You are on page 1of 20

Pagsulat ng Agenda,

Pagpupulong at
Katitikan ng Pulong
3 Proseso sa Pagpupulong

1.Preparasyon ng Agenda

2.Pagpupulong

3.Pagsulat ng Katitikan
Ang salitang agenda ay nagmula sa sa pandiwang
Latin na agere na nangangahulugang gagawin.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Verizon


Business (nasa The Perfect Meeting Agenda, 2016),
ang pinakamadalas na pagkasayang sa oras sa
mga korporasyon ay nagaganap dahil sa mga
ginagawang pagpupulong. Ito, ayon sa pag-aaral,
ay nangyayari sapagkat ang mga pagpupulong na
isinasagawa ay madalas di-organisado at walang
malinaw na layunin.
Pagdesinyo ng Agenda ayon kay Swartz (2015)

1. Saloobin ng mga kasahan


a. Hinaing
b. Pangangailangan
c. Pag-ambag ng paksa ng mga miyembro
2. Paksang mahalaga sa buong grupo

3. Estrukturang patanong ng mga paksa

4. Layunin ng bawat paksa

5. Oras na ilalaan sa bawat paksa


Mga hakbang sa Pagbuo ng Agenda

1. Alamin ang layunin ng pagpupulong


2. Sulatin ang agenda 3 pataas na araw bago
ang araw ng pagpupulong
3. Simulan sa mga simpleng detalye
4. Magtalaga ng hindi hihigit sa 5 paksa
5. Ilagay ang nakalaan oras sa bawat paksa
6. Isama ang ibang kakailanganing
impormasyon para sa pagpupulong.
Layunin ng Agenda: Bigyan ng ideya ang mga
kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga
usaping nangangailangan ng atensiyon.

Nilalaman ng Agenda:
1. Saan at kailan idaraos ang
pagpupulong? Anong oras ito
magsisimula at matatapos?
2. Ano-ano ang mga layuning inaasahang
matamo sa pulong?
3. Ano-ano ang mga paksa o
usapin ang tatalakayin?
4. Sino-sino ang mga lalahok sa
pagpupulong?
Ang Pulong- ay pagtitipon ng dalawa o
higit pang indibidwal upang pag-usapan
ang isang komon na layunin para sa
pangkalahatang kapakanan ng
organisasyon o grupong kinabibilangan
nila.
Mga kondisyon sa isang balidong pulong:

1. Ang nagpapatawag ng pulong ay may


otoridad para gawin ito.
2. Ang pabatid na magkaroon ng pulong
ay nakuha ng mga inaasahang kalahok.
3. Ang quorum ay nakadalo.
4. Ang alituntunin ng organisasyon ay
nasunod.
Hakbang sa Pagsasagawa ng Pulong

1. Pagbubukas ng Meeting
2. Paumanhin
3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang
pulong
4. Paglilinaw mula sa katitikan ng
nakaraang pulong
5. Pagtalakay sa mga liham
6. Pagtalakay sa mga ulat
7. Pagtalakay sa agenda
8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa
agenda
9. Pagtatapos ng Pulong
Ang Katitikang Pulong- ay isang opisyal na record
ng pulong ng isang organisasyon, korporasyon, o
asosasyon.

Ito ay tala ng mga napagdesisyonan at mga


pahayag sa isang pulong. Bagama’t hindi ito
verbatim na pagtatala sa mga nangyari o nasabi sa
pulong, ang mga itinatalang aytem ay may sapat na
deskripsyon upang madaling matukoy ang
pinagmulan nito at mga naging konsiderasyong
kaakibat ng tala (Sylvester, 2015 & CGA, 2012)
Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong

- Naipapaalam sa mga sangkot ang mga


nangyari sa pulong.
- Nagsisilbi rin ito gabay upang matandaan ang
lahat ng detalye ng pinag-usapan o nangyari sa
pulong.
Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod:

-paksa
-petsa
-pook ng pagdadarausan ng pulong
-mga taong dumalo at di dumalo
-oras ng pagsisimula
-oras ng pagtatapos.
Mga dapat tandaan sa pagsulat ng katitikan

1. Kailan ang pagpupulong?


2. Sino-sino ang mga dumalo?
3. Sino-sino ang mga hindi nakadalo
4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay?
5. Ano ang mga napagpasyahan?
6. Ano ang mga napagkasunduan
7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat
matapos
8. May kasunod bang pulong? Saan? Kailan? Bakit?
Magdula-dulaan ng isang pulong. Isa sa inyo ang gaganap na
pinuno at isa naman ang kalihim. Ang iba ay miyembro. Pumili ng
isa sa mga kasunod na sitwasyon na inyong isasadula.
1.Pag-uusapan ng Prinsipal at ng kanyang kaguruan ang nalalapit
na araw ng pagtatapos.
2.Pagpaplanuhan ng Kapitan ng Barangay at ng kanyang mga
kagawad ang darating na kapistahan ng patron ng lugar.
3.Tatalakayin ng pinunong civil engineer at kanyang kasamahang
inhinyero at arkitekto ang isang multi-milyong proyekto.
4.Pagpaplano ng marketing manager at kanyang mga kasamahan
sa departamento ng pagpapataas ang benta ng kanilang
kompanya na patuloy na bumababa.
5.Pagpaplano para sa gagawing Community Immersion.
Pamantayan:

Kompleto at angkop ang impormasyon……...4 puntos


Malinaw na layunin………………………………..4 puntos
Maayos na paglalahad ng agenda………………4 puntos
Malikhaing presentasyon…………………......….4 puntos
Kabuuan……………………………………………...4 puntos

You might also like