyz/katitikan-ng-pulong-humss-d-group-1/
https://www.academia.edu/34826112/Katitikan_ng_pulong
Aklat: Filipino sa Piling Larang (Akademik)

15
LEARNER’S PACKET (LeaP)
Pangalan: Guro sa Asignatura:
Baitang at seksyon: Gurong Tagapayo:
Contact Number: E-mail:
Ikatlong Asignatura Filipino sa Piling Larang: Akademik Baitang 11
Linggo Kwarter Ikalawang Kwarter Petsa

I. Aralin Pagtalka sa Paksang Pagbubuod

II.MOST ESSENTIAL Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.


LEARNING COMPETENCIES
(MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO Mungkahing Mga Gawain sa Pag-aaral


Oras/ Araw
A. Panimula Unang Araw
Panimulang Katanungan:

1. Ano ang pagsasatitik sa iyong palagay?


2. Ano ang masasabi mo sa saliitang pulong?
3. Narinig mo na ba ang salitang katitikan ng pulong? Meron ka
bang ideya patungkol dito?

Ang buod ay pinakamaikling bersyon na isang akda at


hindi na nangangailangan ng marami at iba’t ibang
batis o daluyan, karagdagang ideya, opinyon at tesis. Hindi na
maaring mas mahaba pa ang isusulat na buod kaysa sa materyal

16
na pinagkunan nito o orihinal na pinaghanguan.

Ayon sa Brainy.com ang buod sa simple nitong pagpapakahulugan


ay isang diwa, lagom o sumaryo ito ay pinagsama samang
mahahalagang impormasyon o pangyayari na naganap sa tekstong
iyong nabasa o napanuod. Ito ay ang sarili mong pananalita at
pagkakaintindi sa iyong nabasa o napakinggan o napanuod.

Ano ba ang kahalagahan ng isang buod sa kwento? Kung may


buod ang isang kwento mas nadali itong mauunawaan at mabilis
na malalaman kung ano ang puno at wakas ng kwento.

B. Pagpapaunlad Unang Araw


Panuto:
Ipaliwanag ang mga pangyayari sa isang buod sa mga
sumusunod na pagkakataon.
1. Sagutin ito sa kwadernong iniatas ng guso sa Asignaturang
Filipino sa Piling Larang: Akademik

Simula Katawan Wakas

PAGTALAKAY SA PAKSA

PAGBUBUOD...
Ang buod ay tala ng indibidwal sa sarili
nitong pananalita base sa kanyang narinig
o nabasang artikulo, aklat panayam,
isyu, usap-usapan at iba pa. Sa mga
Akdang Pampanitikan ito ay isang uri ng
pagsasalaysay sa mga pangyayaring
naganap sa isag kwento sa paraang mas
madali itong maiintindihan o mauunawaan ng

17
mga mambabasa. Maaring bigyan o gawa ng buod ang mga
nakalimbag na akda, mga napakinggang kwento o napanuod na
pelikula.Siksik ang gantong uri ng teksto at sinikap na mapaliit o
mapaikli ang isang akda ng hindi naapektuhan ang daloy o
nilalaman ng istorya. Pipiliin at sasalain ang mga bahagi at
pinakamahalagang ideya na meron ang kwento. Mahalagang
isaalang-alang ang lohikal at kronolohikal na daloy sa binubuod na
kwento. Makakatulong ito upang maiwasan ang biglaang
pagbabago ng kwento. Sa pananaliksik, ito ay pinagsama-samang
datos at impormasyong nakalap, babanggitin sa bahaging ito ang
ginawang paraan o proseso ng pananaliksik, ginamit na metodo at
ang resulta matapos ang paggagagad ng mga datos.
Nagtala sina Swales at Feat (1994) ng tatlong mahigpit na
pangangailangan sa pagsulat ng isang buod o summary.

1. Kailangan ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal


na teksto.
Bagamat ang buod ay sinasabing galing sa ‘ting sariling
bersyon o pananalita. Panatilihin ang orihinal nitong
nilalaman. Iwasang dagdagan at bawasan ang bahagi ng
kwento.

2. Kailangankailangang ilahad ang sulatin sa paraang nyutral o


walang kinikilingan.
Hindi makakatulong sa pagbubuod ng kwento ang sarili
nating interpretasyon. Magiging bias lamang ito kung
hahayaan nating maapektuhan ang pagbubuod dahil
lamang may bahagi tayo na hindi nagustuhan sa kwento.

3. Kailangan ang sulatin ay pinaikling bersyon lamang ng orihinal at


naisulat lamang ito sa sariling pananalita.
Kagaya sa naunahang pangangailangan. Hindi tayo maaring
magbago, magdagdag, o bumawas manlang ng bahagi sa
kwento.

*Katangian ng mahusay na Pagbubuod*

1. Nagtataglay ng OBHETIBONG balangkas ng orihinal na


teksto. Taglay ng pagiging obhetibo ng teksto kung ito may
pinagbatayang katotohanan, hindi nanggaling sa anumang
opinyon o emosyon ng manunula. Ito ay nakapokus sa
magiging nilalaman ng isang kwento at hindi sa personal na
aspeto ng manunulat. Ang pagsulat dito ay hindi personal,
hindi maaring banggitin ang pananaw ng manunulat sa
kwento. Hindi din binibigyang pahintulot na idagdag ang
kanyang kritiko, kung meron man nakitang kamalian o
kakulangan ang manunulat sa akda.

18
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya o kritisismo. Sa
pagbubuod ng isang kwento hindi tayo maaring magbigay
ng sariling interpretasyon o opinyon sapagkat ang layunin
ng pagsulat ng buod ng isang akda ay mapaikli ang kwento
upang mas mabilis na maunawaan ang kwento sa iisang
basahan.

.
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye o
impormasyong wala sa orihinal na teksto. Makatutulong
sa ibang sulatin ang mga pagbibigay ng halimbawa at iba
pang makakatulong upang mas maintindihan ang teksto
ngunit hindi ito makatutulong sa pagbubuod ng isang akda
maari itong makagulo o makasira sa nilalaman ng kwento.
Kailangan panatiliin omapanatili ng manunulat ang pagiging
lehito mo mga pangyayari sa akdang kanilang ibinubuod.

4. Gumamit ng mga susing salita. Makakatulong ang


paggamit ng mga cues o key word upang mas mapadali na
pagdugtong-dugtong ang kwento ayon parin sa orihinal
nitong porma. Halimbawa, sa simula ng pelikulang She’s
Dating the Gangster maaring gawing susing salita ang
skateboard , kung saan ito ang dahilan ng pagkikita at
pagkakakilala ng mga pangunahing tauhan sa palabas.
Maari gamitin ang gantong mga susing salita upang
mapagdugtong-dugtong ang mahahalagang pangyayari sa
kwento simula sa simula, katawan hanggang sa wakas nito.

5. Gumamit ng sariling pananalita ngunit panatilihin ang


orhihinal na mensahe. Maaring gumamit ng ibang mga
salita, pangungusap o talata ngunit siguraduhin na hindi
mababago ang mensahe o tema ng kwento. Panatilihin
itong kamukha ng orihinal na pangyayari sa kwento.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Buod


1. Habang binabasa ang akda saungguhitan ang
mahahalagang punto o detalye nito.
2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na
ideya, at pangunahing paliwanag sa bawat ideya.
Dito hindi lamang saslinguhitan ang mahahlagang
pangyayari kung hindi ay gagawa ng listahan ang tagabuod
upang mas madaling mabalikan ang mahahalagang
pagyayari ng kwento.
3. Kung kinakailangan, ayusin ang pagkakasunod-sunod ng
mga ideya sa lohikal (Simula, Katawan, Wakas) na paraan.
4. Kung gumamit ng unang panauhan (hal. AKO) ang awtor,
palitan ito ng kanyang apelyido, ang manunulat o siya.
5. Hindi maaring gamitin ng nagbubuod ag unang panauhan
sapagkat ito ay hindi kanyang akda. Halimbawa, “Ako ang
may likha ng langit at lupa” maari itong muling banggitin sa

19
pagbubuod ng “Ang Panginoon ang may likha ng langit at
lupa” o “Siya ang may likha ng langit at lupa”.
6. Isulat ang pinal na buod.

Para sa detalyadong pag-aaral sa paksa at mga halimbawa nito


bisitahin ang link na ibibigay ng guro.
C. Pagpapalihan Ikalawang GAWAIN 1:
Araw
Panuto:

 Pagsusuri sa buod ng isang akda. Saliksikin ang buod ng Ibong


Adarna o Florante at Laura. Base sa napiling akda ng buod
bigyang katuturan at katarungan ang nabasang aralin na buod.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Gawin itong malikhain

D. Paglalapat Ikalawang GAWAIN 2:


Araw
Panuto:

 Gumawa ng isang (1 -1:30 minuto) Video


Presentation nagpapakita ng inyong BUOD sa isang pelikulang
mula sa PILIPINAS na ini-ere sa pagitan ng mga taong 2010-
2020.
 Banggitin kung anong taon ini-ere ang pelikula at kung sino ang
direktor nito.
 Kinakailangang makita sa buong video ang mag-aaral, bibigyan
ng mababang grado ang gawain na para lamang PPT
Presentation.

PAMANTAYAN
Nilalalaman -7
Kaangkupan -3
Pagkamalikhain -5

20
KABUUAN -15

V. REPLEKTIBONG SANAYSAY Ikatlong Araw GAWAIN 3:

Panuto:

 Pagbibigay ng repleksyon samga natutunan sa pagbuo o


pagsulat ng buod.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

Gabay na katanungan:
1. Sa palagay mob a ay makakatulong ang mga napag-aralan
na paraan ng pagbubuod sa aktwal na paggawa nito?
2. Magiging epektibo ba ang buod kung masunod mo ang mga
hakbangin at gabay na iyong nabasa?
3. Makakatulong ba ang mga nabasa mo sa kasalukuyan? Sa
paanong paraan?

SANGGUNIAN
https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Ak ademik?fbclid=IwAR1ZMoIGUoILqrnn1wt3-
01YFGlfNMTfpVnEu0Piga3qrhuNVszxcJvC200
https://www.slideshare.net/mobile/jeanyvin/pagsulat-ng-buod
https://www.academia.edu/38736857/Pagsulat_ng_Ibat_ibang_Sulating_Akademiko..Abstrak..Buod..Bionote
https://www.academia.edu/37564798/
FILIPINO_SA_LARANGANG_AKADEMIKO_KABANATA_III_PAGSULAT_NG_BUOD_AT_SINTESIS
https://www.academia.edu/38736857/Pagsulat_ng_Ibat_ibang_Sulating_Akademiko..Abstrak..Buod..Bionote
https://www.coursehero.com/file/28758208/Buoddocx/
https://gabay.ph/buod/
Aklat: Filipino sa Piling Larang (Akademik)

21
LEARNER’S PACKET (LeaP)
Pangalan: Guro sa Asignatura:
Baitang at seksyon: Gurong Tagapayo:
Contact Number: E-mail:
Ika-apat Asignatura Filipino sa Piling Larang: Akademik Baitang 11
na Linggo Kwarter Ikalawang Kwarter Petsa

I. Aralin  Pagtalakay sa Paksang Panukalang Proyekto

II.MOST ESSENTIAL Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na


LEARNING COMPETENCIES may kaugnayan sa piniling sulatin.
(MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO Mungkahing Mga Gawain sa Pag-aaral


Oras/ Araw
A. Panimula Unang Araw
Panimulang Katanungan:

1. Alam mo ba kung ano ang panukalang proyekto?


2. Saan sa tingin mo ginagamit ang gantong uri ng sulatin?
3. May ideya ka ba kung ano ang nilalaman ng isang
Panukalang Proyekto?

Dahil kritikal ang preparasyon ng isang panukalang


proyekto, mabuting malinaw sa isipan sa isipan ng
nagsasagawa nito
kung ano ang maituturing na panukalang proyekto at kung ano
naman ang hindi. Mahalaga ding malaman niya kung pano ito
inihahanda para maging malinaw at mahusay ang pagkakabuo

22
nito.
Ayon kay Nebiu (2002), Ang panukalang proyekto ay detalyadong
deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidana naglalayong
maresolba ang isang tiyak na problema. Idinagdag pa niya na sa
isang panukalang proyekto, makikita ang detalyadong pagtalakay
sa dahilan at pangangailangan sa proyekto (Project Justifiction),
panahon sa pagsasagawa ng proyekto (Activites and
implementation timeline),
at kakailanganing resourses (human, material, and financial
resources required).

Hindi maituturing na proyekto ang mga dating aktibidad na nauulit


sa eksaktong pamamaraan at periodikong isinasagawa, ang mga
aktibidad na walang depinido at malinaw na layunin at mga
aktibidad na maaring maulit o malipat kahit saan at sa ano kang
oras, at ang regular na aktibidad ng organisasyon (Nebui, 2002).
Mahalagang matiyak kung gayon na ang panukala ay hindi isa sa
mga nabanggit na ito.

B. Pagpapaunlad Unang Araw


Panuto:

 Ilagay ang PJ kung ang sumusnod ay kabilang sa (Project


Justifiction), AI naman kung (Activites and implementation
timeline), at R naman kung ito ay kabilang sa (Resources).
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

1. Ang fund racing na isasagawa ay para sa mga mag-aaral na


walang pinansyal na kakayahang mabayaran ang 2020 Tour.
2. Brgy. Santa Ana Kids Playgroud Project 2020-2021.
3. 500, 000 budget for Oplan Tapat ko, Linis ko
4. 40 katao na boluntaryo sa Red Cross
5. Jr and Sr Ball para sa taong 2020, bilang pagsasakatuparan sa
tadisyon ng paaralang St. Peter National High School na
bigyang ng mgandang karanasan ang mga mag-aaral sa
paaralan
6. 100 walis, 100 dustpan, 500 basurahan
7. Stage Decoration Team
8. Sangguniang Barangay
9. DepEd Balikk Ekwela Team
10. Publick Library Project 2010-2015

PAGTALAKAY SA PAKSA

Panukalang Proyekto
23
Kritikal ang preprasyon ng isang panukalang proyekto,
makakabuting malinaw sa isipan ng nagsasagawa nito kung ano ang
maituturing na panukalang proyekto at hindi. Mahalaga ding alam
niya kung paano ito ihahanda para maging malinaw at mahusay ang
pagkakabuo nito. Hindi maituturing na proyekto ang aktibidad na
naulit sa eksaktong pamamaraan at periodikong sinagawa, ang ma
ktibidad na walang depinidong at malinaw na layunin, ang mga
aktibidad na maaaring maulit o mailipat kahit saan at sa ano mang
oras, at mga regular na aktibidad ng isang organisasyon (Nebui
2002).
Ang Panukalang Proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang
kumbinsihin ang isang sponsor na ang isang proyekto ay kailangang
gawin upang malutas ang isang partikular na problema sa negosyo
o oportunidad. Inilalarawan nito nang malalim, kung paano ang
proyekto magsisimula. Ang kahalagahan nito ay pagkakaroon ng
sistematiko at maayos na pag-oorganisa ng isang kaganapan, plano
at/o paggawa na siyang paksa ng proyekto.
Ayon kay Nebiu 2002, ito ay detalyadong deskripsyon ng
isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba ang isang
tiyak na proyekto. Dito rin ay makikita ang pagtalakay sa dahilan at
pangangailangan sa proyekto (project justification). Panahon ng
pagsasagawa ng proyekto (activities and implementation timeline)
at ang Kakailanganing resorses (human, material, financial
resources required).
Ang panukalang proyekto ay kadalasang nakasulat; minsan ito
ay anyong oral na presentasyon o kaya ay kombinasyon ng mga ito.

Maaaring ito ang mga ss. ayon kina Lesikar, Pettit, & Flatley, 2000:

o Internal- ihahain sa loob ng organisasyon


o Ekstenal- panukala para sa organisasyong di-kinabibilangan
ng proponent.
o Solicited/Invited- isinasagawa dahil may pabatid ang
organisasyon sa kanilang pangangailangan ng isang
proposal.
o Unsolicited/Prospecting- walang propoosal at
nagbabakasakali lamang ang proponent.

Dalawang Uri ng Proposal

Maikling Panukalang Proyekto


• Mayroong dalawa hanggang 10 pahina na kadalasan ay
nasa anyong liham lamang.
Mahabang Panukalang Proyekto
• Mayroong mahigit sa 10 pahina.
• Mas nagkakaroon ng elaborasyon at sumusunod sa isang
structured format.

24
Tagubilin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto
-American Red Cross 2006

 Magplano nang maagap.


Walang kasing halaga na may sapat na oras sa
pagpaplano ng isang proyekto. Kung magagawa agad ang plano,
mabibiyang pagkakaon ng nagsasagawa nito na makausap ang
stakeholder, matalakay ang kanilang pangangailangan, at masuri
ang panukalang proeyekto nang may sapa na oras.

 Gawin ang pagpaplano ng pangkatan.


Biigyan ng tungkulin ang bawat isang upang maging
kolaboratibo ang paghahanda. Mbibigyan din ang bawat isa ng
pagkakataonna maging mas aktibo sa pakikilahok sa bawat gawain
sa proseso ng pagpaplano at pagsulat ng panukalang proyekto.

 Maging realistiko sa gagawing panukala.


Dapat isinasaalang-alang ng nagpapanukala kung
ano lamang ang kakayanin sa loob ng panahong nakatalaga at kung
ano ang pposibleng makamit batay sa mga nag-eexixt na resorses.
Ito dapat ay laging SMART (Specific, Measurable, Attainable,
Realistic, Time-bound).

 Matuto bilang isang organisasyon.


Matuto sa sariling karanasan at karanasan ng iba.
Kung may pagkakaaon-balik-tanawan at suriin ang resulta
ng mga naipanukalang proyeko sa organisasyong
paghaharapan ng panukala ay gawin ito. Sa pammagitan
nito maipapakita kung paano at ano ang konsiderasyon ng
organisasyon o indibidwal sa pagtugon sa mga naihahaing
panukala sa kanila.

 Maging makatotohanan at tiyak.


Huwag maging masaklaw sa mga pahayag sa
panukala kaakibat ng pagiging tiyak kailangan ding maging
makatotohanan ang bawat elemento ng panukala.

 Limithin ang paggamit ng teknikal na jargon.


Ang teknikal na jargon ay para sa teknikal at
espesyalisadong indibidwal. Mabuting maisulat ito sa wikang
pangkaraniwan at naiintindihan ng lahat.

 Piliin ang pormat ng panukala na malinaw at madaling


basahin.
Makakabuting ang format na napili ay malinaw at
madaling basahin. Makakatulong ito sa mga taong magbibigay ng
ebalwasyon sa panukala.

25
 Alalahanin ang prayoridad ng hihingian ng suportang
pinansyal.
Ang kadalasang dahilan ng hindi pag-abroba ay di-
magkatugmang prioridad ng organisasyong pinaglalaanan ng
panukala sa mismong panukalang proyekto. Kailangang tugma ang
layunin ng isang kumpanya o organisayon sa layunin ng gagawing
panukalang proyekto.

 Gumamit ng salitang kilos sa pagsulat ng panukalang


proyekto.
May kakaibang lakas kung mga salitang kilos ang
gagamitin sa mga pahayag sa panukalang proyekto. Maaaring
gamitin ang simulan, ikumpara, maghandog, mangulo, mag-
organisa, suportahan, magpakahulugan, gumawa, gumamit at iba
pa.

*Dapat gawin bago ang Pagsulat ng Panukalang Proyekto*


(Binalangkas ni Besim Nebui sa kanyang Developing Skills of NGO’s
Project Proposal Writing 2002 ang hakbang na kailangang isagawa
sa Panukalang Proyekto)

1. Pag-interbyu sa dati at inaasahang tatanggap ng


benepisyo.
Sa pamamagitan ng interbyu sa dati at inaashang
benipisyaryo, magkakaroon ng malinaw na pagtingin sa
aktwal nilang pangangailangan, makakatulong upang
maging mas tiyak at makatotohanan sa mga detalye at
magkakaroon din ng mas malalim na pag-unawa sa
suliranin kung nakausap ng personal ang taong kaugnay sa
proyektong nais gawin.

2. Pagbalik-tanaw sa naunang Panukalang Proyekto.


Mabibigyang kamalayan ang naging mali sa
naunang Panukalang Proyekto, Mabibigyang pansin na din
dito ang granting organization. Kadalasan kasi, ang mga
panukalang nauulit lamang ay hindi na nabibigyang
prioridad sa mga aaprubahang panukala.

3. Pagbalik-tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng proyekto.


Mabibigyan ng tamang datos kungtitignang muli
ang ebalwasyon ng nakalipas na proyekto. Upng hindi
magkamali, o mailto, balikang muli ang mga ulat sa mga
proyektong iniharap s organisasyong pinagpanukalaan.

4. Pag-organisa ng mga focus group.


Tiyakin na ang taong magiging bahagi ng proyekto

26
ay may pagnanais na makisangkot at mag- ambag. Hindi
magiging maganda kung walang makikibahagi sa kanila.

5. Pagtingin sa mga datos estadistika.


Siguraduhin ang datos na ibibigay. Huwag hayaang
ibang tao pa ang makadiskubre sa kamalian sa mga
estadistika at datos na inilahad. Sikaping ibalida ang datos
na ginamit sa proposal.

6. Pagkonsulta sa eksperto.
Mataas ang krebilidad ng panukala kung ikinonsulta
ito sa eksperto. Ang konrtibusyon sa eksperte ay
makakapagbigay ng bigat sa halaga ng panukala.
Halimbawa, ang paghingi ng payo o konsultasyon sa isang
sikat at kilalang engineer ay makakatulong para sa
arobasyon ng iyong proposal.

7. Pagsasagawa ng sarbey at atbp.


Mangalap ng preliminaryong impormasyon datos at
impormasyon para ipakita ang komitment at dedikasyon ng
Panukalang Proyekto. Tiyaking sapat ang mga ito upang mabigyang
linaw nito ang tungkulin ng panukala. Malaking tulong din ang
preliminaryong datos upng mapabuti ang layunin ng isang
panukalang proyekto.

8. Pagsasagawa ng pulong at porum sa komunidad.


- Makukuha ang kooperasyon ng komunidad kung may
tuwirang pakikisangkot sa kanila.

ELEMENTO NG PANUKALANG PROYEKTO


1. Titulo ng panukalang proyekto
• Kailangan ang titulo kung ang proposal ay mas mahaba pa
sa 3 pahina.
• Maiksi at tuwiran at kinakailangang tumutukoy sa
pangunahing aktibidad o inaasahang resulta ng proyekto.
• Kasama rito ang mga ss:
Titulo ng proyekto
Pangalan ng Panukalang Oraganisasyon
Lugar at petsa ng preparasyon
Ahensyang pinaglalaanan ng panukala.

2. Nilalaman
• Idagdag ang pahina para rito kung ang proposal ay aabot ng
10 o higit pang pahina, mahalaga ang pahinang ito upang
madaling mahanap ang bahagi ng proposal. Nalalaman ito
ng titulo ng bawat seksyon at panimulang pahina ng mga
ito

3. Abstrak

27
• Huling ginagawa na bahagi ng panukala.
• Makikita ang mga ss:
Suliranin
Layunin
Organisasyon
Atibidad
Badyet.
• Ginagawa ang abstrak upang mabigyang buod ang buong
panukala.
• Tiyakin itong maikli lamang.

4. Konteksto
• Naglalaman ng saligang sosyal, ekonomiko politikal, at
kultural ng Panukalang Proyekto.
• Naglalaman ng kaugnay na datos mula sa pananaliksik na
naitala mula sa pagpaplano ng proyekto, o mga datos na
nakolekta mula sa ibang sors.

5. Katwiran ng Proyekto
• Pinakarasyonal ng proyekto.
a. Pagpapahaayag ng suliranin
Tinatalakay dito ang tiyak na
pinagtutuunang solusyon ng panukala. Binibigyang-
pandin din dito kung paanong ang isyu o sitwasyon
ay na nagiging suliranin.
b. Prayoridad na pangangailangan
Sa bahaging ito ipapaliwanag ang
pangangailangan ng mga target na
nakikinabang dahil sa pagkakaroon ng
suliranin. Ipinapaliwanag din sa bahaging
ito kung paanong napagdesisyunan ang
mga isasaad na pangangailangan.
c. Interbensyon
Ilarawan sa bahaging ito ag estratehiyang
napili. Kung paano sosolusyunan ang
suliranin at gayon din tatalakayin kung
papaanong magdadala ng pagbabago ang
gagawing hakbang.
d. Mag-iimplementang Organisasyon
Ilalarawan ang kapabilidad ng
nagpapanukalang organisasyon upang
tugunan ang suliraning inilahad. Isasama
ang nkaraang record ng kapasidad sa
pagresolba ng mga suliranin. Ihahayag kung
bakit silang ang pinakakarapat-dapat
pagkataiwalaan.

6. Layunin (Tandaan sa pagbuo ng layunin)


• Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin
• Dapat konektado ang layunin sa bisyon ng pagpapa-unlad o
pagpapabuti
• Dapat napatunayang merito ng kontribusyon ng layon sa

28
bisyon

7. Target ng Benepisyaryo
• Ipapakita sa bahaging ito kung sino ang makikinabang sa
Panukalang Proyekto at kung paano sila makikinabang dito.
• Detalyadong deskripsyon ng laki at katangian ng mga
benipisyaryo.
HALIMBAWA. Edad, Kasarian atbp.

8. Implementasyon ng Proyekto
• Iskedyul at alokasyon ng resorses
a. Iskedyul
Magagamit ang talahanayan at gantt chart dito.
b. Alokasyon
Ipapakita dito ang kakailanganin upang isagaw ang
mga aktibidad ayon sa iskedyu. Tumukoy ito sa
kategorya ng gastusin upang magkaroon ng buod
ng gastusin.
Halimbawa, ang kagamitan, sahod at mula rito ay
maiuugnay ang yunit, bilang, presyo at iba pa.
c. Badyet
Ito ang buod ng mga gastusin at kikitain sa
proyekto. Maaring gumamit ng anumang pormat
na magpapakita ng maliwanag at maayos na daloy
ng mga datos na may kinalaman sa gastusin at
kikitain.
d. Pagmomonitor at ebalwasyon
Nakabatay dito kung paano at kalian isasagawa ang
aktibidad sa panukalang proyeko para mamonitor
at ma-evaluate; at kung sino ang magsasagawa
nito.
e. Pangasiwaan at tauhan
Naglalaman ito ng maikling deskripsyon ng bawat
miyembro ng proposal, at kung ano ang kanilang
tungkulin. Maaring isama na lamang sa lakip ang
curriculum vitae ng mga miyembro.
f. Mga lakip
Ito ay ang mga karagdagang dokumento o sulatin
na kailangan upang mapatibay aang panukalang
proyekto.

Para sa detalyadong pag-aaral sa paksa at mga halimbawa nito


bisitahin ang link na ibibigay ng guro.

C. Pagpapalihan Ikalawang GAWAIN 1:


Araw

Panuto:

 Magsaliksik ng isang panukalang Proyekto, Isa-isahin ang


mga bahagi nito na nakita sa pinag-araln sa paksa ngayong

29
araw. Matapos nito ay sabihin kung bakit mahalaga ang
bahaging iyon ng panukalang proyekto.
 Maari itong isulat ng pasalaysay o maari din naman na
gumamit ng bullet o numero.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

D. Paglalapat Ikalawang GAWAIN 2:


Araw
Panuto:

 Pagsasagawa ng sariling Panukalang Proyekto. Isipin na ikaw


ay isang empleyado sa isang kumpanya, umisip ng isang
proyekto at gamitin ito sa paggawa ng isang proposal.
Isaalang-alang din ang mga natutunan sa aralin.
Patnubay sa Pagbuo:
 Gumamit ng 3-5 pahina
 Maging malinis
 Gumawa ng sariling panglan ng kumpanya at logo
 Lagyan ng border ang pahina
 Maari itong isulat o iprint

 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.


 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

PAMANTAYAN

Nilalaman -7
Kaangkupan -5
Kalinisan -3
KABUUAN -15

V. PAGTATAYA Ikatlong Araw MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 4 (15 AYTEMS)

Enumerasyon (1-15)

1-10. Ibigay ang mga Elemento ng Panukalang Proyekto.


11-15. magbigay ng 5 Tagubilin sa pagsulat ng Panukalang
Proyekto.

VI REPLEKTIBONG SANAYSAY Ikatlong Araw GAWAIN 3:

Panuto:

 Bumuo ng isang sanaysay na naglalaman ng iyong opinion


ukol sa paggawa ng isang Panukalang Proyekto. Ibahagi ang

30
iyong mga natutunan at kung paano mo ito magagamit sa
pang-araw-araw mo na pamumuhay.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Ang sanaysay ay kinapapalooban ng 2-3 talata.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

PAMANTAYAN:
Kalinawan -7
Nilalaman -5
Kaangkupan -3
Kabuuan -15

SANGGUNIAN
https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Ak ademik?fbclid=IwAR1ZMoIGUoILqrnn1wt3-
01YFGlfNMTfpVnEu0Piga3qrhuNVszxcJvC200
https://www.google.com/amp/s/mjjannen.wordpress.com/2018/08/12/panukalang-proyekto/amp/
https://mpera7935.blogspot.com/2019/08/panukalang-proyekto.html?m=
https://www.academia.edu/38513908/PANUKALANG_PROYEKTO_Filipino_sa_Piling_Larang_Akademik_
https://brainly.ph/question/895898#readmore
http://novaloiz.simplesite.com/440456646

31
LEARNER’S PACKET (LeaP)
Pangalan: Guro sa Asignatura:
Baitang at seksyon: Gurong Tagapayo:
Contact Number: E-mail:
Ikalimang Asignatura Filipino sa Piling Larang: Akademik Baitang 11
Linggo Kwarter Ikalawang Kwarter Petsa

I. Aralin  Pagtalakay sa Paksang Lakbay Sanaysay

II.MOST ESSENTIAL Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang


LEARNING COMPETENCIES Pampaglalakbay.
(MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO Mungkahing Mga Gawain sa Pag-aaral


Oras/ Araw
A. Panimula Unang Araw
Panimulang Katanungan:

1. Ano ang iyong pagpapakahulgan sa paglalakbay?


2. Narinig mo na ba ang salitang lakbay-sanaysay?
3. Sa tingin mo ba ay maiiuugnay ito sa paggawa ng blog?
Bakit?

Alam na marahil ng lahat ang


kahulugan ng isang sanaysay na
ayon sa nakasulat, ito ay madalas na
naglalaman ng mga pananaw, kuro-kuro, o opinyon
ng isang awtor o akda. Ang Lakbay sanaysay ay
kilalarin sa Ingles bilang Travel Essay, ito ay isang
sanaysay na kung saan ang ideyang ito pinanggalingan mula sa mga
pinuntahan o nilakbayang mga lugar. Kabilang din sa pagsulat nito

32
ang kultura, trasidyon, pamumuhay, uri ng mga tao. Eksperyensya
at anumang aspeto na matutuklasan sa paglalakbbay. Isa rin ito
maikling bahagi ng pagsulat na kung saan ito ay mula sa personal na
paningin ng awtor at nagpapakita, pinag-usapan at pinag-aralan ang
isang paksa.
Katulad ng ibang sanaysay,ang lakbay sanaysay ay mga
bahagi din sa pagsulat katulad na lamang ng panimula, kung saan
ito ay ang bahaging pinakamahalaga sa isang sanaysay dahil ito ang
kukkuha sa simpatya ng mga mambabasa upang lalo pang
tangkilikin ang sulatin. Katawan, dito mkikita ang mahahalagang
detalye at karanasan ng paglalakbay at sa wakas naman ipapakita
pagsasara sa pangyayaring naganap sa katawan ng sanaysay,
maaring ilahad dito ang mga naging kuro-kuro sa buong
paglalakbay.

B. Pagpapaunlad Unang Araw


Panuto:

 Bilugan o ihighlight ang mga sumusunod na sa palagay mo


ay limang pinaka kailangan sa pagsasagawa ng isang
panukalang proyekto. Matapos nito ay ipaliwanag kung
bakit ito ang iyong mga napili.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

Pocket Money Pagkain


Laptop UpuanPrinter
Barkada Larawan
Mapa Mga damit
Note book Ballpen
Compass Charger
Sasakayan Power bank
Pagkain Camera
Upuan

PAGTALAKAY SA PAKSA

Lakbay Sanaysay…

Mula
humahalaw ng maraming bahagi ng
panitikan. Tiyak na madalas kang
makapanood ng mga palabas sa
telebisyon sa estilong travelogue. Ang
travelogue ay isang dokumentaryo,
pelikula, palabas sa elebisyon o ano

33
mang bahagi ng panitikan na nagpapakita at nagdodokumento ng
iba’t iban lugar na binisita at mga karanasan ditto ng isa
dokumentarista. Kasabay ng paglaganap ng social media,
lumaganap na rin ang travel blogging. Sa pamamagitan nito,
nabibigyang ideya ang mga manlalakbay kung ano ang inaasang
makita, mabisita, madanas, at makain sa isang lugar. Nagbibigay
din ito ng posibeng iterenaryo o iskedyul ng pamamasyal bawat
ara ng byahe at posibleng maging gastos sa baat aktibidad.

Maraming tao ang hindi lamang bumabyahe bilang turista


kundi nagsusulat na rin tungkol sa kanilang mga nagging
karanasan sa isang lugar at kabuuan ng paglalakbay. Ang layunin
pagsulat tungkol sa isang paglalakbay at makapagbigay ng malalim
na insight at kakaibang anggulo tungkol sa destinasyon.
Kailangang mahikayat ang mga mambabasa na danasin at
bisitahin din ang lugar na iyong sinulat.

Nagbigay si Dinty Moore (2013) ng mga payo kung paanong


epektibong makapagsusulat habang naglalakbay:

 Magsaliksik
Magsaliksik at magbasa nang malalim bago
pumunta sa isang lugar. Huwag lamang iaasa ang
paglalakbay sa guidebook, bagkus ay pagtuunan ng pansin
kasaysayan, ekonomiya, kultura at iba pang bagay sa lugar.

 Mag-isip nang labas pa sa Ordinaryo


Kadalasang nasa guidebook na ang lahat ng
kakailanganin mo sa iyong paglalakbay, ngunit bilang isang
mananaysay kailangan mong maipakita ang mas malalim
na anggulo. Hindi lang ang bagay na nakikita ng iyong mata.

 Maging isang Manunulat


Magkaiba ang manunulat upang maglakbay sa isang
turista. Nasa bakasyon ang isang turista habang ang
mananaysay naman ang nasa isang tungkulin o trabaho.
Mas makakabuti ding makakuha ng mga larawan, bagay na
naobserbahan ay narinig sa lugar.

Gabay sa pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong


lugar upang makahanap ng paksang isusulat
 Mas magandang unahin muna ng lokal na lugar kesa sa
mas malalayo. Maaring pumunta sa isang probinsya

34
pagtuunan ng pansin ang ang mga tao sa lugar, mga hayop
at bukirin. Maaari din naman sa urban, nakakaunti pa
lamang ang nakakarating o nakakapunta

Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iisang


araw lamang
 Kailangang maging malalim at malawag ang pagdanas sa
karanasan sa isang lugarupang maging malalim ang insight
na maaring ibigay sa sanaysay.

Ipakita ang kwentong buhay ng isang tao sa iyong


sanaysay.
 Mas magiging kasiya-siya ang paglalakby kung nakabuo ka
hindi lamang ng karanasan sa lugar ngunit ng isang
pagkakaibigan. Sa paraang ito lubos mong mauunawaan
ang paraang ng pamumuhay sa isang lugar.

Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at


pasyalan.
 Mas maganda kung ikaw pa lamang ang nakatuklas ng
lugar o iilan pa lamang ang nakakarating dito.Nakakatulong
ito sa magiging impact ng iyong sulatin sa mga mambabasa
lalo na kung bago sa kanila ang lugar.

Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng


kaligayahan.
 Kung habang naglalakbay ka ay nabiktima ka ng
pagnanakaw o panloloko, maari itong isulat salakbay
sanaysay. Nasamanunulat na kung sa paano nyang paraan
gagawing malikhain ang mga negatibong pangyayari na
iyon.

Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar


lamang na binisita matitikman at pag-aralan itong lutuin.
 Bilang bahagi sa pag-alam o pagdanas sa kultura ng sang
lugar maari mong subukan ang kanilang mga ginagawa
kagaya na lamang ng pagluluo. Maari kang humingi ng
tulong sa iyong mga kakilala sa lugar.

Sa halip na popular at malaking katedral bisitahin ang


maliliit na pook sambahan ng mga taong hindi gaanong
napupunahan at isulat ang kapayakan ng
pananampalataya rito.
 Mas bago ang laman ng isyong sulatin mas papatok ito sa
mga mambabasa.

Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa

35
paglalakbay.
 Dahil nga sariling karanasan sa paglalakbay ang magiging
basehan ng sulatin makakatulong ang personal na opinyon
at interpretasyon na naranasan sa paglalakbay

Para sa detalyadong pag-aaral sa paksa at mga halimbawa nito


bisitahin ang link na ibibigay ng guro.

C. Pagpapalihan Ikalawang GAWAIN 1:


Araw

Panuto:

 Umisip ng isang bansa na gusto mong marating balang


araw. Isulat sa palagay mo kung sa paanong paraan mo
maikukwento ang paglalakbay na na iyon. Gamitin ang mga
natutunan sa binasang aralin. Gamitin ang imahinasyon at
maging malikhain sa pagsulat.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Ang sanaysay ay kinapapalooban ng 2-3 talata.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

PAMANTAYAN:
Nilalaman -7
Pagkamalikhain -5
Pagbuo -3
Kabuuan -15

D. Paglalapat Ikalawang GAWAIN 2:


Araw
Panuto:

 Isipin na ikaw ay isang Travel Blogger at gagawa ka ng isang


LAKBAY SANAYSAY sa isang lugar sa labas ng ating bansa.
 Isave as PDF.
 2-3 Talata.

Ilakip sa gagawing sanaysay ang mga sumusunod:


4-5 larawan ng lugar edited o hindi
Ipaliwanag ang itsura ng lugar
Mga realisyason sa pananatili sa lugar
Mga kakatuwa at ibang pangyayari sa pananatili sa lugar
Mga natatanging bagay sa lugar na pinili

PAMANTAYAN:
Nilalaman -7
Pagkamalikhain -5
Pagbuo -3
Kabuuan -15

36
V. PAGTATAYA Ikatlong Araw MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 5 (10 AYTEMS)
Tama o Mali.

1. Ang lakbay sanaysay ay kilala din sa tawag na travelogue.


2. Lahat ng ilalagay sa paglalakbay ay kinakailangang positibo
lamang.
3. Hindi mo na kailangan kumilala ng mga tao sa lugar na
pupuntahan.
4. Ang lakbay sanaysay ay para lamang isulat ang kagandahn
ng lugar.
5. Nagbigay si Dinty More ng mga payo kung paanong
epektibong makapagsusulat habang naglalakbay.
6. Ang turista at mananalakbay sanaysay ay magkatulad
lamang.
7. Mga kilalang lugar ang dapat puntahan sa paggawa ng
lakbay sanaysay.
8. Mas magandang may guide book ang isang manlalakbay sa
kanyang paglalakbay.
9. Mabuti dingmapuntahan ang lahat ng magagandang
pasyalan sa isang lugar o bayan sa loob lamang ng isang
araw.
10. Kinakailangan ang mga kagamitan tulad ng camera,
notebook at ballpen sa paglalakbay.

VI REPLEKTIBONG SANAYSAY Ikatlong Araw GAWAIN 3:

Panuto:

 Kumiha o gumuhit ng isang larawan na sa palagay mo ay


magiging simbolo ng aralin tinalakay ngayong linggo.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

SANGGUNIAN

https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Ak ademik?fbclid=IwAR1ZMoIGUoILqrnn1wt3-
01YFGlfNMTfpVnEu0Piga3qrhuNVszxcJvC200
https://galalakbaylakad.wordpress.com/2018/05/22/ang-kagandahan-ng-puerto-galera-sa-pananaw-ng-isang-manilena-2/
comment-page-1/?unapproved=72&moderation-hash=e42a879d4e9d52a86d36d7f34f11eb8a#comment-72
https://www.0.discoverapp.com/https/philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay-kahulugan-layunin/
Aklat: Filipino sa Piling larang (Akademik)

37
LEARNER’S PACKET (LeaP)
Pangalan: Guro sa Asignatura:
Baitang at seksyon: Gurong Tagapayo:
Contact Number: E-mail:
Ika-anim Asignatura Filipino sa Piling Larang: Akademik Baitang 11
Linggo Kwarter Ikalawang Kwarter Petsa

I. Aralin  Pagtalakay sa Paksang Posisyong Papel

II.MOST ESSENTIAL Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapanipaniwalang


LEARNING COMPETENCIES Sulatin.
(MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO Mungkahing Mga Gawain sa Pag-aaral


Oras/ Araw
A. Panimula Unang Araw
Panimulang Katanungan:

1. Bigyan ng sariling pakahulugan ang salitang posisyong papel?


2. Sa palagay mo ba ay nagawa mo na ang ganitong uri ng
sulatin?
3. Mahalaga ba sa tingin mo na magkaroon ang mga mag-aaral
ng ganitong kaalaman sa pagsulat? Baki?

Ang Posisyong Papel o position paper ay isang salaysay


na naglalahad ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at

38
karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya
ng isang partido pulitikal. Ang balangkas ng isang posisyong papel
ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang
sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.
Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel
upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng
kanilang mga mungkahi. Ang posisyong papel ay karaniwang sulatin
na ginagamit sa aspetong pampaaralam, politika at batas.
Aspetong Pampaaralan, Nagbibigay daan ang mga
posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong
na paksa nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik
na karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat. Karaniwan,
pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga
posisyong inihirap gamit ang ebidensiya mula sa malawak at
obhetibong talakayan ng naturang paksa.
Aspeto ng politika, sa pamahalaan, ang posisyong papel ay
nasa pagitan ng white paper at green paper kung saan kinakatigan
nila ang mga tiyak na opinyon at nagmumungkahi ng mga solusyon
ngunit hindi umaabot sa pagdedetalye ng planong kung paano
ipapatupad nito.
Aspetong may kinalaman sa batas, ang terminolohiyang
ginagamit para sa isang posisyong papel ay Aide-mémoire. Ang
isang aide-Mémoire ay isang memorandum na naglalahad ng mga
maliliit na punto ng isang iminumungkahing talakayan o di-
pinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo na sa mga di-diplomatikong
komunikasyon.

B. Pagpapaunlad Unang Araw


Panuto:

 Bigyan ng maikli ngunit komprehensibong opinyon ang


larawan sa baba.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

39
PAGTALAKAY SA PAKSA

Posisyong Papel…
Ang Posisyong Pape l ay isang sanaysay na
naglalahad ng opinyon hinggil sa isang
usapin karaniwan ng awtor o isang tiyak na
entidad tulad ng isang partidong politikal.
Ang posisyong papel ay mahalagang
gawaing pasulat na nililinang sa
akademikong pagsulat. Isa itong sanaysay
na naglalahad ng opinyon na naninindigan
hinggil sa isang mahalagang isyu patungkol
sa batas, akademiya, politika, at iba pang mga larangan. Karaniwang
isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang mapanghimok sa
mambabasa upang maunawaan at sang-ayunan nito ang
paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinaks
Sa mag-aaral, isang mabuting pagsasanay ang pagbuo ng posisyong
papel sa pagpapatibay ng paninindigan o pagbuo muna ng
paninindigan. Isang proseso rin ang pagbuo nito ng pagpapahusay
sa paglalahad ng mga suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at
katotohanan, at pagsanggi sa mga antitheses o sumasangging mga
ideya mula sa paninindigan ng mga mag-aaral upang magdepensa.
Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na
magkaroon ng kamulatan sa argumentong inihahain sa kanila. Ang
mga posisyong papel ay karaniwang isinusulat mula sa
pinakasimpleng format tulad ng letter to the editor hanggang sa
pinakakomplikadong academic position paper. Maaaring isagawa
ang pagsulat ng posisyong papel ayon sa isyung ipinaglalaban ng
isang indibidwal o organisasyon upang maiparating ang kanilang
mga opinyon at paniniwala o rekomendasyon ukol sa isyu.
Ang mga posisyong papel ay mainam sa mga kontekstong
nangangailangan ng detalyadong impormasyon upang lubos na
maintindihan ang pananaw ng isa pang tao. lto ay karaniwang
ginagamit sa pampolitikong kampanya, mga organisasyon ng
gobyerno, sa mundo ng diplomasya, at mga hakbang na
naglalayong baguhin ang mga pagpapahalaga ng komunidad at
organizational branding o imahen ng isang samahan o institusyon.
Kung gayon, sa madaling salita isa itong detalyadong ulat ng
polisiyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmamatuwid, o
nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos ayon sa
(http://www.thefreedictionary.com).

40
Ang iba’t ibang anyo ng posisyong papel ay may mga batayang
KATANGIANG ipinagkakatulad.
Ayon sa http://.net (Halaw kina Axelrod at Cooper, 2013)

 Depinidong isyu

Kailangang ipaliwanag ng malinaw ng


manunulat ang isyu. Dagdag pa sa pagpapakatotoo na ang isyu ay
umiiral, kailangan ding mabigyang kahulugan ang isyu para sa
layunin ng pagsulat. Halimbawa, Ang isyung pinag-uusapan ay
abortion. Ayon kay Rochelle Abdao, ang pagpapalaglag o abortion
ay salitang pagtanggal sa fetus sa sinapupunan ng babae. Ang
binigay na depinisyon ng Rochelle Abdao ay ay tinnatawag na
pabibigay ng depinisyon sa paksa.

 Klarong Posisyon

Kailangang mailahad ng malinaw ng awtor ang


kanyang posisyon hinggil doon. Minsan, ang posisyon ay kwalipayd
upang maakomodeyt ang mga nagsasalungatang argumento.
Ngunit hindi maaring ang posisyon ay malabo o ang indensyon.
Madalas idinedeklara na agad ng awtor ang kanyang posisyon sa
tesis na pahayag sa simula pa lamang ng kanyang sanaysay,
makakatulong ito upang malaman agad ng mambabasa ang
kinakatayuan ng awtor. Halimbaw, Pagbibigay punto nasa
posisyong sang-ayon ang manunulat sa batas na Anti-Terrorism
Law.

 Mapangumbinsing Argumento

Hindi maaring ipagpilitan ng awtor ang


kanyang paniniwala. Kailangang magbigay ang awtor ng matalinong
pangangatwiran at solidong ebidensya. Kailangan isaalang-alang ng
awtor ang magkabilang posisyon.
A. Matalinong Katwiran
Para matiyak na masusundan ng
mambabasa ang argumento, kailangang ipaliwanag ang
pangunahing puntong sumusuporta sa posisyon. Dapat isaisip ang
layunin na matumbok ang katotohanan.

B. Solidong Ebidensya
Kailangang magbanggit ng iba’t ibang uri ng
ebidensyang sumusuporta sa kanyang posisyon. Ilan sa mga ito ay
ang anekdota, awtoridad at estadistika. Halimbawa, link ng
pinaghanguan sa intenet, Pangalan ng nagbigay ng sayteysyon o
pahayag na konektado sa inyong paksa o pangalan at pahina sa
isang libro.

C. Kontra-Argumento

41
Kailangan ding isaalang-alang ng awtor ang
salungat na pananaw. Sa pagpapabulaan, sinisikap ng awtor na
ipakita kung paano naging mali ang isang argumento. Sa
pamamagitan nito maipapakita ng awtor kung paanong mali ang
isang argumento. Halimbawa, kung ang posisyon ng awtor ay
patungkol sa masamang dulot ng labis na paggamit ng teknolohiya
maari nya ring bigyan ng punto ang kabutihan nito saka ito bibigyan
ng kontrang pahayag.

 Angkop na Tona

Isinasaalang-alang ng awtor ang tono sa pagsulat na


nagpapahayag sa kung anong damdamin ang meron sila ng pinubuo
ang teksto. Marapat na gamitin ang angkop na tono para sa
damdamin na meron ang isang pahayag. Kung gusto nya itong
bigyan ng diin maari syang gumamit ng malalaking letra upang
mabigyang tuon ang parting iyon.

*Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel*


1. Pumili ng paksa.

Pumili ng paksa na malapit sa iyo, madalas


ang pagpili ng paksa na interesdo ka ay humahantong sa higit na
mabuting resulta. Kung ipagpipilitan ang paksang hindi naman
interesado ang awtor mahihirapan syang bigyan ito ng posisyon at
panindigan o ipagtanggol ang paksa sa oras na ito ay kontrahin ng
mambabasa o mga tagapakinig.

2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik.

Kailangan ng panimulang pananaliksik


upang malaman ang mga ebidensya na susuporta sa iyong posisyon.
Hindi mo gugustuhin na mapunta sa isang posisyon na hindi
matibay at guguho pag inatake. Bagamat, ito ay tinatawag na
posisyong papel at ang pangunahing layunin ay makita ang opinyon
at pananaw ng awtor sa isang paksa, kinakailangan nito ng mga
ebidensya at ito ay maisasakatuparan lamang kung magsasagawa
ng pananaliksik ang awtor sa paksa.

3. Hamunin ang iyong sariling paksa.

Kailangang alam mo di lang ang posisyon


mo kundi ang kasalungat nito. Kailangang alam mo ang mga bagay
na ibabato o ibubutas sa posisyon mo, upang mas maging handa ka
sa argumento.

4. Ipagpatuloy ang pangongolekta ng mga sumusuportang


ebidensya.

Sipakaping makakuha ng mas maraming


impormasyon na magpapatibay sa iyong posisyon.

42
5. Gumawa ng balangkas.

a. Ipakilala ang paksa sa pamamagitan ng kaligiran o


rasyonale.
b. Maglista ng ilang posibleng pagtutol sa iyong posisyon.
c. Kilalanin at suportahan ang ilang salungat na argumento.
d. Ipaliwanag kung balkit ang iyong posisyon ay sya pa din
pinakamainam.
e. Lagumin at ilahad muli ang iyong posisyon.

Para sa detalyadong pag-aaral sa paksa at mga halimbawa nito


bisitahin ang link na ibibigay ng guro
C. Pagpapalihan Ikalawang GAWAIN 1:
Araw

Panuto:

 Sa pamamagitan ng Fish Bone Chart, ipakita ang KONTRA-


ARGUMENTO na meron sa ibinigay na halimbawa ng
Posisyong Papel sa itaas. (Aborsyon).
 Gayahin ang tsart na nasa ibaba.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

SARILING POSISYON

KASALUNGAT NA POSISYON

D. Paglalapat Ikalawang GAWAIN 2:


Araw
Panuto:

 Pagsulaat ng Posisyong Papel sa usaping “Online Class for


2020”. Maaring mamili sa dalawang Posisyong kung SANG-
AYON o HINDI SANG-AYON sa ganitong paraan ng pag-aaral
sa pagharap sa Pandemiko ngayon.

43
 2-3 talata
 Lagyan din ito ng cover page paa sa titulo, pangalan ng
nagpasa, seksyon at petsa.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

PAMANTAYAN:
Nilalaman -7
Kaangkupan - 5
Pagkakabuo - 3
Kabuuan -15

V. PAGTATAYA Ikatlong Araw MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 6 (10 AYTEMS)

Enumerasyon.

1-5. Ibigay tatlong katangian ng Posisyong Papel


6-10. Magbigay ng limang Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

VI REPLEKTIBONG SANAYSAY Ikatlong Araw GAWAIN 3:

Panuto:

 Ibigay ang iyong naging repleksyon sa aralin ngayon araw.

Sundin sa paggawa nito ang mga gabay na katanungan.


Sa palagay mo ba ay nakatulong sa iyo bilang mag-aaral ang aralin
sa paggawa ng isang posisyon papel? Bakit?

 Sundin ang pamantayan na nasa pormat sa paggawa.


 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

SANGGUNIAN

https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Ak ademik?fbclid=IwAR1ZMoIGUoILqrnn1wt3-
01YFGlfNMTfpVnEu0Piga3qrhuNVszxcJvC200
https://galalakbaylakad.wordpress.com/2018/05/22/ang-kagandahan-ng-puerto-galera-sa-pananaw-ng-isang-manilena-2/
comment-page-1/?unapproved=72&moderation-hash=e42a879d4e9d52a86d36d7f34f11eb8a#comment-72
https://www.0.discoverapp.com/https/philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay-kahulugan-layunin/
https;//www.academia.edu/38396045/ESP_Position_Paper

44
Aklat: Filipino sa Piling larang (Akademik)

LEARNER’S PACKET (LeaP)


Pangalan: Guro sa Asignatura:
Baitang at seksyon: Gurong Tagapayo:
Contact Number: E-mail:
Ikapitong Asignatura Filipino sa Piling Larang: Akademik Baitang 11
Linggo Kwarter Ikalawang Kwarter Petsa

I. Aralin  Pagtalakay sa Paksang Replektibong Sanaysay

II.MOST ESSENTIAL Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop


LEARNING COMPETENCIES na paggamit ng wika.
(MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO Mungkahing Mga Gawain sa Pag-aaral


Oras/ Araw
A. Panimula Unang Araw
Panimulang Katanungan:

1. May kaalaman ka ba kung ano ang replektibong sanaysay?


Ano ito?
2. Sa palagay mo ba ay kinakailangan dito ang sariling pagtingin
ng manunulat upang ito ay maisagawa? Bakit?
3. Maari bang gamitin ang replektibong sanaysay sa pagbibigay
ng kritiko sa isang libro, pelikula o napakinggan? Sa paanong
paraan?

45
Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli
kumpara sa ibang anyo nito tuiad ng maikling kuwento
at nobela. Isang likas na katangiang ikinatatampok ng
sanaysay ay ang tahas na paglalaman nito ng pananaw,
pagsusuri, at opinyon ng manunulat sa isang pangyayari o isyu na
nakapukaw ng kanyang interes o damdamin (Baello, Garcia,
Valmonte 1997). Ang tahas na katangian ng sanaysay ay maaaring
makapagdulot ng kalituhan sa iba’t ibang uri ng sanaysay at
kayarian ng mga ito. Isa sa mga maaaring maging katanungan ng
mga nagsisimulang manunulat ay kung dapat din ba itong taglayin
ng isang Replektibong Sanaysay.

Ang replektibong sanaysay ay pumapaksa sa mga


pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na
nangangailangan pa ng mahabang pag-aaral. May kalayaan ang
pagtalakay sa mga puntong nilalaman nito na karaniwan ay mula sa
karanasan ng manunulat o pangyayaring kanyang nasaksihan
(Baello, Garcia, Valmonte 1997). Kaiba sa pagsulat ng talambuhay
na tumatalakay sa buhay ng isang tao, ang pagsulat ng replektibong
sanaysay ay naglalayong bigyang-katwiran, ipaliwanag, o suriin ang
partikular na salaysay at palutangin ang halaga nito o ang
maidudulot nito, depende sa layon ng manunulat, sa buhay ng tao,
at sa lipunan (Arrogante, Golla, Honor- Ballena 2010).

Ang terminong ito nangangahulugan ng pagbabalik-


tanaw. Ang Replektibong Sanaysay ay isang uri ng panitikan
na nakapasailalim sa isang anyong tuluyan o prosa. Kinakailangan
nito ng sariling perspektibo, opinyon, at pananaliksik sa paksa. Isa
itong masining na pagsulat na may kaugnayan sa pansariling
pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari.

B. Pagpapaunlad Unang Araw


Panuto:

 Bigyan ng maikli ngunit komprehensibong repleksyon ang


sipi o bahagi ng komik na nasa ibaba.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa

46
Asignaturang Piling Larangan.

PAGTALAKAY SA PAKSA

Replektibong
Sanaysay

Ang replektibong
sanaysay o repleksyong papel
(reflective paper) ay isang
pasulat na presentasyon o
kritikal na repleksyon o
pagmumuni-muni tungkol sa isang tiyak na paksa. Ang repleksyong
papel ay maaaring isulat hinggil sa isang itinakdang babasahin. Ito
ay hindi dayari o dyornal, bagaman ang mga ito ay maring gamiting
paraan ng pagpoproseso ngmga repleksyon bago isulat sa
repleksyong papel. Ito ay isang impormal na sanaysay. Naglalaman
ito ng introduksyon, katawan naglalahad ng iyong naiisip o
nararamdaman at konsklusyon.
Ginagamitan ito ng unang panauhang perspektiba kagaya
ng ako, akin, tayo at kami. At kung gagamit ng ibang karanasan ng
ibang taosikaping banggitin o bigyan sya ng pagkakakilanlan. Ang
repleksyong papel ay nag anyaya ng self rflection o pagmumuni-
muni.

Pagsulat ng Replektibong Sanaysay


1. Mga iniisip na reaksyon

Kailangang maitala ang iyong reaksyon sa binasa o


karanasan. Maaring gamitin ang repleksyon papel upang
suriin ang binasa. Maari ding maglahad ng personal na
karanasan na may kaugnayan sa binasa.

2. Buod

Hindi simpleng pagbasa ang repleksyong papel, ito ay


malayang daloy ng ideya o iniisip. Ito ay nakasulat sa isang
sanaysany na naglalarawan ng reaksyon o pagsusuri sa
binasa o karanasan. Ito ay pormal kaya hindi angkop ang
impormal na wika at anyo.
3. Organisasyon

Maglaan ng introduksyon kagaya ng paglalaraan ng iyong


inaasahan bago magbasa. Katawan, naglalaman ng
konklusyong nagawa mo, sagot sa mga katanungang paano
at bakit. At maaari itong tapusin sa pagbubuod ng iyong
natamo o aral sa binasa. Maaring iugnay ang iyong
inaasahan, analisasyon karanasan kaugnay sa damdamin o

47
reaksyon.

Mga Dapat isaalang-alang sa Pagsulat ng


Replektibong Sanaysay

1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis – sikaping magkaroon


ng isang malinaw na pagsabi ng tema sa iyong pagsulat.
Halimbawa, kung ang nakitang intepretasyon o opinyon sa nabasa
ay kagandahan, bigyang diin ang mgga kagandahan sa nabasa.
2. Isulat sa unang panauhan na panghalip- gamitin ang ako, akin sa
pagsulat ng replektibong sanaysay. Sapagkat lahat ng lalamanin sa
ganitong uri ng pagsulat ay galing sa sariling opinyon at reaksyon.
3. Mahalagang magtaglay ito ng patunay o patotoo- gumamit ng
mga ebidensya sa libro o internet na magpapatunay sa mga naging
reaksyon mo base sa binasa. Mas makakatulong itong mabigyang
tatag ang anumang naging kumento o tingin o sa binasa napanuod,
o napakinggan.
4. Gumamit ng pomal na salita- sikaping gumamit ng magagalang
at kaaya-ayang salita iwasan ang mga salitang kalye o pagmumura
sa pagsulat.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito- Marapat din
na banggitin ang teksto na binasa o binigyan ng reaksyon.
Makakatulong ito paa mabigyang linanw o ayos kung saan hinugot
ang isang opinyon.
6. Sundin ang tamang estruktura- Simulan ito sa Introduksyon,
katawan, at konklusyon. Kadalasang ang introdusyon ang
naglalaman ng pagpapakilala sa binasa, napanuod o napakinggan,
binabanggit rin dito ang layunin ng pagsulat. Katawan, io naman ay
naglalaman ng iyong komprehensibong pagbibigay ng repleksyon o
opinyon, karaniwang nakalakip na dito ang mga sumusuportang
ebidensya na galing sa internet o libro. Wakas, dito naman bibigyan
ng konklusyon ang sinagawang repleksyon.
7. Gawing lohikal at organisado- magiging malinis at malinaw ang
tekstong isinulat kung pagsusunod-sunurin ito ayon sa mga ideya.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong


Sanaysay:

Simula
 dapat makapukaw sa atensiyon ng mambabasa
 maaaring gumamit ng quotation, tanong, anekdota,
karanasan, at iba pa
 sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at layunin
ng pagsulat ng sanaysayna magsisilbing preview ng
sanaysay

48
 isulat sa loob lamang ng isang talata

Katawan
 dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan
tungkol sa paksa o tesis
 maglagay ng obhetibong datos batay sa naobserbahan o
naranasan
 gumamit ng mapagkatitiwalaang mga sanggunian bilang
karagdagang datos
 isulat dito ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga
natutuhan, pati kung paano umunlad ang iying pagkatao
mula sa mga karanasan o mga gintong aral na napulot
 magbigay din ng patotoo kung paano nakatulong ang mga
karanasang ito sa iyo

Wakas o Konklusyon
 muling banggitin ang tesis o angpangunahing paksa ng
sanaysay
 lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo
magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa
hinaharap
 magbigay ng hamon sa mga mambabasa na maging sila
manay magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong
natutuhan o kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari
nilang pag-isipan

Para sa detalyadong pag-aaral sa paksa at mga halimbawa nito


bisitahin ang link na ibibigay ng guro
C. Pagpapalihan Ikalawang GAWAIN 1:
Araw

Panuto:

 Magbigay ng tatlong kaganap sa iyong buhay na hindi mo


malilimutan. Matapos nito ay isa-isahing bigyan ng
repleksyon ang mga kaganapan at karanasan ito, sa tulong
ng pagsaalang-alang sa aralin ngayong araw.
 Sundin ang tsart sa baba para sa gawain
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

49
Karanasan 1 Karanasan 2 Karanasan 3

D. Paglalapat Ikalawang GAWAIN 2:


Araw
Panuto:

 Pagsulat ng Replektibong Papel ukol sa napanuod na


pelikula. Mamili sa mga sumusunod na pelikula. Sikapin
mapanuod ang mapipiling pelikula.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Ang sanaysay ay kinapapalooban ng 2-3 talata.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

A. Goyo: Ang Batang Heneral


B. Ang Tanging Ina
C. Through Night and Day

PAMANTAYAN:
Kalinawan -7
Nilalaman -5
Kaangkupan -3
Kabuuan -15

V. PAGTATAYA Ikatlong Araw MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 7 (10 AYTEMS)

Maikling Kasagutan.

Isa-isahing ipaliwanag sa inyong sariling pagpapakahulugan ang mga


bagay na Dapat isaalang-alang sa Pagbuo ng isang Replektibong
Sanaysay.

VI. REPLEKTIBONG SANAYSAY Ikatlong Araw GAWAIN 3:

50
Panuto:

 Ibigay ang iyong naging repleksyon sa aralin ngayon araw.


Sundin sa paggawa nito ang gabay na katanungan.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Ang sanaysay ay kinapapalooban ng 2-3 talata.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

 Sa palagay mo ba ay nakatulong sa iyo bilang mag-aaral ang


aralin sa paggawa ng isang replektibong sanaysay? Bakit?
Ilagay ito sa isang buong papel.

PAMANTAYAN:
Kalinawan -7
Nilalaman -5
Kaangkupan -3
Kabuuan -15

SANGGUNIAN
https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Ak ademik?fbclid=IwAR1ZMoIGUoILqrnn1wt3-
01YFGlfNMTfpVnEu0Piga3qrhuNVszxcJvC200
https://galalakbaylakad.wordpress.com/2018/05/22/ang-kagandahan-ng-puerto-galera-sa-pananaw-ng-isang-manilena-2/
comment-page-1/?unapproved=72&moderation-hash=e42a879d4e9d52a86d36d7f34f11eb8a#comment-72
https://www.0.discoverapp.com/https/philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay-kahulugan-layunin/
https;//www.academia.edu/38396045/ESP_Position_Paper
Aklat: Filipino sa Piling larang (Akademik)

51
Pangalan: Guro sa Asignatura:
Baitang at seksyon: Gurong Tagapayo:
Contact Number: E-mail:
Ikawalong Asignatura Filipino sa Piling Larang: Akademik Baitang 11
Linggo Kwarter Ikalawang Kwarter Petsa

I. Aralin  Pagtalakay sa Paksang Pictorial Essay at Portfolio

II.MOST ESSENTIAL Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapanipaniwalang


LEARNING COMPETENCIES Sulatin.
(MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
Nagagamit ang angkop na format at teknik ng pagsulat ng akademikong sulatin.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO Mungkahing Mga Gawain sa Pag-aaral


Oras/ Araw
E. Panimula Unang Araw
Panimulang Katanungan:

1. Ano sa iyong palagay ang Pictorial Essay?


2. Narinig mo na bang salitang portfolio? Ibigay ang kahulugan
nito sa iyong sariling salita?
3. Makakatulong ba sa iyong palagay ang pagsasagawa ng
Pictorial essay at Portfolio sa mgamag-aaral sa larangan ng
akademya? Bakit?

Ayon sa mga dalubhasa, ang mga sinaunang taong


nanirahan sa mga kuweba ay nagpapahayg ng kanilang
ideya at layunin sa pamamagitan ng mga larawang
guhit. Bunga ito ng kakulangan kung hindi mankawalan nila ng
behikulo ng komunikasyon noong panahong iyon. Bakit nga
naman hindi? Ayon nga sa isang kawikaang Ingles, A picture is
worth a thousand words.

52
Totoo naman na kahit isang larawan ay maaring
makapagpahayag ng isang o higit pang komplikadong ideya. Ang
isang larawan ay maaari ring makapagpahayag ng kahulugan
paesensya ng isang paksa nang higit pa sa paglalarawan niyon.
Kung nagagawa ito ng isang larawan, paano pa kaya kung ang
isang set ng mga magkakaugnay na larawan ay lalakipan pa ng
sanaysay? Tiyak na magsasanib ang kapangyarihan ng larawan at
kapangyarihan ng salita. Ito ang kapangyarihang taglay ng Pictorial
Essay.

Sa kabilang banda, ang Portfolio ay isang gawain ng


awtor o manunulat, upang pagsama-samahin at organisahin ang
kanilang lihang sulatin, krusyal ang ganitong pagsasagawa ng isang
portfolio para sa manunulat sapagkat dito lalabas at ipapakita ang
iba’t ibang uri ng anyo ng kanilang likha. Kabilang dito ang
dyornal, sanaysay, repleksyon, posisyong papel at marami pang
iba.

F. Pagpapaunlad Unang Araw


Panuto:

 Sa pamamagitan ng mga larawan. Subukang bumuo ng


isang kwento at bigyang ng reaksyon kung paano ito
nakatulong sa iyo.
 Ang mga larawan a ipopost ng guro sa FB Page ng Klase.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

PAGTALAKAY SA PAKSA

Pictorial Essay…

Ang pictorial essay ay tinatawag din ng iba bilang photo


essay. Ito ay isang kamangha-manghang anyo ng sining na
nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng
mga larawang sinusundan ng maikling kapsyon kada larawan.
Larawan at teksto ang dalaang pangkalahatang sangkap nito. Ang
teksto ay madalas na journalistic feels . Ito ay may pamagat at
nakapokus lamang isa iisang tema. Ito ay personal na sulatin, at
isinasaalang-alang ang punto debista na syang ikinalulugod ng mga
larawang tingnan at tekstong basahin.
Dahil dalawang pangkalahatang sangkap ng pictorial essay,
ang laraan at teksto, mahalagang ang gumagawa nito ay may
kakayahan at kaalaman sa dalawa ring larangan sa potograpiya at
wika. Tandaan na ito ay kakaiba sa picture story, dahil ito ay naka-
ayos ayon sa pagkakasunod-sunod at layunin nito na magsalaysay
at magkwento. At hindi ganito ang isang Pictorial Essay.

Katangian ng Pictorial Essay

53
Malinaw na Paksa
Pumili ng paksang mahalaga sa iyo at alam na alam mo.
Maraming maliliit na bagay ang maaaring paksain ng
mahusay na pictorial essay.
Pokus
Huwag lumihis sa paksa. Ang iyong malalim na pag-unawa,
pagpapahalaga at matamang obserbasyon sa paksa ay
mahahalagang sangkap tungo sa matagumpay na pagsulat.
Orihinalidad
Higit na mainam na ika mismo ang kukuha ng larawan.
Maaring kumuha sa internet at gawing collage upang makalikha ng
bagong larawan. Kailangang pangkalahatang kahulugang
ipinahahayag na nalikhang larawan ay orihinal sa iyo.
Lohikal na Estruktura
Isaayos ang mga larawan ayon sa lohikal na pagkakasunod-
sunod. Kailangang kawili-wili ang simula, paglalahad ng kataan at
wakas nito.
Kawilihan
Ipahayag ang kailihan at interes sa paksa. Gumamit ng mga
pahayag na nagpapahiatig na kinawiilihan mo ang iyong paksa, nang
kawilihan din iyon ng iyong mambabasa.
Komposisyon
Piliin ang mga larawang may kalidad ang komposisyon.
Iyong mga artistic na kuha, ‘ika nga. Ikonsider ang kulay, ilaw at
balance ng komposisyon. Huag gumamit ng Malabo o madidilim na
larawan.
Mahusay na paggamit ng wika
Organisahin ng maays ang teksto. Tiyaking ang teksto ay
kaugnay ng larawan. Gumamit ng wastong mga salita. Ang
pagkakamali sa baybay, bantas, gamit ng salita at ibapang tuntuning
pangika ay mga kabawasan sa husay ng pictorial essay.

*Paggawa ng Pictorial Essay*


1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang itinakda
ng inyong guro. Ang larawan ay kinakailangang nakapokus
sa iyong pictorial essay kaya magplano nang naaayon.
Halimbawa, may paparating na kaganapan sa iyong pamilya
o sa iyong komunidad. Baka may parker in sa iyong lugar na
magandang gawing setting ng inyong photo shoot. T

2. Isaalang-alang ang inyong audience. Sino ba ang babasa


nito? Ilahad ito sa paraang makukuha ang interes ng
mambabasa. Halimbawa, kung ang iyong pictorial essay ay
parasa mga bata, kailangang maipakita sa mga larawan ang
kanilang interes at hilig tulad ng paglalaro at makukulay na
buhay.

3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin ang


iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong layunin.
Maaring ang layunin mo ay upang suportahan ang isang
adbokasiya o kaya ay hikayatin ang mga mambabasang
kumilos. Kailangang masalamin sa mga larawan sa layunin

54
kaya mahalaga ang astong pagpili.

4. Kumuha ng maraming larawan. Walang dahilan para


limitahin ang larawang pagpipilian. Mas maraming
pagpipiliin mas may posibilidad na makuha ang angkop na
larawan para sa pictorial essay.

5. Piliin at ayusin ang larawan ayon sa lohikal na


pagkakasunod-sunod. Siguraduhin na meron itong simula ,
katawan at wakas.

6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o tabi ng larawan. Ang


teksto ay kailangang nagpapalawig sa kahulugan sa
larawan. Tandaang kailangang maenlighten ang mga
mambabasa hinggil sa bawat larawan.

Portfolio…
Sa pag-aaral ng pagsulat, ang Portfolio ng mga sulatin ay
isang koleksyon ng mga komposisyon o awtput. Layunin nitong
ipakita ang pag-unlad ng kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng pag-
aaral/manunulat sa isang termino o taong-aralan.

Mga Bahagi ng Portfolio

1.Pabalat
2.Pamagating pahina
3. Prologo
4. Talaan ng mga nilalaman
5. Mga sulatin
6. Epilogo
7. Rubriks
8. Bionote
9. Ang pamagat

Paggawa ng Portfolio
1. Pamagatan ang iyong Portfolio
Mag-isip ng isa o ilang salitang iyong gagamitin sa
iyong portfolio. Tiyakin na ang pamagat ay kakatawan sa
nilalaman ng portfolio, sa mga karanasan at natutunan sa

55
pagsulat.
Halimbawa ng titulo:
 Likha: Isang portfolio ng mga sulatin

 Ang Buhay ng Manunulat

2. Gawin ang Pamagating Pahina


Ilagay sa pamagating pahina ang pamagatng iyong
portfolio, ang iyong pangalan at kinabibilangang pangkat,
pangalan ng iyong guro, at araw ng pagpapasa.

3. Isulat ang iyong prologo


Ito ay introduktoring talaan. Ipaliwanag dito an
napili mong pamagat,
 Ipaliwanagkung bakit iyon ang napili
 Maaring maglahad ng pasasalamat.
 Inimumungkahing gumamit ng ikatlong panauhan (hal. Ang
may akda, ang manunulat)
 Panghalip na nasa unang panauhan (hal. Ako, ko, akin,
kamiNamin, amin)

4. Gawin ang Talaan ng Nilalaman


Ihanay ang iyong mga sulating iyong ginawa ang
anyo at pamagat ng bawat isa, mula una hanggang huli.
Tukuyin ang pahinang kakatagpuan ng bawat isa.

5. Ipunin ang iyong mga sulatin


Ayusin ang sulatin ayon sa pagkakasunod-sunod.
Isulat muli ang bawat sa o ienkowd sa kompyuter at iprint.
Iwasato ang mga pagkakamali. Gawin ang mungkahi ng
guro sa tamang pagsasagawa nito.

56
6. Isulat ang iyong Epilogo
Sumulat ng isang reflektibong talaan. Ilarawan ang
iyong naging karanasan sa pagsulat ng mga sulatin at ang
mahalagang kaalamang iyong natutunan. Imungkahi muli
ang paggamit dito ng pananw sa ikatlong panauhan.

7. Gawin ang Pahina para sa Rubriks


Ilagay dito ang pamantayan sa pagmamarka.

Halimbawa:
Prologo 15%
Pamantayan/ Mga Sulatin 50%
Epilogo 15%
Pagkamalikhain 20%

KABUUAN 100%

8. Isulat ang iyong Bionote


Isulat ang maikling bionote. Gamitin ang ikalong
panauhan. Lagyan ng larawan. Ilagay ito sa likod ng pabalat.

Halimbawa:
Si Kenneth Narvaez ay kasalukuyang nagtuturo
ng Filipino (Wika at Panitikan sa Amor’s
National High School. Nagtapos siya ng Batsilyer
sa Pansekondaryang Edukasyon, Medyor sa
Filipino sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Sa kasalukuyan siya
ay kumukuha ng kursong MAEd sa Fipilipino sa The National of
Teachers’s College.

9. Palamutian ang iyong Portfolio


Simulan ang palamuti sa pabalathanggang sa huling
pahina. Gamitan ng angkop na dekorasyon. Isaanglang-
alang ang paksa ng bawat sulatin para sa kaangkupan ng
bawat palamuti.

57
10. Ipasa ang iyong Portfolio
Itatakda ng guro ang araw, oras at lugar ng
pagpapasahan. Ipasa ito sa itinakdang araw.

Para sa detalyadong pag-aaral sa paksa at mga halimbawa nito


bisitahin ang link na ibibigay ng guro
G. Pagpapalihan Ikalawang GAWAIN 1:
Araw

Panuto:

 Umisip ng isang sitasyon kung saan pakiramdam mo ay


pinakamalungkot nan a parte ng iyong buhay. Ikento ito sa
pamamagitan ng mga larawan na may kalakip na kapsyon.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Ang sanaysay ay kinapapalooban ng 2-3 talata.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

PAMANTAYAN:
Kapsyon -7
Larawan -5
Kaangkupan -3

Kabuuan -15

H. Paglalapat Ikalawang GAWAIN 2:


Araw
Panuto:

 Pagsulat ng Replektibong Papel ukol sa napanuod na


pelikula. Mamili sa mga sumusunod na pelikula. Sikapin
mapanuod ang mapipiling pelikula.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Ang sanaysay ay kinapapalooban ng 2-3 talata.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

D. Goyo: Ang Batang Heneral


E. Ang Tanging Ina
F. Through Night and Day

PAMANTAYAN:
Kalinawan -7
Nilalaman -5

58
Kaangkupan -3
Kabuuan -15

V. PAGTATAYA Ikatlong Araw MAIKLING PAGSUSULIT BLG. 7 (10 AYTEMS)

Maikling Kasagutan.

Gaano kahalaga ang posrfolio sa isang mag-aaral?

VI. REPLEKTIBONG SANAYSAY Ikatlong Araw GAWAIN 3:

Panuto:

 Gawin ang Portfolio. Pagsamasamahin ang mga sulating


naisagawa sa signaturang Filipino sa Piling Larang
Akademik.
 Sundin ang pamantayan na nasa ibaba sa paggawa.
 Gawin ito sa kwadernong iniatas ng guro sa pagsasagot sa
Asignaturang Piling Larangan.

Awput:Portfolio
Pamantayan
Mga Sulatin -7
Pagkamalikhain -3
Kalinisan -2
Kabuuan -15

SANGGUNIAN
https://www.academia.edu/30931039/Filipino_sa_Piling_Larang_Ak ademik?fbclid=IwAR1ZMoIGUoILqrnn1wt3-
01YFGlfNMTfpVnEu0Piga3qrhuNVszxcJvC200
https://galalakbaylakad.wordpress.com/2018/05/22/ang-kagandahan-ng-puerto-galera-sa-pananaw-ng-isang-manilena-2/
comment-page-1/?unapproved=72&moderation-hash=e42a879d4e9d52a86d36d7f34f11eb8a#comment-72
https://www.0.discoverapp.com/https/philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay-kahulugan-layunin/
https;//www.academia.edu/38396045/ESP_Position_Paper
Aklat: Filipino sa Piling larang (Akademik)

Inihanda ni: Bb. Rhomarie A. Aledia Iniwasto ni:

59

You might also like