FIL Mod 7

You might also like

You are on page 1of 4

Pangalan: Botaina K.

Lilangan Asignatura: Filipino sa Piling Larangan


Strand/Taon/Seksyon: STEM 12 C Modyul #: 1- 2nd Q

PAGSASANAY 1
Panuto:
Ipagpalagay na ikaw ang pangulo ng Student Council sa KDCI SY. 2020-2021.
Magpapatawag ka ng pulong sa susunod na linggo upang pag-usapan ang ilang
mahahalagang proyektong isasagawa ng inyong samahan sa ikalawang markahan ng
taong pampaaralan. Maghanda ng adyenda para sa nasabing pulong. Babasahin ito ng iba
pang opisyal ng organisasyon. Tatayain ito ayon sa kabuluhan ng nilalaman, pagsunod
sa pormat ng isang adyenda, at kawastuhang panggramatika.

Pamantayan sa Pagbibigay Marka


Kabuluhan ng Nilalaman -------------- 10
Pagsunod sa Pormat ng Adyenda -------------- 5
Kawastuhang Panggramatika -------------- 5
Kabuuan -------------- 20
PETSA: ika-25 ng Disyembre 2021
PARA SA: MAG-AARAL NG KIDAPAWAN DOCTORS COLLEGE
RE: BUWANANG PULONG
MULA KAY: Bb. BOTAINA LILANGAN
Pangulo ng Student Council sa KDCI SY. 2020-2021

Mangyaring dumating sa ating buwanang pagpupulong sa Disyembre 25, ika-9 ng


umaga sa KDCI Conference Room. Ang Student Council na ang magdadala ng ating
meryenda.

Adyenda
I. Introduksyon
II. Pagtala ng Bilang ng Dumalo
III. Pagpresenta at Pagtalakay sa Adyenda
1. Pagpaplano para sa pagdiriwang ng pasko
a. Palamuti sa eskwelahan
b. Mga palaro para sa pasko
c. Pamamahagi ng load assistance
d. Libreng feeding program
e. Petsa ng Christmas party
2. Iba pang Gawaing Wala pang Iskedyul
a. Clean and green Program
b. Waste Management seminar
c. Summer camp
d. Outreach program
IV. Mga Paalaala para sa mga mag-aaral ng Kidapawan Doctors College
V. Karagdagang Impormasyon
VI. Pangwakas na Salita
VII. Petsa ng susunod na buwanang pulong: ika-25 ng Enero 2022
PAGTATAYA:
Panuto: Ipaliwanang ang mga sumusunod na tanong.
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos:
Nilalaman………………………..…..……3
Angkop na paggamit ng salita………...2
Kabuuan 5

1. Ano ang isang adyenda? Paano nito inihahanda ang mga kalahok sa isang pulong?
Ang adyenda ay isang dokumento na naglalaman ng talaan ng mga
paksang pag-uusapan sa isang pormal na pagupulong. Ito ay kronolohikal o ayon sa
pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa indibwal. Ginagamit din sa pagtukoy sa
gawaing dapat aksyunan o bigyan prayoridad.
Ito’y ibinabahagi ng mas maaga kaya’t binibigyan nito ng sapat na
panahon ang mga kalahok upang paghandaan ang mga paksang tatalakayin. Sa
pamamagitan ng adyenda, ang mga kalahok ay nagkakaroon ng malinaw na ideya sa
magiging takbo ng pulong, kaalaman sa mga planong gagawin, at gabay sa balangkas
ng mga pag-uusapan,dedisyunan o gagawin sa isang pulong.

2. Bakit dapat maghanda ng adyenda sa isang pulong? Ipaliwanag ang kahalagahan


nito.
Ang adyenda ay mahalagang bahagi ng pagpaplano at pagpapatakbo ng
pulong.
Ibinibigay nito ang mga mahahalagang impormasyon tulad ng lugar na
pagdarausan, ang oras ng pagsisimula at pagtatapos, ang mga kailangang talakayin, at
ang maaaring kalabasan ng pulong. Sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng katuturan
at kaayusan ang daloy ng pulong, nalalaman ang pag-uusapan at isyu, nabibigyan ng
pagkakataon na tantyahin ang oras, naiiwasan ang pagtalakay ng usaping wala sa
adyenda, at nasisigurong tatakbo nang maayos ang pagpupulong at ang lahat ng
kalahok ay patungo sa isang direksyon.
Ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi ng pulong na maging
handa.
3. Ano-ano ang mga impormasyon na karaniwang taglay ng isang katitikan ng pulong?

Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod: petsa, lokasyon na pagdarausan,


at oras ng pagsisimula at pagtatapos ng pulong.
Ito rin ay naglalaman ng bilang at pangalan ng mga taong dumalo at lumiban
sa pulong.
Taglay din nito ang mga usaping napagkasunduan, napagpasyahang aksiyon
ng pagpupulong, nabuong desisyon, at mga rekomendasyon. Makikita rito ang
mahahalagang tala hinggil sa paksang tinalakay, mga suhestyong adyenda, maging ng
iba’t ibang mahahalagang isyung lumutang sa pulong.
Kalakip din ang pangalan ng mga taong nakatalaga sa bawat tungkuling
isasagawa, at kailan ito dapat maisagawa.
Panghuli ay ang iskedyul ng susunod na pulong. Nakalagay dito ang petsa,
lugar kung saan gaganapin ang susuonod na pulong, at kung bakit kailangan ang
susunod na pulong.

4. Ano-ano pa ang potensiyal na halaga ng katitikan ng pulong bukod sa pagiging


opisyal na dokumento ng isang kompanya o organisasyon?

Ang pagsulat ng katitikan ng pulong ay isa sa mga mahahalagang


trabaho na maaring isagawa ng isang sekretarya, kalihim, o taga pag-ulat sa korte
upang magsilbing kopya sa lahat ng mga nangyaring komunikasyon sa isang
pagpupulong.
Ito rin ay magsisilbing legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o
organisasyong maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin.
Kung sakali mang may di pagkakasundo o di pagkakaunawaan ang dalawang tao o
mga grupo ay magagamit itong ebidensya upang maresulba ang mga pagtatalo.
Bukod dito’y maaari rin itong magsilbing sanggunian para sa susunod na
mga pagpaplano at pagkilos. Magagamit itong paghanguan ng mga impormasyon sa
susunod pang mga pagpupulong.

You might also like