You are on page 1of 5

LESSON PLAN

I. TITLE
AGENDA
II. OBJECTIVES
1. Naihahambing ang iba't ibang anyo ng agenda.
2. Nabibigyang-interpretasyon ang ilustrasyon.
3. Nakabubuo ng isang agenda batay sa isang sitwasyon.
III. MATERIALS
 POWERPOINT PRESENTATION
IV. INTRODUCTION
V. Kapag naririnig mo ang salitang Agenda, ano ang pakahulugan
VI. nito para sa iyo?
VII. Kapag naririnig mo ang salitang Agenda, ano ang pakahulugan
VIII. nito para sa iyo?
Kapag naririnig mo ang salitang Agenda, ano ang pakahulugan nito para sa iyo?
Ang agenda ay isang magkakasunod na listahan ng mga paksang pag-uusapan sa
isang pulong. Ito ay karaniwang ipinapadala kasama ang paunawa ng pulong.
Minsan, ito’y inihanda matapos ang pag-ikot ng paunawa upang isama ang
opinyon ng miyembro
IX. DISCUSSION
 Kahulugan ng Agenda
 Layunin at hakbang sa pagsulat ng Agenda
 Mahalagang hangarin ng Agenda
 Mga anyo ng Agenda
 Gawain
X. REVIEW
Kahulugan ng Agenda
Ang agenda ay isang magkakasunod na listahan ng mga paksang pag-uusapan
sa isang pulong. Ito ay karaniwang ipinapadala kasama ang paunawa ng
pulong. Minsan, ito’y inihanda matapos ang pag-ikot ng paunawa upang
isama ang opinyon ng miyembro. Nakaayos ang agenda ayon sa
kahalagahan ng kawakasan nito. Ang mga paksa ay natutukoy sa
pamamagitan ng kalihim na may pagkonsulta sa mga may mataas na
kapangyarihan. Ang kontrobersyal na paksa ay dapat nakasulat sa dulo

Layunin at hakbang sa pagsulat ng Agenda

1. Pagbibigay ng pamagat sa
Agenda
2. Isulat ang “Sino, Saan at
Kailan” na impormasyon sa
uluhan
3. Sumulat ng maikling pahayag ng
layunin o mga layunin ng
pagpupulong.
4. Sumulat ng balangkas ng
iskedyul sa mga pangunahing
elemento ng pagpupulong.
5. Maglaan ng oras sa iskedyul ng
sinumang mahalagang
panauhin.
6. Mag-iwan ng sapat na oras sa
bawat pagpupulong para sa
Q&A.
7. Maaring magbigay ng balangkas
ng pag-uusapang paksa
(Opsyunal).
8. Iwasto ang agenda kung may
pagkakamali bago ito ipamahagi..
Mahalagang hangarin ng Agenda

1. Ang unang hangarin ay maisulat ang pinakamahalagang isyung tatalakayin ng mga


miyembro upang makapaghanda nang maaga.
2. Ikalawa, ay upang hayaan ang mga kasali na malaman ang maliliit na detalyeng
kakailanganin bago dumating ang pagpupulong.
3. Pangatlo, ang agenda ay naglalaman ng layunin na maaaring makamit o gustong
makamit pagkatapos ng pagpupulong
Mga anyo ng Agenda
1. Pormal na pagtitipon
2. Impormal na Pagpupulong
3. Malayang Pagpupulong
4. Proyektong pagpupulong
5. Presentasyong pagpupulong
Gawain natin:
Panuto: Gawan ng kombersasyon ang pagpupulong na ipinakita sa larawan.
Ilahad din ang posibleng agenda ng nasabing pagpupulong.
XI. ASSESMENT
Suriin Natin!
Panuto: Magkakaroon ng pagpupulong sa susunod na linggo at ikaw ang naatasang
mamumuno nito. Bilang paghahanda, kailangan mong gumawa ng agenda batay sa
isa sa sumusunod na sitwasyon. Mga sitwasyon:

1. Dumarami ang natamaan ng COVID-19 sa inyong barangay at kailangang


magkakaroon ng pagpaplano upang hindi na madaragdagan pa ang mga
natamaan nito.
2. Tutulong ang inyong barangay sa paghahanda sa pagbubukas ng klase ng inyong
paaralan gamit ang modyular na pamaraan.

3. Abala ang mga opisyal ng baranggay sa pagpaplano na kanilang gagawin sa


pagsalubong ng Pasko sa kabila ng naranasang pandemya.

XII. DISCUSSANTS

Leader: Romel C. Abobotal

Members: Aj S. Diaz

Zyra Mae S. Dapon

Maggie A. Posadas

Romson C. Abobotal

You might also like