You are on page 1of 10

FSPL-AKADEMIK

2ND QUARTER |1ST SEMESTER |12TH GRADE A.Y. 2023-2024

LECTURE 1 B. PAKSANG MAHALAGA SA BUONG


GRUPO
PAGSULAT NG AGENDA Sa mga isasamang paksa sa agenda,
3 MAHAHALAGANG PROSESO PARA SA makabubuti kung ang mga ito ay mga paksang
PAGSASAGAWA NG PULONG mahalaga sa buong grupo o organisasyon.

1. Preparasyon ng agenda - Ang mga paksang nakalista sa agenda ay


2. Pagpupulong dapat direktang may kinalaman ang mga
3. Pagsulat ng Katitikan ng Pulong inaasahang kalahok sa pagpupulong.
- Masisiguro lamang ang aktibong
VERIZON BUSINESS – ang pinakamadalas na pakikibahagi ng mga kalahok kung sila ay
pagkasayang ng oras sa mga korporasyon ay bahagi mismo ng pinag-uusapang paksa.
nagaganap dahil sa mga ginagawang
pagpupulong. C. ESTRUKTURANG PATANONG NG MGA
PAKSA
- Ito ay nangyayari sapagkat ang mga
Hindi karaniwan na ang mga paksa sa agenda
pagpupulong na isinasagawa ay madalas
ay nasa anyong tanong.
di-organisado at walang malinaw na
layunin. - Datapwa’t walang masama kung ito ay
- ito ay maaaring maiugnay sa kawalan ng nasa anyong pahayag, ang isang tanong
preparadong agenda na siyang nagiging ay mas nakapanghahamon ng isipan.
- balangkas sa pagsasagawa ng pulong. - nangangahulugan din na
nangangailangan ito ng kasagutan.
AGENDA – talaan ng mga pag-uusapan sa isang
- Nag-iimbita ang isang tanong ng aktibong
pormal na pulong.
partisipasyon ng mga kalahok.
- Sinusulat upang bigyan ng impormasyon
D. LAYUNIN NG BAWAT PAKSA
ang mga taong kasangkot sa mga
temang pag-uusapan at sa mga usaping Upang maging maayos ang daloy ng
nangangailangan ng pansin at pagtugon. pagpupulong, mahalagang matiyak ang layunin
- Binibigyang-halaga rin dito ang ng paksa.
rekomendasyon nalulutas sa isang isyu.
- Dapat maging malinaw sa mga kalahok
- Pagkatapos, ang napagkasunduang
kung ano ang layunin ng bawat paksa.
rekomendasyon ay dapat magkaroon ng
- Dapat maging malinaw kung layunin nito
resolusyon.
ang pagbabahagi ng impormasyon,
pagkuha ng panukala para sa gagawing
MGA KONSIDERASYON SA PAGDISENYO NG
desisyon, o pagdedesisyon.
AGENDA

SWARTZ (2015) – nagpanukala ng mga E. ORAS NA ILALAAN SA BAWAT PAKSA


konsiderasyong dapat tandan sa pagdidisenyo Mahalagang pagtuunan ito ng pansin dahil
ng isang agenda. (how to design an Agenda for kadalasang may itinatalagang oras ng
an Effective Meeting) pagsasagawa ng pulong.

A. SALOOBIN NG MGA KASAMAHAN - Kung 30 minuto lamang ang nakalaan sa


Para mas maging proaktibo ang mga kalahok sa buong pagpupulong, dapat masagot
pagpupulong, mahalagang malaman ang kung gaano katagal ang pagtalakay sa
kanilang saloobin at kung ano ang nais din nilang bawat paksa.
matalakay sa pagpupulong.
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG AGENDA
- maikokonsidera ang kanilang hinaing at 1. Alamin ang layunin ng pagpupulong
pangangailangan na maaaring hindi
- malinaw sa gumagawa nito ang layunin
nabibigyang-pansin ng namumuno sa
ng pulong na gagawin.
grupo o organisasyon.
FSPL-AKADEMIK
2ND QUARTER |1ST SEMESTER |12TH GRADE A.Y. 2023-2024

2. Sulatin ang agenda tatlo o higit pang • Ang nagpapatawag ng pulong ay may
araw bago ang pagpupulong. awtoridad para gawin ito.
- Para mabigyan ng sapat na panahon • Ang pabatid na magkakaroon ng pulong
para maipamahagi ang agenda, dapat ay nakuha ng mga inaasahang kalahok.
tapos at aprobado na ito ng • Ang quorum ay nakadalo.
nagpapatawag ng pulong tatlong araw • Ang alintuntunin o regulasyon ng
bago ang pagpupulong. organisasyon ay nasunod.
- Maagang distribusyon ng agenda ang
MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG
mga kalahok upang paghandaan ang
PULONG
mga paksang nakatala rito.
- Walsh (1995) The Meeting Manual:
3. Simulan sa mga simpleng detalye
- Bago itala ang mga paksa, mahalagang 1. Pagbubukas ng Pulong (Opening the
ilahad ang mga impormasyon tulad ng meeting) - Opisyal na idedeklara ng
petsa at oras ng pulong, lugar ng pulong, chairperson ang pagsisimula ng
at mga inaasahang kalahok. pagpupulong.

4. Magtalaga lamang ng hindi hihigit 2. Paumanhin (Apologies) - Bago man ang


sa limang paksa para sa agenda.
pagsisimula ng pulong, kinukuha ng
- masyadong maraming talakayin ay kalihim ang listahan ng mga nakadalo at
maaaring makapgdulot lamang ng hindi.
pagkabagot o information overload.
- Maaaring magpatawag na lang ng 3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang
panibagong pagpupulong kung pulong (Adoption of the previous minutes)
kinakailangan. – binabasa ng kalihim ang katitikan ng
- kung hinihinging mahigpit ng nakaraang pulong o binibigyan ang mga
pagkakataon, maaaring lumagpas sa dumalo ng kopya ng naturang katitikan.
lima ang paksa. - Kapag nabasa na ang katitikan,
inihahayag na ang adapsyon o
5. Ilagay ang nakalaang oras para sa pagtanggap nito.
bawat paksa - Kapag lahat ay sumang-ayon,
- Ayon sa nakaplano, ilagay ang tinatanggap na ito. Kung mayroong mga
nakalaang oras sa bawat paksa. pagtutol o mungkahing pagbabago,
- Magagabayan nito ang mga kalahok sa tinatalakay ito at muling ihahayag ang
ilalaang panahon upang pag-usapan adapsyon ng katitikan.
ang bawat isyu. - Kapag tinanggap na ng grupo ang
katitikan, pinipirmahan ito ng chairperson
LECTURE 2 at ibinibigay niya ito sa kalihim para sa
PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG opisyal na pag-iingat sa dokumento.

(CERTIFIED ACCOUNTANTS, 2012) 4. Pagllilinaw mula sa katitikan ng


Pagpupulong – pagtitipon ng dalawa o higit nakaraang pulong (Business arising from
pang indibidwal upang pag-usapan ang isang previous minutes) - Kung may mga
komon na layunin para sa pangkalahatang paksang nais pang pag-usapan na hango
kapakanan ng organisasyon o grupong sa katitikan ng nakaraang pagpupulong,
kinabibiilangan nila. isinasama ito sa agenda. Nagkakaroon ng
deliberasyon ukol dito.
Ipinatatawag ang ganitong pagtitipon kung may
sapat na dami ng mga paksa o isyung dapat
5. Pagtalakay sa mga liham
pag-usapan.
(Correspondence) - Kung mayroong
Para masabing balido ang isang pulong, dapat ipinadalang mga liham para sa
na matupad ang mga sumusunod na kondisyon: pagpupulong tulad ng liham sa koreo, e-
FSPL-AKADEMIK
2ND QUARTER |1ST SEMESTER |12TH GRADE A.Y. 2023-2024

mail, o fax mail, at kailangang talakayin at ito verbatim na pagtatala sa mga


pagdebatehan sa pulong, ito’y dapat nangyari o nasabi, ang mga itinatalang
isagawa. Maaari itong talakayin nang aytem ay may sapat na deskripsyon
pabuod para maipabatid ito sa mga upang madaling matukoy ang
kasapi ng organisasyon o grupo. pinagmulan nito at mga nagging
konsiderasyong kaakibat ng tala.
6. Pagtalakay sa mga ulat (Reports) - Sa
bahaging ito, tinatalakay at Ilang mga bagay na hindi na kailangan pang
pinagdedebatehan ang nilalaman, isama sa katitikan ng pulong ang sumusunod:
interpretasyon, at rekomendasyon ng ulat.
1. Ang mosyon na nailatag ngunit hindi
sinusugan.
- Sa bahaging ito tinatalakay ang mga ulat,
2. Ang mosyon para sa pagbabago na
kung mayroon, na inihanda para sa
sinusugan, ngunit hindi sinang-ayunan.
pagpupulong.
3. Ang mosyon para sa pagbabago ngunit
- Nagkakaroon ng mosyon na natanggap
hindi pinayagan ng opisyal na
ang ulat para maipakita na mayroong
tagapamahala.
nagawang ulat para sa pulong na
4. Ang bilang ng boto ng sumang-ayon at
isasagawa.
hindi sumang-ayon sa isang mosyon.
5. Ang pamamaraan ng pagboto ng mga
7. Pagtalakay sa agenda (General business)
kalahok, maliban kung hihilingin ng isang
- Ang mga nakalistang pangunahing
kalahok na itala ang paraan ng kaniyang
paksa sa agenda ay tinatalakay sa
pagboto.
bahaging ito.
- Ang pinakasentro ng isinagawang pulong. Sylvester (2015) - kung hindi gagawin ang
- Base sa layunin ng bawat paksa -- katitikan ng pulong, makikitang hindi pare-pareho
pagbabahagi ng impormasyon, pagkuha ang rekoleksyon ng mga kalahok sa mga
ng panukala para sa pagdedesisyon, o naganap. Maaari ring magkaiba-iba na sila ng
paggawa ng desisyon, pag-uusapan ng ideya sa mga napagkasunduan.
mga kalahok ang mga nakatalang
- paksa sa agenda. LECTURE 3

PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY


8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa
agenda (Other business) - Kapag natapos KAHULUGAN AT KALIKASAN NG REPLEKTIBONG
na ang pagtalakay sa agenda, SANAYSAY
itinatanong ng chairperson kung may
mga isyung nais pang pag-usapan ang REPLEKTIBONG SANAYSAY O REPLEKSYONG PAPEL
mga kalahok. – tinatawag ding reflective paper o
contemplative paper)
9. Pagtatapos ng pulong (Closing the
- Isang pasulat na presentasyon ng kritikal
meeting o adjournment) - Dito na isinasara
na repleksyon o pagmumuni-muni tungkol
ng chairperson ang pagpupulong.
sa isang tiyak na paksa.
- maaaring isulat hinggil sa isang itinakdang
- Isinasagawa ito kung lahat ng nais pag-
babasahin, sa isang lektyur o karanasan
usapan ay naiharap na at natalakay. Sa
katulad ng internship, volunteer
pagdeklara ng chairperson na
experience, retreat and recollection o
pagtatapos, opisyal na nagwawakas ang
educational tour.
pulong.
Bernales & Bernardino, 2013
KATITIKAN – opisyal na rekord ng pulong ng isang
organisasyon, korporasyon, o asosasyon. - ang repleksyong papel ay naglalaman ng
mga reaksyon, damdamin, at pagsusuri
- Tala ng mga napagdesisyunan at mga
ng isang karanasan sa napakapersonal na
pahayag sa isang pulling. Bagama’t hindi
FSPL-AKADEMIK
2ND QUARTER |1ST SEMESTER |12TH GRADE A.Y. 2023-2024

paraan, kaiba sa paraan ng pormal na Maaari ring maglahad ng mga personal na


pananaliksik o mapanuring sanaysay karanasan, ngunit huwag umasa sa mga ito, dahil
nararapat na ibatay ang papel sa iyong reaksyon
Ang repleksyong papel ay hindi dayari o dyornal, at repleksyon sa materyal na iyong paksa.
kahit pa sabihing ang dayari at dyornal ay
maaaring gamiting paraan sa pagpoproseso ng 2. BUOD
mga repleksyon bago isulat ang repleksyong
papel. isang malayang daloy ng mga ideya at iniisip.

- Isang impormal na sanaysay. Hindi simpleng pagbubuod ng binasa o


- tala ng mga kaalaman at kamalayan karanasan ang repleksyong papel.
hinggil sa isang bagay.
Ang ideya ng repleksyong papel ay makasulat ng
- isang interaksyon sa pagitan ng mga
isang sanaysay na naglalarawan ng mga
ideyang natanggap mula sa labas (libro,
reaksyon at pagsusuri ng isang binasa o iba pang
lektyur, karanasang pampaaralan, at iba
karanasan, ngunit higit na pormal ito kaysa
pa) kabilang na rin ang iyong internal na
dyornal entri, kaya hindi angkop ang impormal na
pag-unawa at interpretasyon sa mga
wika at anyo.
ideyang iyon.
- nag-aanyaya ng self-reflection o 3. ORGANISASYON
pagmumuni-muni.
Maglaan ng introduksyon, katulad halimbawa ng
Nangangailangan ng mga sumusunod: paglalarawan ng iyong mga inaasahan bago
magbasa o gawin sa isang bagay.
1. Introduksyon
2. Katawang malinaw at lohikal na Maaaring tapusin ang papel sa pamamagitan ng
naglalahad ng iyong mga iniisip at/o pagbubuod ng iyong mga natamo mula sa
nadarama. binasa o karanasan.
3. Konklusyon.
Maaaring i-ugnay iyon sa iyong mga inilahad na
• Kadalasan, ginagamit ang unang inaasahan o ekspektasyon, o humantong sa
panauhan (ako, tayo, kami) dahil ibang konklusyon o analisis ng binasa o
nirerekord dito ang mga sariling kaisipan, karanasan kaugnay ng iyong mga damdamin at
damdamin, at karanasan. reaksyon.

• maaaring kailanganin ng in-text MGA GABAY SA PAGGAWA


references kung gumamit ng mga ideya 1. Bigyan ng pansin ang panahong saklaw
ng ibang tao, at kung gayon, ang ng repleksyon.
sanggunian ay kailangang maitala sa
katapusan. Maaring pansinin at pagmuni-munihan ang mga
sumusunod:
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
• mga konsepto o aralin na lubhang
(MAGGIE MARTENS)
sinasang-ayunan o tinututulan;
1. MGA INIISIP AT REAKSYON • mga gawain sa klase, mga pinanood,
pinarinig, at iba pa na lubusang
Kapag nagsusulat ng repleksyong papel hinggil
nakaapekto o nakapagpaisip;
sa literatura o karanasan, kailangang maitala ang
• mga leksyon, konsepto, at iba pa na:
iyong mga naiisip at reaksyon sa binasa o
karanasan. 1. lubos na nakapukaw ng interes at nais
saliksikin o aralin pa;
Maaari mong ilahad at ipaliwanag ang iyong
mga damdamin hinggil sa binasa o karanasan. 2. nahanapan ng paglalapat sa sariling mga
karanasan at;
Tukuyin ang mga ispesipikong bahagi ng binasa o
karanasang naging inspirasyon ng damdamin.
FSPL-AKADEMIK
2ND QUARTER |1ST SEMESTER |12TH GRADE A.Y. 2023-2024

3. nagdulot ng mga tanong na nais iharap ng 9. Kung gagamit ng mga impormasyong


mag-aaral para sa klase. galing sa mga website, libro, panayam,
at iba pa, siguraduhing mababanggit sa
2. Isa hanggang dalawang pahina papel ang mga naging sanggunian
lamang ang repleksyong papel. Kung higit (maaaring sa huling bahagi o sa katawan
pa sa tatlo ay labis na. mismo ng papel).

3. Dahil sa hindi mahaba ang repleksyong 10. Magpasa sa tamang oras at tamang
papel, inaasahang hindi na lugar. Ito ay itinakda ng guro nang may
magpapaligoy-ligoy pa. Maaari sapat na pag-aabiso, kaya walang
namang maglaro sa anyo upang dahilan para hindi ito magampanan.
magkaroon ng sariling estilo. Kung hindi makakapasok, ipakisuyo ang
iyong ginawa sa kaklase.
4. Maaaring gumamit ng wikang pormal
o kumbersasyonal, basta tiyaking malinaw 11. Maaaring maglagay ng pamagat na
kung ano ng mga puntong angkop sa ginawang repleksyong
pagmumulan ng repleksyon at papel. Kung walang maisip na pamagat,
masusuportahan ito ng mga kongkretong ilagay na lamang ang Sulatin Blg. ______
paliwanag. o kung pang-ilang sulatin ito.

5. Malaking tulong din ang pagbibigay ng LECTURE 4


mga halimbawa o aplikasyon ng mga
PAGSULAT NG LARAWANG SANAYSAY
konseptong natutuhan sa klase. Dito
papasok ang kaalaman sa context o “A picture is worth a
intertext. Nararapat na magbigay ng thousand words.”
mga halimbawang hindi na tinalakay sa
klase. - Albert Einstein

6. Laging isaisip na ito ay papel na KAHULUGAN AT KALIKASAN


mamarkahan para sa talas ng inyong • Tinatawag ding photo essay.
pagmumuni-muni. Kung gayon, maaaring • kamangha-manghang anyo ng sining na
simple lang ang wika at nagpapatawa o nagpapahayag ng kahulugan sa
magaan ang tono, pero hindi pamamagitan ng paghahanay ng mga
nangangahulugang hindi ito magiging larawang sinusundan ng maiikling
seryoso. deskripsyon o kapsyon kada larawan.

7. Bagama’t personal na gawain ang Dalawang pangkalahatang sangkap:


repleksyong papel, hindi ibig sabihin na
maaari nang balewalain ang mga 1. Larawan
tuntunin sa gramatika, wastong baybay at 2. Teksto
pagbabantas, lalo na kung ito ay isang
Kombinasyon ito ng potograpiya at wika.
mamarkahan na gawaing pasulat bilang
isang rekwayrment sa kurso sa wika.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA PICTORIAL
8. Ipaloob ang sarili sa micro at macro na ESSAY
lebel ng pagtingin sa mga konseptong 1. Malinaw na Paksa - pumili ng paksang
tinalakay sa papel. mahalaga sa iyo at alam na alam mo.

- Maaaring magsimula ang Hindi kailangang napaka-engrande ng paksa.


pagpapaliwanag sa sariling karanasan, Maraming maliliit na bagay ang maaaring
pagkatapos ay sa mga napag-aralan paksain ng isang mahusay na pictorial essay.
sa ibang klase, pagkatapos, ay sa mga
2. Pokus - Huwag na huwag lumihis sa paksa.
usaping pambansa, at iba pa.
FSPL-AKADEMIK
2ND QUARTER |1ST SEMESTER |12TH GRADE A.Y. 2023-2024

Ang iyong malalim na pag-unawa, 5. Piliin at ayusin ang mga larawan sa lohikal na
pagpapahalaga, at matamang obserbasyon sa pagkakasunod-sunod.
paksa ay mahahalagang sangkap tungo sa
matagumpay na pictorial essay. 6. Isulat ang iyong teksto sa ilalim o sa tabi ng
bawat larawan.
3. Orihinalidad - Higit na mainam kung ikaw
mismo ang kukuha ng larawan. Maaari MGA URI NG PICTORIAL ESSAY
ring gumamit ng mga software ng
1. Dokumentaryong Photo Essay - Layunin
kompyuter tulad ng photoshop.
nitong ipakita ang dokumentaryo ng isang
Kung hindi ito magagawa, maaari namang pangyayari, lugar, o grupo ng mga tao
gumamit ng larawang kuha ng iba mula sa gamit ang mga larawan.
lumang album o magasin bilang panimula. Gupit-
gupitin ang mga iyon at gumawa ng mga - Ang mga larawan ay naglalaman ng
collage upang makalikha ng bagong larawan. kwento at impormasyon upang maipakita
ang realidad ng isang sitwasyon.
Kailangang ang pangkalahatang kahulugang
ipinahahayag ng nalikhang larawan ay orihinal 2. Portrait Photo Essay - Binubuo ito ng serye
sa iyo. ng mga portreyt na larawan ng isang tao
o grupo ng mga tao.
4. Lohikal na Estruktura - Isasaayos ang mga
- layunin nito ay ipakita ang mga detalye
larawan ayon sa lohikal na
ng personalidad, karanasan, o buhay ng
pagkakasunod-sunod.
mga nasa larawan.
kailangang may kawili-wiling simula, maayos na
paglalahad ng katawan at kawili-wiling wakas. 3. Travel Photo Essay - Ipinapakita rito ang
mga karanasan sa paglalakbay sa iba't
5. Kawilihan - Ipahayag ang iyong kawilihan ibang lugar.
at interes sa iyong paksa. - Ang mga larawan ay naglalarawan ng
mga tanawin, kultura, at mga
6. Komposisyon - Piliin ang mga larawang pagkakataon na makakakita ng mga
kalidad ang komposisyon. Iyong mga bagong bagay.
artistik na kuha. Ikonsidera ang kulay, ilaw,
at balanse ng komposisyon. Huwag 4. Conceptual Photo Essay - Gumagamit ito
gumamit ng malabo at madidilim na ng mga larawan upang ipakita ang isang
larawan. ideya, konsepto, o tema. Ang bawat
larawan ay may koneksyon sa
7. Mahusay na Paggamit ng Wika - Iorganisa pangkalahatang mensahe na nais
nang maayos ang teksto. Tiyaking ang iparating.
teksto ay tumatalakay sa larawan.
5. Environmental Photo Essay - Isinasalaysay
PAGGAWA NG PICTORIAL ESSAY nito ang mga isyu kaugnay sa kalikasan at
1. Pumili ng paksang tumutugon sa pamantayang kapaligiran. Ang layunin ay magbigay ng
itinakda ng inyong guro. kamalayan hinggil sa pangangalaga sa
kalikasan at ang mga isyu tulad ng
2. Isaalang-alang ang iyong awdiyens. pagbabago ng klima.

3. Tiyakin ang iyong layunin sa pagsulat at gamitin 6. Personal Photo Essay - Ito ay naglalaman
ang iyong mga larawan sa pagkakamit ng iyong ng mga larawan na naglalarawan ng
layunin. personal na buhay ng isang tao. Maaaring
ito ay tungkol sa pang-araw-araw na
4. Kumuha ng maraming larawan upang karanasan, damdamin, o paglalakbay ng
maraming mapagpilian. isang indibidwal.
FSPL-AKADEMIK
2ND QUARTER |1ST SEMESTER |12TH GRADE A.Y. 2023-2024

7. Historical Photo Essay - Naglalaman ng TRAVELOGUE – nagdodokumento ng iba’t ibang


mga larawan na nagpapakita ng lugar na binisita at mga karanasan ng isang
kasaysayan ng isang lugar o pangyayari. turista o dokumentarista
Ito ay maaaring magtakda ng konteksto
at naglalaman ng mahahalagang yugto • Dokyu
sa kasaysayan. • Pelikula
• TV Series
8. Cultural Photo Essay - Layunin nitong
ipakita ang kultura ng isang grupo ng mga TRAVEL BLOG - Gamit ang internet, nabibigyan na
tao. Ang mga larawan ay naglalarawan ng ideya ang mga manlalakbay ng posibleng
ng mga tradisyon, ritwal, at iba't ibang gastos at iteneraryo o kung ano ang aasahang
aspeto ng kultura ng isang komunidad. makita, mabisita, at makain sa isang lugar.

LECTURE 5

LAKBAY SANAYSAY

1. KARANASAN - ang kaalaman ng isang


taong nakukuha sa pamamagitan ng
paggawa ng isang bagay o gawain.

2. PAGLALAKBAY - laging kinapapalooban


ng mayamang karanasan at punumpuno
ng masasayang pangyayari,
HAKBANG SA EPEKTIBONG PAGSUSULAT
pagkamangha o paghanga sa
HABANG NAGLALAKBAY
magagandang lugar na unang
napuntahan, mga alaalang magiging 1. Magsaliksik - Magbasa nang malalim
bahagi ng buhay ng isang manlalakbay. tungkol sa iyong destinasyon.

Huwag lamang umasa sa guidebook, bagkus ay


3. PAGTATALA - Isang paraan ng manunulat
unawain ang kasaysayan, ekonomiya, kultura,
na maibahagi ang karanasan at
agrikultura, pagkain, relihiyon at mga paniniwala
kasiyahan sa paglalakbay.
ng isang lugar.

4. LAKBAY SANAYSAY - Uri ng lathalaing ang Sa pamamagitan nito, mas mauunawaan mo


pangunahing layunin ay maitala ang mga ang kakaibang bahagi ng kultural na praktis at
naging karanasan sa paglalakbay. konteksto nito habang naglalakbay. (Moore,
2013)
5. LARAWAN - Isa sa mga dapat taglayin sa
pagsulat ng lakbay sanaysay kung saan 2. Mag-isip nang labas sa ordinaryo -
nilalagyan ng maikling deskripsyon. magkwento ng karanasan, humanap ng
malalim na kahulugan at mailarawan ang
KAHULUGAN lahat ng ito sa malikhaing paraan.

LAKBAY SANAYSAY - tinatawag ding travel essay kailangan mongbmagpakita ng mas malalim na
o travelogue. anggulong hindi basta namamalas ng mata.

- isang uri ng lathalaing ang pangunahing 3. Maging isang manunulat - Nasa bakasyon
layunin ay maitala ang mga karanasan sa ang isang turista habang mas may
paglalakbay. malalim na tungkulin at layunin sa
- isinusulat gamit ang unang panauhan paglalakbay ang isang manunulat.
(ako, kami, tayo).
- Tinatawag namang delimitasyon ang nakabubuti ang pagkuha ng larawan at mga
pagtukoy sa isang paksa upang tala sa mga bagay na naoobserbahan at
matiyak ang sakop ng nilalaman ng naririnig.
lakbay sanaysay.
FSPL-AKADEMIK
2ND QUARTER |1ST SEMESTER |12TH GRADE A.Y. 2023-2024

MGA BAHAGI LECTURE 6


SIMULA - Ito ang pinakamahalagang bahagi PANUKALANG PROYEKTO
dahil dito inaasahan kung ipagpatuloy ng
mambabasa sa kanyang binabasang sulatin.
KAHULUGAN AT KALIKASAN
- Dapat makuha ng akda ang atensyon at PANUKALANG PROYEJKTO - isang detalyadong
damdamin ng mambabasa. deskripsyon ng mga inihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o
GITNA - Dito mababasa ang mga mahalagang
suliranin. (BESIM NEBIU)
puntos o ideya ukol sa paksang pinili at sinulat ng
may-akda. URI:
- Dito rin natin malalaman ang buong • INTERNAL – inihahain sa loob na
puntos dahil ipinaliliwanag nang maayos kinabibilangang organisasyon
at Mabuti ang paksang pinag-uusapan o • EKSTERNAL - panukala para sa
binibigyang pansin. organisasyong di-kinabibilangan ng
Proponent.
WAKAS - isinasara ng akda ang paksang
nagaganap sa gitna o katawan ng isinulat niya. ANYO:
- Dito rin inilalahad ang mga realisasyon o • Pasulat
mga natutuhan sa ginawang • Oral
paglalakbay.
SOLICITED - isinagawa dahil may pabatid ang
MGA GABAY organisasyon sa kanilang pangangailangan.

1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o UNSOLICITED - isinagawa nang walang pabatid sa
malayong lugar upang makahanap ng paksang kanilang pangangailangan at kusa o nagbaka-
isusulat. sakali lamang ang proponent.

2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming (NEBIU, 2002) Hindi maituturing na proyekto ang
lugar sa iilang araw lamang. mga sumusunod:

3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong ➢ mga dating aktibidad na nauulit sa


sanaysay. eksaktong pamamaraan
➢ mga aktibidad na walang depinado at
4. Huwag limitahan ang sarili sa mga normal na
malinaw na layunin
atraksyon at pasyalan.
➢ mga aktibidad na maaaring maulit
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ➢ mga regular na aktibidad ng
ng kaligayahan. organisasyon

6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na MGA TAGUBILIN


sa lugar lamang na binisita matitikman at pag- 1. MAGPLANO NANG MAAGAP
aralang lutuin ito.
binibigyang pagkakatoon ng nagsasagawa nito
na makausap ang mga stakeholder, matalakay
ang kanilang pangangailangan at masuri ang
panukalang proyekto nang may sapat na oras.

2. GAWIN ANG PAGPAPLANO NANG


PANGKATAN

Bigyan ng tungkulin ang bawat isa upang maging


kolaboratibo ang paghahanda.
FSPL-AKADEMIK
2ND QUARTER |1ST SEMESTER |12TH GRADE A.Y. 2023-2024

3. MAGING REALISTIKO SA GAGAWING proposal. Naglalaman ito ng titulo ng


PANUKALA bawat seksyon.

Tandaan na ang nilalaman ng panukula ay III. ABSTRAK


laging SMART (specific, measurable, attainable, • Ito ang huling ginagawang bahagi ng
realistic, at time-bound). panukala. Inaasahang makikita ang
pagtalakay sa suliranin, layunin,
4. MATUTO BILANG ISANG ORGANISASYON
mangungunang organisayon,
Matuto sa sariling karanasan at sa karanasan ng pangunahing aktibidad at kabuuang
iba; balik-tanawan at suriin ang resulta ng mga badyet.
naipanukalang proyekto.
IV. KONTEKSTO
5. LIMITAHAN ANG PAGGAMIT NG JARGON • naglalaman ng sanligang sosyal,
ekonomiko, politikal at kultural ng
Makabubuting isulat ang panukala sa isang
panukalang proyekto.
wikang pangkaraniwan at naiintindihan ng lahat.

6. PUMILI NG PORMAT NA MADALING V. KATWIRAN NG PROYEKTO


BASAHIN • pinaka-rasyonal ng proyekto. Nahahati ito
sa apat na sub-seksyon.
Makatutulong ito sa taong nagbibigay
ebalwasyon sa panukala. Mas bigyang pansin 1. PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN -
ang madaling maunawaang nilalaman. papaanong ang isang isyu o sitwasyon
ay nagiging suliranin.
7. GUMAMIT NG SALITANG KILOS
2. PRAYORIDAD NA PANGANGAILANGAN
Kabilang sa mga maaaring gamitin ang simulan,
- Ipinaliliwanag ang pangangailangan
ikumpara, maghandog, mag-oraganisa,
ng mga target na benipisyaryo dahil
suportahan, gumawa, gumamit, at iba pa.
sa pagkakaroon ng suliranin.
8. ALALAHANIN ANG PRAYORIDAD NG
HINIHINGIAN NG SUPORTANG PINANSYAL 3. INTERBENSYON - Ilarawan ang
estratehiyang ginamit kung paanong
Tiyaking ang layunin ng panukalang proyekto ay sosolusyunan ang suliranin at paano
isa sa mga top of the list na prioridad ng magdadala ng pagbabago ang
hinihingian ng suportang pinasyal o ng mag- gagawing hakbang.
aapruba sa panukala.
4. MAG-IIMPLEMENTANG
MGA ELEMENTO
ORGANISASYON - Ilarawan ang
I. TITULO NG PROYEKTO kapabilidad ng nagpapanukalang
• Kasama sa pahinang ito ang titulo ng organisasyon. Isama ang mga
proyekto, pangalan ng nagpapanukalang nakaraang rekord ng kapasidad sa
organisasyon, lugar, petsa ng preparasyon pagresolba ng suliranin at ilalahad
ng panukala at ahensyang pinaglalaanan kung bakit sila karapat-dapat upang
ng panukala. pagkatiwalaang solusyunan ang
suliranin.
• Tandaang ang titulo ng proyekto ay
dapat maikli, tuwiran at tumutukoy sa
VI. LAYUNIN
pangunahing aktibidad o inaasahang
• Iisa-isahin din ang mga tiyak na layunin na
resulta ng proyekto.
nais makamit ng panukala.
II. NILALAMAN
• Mahalaga ang pahinang ito upang VII. TARGET NG BENEPISYARYO
madaling mahanap ang mga bahagi ng • Ipakita kung sino ang mga makikinabang
sa panukalang proyekto at kung paano
sila makikinabang dito.
FSPL-AKADEMIK
2ND QUARTER |1ST SEMESTER |12TH GRADE A.Y. 2023-2024

VIII. IMPLEMENTASYON NG PROYEKTO


• Ipakikita sa bahaging ito ang iskedyul at
alokasyon ng resorses, sino ang gagawa
ng aktibidad, at kailan at saan ito
gagawin.

1. ISKEDYUL - Ang detalye ng mga


pinlanong aktibidad ay dapat
maipakita. Magagamit ang mga
talahanayan at Gantt Chart sa
pagpapakita nito.

2. ALOKASYON - Ipakikita ang mga


kakailanganin upang isagawa ang
mga aktibidad. Dito tinutukoy ang
iba’t ibang kategorya ng gastusin
(kagamitan, presyo, at io ba pa)
upang magkaroon ng buod ng
impormasyon ukol sa gastusing
kakailanganin para sa pagbabadyet.

3. BADYET - Ito ang buod ng mga


gastusin (expenses) at kikitain
(income) ng panukalang proyekto.

4. PAGMONITOR AT EBALWASYON -
Nakabatay ito sa kung paano at
kailan isasagawa ang mga aktibidad
para mamonitor ang pag-unlad ng
proyekto; anong metodo ang
gagamitin sa pagmonitor at pag-
evaluate; at sino ang magsasagawa
ng pag-monitor at ebalwasyon.

5. PANGASIWAAN AT TAUHAN -
Naglalaman ito ng maikling
deskripsyon ng bawat miyembro ng
grupo na gumawa ng panukalang
proposal. Kung ano ang tungkuling
nakaatang sa bawat miyembro ay
kailangan ding isama. Maaaring isama
na lamang sa lakip ang curriculum
vitae ng mga miyembro.

6. MGA LAKIP - Ito ang mga


karagdagang dokumento o sulatin na
kakailanganin upang lalong
mapagtibay ang panukalang
proyekto. Isasama rin sa bahaging ito
ang anomang papeles na hihingiin ng
organisasyon o indibidwal kung saan
ipapanukala ang proyekto.

You might also like