You are on page 1of 24

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

2
Rebyu sa mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik

Bb. Rosemarie P. Rivera


NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Rebyu sa mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik

• Magkaroon ng dagdag kaalaman tungkol


sa pangangalap ng impormasyon
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

SAAN KA KUMUKUHA NG MGA


IMPORMASYON KAPAG KAILANGAN
MO MAGSALIKSIK?
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

A. PANGANGALAP NG IMPORMASYON O
SANGGUNIAN

Mga dapat malamang abeylabol na imporamsyon


batay sa sumusunod na salik ayon kay Turban
(2010)
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Akmang uri ng Impormasyon:


(Primarya, Sekondarya, o Tersyarya)

- Tatalakayin kasunod ang pagkakaiba ng tatlong uri


ng batis ng impormasyon. Sa puntong ito, sapat nang
malaman na ang isang mahusay na mananaliksik ay
nagsisikap na gumamit ng mga hanguang primarya.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Sapat na dami ng impormasyon


- Inaasahan ang mga akademikong
mananaliksik na makapangalap ng sapat, hindi
man ng lahat na abeylabol na impormasyon.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

B. PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON O


SANGGUNIAN

Ang mga batis ng impormasyon o sanggunian ay


makakategorya, katulad ng nabanggit na, sa tatlo;
primarya, sekondarya, at tersyarya.
(Ang pang-apat na tatalakayin dito ay hindi kategorya,
kundi isang uri ng lokasyon o midyum ng mga hanguan.)
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Ang hangganan ng bawat kategorya ay hindi gaanong


malinaw, ngunit ang pagkilala sa bawat isa ay
makatutulong sa pangangalap ng impormasyon o
datos.
Ganito ang paglalarawan nina Booth, el al. (2008) sa
mga nasabing batis ng impormasyon o sanggunian.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Hanguang Primarya Ang mga hanguang ito ang


pinagmumulan ng mga raw data, ika nga, upang masulit
ang haypotesis at masuportahan ang mga haka.

Hanguang Sekondarya Ang mga hanguang sekondarya


ay ang mga ulat pampananaliksik na gumamit ng mga
datos mula sa mga hanguang primarya upang malutas
ang mga suliraning pampananaliksik. Sinulat ang mga ito
para sa mga oskolarli/ at o propesyonal na mambabasa.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Hanguang Tersyarya
Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na
lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga naunang
hanguan para sa pangkalahatang mambabasa. Ang
mga aklat at artikulo sa ensayklopidya at mga
publikasyong para sa sirkulasyong pangmasa ay
nabibilang sa kategoryang ito.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Hanguang Elektroniko
Ang mga mananaliksik ay umaasa na ngayon sa
Internet upang makaakses ang mga hanguang pang-
aklatan, mga ulat ng pamahalaan at iba pang
database, mga tekstong primarya mula sa
reputableng tagapaglathala, pahayagan, maging mga
iskolarling dyornal na abeylabol online.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Mga senyales o indikeytor ng relayabiliti


ayon kina Booth, et al. (2008)
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Ang hanguan ba ay nilalathala ng reputableng


tagalimbag?
- Karamihan ng mga university press ay relayabol,
lalo na kung kilala ang pangalan ng unibersidad.
Ang ilang komersyal na manlilimbag ay relayabol
lamang sa ilang larangan. Maging iskeptikal sa mga
komersyal na aklat na may mga sensational claim
kahit pa ang awtor ay may Ph.D. pagkatapos ng
kanyang pangalan.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Ang aklat o artikulo ba ay peer-reviwed?


kumukuha ng mga eksperto ang karamihan na
mga reputableng tagalimbag at dyornal upang
rebyuhin ang isang libro o artikulo bago nila
iyon ilathala. Peer review ang tawag dito. Kung
ang publikasyon ay hindi nagdaan dito, maging
maingat sa paggamit niyon.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Ang awtor ba ay isang reputableng iskolar?


Mahirap itong isagot kung ang mananliksik ay
bago lamang sa larangan. Karamihan ng
publikasyon ay nagtatala ng akademik sa
kredensyal ng awtor sa mismong aklat. Maaari
ring matagpuan sa Internet ang kredensyal ng
mga reputableng awtor.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Kung hanguan ay matatagpuan online lamang,


inisponsoran ba iyon ng isang reputableng
organisasyon?
Ang isang web site ay kasing relayabol lamang ng
isponsor niyon. Madalas, mapagkakatiwalaan ang
isang site na inisponsor at mine-maintain o
pinapangasiwaan ng isang reputableng organisayon o
mga indibidwal.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Ang hanguan ba ay napapanahon?


Ang pagkanapapanahon ng isang hanguan ay
depende sa larangan.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Kung ang hanguan ay aklat (maging artikulo),


mayroon ba iyong bibliyograpiya?

Kung mayroon, itinala ba sa bibliyograpiya ang mga


hanguang binanggit sa mga pagtalakay?
Sapat ba ang mga kailangang datos sa talaan? Kung
wala, o hindi, magduda ka na sapagkat wala kang
magiging paraan upang ma-follow up at (ma-verify)
ang ano mang binabanggit sa hanguan.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Kung ang hanguan ay isang web site, kakakitaan ba


iyon ng mga bibliyograpikal na datos?

Sino ang nag-iisponsor at nangangasiwa ng site?


Sino ang nagsusulat ng ano mang naka post doon?
Kailan iyon nilathala?
Kailan huling in-update ang site?
Mahalaga ang mga nabanggit na datos para sa
layunin ng pagtatala ng mga sanggunian sa
pananaliksik.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Kung ang hanguan ay isang web site, naging


maingat ba ang pagtalakay sa paksa?
Huwag magtiwala sa mga site na mainit na
nakikipagtalo kahit pa ng adbokasiya, umaatake sa
mga tumataliwas, gumagawa ng mga wild claim,
gumagamit ng mapang-abusong lenggwahe, o
namumutik sa mga maling ispeling, bantas at
gramatika.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Ang hanguan ba ay positibong nirebyu ng ibang


mananaliksik o iskolar?
- Ano ang sinasabi ng ibang mananaliksik o iskolar
hinggil sa hanguan? Positibo ba o negatibo? Kung
negatibo ang rebyu ng ibang mananaliksik o iskolar,
malamang gayon din ang kahahantungan ng
pananaliksik mo kung gagamitin o iyon.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Kailangan maging matalino at mapanuri ang


bawat mananaliksik sa pagpili ng
paghahanguan niya ng impormasyon. Upang
makatiyak na relayabol at pawang katotohanan
ang impormasyon na gagamitin sa
pananaliksik.
NO. 2
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

MAY TINDI AT SIGASIG ANG PAGHAHANAP


DAHIL KAILANGANG GAWIN ITO SA LAHAT NG
SULOK.

- VIRGILIO ALMARIO
RIVERA, ROSEMARIE P. DATE
BO2MA GURO

MODYUL 1: REBYUWER

You might also like