You are on page 1of 3

MISAMIS UNIVERSITY Prepared by: Document Code: Module Reference

Ozamiz City No.


Office of the Vice President Leizel Joy P. Caspe, LPT 10
for Academic Affairs Checked by: Revision Date: Units:
BASIC EDUCATION June 2020 3.0
DEPARTMENT Roj Z. Compo, LPT
Associate Principal
Reviewed by: Revision No.: Subject Code:
LEARNING 0
MODULE Analyn S. Clarin, MAEd-ELT
Principal, Basic Ed. Dept
Approved by: Prerequisite: Co-requisite:
None None
Ariel R. Clarin, PhD-Ed
Director for Instruction
Descriptive Title: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
MU-ACA-041A/30May2020

Module 3.3
Pagsulat ng Agenda at Katitikan ng Pulong

I. Course Outcome : Nakasusulat ng sulatin na may wasto at angkop na gamit ng mga


salita.

II. Learning Outcome/s : Nakasusulat ng agenda at katitikan ng mahahalagang


impormasyon mula sa isang pagpupulong.
III. Time Frame : 4 hours

IV. Introduction/Outline :
Sa araling ito, malalaman mo ang mga uri at bahagi ng liham o korespondensyang
opisyal. Pagkatapos nito, susulat ka ng isang liham.
Ang mga sumusunod pangunahing konsepto sa araling ito.

A. Kahulugan ng Agenda
• Ang agenda ay talaan ng mga pag-uusapan sa isang pormal na pulong.
• Binibigyang-halaga rin ang rekomendasyon na lulutas sa isang isyu.
Pagkatapos, ang napagkasuduang rekomendasyon at dapat magkaroon
ng resolusyon.
• Mahalagang kasangkot sa paggawa ng agenda ang kalihim, habang ang
kalimitang nagpapatawag naman ng pulong ay ang mga opisyal tulad ng
pangulo ng pamantasan o mga administrador, CEO, director, pinuno ng
samahan, at iba pang mga may pananagutan sa paggawa ng agenda. Sa
madaling salita ang kalihim at mga administrador ang siyang mga
kasangkot sa pagsulat ng agenda.
B. Layunin ng Agenda
• Isinusulat ang agenda upang bigyan ng impormasyon ang mga taong
kasangkot sa mga temang pag-uusapan at sa mga usaping
nangangailangan ng pansin at pagtugon.
C. Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Agenda
• Simulan kaagad ang paghahanda sa pagsulat ng agenda. Gawin ito sa
araw mismo ng pagkakaroon ng desisyon sa petsa at tema upang matiyak
na maisasagawa nang maayos ang susunod na pagpupulong at may
kaisahang patutunguhan ang mga pag-uusapan sa pulong.
• Bigyang-halaga ang lugar na pagdarausan ng pulong at tiyakin anong
oras ito matatapos.

PROPERTY OFMISAMIS UNIVERSITY Page 1 of 3


• Bigyang-halaga ang layuning inaasahang makamit sa araw ng
pagpupulong.
• Bigyang-pansin ang mga isyu o usaping tatalakayin sa pulong. Dapat
makili lamang sa bahaging ito. Siguraduhing lahat ng pag-uusapan ay
mailalagay sa agenda.
• Tiyakin na ang mga taong kasangkot lamang na nasa listahan ang dapat
dumalo sa pulong.
D. Kahulugan ng Katitikan ng Pulong
• Ang katitikan ng pulong ang nagsisilbing paglalagom sa mahahalagang
tinalakay sa isang pagpupulong.
• Dito makikita ang pagpapasya at mga usaping kailangan pang bigyan ng
pansin para sa susunod na pulong.
• Kinakailangan na magtaglay ng paksa, petsa, oras, at lugar na
pagdarausan ng pulong, at maging ng tala ng mga dumao at di dumalo sa
pagpupulong.
E. Layunin ng Katitikan ng Pulong
• Upang matiyak ang at mapagbaliktanawan ang mga usapin at isyung
tinalakay at kailangang talakayin muli mula sa pagpupulong na naganap
na.

V. Learning Materials : 1. PowerPoint Presentation


Filename: Pagsulat ng Agenda.pptx
Pagsulat ng Katitikan ng Pulong.pptx
This file can also be accessed online through our MU-OLE or
Group Page.
2. Screencast video
Filename: Katitikan ng Pulong.mp4
Pagpupulong.mp4
This file can also be accessed online through our MU-OLE or
Group Page.
3. Writing Materials: Pen and paper
VI. Supplementary
Learning Resources : A. Books
1.Pagsulat sa Piling Larangan (Akademik) (2016)

VII. Learning Activities : 1. School-based Activities


1.1 (Pagtalakay sa Pagsulat ng Agenda at Katitikan ng
Pulong)
1.2 Sagutin “Gawain 1.1 Gabay na Katanungan at Gawain 1.2
Pagsusuri” na makikita sa pahina 4 ng modyul.
2. Home-based Activities
2.1 Panoorin ang screencast video tungkol sa Pagsulat ng
Katitikan ng Pulong na nasa MU-OLE/Group Page para
mabalikan ang talakayan.
2.2 Basahin at suriin ang powerpoint presentation tungkol sa
Pagsulat ng Agenda at Katitikan ng Pulong na nasa MU-
OLE/Group Page para mabalikan ang talakayan.
2.3 Sagutin ang “Gawain 2: Panoorin at Suriin” pahina 5

VIII. Equipment : None

PROPERTY OFMISAMIS UNIVERSITY Page 2 of 3


IX. Student Feedback : Your feedback is important. Please do not leave this blank. This
portion will allow us to evaluate how this module is going. Your
feedback will help improve this module for future revision.

1. Which part of this module did you find interesting? Why?

2. Which part of this module did you find challenging? Why?

PROPERTY OFMISAMIS UNIVERSITY Page 3 of 3

You might also like