Bukas Na

You might also like

You are on page 1of 46

Isang Magandang Araw!!!

PAMBUNGAD NA PANALANGIN…
Balik Aral…
Adyenda at
Katitikan ng
Pulong
Layunin:
1. Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng
piling sulatin akademiko.
2. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa
pagsulat ng akademikong sulatin.
3. Natutukoy ang mahahalagang impormasyong
pinakinggan upang makabuo ng katitikan ng
pulong.
Ano ang Adyenda?
Ang adyenda ay ang talaan ng mga
paksang tatalakayin sa isang pagpupulong.
Ito ay isang mahalagang bahagi ng
pagpaplano at pagtatakbo ng isang pulong
dahil nililinaw rito ang layunin, detalye,
ang mga mangunguna sa pagtatalakay, at
haba ng bawat paksa.
Kahalagahan ng Adyenda sa Isang Pulong

1. Nagsasaad ng mahahalagang impormasyon ukol sa pulong

• Mga paksang tatalakayin


• Mga taong Tatalakay
• Oras na itinakda para sa bawat paksa
Kahalagahan ng Adyenda sa Isang Pulong

2. Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng


pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalakayin at kung
gaano katagal ang pag-uusapan ang mga ito.
3. Ito ay nagsisilbing talaan/tseklist na lubhang mahalaga
upang matiyak ang lahat ng paksa tatalakayin ay kasama sa
talaan.
Kahalagahan ng Adyenda sa Isang Pulong

4. Ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong


na maging handa sa mga paksang tatalakayin o
pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling
makapokus sa mga paksang tatalaakayin sa pulong.
Bahagi ng Pagsulat ng Adyenda

1. PETSA- Isulat ang eksaktong petsa ng


pagpupulong.

Halimbawa: December 23, 2023


Bahagi ng Pagsulat ng Adyenda

2. ORAS- Isulat ang eksaktong oras ng


pagpupulong.

Halimbawa: 9:00 am- 11:00 am


Bahagi ng Pagsulat ng Adyenda

3. LUGAR/LOKASYON- Ito ang lugar


o lokasyon kung saan gaganapin ang
isang pagpupulong.

Halimbawa: Academy of Saint John


(Conference Room)
Bahagi ng Pagsulat ng Adyenda

4. LAYUNIN- Ito ay tumutukoy sa kung ano


ang nais makamtan sa isang pagpupulong. Kung
ano ang kailangan gawin upang mas maging
matagumpay ang pagpaplano sa isang
pagpupulong.

Halimbawa: Preparasyon para sa Senior High


School.
Bahagi ng Pagsulat ng Adyenda

5. DADALO- Sa bahaging ito, nililista ang mga


pangalan ng taong inaasahang dadalo sa isang pulong.
Mahalagang mapaalalahanan ang mga taong dadalo sa
pulong kaugnay sa petsa, oras, layunin/paksa at lugar
ng isang isasagawang pulong.

Halimbawa: Kevin Santos ( Principal) Christian


Joseph Ramos (Registral) Mica Duque (Finance Head)
Bahagi ng Pagsulat ng Adyenda
6. Paksang Tatalakayin- Sa bahaging ito ng adyenda
makikita ang paksang tatalakayin ng isang tagapanayam
o tagapagsalita sa isang pulong.

Halimbawa:
• Badget sa pagpapatayo ng mga gusali para sa Senior
High School
• Loteng kailangan sa pagpapatayo ng gusali
• Feedback mula sa mga magulang hinggil sa SHS
Kurikulum/track na ibinigay sa ASJ.
Bahagi ng Pagsulat ng Adyenda

7. TAONG TATALAKAY- Sa bahaging ito, ipinapakilala ang


tiyak na taong magtatalakay sa isa sa mga paksa ng pulong.

Halimbawa:
• Badget sa pagpapatayo ng mga gusali para sa Senior High School
( Kevin Santos )
• Loteng kailangan sa pagpapatayo ng gusali
( Christian Joseph Ramos )
• Feedback mula sa mga magulang hinggil sa SHS
Kurikulum/track na ibinigay sa ASJ
( Mica Duque )
Bahagi ng Pagsulat ng Adyenda

8. ORAS NG PAGTATALAKAY- Ang bahaging ito ng adyenda


ang magsisilbing gabay sa tagapanayam o tagapagsalita kung
gaano kahaba ang panahon ng kanyang pagtalakay sa bawat
paksang kanyang tatalakayin.

Halimbawa: Kevin Santos (30 minuto)


Christian Joseph Ramos (20 Minuto)
Mica Duque (10 minuto)
PAGSULAT NG ADYENDA
Petsa: December 23, 2023 Oras: 9:00 am- 11:00 am
Lugar: Academy of Saint John (Conference Room)
Paksa/Layunin: Preparasyon para sa Senior High School
Mga Dadalo:
1. Kevin Santos ( Principal) 2. Christian Joseph Ramos (Registral)
3. Mica Duque (Finance Head) 4. Anna Ashley Ocampo (Physical Resource Head)
5.Jonas Soriano (Engineer) 6. Richard Dean (Academic Coordinator)

Mga Paksa O Adyenda Taong Tatalakay Oras ng Pagtatalakay


1. Badget sa pagpapatayo Kevin Santos ( Principal) ( 30 minuto )
ng mga gusali para sa
Senior High School
2. Loteng kailangan sa Christian Joseph Ramos ( 20 minuto )
pagpapatayo ng gusali (Registral)

3. Feedback mula sa mga (Mica Duque (Finance ( 10 minuto )


magulang hinggil sa SHS Head)
Kurikulum/track na
ibinigay sa ASJ.
PAGSULAT NG
KATITIKAN NG
PULONG
Ano ang Katitikan ng
Pulong?
Ang Katitikan ng Pulong ay isang akademikong
sulatin na naglalaman ng mga tala, record o
pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong
inilahad sa isang pagpupulong.
Tinatawag din itong Minutes of the meeting, sa
wikang ingles.
Bahagi ng Katitikan ng Pulong
1. HEADING
Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o
kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, lokasyon at maging ang oras ng
pagsimula ng pulong at ang layunin nito.

Halimbawa:
Academy of Saint John (Conference Room)
La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite
December 23, 2023 Oras: 1:00 pm- 3:00 pm
Lugar: Academy of Saint John (Conference Room)
Paksa/Layunin: Preparasyon para sa Senior High School
Bahagi ng Katitikan ng Pulong
2. MGA KALAHOK O DADALO
Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin
ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging
ang pangalan lumiban na hindi nakadalo ay nakatala rin dito.

Halimbawa:
Tagapanguna: Kevin Santos ( Principal)
Mga Dumalo: Mga Hindi Dumalo:
Kevin Santos ( Principal) Ashley Ocampo ( Coordinator)
Christian Joseph Ramos (Registral) Aura Mallari ( Coordinator )
Mica Duque (Finance Head)
Bahagi ng Katitikan ng Pulong

I. CALL TO ORDER
Sa ganap na ika-1:00 ng hapon ay pinasimulan
ni Kevin Santos ang pulong sa pamamagitan ng
pagtawag ng pansin sa mga dumalo upang mgsimula
na sa pagpupulong.
Bahagi ng Katitikan ng Pulong

II. PANALANGIN
Ang pambungad na panalangin ay
pangungunahan ni Christian Joseph Ramos.
Bahagi ng Katitikan ng Pulong

III. PANANALITA NG PAGTANGGAP


Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni
Kevin Santos bilang tagapanguna ng pulong.
Bahagi ng Katitikan ng Pulong

IV. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng


Pulong
Makikita kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay
napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa.
Halimbawa:

Sa pangunguna ni G. Kevin Santos noong Ika


December 23, 2024 ay naging matagumpay ang pagpupulong.
Ibinahagi lahat ng mga importanting bagay na kailangan gawin
na sinang-ayunan ng lahat lalong lalo na ni Bb. Claire Maun.
Bahagi ng Katitikan ng Pulong
V. Action Items o usaping napagkasunduan
Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay.
Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay sa
isyu at maging sa desisyon nabuo ukol dito.
Paksa Talakayan Aksyon

1. Badget sa pagpapatayo ng Tinalakay ni G. Santos ang Magsasagawa ng isang pulong


mga gusali para sa Senior High halagang gugugulin para sa kasama ang inhinyero at
School pagpapatayo ng mga gusali para arkitekto para sa pagpaplano ng
sa Senior High School. Ayon sa proyekto.
kanya aabot ito ng 10milyon
piso kakailanganin para mabuo
ang mga karagdagaang silid-
aralan.
Bahagi ng Katitikan ng Pulong
VI. ULAT NG INGAT YAMAN
Ito ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon resulta ng
mga usapan desisyon na naganap sa isag pulong o miting pang
maging malinaw, at actionable ang ulat ng ingat yaman.
Halimbawa:

Inulat ni G. Ramos na ang nalalabing pera ng institusyon


sa bangko ay nagkakahalaga ng 30 milyon piso ngunit may
halagang 3 milyong piso na dapat bayaran sa darating na buwan.
Mosyon:Tinanggap ni Bb. Balatbat ang ulat na ito ng Ingat
yaman at ito ay sinang-ayunan ni Bb. Maun.
Bahagi ng Katitikan ng Pulong
VII. Pagkatapos ng Pulong- Ito na ang pagtatapos na kung
saan ilalagay kung anong oras ito natapos.

Halimbawa:
Sa dahilang wala ng anumang paksa na kailangang
talakayin at pagusapan, ang pulong ay winawakasan sa ganap na
alas-12:00 ng tanghali.
Bahagi ng Katitikan ng Pulong
ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG- Ito ay kung
kailan ang susunod na pagpupulong.

Halimbawa:
February 20, 2024 sa Conference ng Academy of Saint
John,9:00n.n
Bahagi ng Katitikan ng Pulong
LAGDA- Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng
taong kumuha ng katitikan ng pulong.

Halimbawa:
Inihanda at Isinumite ni: Bb. Joanne M. Hilig
Academy of Saint John (Conference Room)
La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite
Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran
December 23, 2023
Conference Room, Academy of Saint John
Paksa/Layunin: Preparasyon para sa Senior High School
Petsa/Oras: December 23, 2023 sa ganap na ika-9:00 n.u
Tagapanguna: Kevin Santos (Principal )

Bilang ng mga taong Dumalo:


Mga Dumalo: Kevin Santos, Christian Joseph Ramos, Mica Duque, Anna Ashley Ocampo
Mga Liban: Jerome Benidecto, Mark francis Pineda, Marie Sunshine Mercado

I. Call to Order
Sa ganap na ika-1:00 ng hapon ay pinasimulan ni Kevin Santos ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag ng pansin sa
mga dumalo upang mgsimula na sa pagpupulong.
II. Panalangin
Ang pambungad na panalangin ay pangungunahan ni Christian Joseph Ramos.
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni G. Kevin Santos bilang tagapanguna ng pulong.
IV.Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng Pulong
Sa pangunguna ni G. Kevin Santos noong Ika December 23, 2024 ay naging matagumpay ang pagpupulong. Ibinahagi lahat
ng mga importanting bagay na kailangan gawin na sinang-ayunan ng lahat lalong lalo na ni Bb. Claire Maun.
V. Action Items o usaping napagkasunduan
Makikita ninyo dito kung sino-sino yung mga magtatalakay at kung ano ang
kanilang tinalakay.
Paksa Talakayan Aksyon
1. Badget sa pagpapatayo ng mga Tinalakay ni G. Santos ang halagang Magsasagawa ng isang pulong
gusali para sa Senior High School gugugulin para sa pagpapatayo ng kasama ang inhinyero at arkitekto
mga gusali para sa Senior High para sa pagpaplano ng proyekto.
School. Ayon sa kanya aabot ito ng
10milyon piso kakailanganin para
mabuo ang mga karagdagaang silid-
aralan.
2. Loteng kailangan sa pagpapatayo Tinalakay ni Bb.Balatbat kung saan Magkakaroon ng pagsusuri ng lupa
ng gusali ang loteng gusaling ipapatayo. upang tiyakin ang kalidad at
pagiging ligtas para sa estruktura na
itatayo.

3. Feedback mula sa mga magulang Tinalakay ni Bb. Duque ang mga Magsasagawa ng pagpupulong
hinggil sa SHS feedback kung ano ano ang mga nais upang makinig ng bukas at maayos
ng mga magulang hinggil sa SHS. sa mga concerns at feedback ng mga
magulang.
VII. Ulat ng Ingat-Yaman
Inulat ni G. Ramos na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay nagkakahalagaa ng 30 milyon
piso ngunit may halagang 3 milyong piso na dapat bayaran sa darating na buwan.
Mosyon: Tinanggap ni Bb. Balatbat ang ulat na ito ng Ingat yaman at ito ay sinang-ayunan ni Bb.
Maun.

VII. Pagkatapos ng Pulong


Sa dahilang wala ng anumang paksa na kailangang talakayin at pagusapan, ang pulong ay
winawakasan sa ganap na alas-12:00 ng tanghali.
ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG
Disyembre February 20, 2024 sa Conference ng Academy of Saint John, 9:00 n.n

Inihanda at Isinumite ni:


Bb. Joanne M. Hilig
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng pulong
Bago ang pulong
• Ihanda ang sarili bilang tagatala.
• Lumikha ng isang template upang mapadali ang
pagsulat
• Basahin na ang inihandang adyenda upang madali
na lamang sundan ang magiging daloy ng mismong
pulong.
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng pulong
Habang nagpupulong
• Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa
pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon.
• Itala ang mga aksyon habang nangyayari ang mga
ito.
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng pulong
Pagkatapos ng pulong
• Kung may bagay na hindi naiintindihan lapitan at
tanungin agad pagkatapos ng pulong ang
namamahala rito o ang iba pang dumalo.
Pangkatang Gawain

Para sa inyong Gawain hahatiin ko kayo


sa anim na pangkat, at bawat pangkat
ilalahad ang Kahalagahan ng Pagsulat ng
Adyenda at ang Gabay sa Pagsulat ng
Katitikan ng Pulong. Bawat pangkat ay
kumuha ng Tig-iisang Yellow Paper.
MARAMING SALAMAT PO!!!

AJA!
EBALWASYON
TAKDANG-ARALIN!
Panuto: TAKDANG-ARALIN. Sa inyong Takdang Aralin,
sumulat ng Adyenda batay sa napapanahong isyu na kailangan
ninyong bigyang paksa/adyenda.
PAMANTAYAN PUNTOS
Kumpleto ang nilalaman, 20 puntos
organisado, at tama ang
pagkakasunod-sunod na bahagi
Makabuluhan ang mga paksa o 20 puntos
layunin sa Adyenda
Wasto ang mga salitang ginamit 10 puntos
Kabuuan 50 puntos
PANGWAKAS NA PANALANGIN!!

AJA!

You might also like