You are on page 1of 14

Pagsulat ng

Agenda
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Agenda
Ang agenda ay isang magkakasunod na listahan ng mga
paksang pag-uusapan sa isang pulong. Ito ay karaniwang
ipinapadala kasama ang paunawa ng pulong. Minsan, ito’y
inihanda matapos ang pag-ikot ng paunawa upang isama
ang opinyon ng miyembro. Nakaayos ang agenda ayon
sa kahalagahan ng kawakasan nito. Ang mga paksa ay
natutukoy sa pamamagitan ng kalihim na may
pagkonsulta sa mga may mataas na kapangyarihan. Ang
kontrobersyal na paksa ay dapat nakasulat sa dulo.
Ayon sa Oxford Dictionary, ito’y talaan
ng mga aytem na pag-uusapan sa pormal
na pagpupulong at mga problemang dapat
tutukan.

Ayon naman sa Cambridge Dictionary, ito


ay mga talaan o balangkas ng mga usapin
na pag-uusapan sa isang pagpupulong.

Binigyang-linaw rin ng Merriam Dictionary na


ito’y mga plano o tunguhin bilang gabay na
maingat na pinagplanuhan.
Layunin ng Pagsulat ng
Agenda (Henry Robert III)
1. Nagsisilbing gabay tunguhin para sa pagpupulong.
2. Nagbibigay balangkas sa gaganaping pagpupulong.
3. Nagsisilbing talaan ng mga usapin na dapat pag-usapan.
4. Nagbibigay impormasyon sa mga kalahok kung ano ang pag-
uusapan.
5. Nagpapagaan sa paghahanda ng katitikan sa pagpupulong.
Kahalagahan ng Agenda:
1. Katuturan at kaayusan ng daloy ng pulong.
2. Nalalaman ang pag-uusapan at isyu
3. nabibigyan ng pagkakataon na tantyahin ang oras
4. naiiwasan ang pagtalakay ng usaping wala sa
adyenda
1 Pagbibigay ng pamagat sa Agenda
2. Isulat ang “Sino, Saan at Kailan” na

HAKBANG impormasyon sa uluhan


3. Sumulat ng maikling pahayag ng layunin o mg
layunin ng pagpupulong.
Ayon kay Henry Robert III, ang 4. Sumulat ng balangkas ng iskedyul sa mga
pagbuo ng epektibong agenda ay isa pangunahing elemento ng pagpupulong.
sa pinakamahalagang elemento para 5. Maglaan ng oras sa iskedyul ng sinumang
sa matagumpay na pagpupulong. mahalagang panauhin.
6. Mag-iwan ng sapat na oras sa bawat
pagpupulong para sa Q&A.
7. Maaring magbigay ng balangkas ng pag-
uusapang paksa (Opsyunal).
8. Iwasto ang agenda kung may pagkakamali
bago ito ipamahagi
MAHAHALAGANG HANGARIN
NG AGENDA
Ang unang hangarin ay maisulat ang pinakamahalagang isyung
tatalakayin ng mga miyembro upang makapaghanda nang maaga.

Ikalawa, ay upang hayaan ang mga kasali na malaman ang maliliit


na detalyeng kakailanganin bago dumating ang pagpupulong,

Pangatlo, ang agenda ay naglalaman ng layunin na


maaaringmakamit o gustong makamit pagkatapos ng pagpupulong.
MGA ANYO NG
AGENDA
PORMAL NA AGENDA
PORMAL NA AGENDA
IMPORMAL NA PAGPUPULONG

Di gaanong detalyado ang mga impormasyon, nakalista ang mga


pangunahing paksa ngunit hindi na kailangan ang mga
karagdagang detalye at hindi na rin kailangan ang time frame.
Malayang Pagpupulong

Ang madaliang agenda ay nalikha upang itala ang mahalagang


paksang pag-uusapan kasabay ng mga pangunahing tanong na
may kaugnayan sa paksa. Ang anyong ito ay kadalasang
naisasagawa kung magkakaroon ng di-inaasahang suliranin kagaya
ng proyektong gawain na kailangang mabalik-aralan.
Proyektong pagpupulong

Kadalasa’y napakadetalyado ngunit nakatuon sa kabuoan ng


proyekto.

You might also like