You are on page 1of 16

FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

(CHMSC – College of Computer Studies)


MODYUL 3:
REBYU SA MGA BATAYANG KASANAYAN SA PANANALIKSIK

I. Layunin:
Sa modyul na ito, inaasahang iyong/ikaw ay:
1. Matutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki- pakinabang na
sanggunian sa pananaliksik;
2. Maisasapraktika at mapauunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik;
3. Makapagsasalin ng mga artikulo, pananaliksik , atbp. na makapag-aambag sa patuloy
na intelektwalisasyon ng wikang Filipino;
4. Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang larangan.

II. Introduksyon:
Ang sino mag-aaral na nagtapos ng Senior High School ay inaasahang maalam na sa
pananaliksik pagdating sa kolehiyo. Hindi na dapat banyaga sa kanya ang konsepto ng
pananaliksik at ang mga kasanayang kailangan sa matagumpay na pagsagawa nito. Sa nasabing
antas ng pag-aaral (SHS), hindi iisa kundi ilan ang mga asignatura tungkol sa research o
pananaliksik katulad ng Practical Research 1 (Qualitative Research), Practical Research 2
(Quantitative Research), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik at
Reasearch or Capstone Project liban pa sa mga asignaturang tumatalakay sa akademikong
pagbasa tulad ng Filipino sa Larangang Akademiko, English for Academic and Professional
Purposes at iba pa. Kaya nga sa modyul na ito ng pag-aaral, balik-aral o rebyu na lamang ang
gagawin tungkol sa mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
Tunghayan sa ibaba ang mga sumusunod na aralin para sa modyul 2:

I. Mga Aralin
 PANGANGALAP NG IMPORMASYON O SANGGUNIAN
 PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON O SANGGUNIAN
 PAGTATALA NG IMPORMASYON O DATOS: TUWIRANG SIPI, BUOD,
PRESI, HAWIG, SALIN AT SINTESIS
 PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA
 PAGBABALANGKAS
 PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL

A. PANGANGALAP NG IMPORMASYON O SANGGUNIAN


Ang unang naiisip ng mga nagsisimula pa lamang na mananaliksik ay kadalasang hindi
Ano ang hahanapin ko? Kundi saan ako maghahanap? Ang ibig nilang sabihin ay Ano’ng website
ang kailangang kung tingnan? Kaya, agad-agad ay magsisimula silang maghanap ng
impormasyon sa Internet gamit ang kanilang search engine (Google Scholar).
Ang ganoong gawain ay makatutulong lamang kung naniniwala kang ang kailangan mo
lamang gawin ay maghanap ng impormasyon upang mapunan ang mga pahina ng papel. Ngunit
hindi ganoon ang konsepto ng pananaliksik. Mas makabubuting isiping ang layunin ng
pananaliksik ay makahanap ng mga paktwal na impormasyong magagamit bilang ebidensyang
susuporta sa iyong mga hinuha, na kalaunan ay makasasagot sa iyong mga tiyak na tanong . Kung
ganoon ang iyong gagawin, kailangan mo kung gayong magsimula hindi sa Saan, kundi sa Ano.
Sa katunayan , isa sa pinakakaraniwang pagkakamali ng mga bagong mananaliksik ay ang
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)
pagkakontento sa unang kaugnay na impormasyong kanilang matagpuan. Inaaakala nilang ang
mga impormasyon ay pare-pareho lamang, kahit ano mang sanggunian, at ang isang
kakapiranggot na impormasyon ay sapat na. Ngunit ang bawat mananaliksik, maging mag-aaral
na mananaliksik, ay inaasahang makapangangalap hindi lamang ng kaugnay na impormasyong,
kundi ng pinakamahuhusay na abeylabol na impormasyon. Kung tutuusin, sa ilang pagkakataon,
inaasahan pa ngang makakalap niya ang lahat ng abeylabol na impormasyon. Upang malaman
kung ano impormasyong kailangan, kung gayon, kailangang muna malaman kung ano ang mga
abeylabol na impormasyon batay sa sumusunod na salik ayon kay Turabian (2010):
1. Akmang uri ng impormasyon: primarya, sekondarya, o tersyarya. Tatalakayin kasunod
ang pagkakaiba ng tatlong uri ng batis ng impormasyon. Sa puntong ito, sapat nang malaman na
ang isang mahusay na mananaliksik ay nagsisikap na gumamit ng mga hanguang primarya.
Gumagamit lamang siya ng mga hanguang sekondarya at tersyarya upang palakasin ang mga
impormasyon mula sa mga hanguang primarya, o kung ang mga hanguang primarya ay hindi
abeylabol.
2. Sapat na dami ng impormasyon. Inaasahan ang mga akademikong mananaliksik na
makapangangalap ng sapat, hindi man lahat na abeylabol na impormasyon. Halimbawa , ang
isang mananaliksik sa bisnes ay inaasahang makapag- iinterbyu hindi ng isa lamang kostumer,
kundi ilan sa mga pinakamahahalagang kostumer. Totoong ang mga estudyante ay hindi naman
mga propesyonal na mananaliksik kaya hindi maaaring gamitin ang propesyonal na standard sa
mga estudyante. Totoong hindi sapat ang oras at resorses ng mga estudyante sa pangangalap ng
mga impormasyon. Kakaunti ring estudyante ang may akses sa mga aklatang may mataas na
kalidad. Kung gayon, kailangang malaman ng guro ang mga panuntunang pang-estudyante
kaugnay ng kasapatan ng datos.

B. PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON O SANGGUNIAN


Ang mga batis ng impormasyon o sanggunian ay makakategorya, katulad ng nabanggit na,
sa tatlo: primarya, sekondarya, tersyarya. (Ang pang-apat na tatalakayin dito ay hindi kategorya,
kundi isang uri ng lokasyon o midyum ng mga hanguan). Ang hangganan ng bawat kategorya ay
hindi gaanong malinaw, ngunit ang pagkilala sa bawat isa ay makatutulong sa pangangalap ng
impormasyon o datos. Ganito ang paglalarawan nina Booth, et al.(2008) sa mga nasabing batis ng
impormasyon o sanggunian:

1. Hanguang Primarya. Ang mga hanguang ito ang pinagmumulan ng mga raw data, ‘ika
nga, upang masulit ang haypotesis at masuportahan ang mga haka. Sa kasaysayan, halimbawa,
kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa panahon o taong pinapaksa, mga bagay-bagay,
mapa, maging kasuotan. Sa literatura o pilosopiya, ilan sa mga hanguang primarya ay ang tekstong
pinag-aralan, at ang mga datos ay ang mga salitang nakalimbag sa bawat pahina. Sa mga
nabanggit na larangan, bihirang-bihirang makasulat ng papel pampananaliksik nang hindi
gumagamit ng hanguang primarya.
2. Hanguang Sekondarya. Ang mga hanguang sekondarya ay mga ulat pampananaliksik
na gumamit ng mga datos mula sa mga hanguang primarya upang malutas ang mga suliraning
pananaliksik. Sinulat ang mga ito para sa mga iskolar at/o propesyonal na mambabasa. Binabasa
ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag- iwanan sa kani-kanilang larangan at upang magamit
ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o kaya ay pagbubulaan. Maaari ring magamit
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)
ang mga datos mula sa mga hanguang sekondarya upang suportahan ang mga argumento.
3. Hanguang Tersyarya. Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-
uulat tungkol sa mga naunang hanguan para sa pangkalahatang mambabasa. Ang mga aklat at
artikulo sa ensayklopidya at mga publikasyon para sa sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa
kategoryang ito. Sa mga unang yugto ng pananaliksik maaaring gamitin ang mga hanguang ito
upang maging pamilyar sa paksa. Ngunit kung gagamitin ang mga datos na mula sa hanguang
tersyarya upang suportahan ang isang iskolarling argumento, maaaring hindi mapanaligan ang
mga mambabasa ang pananaliksik.
4. Hanguang Elektroniko. Dati-rati hindi nagtitiwala ang mga mananaliksik sa ano mang
datos na matatagpuan sa Internet. Hindi na ito totoo ngayon. Ang mga mananaliksik ay umaasa na
ngayon sa Internet upang maakses ang mga hanguang pang-aklatan, mga ulat ng pamahalaan at
iba pang database, mga tekstong primarya mula sa reputableng tagapaglathala, , pahayagan ,
maging mga iskolarling dyornal na abeylabol online. Ang mga datos na ito ay magagamit at
mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang mga nakalimbag na counterpart.
Maliban sa mga tradisyonal na hanguan, higit na maraming matatagpuan sa Internet kaysa
saan mang aklatan. Ngunit ang kalakasang ito ng Internet ay siya ring kahinaan nito dahil wala
itong gatekeepers. Ang Internet ay mahahalintulad sa isang tagalimbag na walang editor, o isang
laybrari na walang laybraryan. Maraming ang nagpo-post sa Internet tungkol sa anumang paksang
kanilang kinawiwilihan o mapagkakakitaan nang walang nagwawasto ng kanilang katapatan o
katumpakan. Dahil dito, totoong maraming datos ang makukuha sa Internet. Ang problema hindi
lahat na datos sa Internet ay mapagkakatiwalaan.
Kaya nga nga payo nina Booth, et al. (2008): Gamitin ang Internet kung ang hanguan ay
primarya. halimbawa kung nais malaman ang reaskyon ng mga manonood sa mga soap opera, ang
mga fan blog ay maituturing na hanguang primarya. Iwasan ang Internet para sa mga hanguang
sekondarya, lalo na sa mga tersyarya, liban na lang kung maipakikita sa mga mambabasa na ang
hanguang mula sa Internet ay mapagkakatiwalaan.
Kaugnay ng pagpili ng batis ng impormasyon o sanggunian ay ang pag- eebalweyt ng mga
hanguan para sa relayabiliti. Totoo namang hindi mahuhusgahan ang isang sanggunian hangga’t
hindi iyon nababasa, ngunit may mga senyales o indikeytor ng relayabiliti ayon kina Booth, et al ,
(2008):
1. Ang hanguan ba ay nilathala ng reputableng tagalimbag? Karamihan ng mga university
press ay relayabol, lalo na kung kilala ang pangalan ng unibersidad. Ang ilang komersyal na
manlilimbag ay relayabol lamang sa ilang larangan. Maging iskeptikal sa mga komersyal na aklat na
may mga sensational claim kahit pa ang awtor ay may PH.D. pagkatapos ng kanyang pangalan.
2. Ang aklat o artikulo ba ay peer-reviewed? Kumukuha ng mga eksperto ang karamihan
ng mga reputableng tagalimbag at dyornal upang rebyuhin ang isang libro o artikulo bago nila ito
ilathala. Peer review ang tawag dito. Kung ang publikasyon ay hindi nagdaan dito, maging maingat
sa paggamit niyon.
3. Ang awtor ba ay isang reputableng iskolar? Mahirap itong masagot kung ang
mananaliksik ay bago lamang sa larangan. Karamihan ng publikasyon ay nagtatala ng akademik na
kredensyal ng awtor sa mismong aklat. Maaari ring matagpuan sa Internet ang kredensyal mga
reputableng awtor.
4. Kung ang hanguan ay matatagpuan online lamang, inisponsoran ba iyon ng isang
reputableng organisasyon? Ang isang web site ay kasing relayabol lamang ng isponsor niyon.
Madalas, mapagkakatiwalaan ang isang site na inisponsor at mine-maintain o pinapangasiwaan ng
isang reputableng organisasyon o mga indibidwal.
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)

5. Ang hanguan ba ay napapanahon? Ang pagkanapapanahon ng isang hanguan ay


depende sa larangan. Sa computer science, halimbawa, ang artikulo sa isang dyornal ay maaaring
hindi na napapanahon sa loob lamang ng ilang buwan. Sa agham panlipunan, ang limitasyon ay
sampung taon, himigit-kumulang. Ang publikasyon sa humanidades ay may mas mahabang buhay.
Halimbawa , sa pilosopiya, ang hanguang primarya ay napapanahon sa loob ng daan-taon,
samantalang ang mga hanguang sekondarya sa loob ng ilang dekada.
6. Kung ang hanguan ay aklat ( maging artikulo), mayroon ba iyong bibliyograpiya? Kung
mayroon, itinala ba sa bibligrapiya ang mga hanguang binanggit sa mga pagtalakay? Sapat ba ang
mga kailangang datos sa talaan? Kung wala, o hindi, magduda ka na sapagkat wala kang magiging
paraan upang ma-follow up (at ma - verify) ang ano mang binabanggit sa hanguan.

7. Kung ang hanguan ay isang website, kakikitaan ba iyon ng mga bibliyograpikal na


datos? Sino ang nag-iisponsor at nangangasiwa ng site? Sino ang nagsusulat ng anumang naka-
post doon? Kailan iyon inilathala? Kailan huling in- update ang site. Mahalaga ang mga nabanggit
na datos para sa layunin ng pagtatala ng mga sanggunian sa pananaliksik.

8. Kung ang hanguan ay isang website, naging maingat ba ang pagtalakay sa paksa?
Huwag magtiwala sa mga site na mainit na nakikipagtalo kahit pa ng adbokasiya, umaaatake sa
mga tumataliwas, gumagawa ng wild claim, gumagamit ng mapang-abusong lenggwahe o
namumutiktik sa mga maling ispeling, bantas at gramatika.
9. Ang hanguan ba ay positibong nirebyu ng ibang mananaliksik o iskolar? Ano ang
masasabi ng ibang mananaliksik o iskolar hinggil sa hanguan? Positibo ba o negatibo. Kung
negatibo ang rebyu ng ibang mananaliksik o iskolar, malamang ay gayon din ang kahahantungan
ng pananaliksik mo kung gagamitin mo iyon.
10. Ang hanguan ba ang madalas na binabanggit o sina-cite ng iba? Matatatanya kung
gaano kaimpluwensyal ang isang hanguan sa kung gaano kadalas iyong sina-cite ng ibang awtor at
mananaliksik.
Ang mga indikeytor na nabanggit ay hindi garantiya ng relayabiliti. kaya nga, hindi komo
ang isang hanguan ay isinulat ng isang reputableng awtor o inilathala ng isang reputableng
tagalimbag ay maaari na iyong hindi suriin nang kritikal, at ipasya kara-karaka na iyon ay relayabol.

C. PAGTATALA NG IMPORMASYON O DATOS: TUWIRANG SIPI, BUOD, PRESI, HAWIG,


SALIN AT SINTESIS
Sa pagtatala, maaaring pumili ng iba’t ibang paraan ng pagkuha ng tala- paggawa ng buod,
tuwirang sipi, presi, hawig, pagsasalin sa Filipino mula Ingles o iba pang wika.
Tuwirang Sipi. Pinakamadaling pagtatala ang pagkuha ng tuwirang sipi. Walang ibang
gagawin dito kundi ang kopyahin ang ideya mula sa sanggunian. Kailangang ipaloob sa panipi (“”)
ang sipi upang matandaan na ito ay tuwirang sipi. Tiyakin lamang na wasto ang pagkakakopya ng
mga datos at hindi nababago sa proseso ng pagkopya. Tulad ng kailangang ding lagyan ng tala
kung pang-ilang ideya na ito mula sa sangguniang ginagamit. Maaaring maging ganito ang magiging
itsura ng talang tuwirang sipi.
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)

Ayon kina Bernal, et al. (2016), ang pinakabuod ng proseso ng pagtuturo ay ang
pagsasaayos ng kapaligiran at iba pang salik upang ang mga mag-aaral ay magkaroon
ng interaksyon at matutunan kung paano matuto.
Samantala, sa kanilang pag-aaral ay ganito ang ginawang paglalarawan nina
Joyce at Weill ( 1996) sa bagay na ito:
“Mnemonics are strategies for memorizing and assimilating information.
Teachers can use mnemonics to guide their presentations of materials in such a way
that students can easily absorb the information.”

Kasunod ng tuwirang sipi, madalas ding gamitin ang paggawa ng buod o summary sa pagkuha
ng tala. Maaari ring gumawa ng presi (precis) o hawig (paraphrase) o di kaya ay salin sa Filipino ng
datos na nakasulat sa wikang banyaga o rehiyonal na wika. Tukuyin natin ang kalikasan ng bawat
isa.
1. Buod, Presi at Hawig.
Ang buod o synopsis ay isang uri na pinaikling bersyon ng isang panulat. Taglay nito ang mga
pangunahing ideya ng panulat nang may bahagyang pagdedetalye upang mabigyan ng
pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa tinatalakay na paksa. (Maikli – ¼ ng orihinal na sulatin,
walang sariling opinyon ang maikikita sa buod, katas na nagbibigay katiyakan sa sulatin, pagsasama-
sama ng mga mahahalagang impormasyon)
Ang presi (pinaikli) ay galing sa salitang Frances na ang ibig sabihin ay pruned o cut-down
statement. Ibig sabihin , ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng isang
mahabang prosa o berso, gamit ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga ideya ng akda
sa paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o tono, at punto de bista ng
orihinal na akda, sa pinakamaikling paraan.
Ang presi ay higit na maikli kaysa sa original nang may 5 porsyento hanggang 40 porsyento ng
haba ng orihinal na akda. Maaaring ang presi ay isang pangungusap o isang talata na maaaring ito
ang sentral na ideya o sintesis na mahahalagang ideya. Bukod sa maikli at tiyak, kailaingang
panatilihin ang punto de bista ng akda. Halimbawa, kung gumagamit ang akda ng punto de bistang
ako kinakailangang nasa ganitong punto de bista rin ang presi. Hindi maaaring lumipad sa
pangalawa o pangatlong panauhan. Upang magabayan sa paggawa ng presi, maaaring sundan ang
ilang mungkahi:
a. Basahing mabuti ang akda upang matukoy ang sentral na ideya at mapaghiwalay ang mga
mahahalagang ideya at ang mga detalyeng maaaring isantabi.
b. Basahin nang ilang ulit ang akda upang masundan ang ayos ng paglalahad at matukoy ang
mga ideyang binibigyang- diin sa akda. Isulat ang mga salita at pariralang naglalaman ng
mahahalagang ideya.
c. Isulat ang presi ayon sa mga talatang ginawa. Gamitin ang sariling salita sa halip na ang mga
salita ng may-akda.
d. Ihambing ang iyong presi sa orihinal na akda. Nilalaman ba nito ang mga mahahalagang
ideya nang malinaw at eksakto? Ihambing ang presi sa orihinal na akda at ayusin ang nagawang
presi.
Basahin ang kasunod na maikling talata at tingnan ang halimbawang presi batay sa akda.

Si Severino Reyes, dakilang dramatista, sa kanyang artikulong “ Ang Dulang Tagalog”,


ang isa sa una, kung hindi man unang, nakapansin sa kaibhan ng lugar na pinagtanghalan,
batay sa lugar na pinagsasagawaan nito. Ayon kay Reyes, “Ang duplo ay tinawag kong
kakambal ng sining ng moro-moro pagkat may malaking kaugnayan ang dalawa lamang ay
hindi itinatanghal ang duplo. Ito ay dinaraos lamang sa looban o sa kamaligan lamang
ginagawa. Walang kasuotan, walang tiyak na kilos-sining pagkat laha ay malayang lumahok” .
Ginamit ni Reyes ang pag-iiba batay sa konsepto ng pagtatanghal o “ tanghal” at pagdaraos o
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)

“daos” sa pagkakataong ito. Ang paghahating ito ay kumikilala sa pagpapahalagang


nakakabit sa dula batay sa lugar o espasyo ng pagdudula, kung saan ito ginaganap at ang
mga kaakibat na proseso at salik sa kabuuang larawan ng pagsasadulang ito. Ang konsepto
ng “tanghal” at “daos” ay nakapagtatakda rin ng mga katangiang pendula tulad ng kasuotan,
kagamitang ginagamit, ang proseso sa paglikha nito, ang antas ng partisipasyon ng mga
komunidad, kung sa pagiging artista ( kilos-sining) o sa pagiging manonood at ang kabuuang
dinamiko ng pakikilahok ng madla rito bilang isang pangyayaring “ itinatanghal” o “idinaraos
lamang”.

Presi:

Unang nabigyang-halaga ni Severino Reyes ang kaibahan ng espasyong


pinagtatanghalan nang gamitin niya ang salitang tanghal at daos sa paglalarawan niya ng
kaibahan ng moro-moro at duplo. Ang mga itinatanghal ay yaong may tiyak na lugar, may
tiyak na kasuotan, mga kilos sining o artistang kalahok. Ang mga idinadaos naman ay
maaaring mangyari saan man at malayang lahukan ng sinuman. Ang mga katangiang ito ay
nakapagtatakda sa halaga ng konsepto ng espasyo ng pagsasadula sa kabuuang dinamiko
ng paglikha at pag lahok ng mamamayan sa proseso ng pagsasadula.

Bukod sa paggawa ng presi, mahalaga ring matutunan ang paggawa ng Hawig. Di tulad ng
paggawa ng presi na paglalahad ng mahahalagang ideya na original na akda, ang hawig o
paraphrase ay isang husto ng paglalahad ng mga ideyang gamit ang higit na payak na salita ng
nagbabasa.
Mahalaga ang pagsasanay sa paggawa ng hawig. Sa pamamagitan ng hawig, nagagawang
higit na nauunawaan ang mga akdang teknikal, Bukod dito , ang paggawa ng hawig ay pagsasanay
sa maingat at mapanuring pagbasa. Hindi maisasalin sa higit na simpleng salita ang isang akda o
ideya kung hindi nauunawaan nang husto ng isang mambabasa.
Ang isang mahalagang hawig ay humahalaw ng eksaktong katapat na ibig sabihin ng original
na akda. Maaaring higit na mahaba ang hawig kaysa sa original na akda dahil dito. Nasasama sa
hawig ang mahahalagang detalye ng isang akda ngunit hindi isinasama ang mga ideya, komentaryo,
o palagay ng nagbabasa. Bukod dito, gumagamit ang nagsusulat ng hawig ng sarili niyang salita
ngunit pinanatili ang punto de bista at panauhan ng orihinal na akda. Katulad ng presi, hindi rin ito
nagpapalit- palit ng panauhan at laging nakaayon sa wastong gramatika.
Upang magabayan sa pagsulat ng hawig , maaaring isaalang-alang ang sumusunod:
a. Basahin nang mabuti at maingat ang akda upang maunawaan ang mahalagang ideya ng
akda. Suriin ang gamit ng mga salita sa akda. Mahalaga ito upang matiyak ang pag-unawa sa mga
salitang ginamit ng akda. Kung ang mga salitang hindi nauunawaan ay tingnan agad sa diksyunaryo
at sumangguni sa ibang aklat kung may mga hindi maunawaang konseptong nakasulat sa akda.
b. Gumamit ng hawig gamit ang iyong mga salita. (Payak na pananalita) Tiyakin na
maaayos ang pagkakapili ng mga salita, maayos ang gramatika at malinaw na pahayag ayon sa
nakasulat sa akda.
c. Ihambing ang iyong hawig sa orihinal na akda. Naipahayag mo ba sa higit na malinaw at
tiyak ang lahat ng nilalaman ng original na akda? Nananatili ba ang tono at mood ng original na akda
sa iyong hawig? Gumawa ng mga rebisyon kung kinakailangan at saka isulat ang iyong pinal na
hawig.

Pansinin ang halimbawa ang hawig mula sa isang talata ng akdang Nasaan ang Bigas sa Dula ng
Pilipinas ?
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)
Madalas, natatagpuan ang bigas sa mga anong pandula na isinasagawa ng mga
mamamayang may tuwirang ugnayan sa paglinang nito. Ang mga awitin at ritwal na
isinagawa upang matiyak ang mabuting ani ay gumagamit ng mga palay na may nakakabit
pang bigas bilang kasangkapan sa pagsasagaw ang ritwal. halimbawa nito ang ritwal na
pandiwata ng mga Tagbanua. Ang babaylan na ngunguna sa ritwal ay may hawak na mga
tangkay ng palay bilang paghingi ng masaganang ani at mabuting biyaya sa mga
mamamayan. Nakasabit din sa loob ng bahay ng babaylan ang mga sasa ng niyog.
Nakaayos sa isang maliit na bangkang gawa sa kahoy ang mga sumusunod na alay: mga
plato ng bigas, kakaning gawa sa bigas, alahas, nganga, luya at sibuyas. Kasama ng mga
alay na ito ang alak na gawa sa bigas na pinaniniwalaang gustong-gusto ng mga ispiritu
nais nilang tawagan sa ritwal na ito.

Hawig:

Makikita ang bigas sa pagsasadula ng mga nagtatanim nito. Ang mga awit at ritwal na
ginagawa upang masiguro ang mayamang ani ay gumagamit ng bigas bilang kasangkapan
sa ritwal. Ang ritwal ng mga Tagbanua ay halimbawa nito. Hawak ng babaylang namumuno
sa ritwal ang tangkay ng palay sa paghingi ng mabuting ani. May mga sasa ng niyog
nakasabit sa loob ng bahay. Mayroon ding mga plato ng bigas, kakanin, alahas. luya,
nganga , at sibuyas. Sinasamahan din nila ng alak na gawa sa bigas dahil naniniwala silang
mahilig sa alak ang mga ispiritong kanilang pinag-aalayan. Ang mga ito ang bahagi ng
kanilang alay sa ritwal na umaabot hanggang sa pagsapi ng ispiritu sa babaylan.

Sintesis. Ang sintesis ay pagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda.
Madalas itong inilalagay sa bandang huli ng isang akda upang mabuhol ang mga pangunahing
puntong pinatunayan sa isang akda. Maaari rin naman ito matagpuan sa pagtatapos ng mga
pangunahing paksang tinalakay bilang pagbibigay-diin at pagpapahalaga sa paksa bago sumulong
sa susunod na talakayin.
Ang kasanayan sa paggawa ng buod, presi, hawig, sintesis at salin ay lamang para sa
pagkuha ng tala. Sa pang-araw araw na pakikipag-ugnayan ay mahalagang masapol ang kasanayang
ito pangkat kapaki-pakinabang ito sa pagbibigay ng ulat, paglalahad ng mga hakbanging para sa
isang gagawin, pagbibigay ng mga komentaryo o kahit sa simpleng pakikipagkwentuhan sa mga
kaibigan. laging may mga pagkakataong magagamit ang kasanayan sa paggawa ng iba’t ibang uri ng
epektibong pagbubuod.
Ang tiyak at matatas na pormulasyon ng suliranin para sa pagsisiyasat ay maaari na ring
maging mainam na gabay sa paghahanap ng mga datos para sa pananaliksik. Ang sistematikong
pagpapangkat ng mga nakalap na datos ang pinakamainam na batayan ng balangkas ng pananaliksik
na isasagawa bilang gabay at batayan ng organisasyon ng datos na makakalap. Tatalakayin ang
pagbabalangkas matapos ang kasunod na bahagi.

D. PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA


Ilan sa mga maaaring paghanguan ng paksang pampananaliksik ay ang sumusunod:
1. Sarili. Maaaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga nabasa,
napakinggan, napag-aralan at natutuhan. Nangangahulugan ito na maaaring simulan sa sarili ang
pag-iisip ng mga paksang pagpipilian.
2. Dyaryo at Magasin. Maaaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu sa mga
pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o sa mga kolum, liham sa editor at iba pang seksyon
ng mga dyaryo at magasin tulad ang lokal na balita, bisnes, entertainment at isport.
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)

3. Radyo, TV, at Cable TV. maraming uri ng programa sa radyo at tv ang mapagkukunan ng
paksa. Marami na ring bahay, hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa mga probinsya, ang
may cable tv. Mas maraming programa sa cable dahil sa 24 na oras na balita, isports at mga
programang edukasyunal.
4. Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro. sa pamamagitan ng pagtanung-tanong sa ibang tao,
maaaring makakuha ng mga ideya upang mapaghanguan ng paksang-pampananaliksik.
Makatutulong ito upang makakuha ng paksang hindi lamang napapanahon kundi kawiwilihan din ng
ibang tao.
5. Internet. Isa ito sa pinakamadali, mabilis, malawak at sofistikadong paraan ng
paghahanap ng paksa. Maraming mga web sites sa internet na tumutugon sa iba’t ibang interes at
pangangailangan ng iba’ t ibang uri ng tao.
6. Aklatan. Bagama’t tradisyunal na hanguan ito ng paksa, hindi pa rin mapasusubalian ang
yaman ng mga paksang maaaring mahango sa aklatan. Sa aklatan matatagpuan ang iba’t ibang
nauugnay sa anumang larangang pang-akademya.
Wika nga nina Atienza, et al (1996), kailangang humanap ng paksa na hindi gasgas at gastado
na hango alin man sa mga natukoy na hanguan. Upang lalo pang matiyak ito, iminumungkahi na
naming pumili ng paksa na kaugnay ng disiplina o kursong inyong pinagkakadalubhasaan.
Ilang konsiderasyon din ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang- pampananaliksik,
gaya ng mga sumusunod:
1. Kasapatan ng Datos. Kailangang may sapat nang literature hinggil sa paksang pipiliin.
Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan- ngilan pa lamang ang mga
abeylabol na datos hinggil doon.
2. Limitasyon ng Panahon. Tandaan, ang kursong ito ay para sa isang semester lamang.
Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga paksa na
mangangailangan ng mahabang panahon, higit pa sa isang semester, upang maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal. Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga paksang
mangangailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng
pananaliksik. Samakatwid, kailangang pumili ng paksang naaayon sa kakayahang finansyal ng
mananaliksik.
4. Kabuluhan ng Paksa. Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang
kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan. Samakatwid, kailangang
pumili ng paksang hindi lang napapanahon, kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng
iba pang tao.
5. Interes ng Mananaliksik. Magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap
ng mga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang interes. hindi niya kailangang pilitin pa
ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya.
Matapos makapamili ng paksa, kailangan iyon limitahan upang maiwasan ang masaklaw na
pag-aaral. Sa pamamagitan ng paglilimita ng paksa, mabibigyan ng direksyon at focus ang
pananaliksik at maiiwasan ang padamput-dampot o sabog na batayan.
Pagtatalakay sa paksa. Maaaring gamiting batayan asa paglilimita ng paksa ang mga
sumusunod:
1. Panahon
2. Edad
3. Kasarian
4. Perpesktib
5. Lugar
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)

6. Propesyon o Grupong Kinabilangan


7. Anyo o uri
8. Partikular na Halimbawa o Kaso
9. Kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan

Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa


Batayan ng Paglimita
(Broad/Wide Topics) (Specific Topics)
a. Panahon Karapatan ng mga Kababaihan Karapatan ng mga Kababaihan
sa Panahon ng Komonwelt

b. Edad Mga Imbentor na Pilipino at ang Mga Batang Imbentor na Pilipino


Hinaharap ng Teknolohiya sa (Edad 13-17) at ang Hinaharap
Pilipinas ng Teknolohiya sa Pilipinas

c. Kasarian Ang mga NGO Bilang Tagapuno Ang Papel ng mga Kababaihan
ng Kakulangan sa Serbisyo ng sa NGO Bilang Tagapunong
Pamahalaan Kakulangan sa Serbisyo ng
Pamahalaan

d. Perspektib Epekto ng Globalisasyon sa Epekto ng Globalisasyon sa


Lipunang Pilipino Ispiritwal na Pamumuhay ng mga
Pilipino

e. Lugar Mga Naiibang Tradisyong Mga Naiibang Tradisyong


Kapistahan sa Katagalugan Pangkapistahan sa Malolos ,
Bulacan

f. Propesyon o Grupong Pag-aaral ng Wika ng mga Bakla Pag-aaral ng Wika ng


Kinabibilangan mga Baklang Parlorista

g. Anyo o Uri Persepsyon sa Kababaihan sa Persepsyon sa Kababaihan sa


Larangan ng Panitikang Ilokano Larangan ng Panulaang (Tula)
Ilokano

h. Partikular na Epektong Pangkapaligiran ng Epektong Pangkapaligiran sa


Halimbawa o Kaso Turismo sa Pilipinas mga Beach Resorts sa Pilipinas:
Kaso ng Puerto Galera

i. Kombinasyon: Atityud ng mga Estudyante sa 1. Preperensya ng mga


Perspektib mga Programang Kultural Estudyante
1. Uri 2. Preperensya ng mga
2. Lugar Estudyanteng Nasa Unang
3. Anyo Taon
3. Preperensya ng mga
Estudyanteng Nasa Unang
Taon sa Unibersidad ng
Makati
4. Preperensya ng mga
Estudyanteng Nasa Unang
Taon sa Unibersidad ng
Makati sa mga Dulang
Panteatro sa Kampus

E. PAGBABALANGKAS (OUTLINE)
Ang pagbabalangkas ay pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw
ang kanilang ugnayan. Madalas itong tukuyin bilang gulugod ng isang papel sapagkat nasasalamin
sa isang mahusay na papel ang masinop at masinsing pagbabalangkas ng mga ideya. Sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang maaayos na balangkas ng mga ideya, inaasahang magagabayan
ang pagsasaayos ng mga ideya mula sa pinakamalawak hanggang sa pinakatiyak na ideyang bahagi
ng isinasagawang pagsisiyasat. Sa pagbabalangkas ng mga ideya, inaasahan ding makalilikha ng
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)
masinop na paghahanay at pag-uugnay ng mga datos na magiging batayan sa pagbuo ng mga
obserbasyon at konklusyon.
Sa pangkalahatan, nakikilala ang balangkas sa lalong popular na kaayusan nitong may mga
particular na ideyang nasa ilalim ng higit na malawak na ideya at may punong -ideya o panimulang
hakang ginagamit na gabay sa pagtitiyak ng kahustuhan ng hanayan ng mga ideya. Maaari itong
makilala sa ganitong anyo.

Pamagat ng Pananaliksik/Papel Punong- ideya o Panimulang Haka

Balangkas:

I. (Unang Ulo ng Balangkas) Introduksyon

A. (Suportang Ideya) Kasalukuyang sitwasyon

1. (Kaugnay na Ideya)

2. (Kaugnay na Ideya)

B. (Suportang Ideya) Pagpapakahulugan / Ideya

1. (Kaugnay na Ideya)

2. (Kaugnay na Ideya)

II. (Pangalawang Ulo ng Balangkas) Rasyonale – Dahilan, Kahalagahan,

A. (Suportang Ideya)

1. (Kaugnay na Ideya)

2. (Kaugnay na Ideya)

B. (Suportang Ideya)

1. (Kaugnay na Ideya)

Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy sa pinakamalawak sa konsepto sa pananaliksik. Sa


pangkalahatan, itinutukoy itong introduksyon, katawan ng papel at pagtatapos/konklusyon ng
pananaliksik. Gayon pa man, hindi ito inilalagay bilang ulo ng balangkas. Sa halip , ang inilalagay ay
ang konsepto o paksaing nilalaman ng introduksyon, katawan ng papel at konklusyon ng papel.
Mangyari, maaaring maging higit pa sa tatlong bahagi ang balangkas, depende sa dami ng
pangunahing konseptong matutukoy sa pananaliksik. Ang mahalaga ay mailagay sa ulo ng balangkas
kung tungkol saan ang mga bahaging ito upang maging tiyak din ang suportang ideya at ang kaugnay
na ideyang kasunod nito.
Sa paghahanay ng ulo ng balangkas, isinasaalang-alang na ito ang pinakamalawak o
pangunahing konseptong bahagi ng pananaliksik kaya’t nasa bahagi itong maaari pang lagyan ng suporta at
kaugnay ng ideya. Ang suportang ideya at kaugnay na ideya ay laging dalawa pagkat kung isa lamang
ang suportang ideya o kaugnay na ideya ay mangangahulugang hindi ito sing-lawak o sing halaga
upang maging ulo ng balangkas. Sa pinakamahigpit na kaayusan ng balangkas, ang suportang ideya
sa bawat ulo ng balangkas sa numerong Romano at kinakailangang pantay- pantay. Ibig sabihin, kung
ang suportang ideya sa unang numerong Romano ay tatlo, dapat ay tatlo rin ang suportang ideya sa
susunod pang mga numerong Romano. Batay ito sa prinsipyo ng paralelismo ng bilang ng suportang
ideya. Gayon pa man, nangyayari kung minsan na mahirap ang laging tapat na bilang ng suportang
ideya kaya’t sa minimum ay mahalagang mapanatili na laging dalawa ang suportang ideya at kaugnay
na ideya sa bawat bilang upang matiyak na sapat ang lawak nito bilang pangunahing konsepto sa
paghahanay ng ideya sa balangkas.
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)
Sa pangkalahatan, tatlo ang uri ng balangkas – ang balangkas na talata, ang balangkas na
paksa at ang balangkas na pangungusap. Ang katangian ng pagkakahanay ng mga ideya ang siyang
nagtatakda ng anyo ng balangkas na sinusunod nito.
Samantala, ang balangkas na talata ay paghahanay nang isa-isang mga ideya. Sa balangkas
na talata, iniisa-isa lamang ang mga ideya at walang gasinong pansing ibinibigay sa ugnayan at isang
ideya sa kasunod pa. Makikilala ito sa anyong paghahanay at pag-iisa-isa ayon sa bilang. Hindi ito
sumusunod sa karaniwang anyo ng balangkas na nagpapakita ng kung ilang antas at kung ilang
suson ang ugnayan ng mga ideya. Ang mga ideya ay inihahanay lamang sa pamamagitan ng mga
buong pangungusap na nasa anyong pasalaysay. (deklaratib)
Ang balangkas na paksa naman ay gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas na
nagpapakita ng antas at suson ng ugnayan ng mga ideya. Makikilala ito gamit ng mga salita o parirala
sa paghahanay ng mga datos at konsepto. katulad ng karaniwang pangungusap, ang mga salita,
parirala ay nagsisimula sa malaking titik at hindi gumagamit ng tuldok sa pagtatapos ng talata.
Ang balangkas na pangungusap ay gumagamit ng buong pangungusap sa paghahanay ng
mga datos at konsepto sa balangkas. Maaaring gumamit ng pangungusap na pasalaysay, kung tiyak
na ang datos na ilalagay o dili kaya ay pangungusap na patanong, kung nasa antas pa lamang ng
pagbuo ng mga datos na nais kalapin. Kailangan lamang ay maging konsistent sa gamit ng uri ng
pangungusap. Hindi maaaring paghaluin ang mga pangungusap. Mainam din kung magagawang
parallel ang pormulasyon ng pangungusap. Kailangang maipakita rin dito ang wastong gamit ng
malaki at maliit na titik at wastong pagbabantas.

F. PAGBUO NG KONSEPTONG PAPEL (Pananaliksik)


Mahalagang magsimula ang paggawa ng pananaliksik sa pagbuo ng isang konseptong papel
o concept paper. Sa konseptong papel nakasaad ang pangkalahatang balak na isasagawang
pananaliksik. Nakalahad din dito ang pangkalahatang larangan ng paksaing nais talakayin, ang tulak
o rasyonal ng papel na nais isagawa, ang layuning nais tugunan ng pagtalakay, ang pamamaraan o
metodolohiya ng pagsisiyasat na nais isagawa, ang inaasahang maging resulta ng isasagawng
pananaliksik at panimulang sarbey ng sanggunian at kaugnay na pag-aaral. Maikli lamang ito,
maaaring dalawa hanggang tatlong pahina lamang.
Talakayin natin ang mga pangunahing bahagi ng konseptong papel:
1. Tiyak na Paksa. Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel ay ang pagpili at
pagtitiyak ng paksa o larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa. Pinipili ng isang nagsasaliksik ang
larangan ng kaalamang nais niyang siyasatin. Bukod pa rito, higit pang ginagawang partikular ang
paksain upang higit na maging masinop ang isasagawang pagsisiyasat. Paanong tinitiyak ang isang
paksa?
Pansinin ang kasunod na halimbawa:

Larangan – Dula
Tiyak na Paksa – Kasaysayan ng Dula sa Pilipinas
Lalong Tiyak na Paksa - Kasaysayan at Pagpapakahulugan sa Salitang Dula

Sa pagtitiyak ng paksa, makatutulong ang panimulang pagbabasa ukol sa larangang nais


tuklasin. Ang pagbabasang ito ng mga kaugnay na paksa ay nakapagbibigay ng pagkakataon sa isang
mananaliksik na masarbey ang lawak ng larangang nais talakayin. Nakapagbibigay ng pagkakataong
makatukoy at makaisip ng mga paksang nais saliksikin (areas of inquiry). Makakatulong ang
pagbabasa ng mga introduksyon ng mga aklat na may kaugnay na paksa at ang paggawa ng
panimulang katanungan mula sa mga nabasa. Maaari ring gumawa ng anotasyon ng mga nabasang
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)
aklat ukol sa paksa bilang pagsasanay sa pagsarbey ng mga kaugnay na pag-aaral ukol sa paksang
sasaliksikin. Ang tawag dito ay annotated bibliography . Maaari itong gawin habang nagsasarbey pa
lamang ng paksa bilang simula sa pagsisiyasat ng mga sanggunian ukol sa paksa.
2. Rasyonal. Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng
paksang nais talakayin at sa larangang kinabilangan ng paksaing nais siyasatin, mangyayaring
maihanay ang mga motibasyon at inspirasyon nagtulak sa pagtatangi ng napiling paksain. Ano ang
dahilan at napili ang paksain? Anong mga karanasan at pangyayari ang nagtulak sa pagpili ng
paksaing ito?
Ang pagtukoy ng pinagmulang motibasyon o inspirasyon ng pagsisiyasat ang pagtukoy ng
tinatawag na rasyonal ng pag-aaral. Ang rasyonal o pinagmumulang tulak ng pagsisiyasat ay
maaaring maging isang karanasang tuwirang nasaksihan ng nagsasagawa ng pag-aaral o di kaya ay
isang konsepto, bagay o ideya na nakapukaw ng kanyang pansin at nakapag-iwan ng malalim na
bakas ng pagtuklas na nais tuntunin ng nagsusulat ng akademikong papel.

3. Layunin (Objectives / Suliranin). Sa pagtiyak ng paksa, halos kasunod na rin ang


pagtitiyak ng layunin ng pagsisiyasat at pananaliksik. Ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay
maaaring maihayag sa pamamagitan ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa
pamamagitan ng isang katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat.
1. Ano-ano ang mga dahilan ng pagbubuntis nang maaga?
2. Ano-ano ang epekto ng maagang pagbubuntis?
3. Paano maiiwasan ang maagang pagbubutis?
Halimbawa ay ang mga katanungang ano, sino, saan, kailan at bakit. Bawat isang katanungan ay
nagtatakda na rin ng isang antas ng lalim ng pagsusuring nais isagawa ng nagsisiyasat. Halimbawa,
maaaring ang pagtatanong ay nasa anyo ng ano kung ang nais siyasatin ay ang mga larangang may
kinalaman sa paglalahad ng isang bagay o pangyayari. Sa antas ng pagsisiyasat na ito, nasasakop
ang mga pagsisiyasat na may kinalaman sa paghahantad ng depinisyon at pagbibigay-linaw ukol sa
isang bagay o pangyayari.
Pansinin ang kasunod ng halimbawa:

Target na Paksain

Kasaysayan at Pagpapakahulugan ng Salitang Dula sa Pilipinas

Rasyonal

Matagal na akong nahihirati sa halinang dulot ng panonood ng mga dula sa tanghalan. Sa


mga pagkakataong nakakapanood ako ng mga dula, lagi kong naiisip kung paano nga bang
nagsimula ang dula sa Pilipinas. Paano ba ito umunlad? Saan ba nakuha ang salitang dula
samantalang ang salitang ito ay katulad din ng salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay laro?
Mayroon kayang natatanging pagpapakilala sa dula sa Pilipinas na iba sa karanasan ng ibang
bansa?

Suliranin

Ano ang salitang ugat at mga kaugnay na salita ng katuringang dula sa Pilipinas? Sino ang
unang gumamit ng salitang dula bilang katuringan ng dula sa Pilipinas? Saan itinanghal ang mga
unang dula sa Maynila?

Kailan nagsimula ang gamit ng tiket sa mga pagtatanghal ng dula sa Pilipinas?

Paanong sumikat ang dula noong panahon ng Hapon?

Bakit naging sikat ang gamit ng dula noong panahon ng Batas-Militar?


FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)

Pansining malawak at marami ang maaaring mabuong mga suliranin mula lamang sa isang
partikular na paksa. Ito rin ang dahilan kung bakit kinakailangang maging tiyak at matalas ang
suliranin upang maging masinop din ang pagsisiyasat ukol sa paksain.
Bukod sa pagtukoy ng mga panimulang tunguhin ng pagsisiyasat, mahalagang isaalang-
alang ang pagbuo ng katanungan bilang pangunahing gabay sa simula, patutunguhan, at tuntunin
ng pagsisiyasat.

Pansinin ang isang katanungan: Ano ang hinaharap ng dula sa Pilipinas?


Sa unang tingin, malinaw naman ang nais siyasatin ng suliraning ito. Nais niyang alamin
kung ano ang maaaring maging hinaharap ng Pilipinas. Kaya lang ang ganitong uri ng suliranin ay
lubhang malawak. Maaari rin mangahulugan ng iba’t ibang bagay ang katuringang hinaharap kung
kaya’t magiging higit na malinaw ang pagtunton sa layunin ng pagsisiyasat kung gagawing higit na
tiyak ang sakop na panahong nais siyasatin at lalagyan ng partikular na aspekto ng buhay – lipunan
na nais alamin. halimbawa , sa halip na Ano ang hinaharap ng dula sa Pilipinas?, maaaring maging
Ano ang hinaharap ng Pilipinas sa susunod na dalawampung taon sa larangan ng pagpapaunlad ng
dula? Sa ganitong uri ng pormulasyon, tiyak ang usaping nais siyasatin, malinaw ang panahong
sakop at may partikular na larangan ng buhay – lipunan na nais bigyan ng pansin.
Mahalaga ang pagpapatalas ng suliraning nais siyasatin sapagkat ito ang magiging gabay ng
mananaliksik. Kailangang ang suliranin ay may sapat na lawak, tiyak na sakop ng pagsisiyasat
upang makapagbigay ng pagkakataon sa isang mananaliksik na makagawa ng hustong pagkakataon
upang mausisa ang pangkalahatang usaping nakaumang sa kanyang pag-aaral tulad ng pagbibigay-
depinisyon sa mga susing salita at konseptong siniyasat, ang kasaysayan at kasalukuyang
kalagayan at pag-iral ng paksain, ang mga suliranin at hamong hinaharap.
Ang lalim ng pagtalakay sa mga usaping ito ay nasusukat din sa uri ng pagsisiyasat na nais
isagawa- ang ano, sino, paano, kailan, saan at bakit ng mga katanungan. Ang mga usaping ito ay
mahahanap sa mga susing salitang nakasaad sa suliranin kaya’t ito na rin ang magiging gabay sa
pasisiyasat.
Balikan natin ang halimbawang katanungan, Ano ang hinaharap ng dula sa Pilipinas sa
susunod na dalawampung taon?
Pansinin natin ang mga susing salita ng suliranin.
Kaagad na ituturo ng pormulasyon ng suliranin na naghahanap ng pagtaya sa kalagayan ang
pagsisiyasat dahil sa susing katanungang ano.
Ang pagtukoy sa hinaharap ng kalagayan na batay sa kalagayang kasalukuyan sa Pilipinas
kaya’t matutukoy na isa rin itong usaping dapat bigyan ng pansin sa pagsisiyasat. Bukod rin sa
takdang panahon na sa sumusunod na dalawampung taon ay nangangailangan din ng pagtaya ng
kalagayan na siyang tiyak na larangan ng pagsisiyasat para sa pananaliksik na ito.
Batay sa nakalatag na suliraning ito, maihahanay na kaagad ang usapin ng pagkilala sa
depinisyon ng larangang sinisiyasat, ang dula, ang kasalukuyang kalagayan ng dula bilang batayan
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)
ng tinatayang kalagayan sa susunod na dalawampung taon. May pagtukoy kung gayon sa
kasaysayan, kasalukuyan at mga sangkap na makaaapekto sa kalagayang hinaharap nito.
4. Panimulang Haka. Sa paghahanay ng matalas at tiyak na suliranin para sa paksa,
maaaring maghanay ng panimulang haka sa pag-aaral. Ang panimulang haka ay pagbuo ng
panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin. Nakabatay ito sa panimulang sarbey ng mga
babasahing isinagawa bago pa man makabuo ng tiyak na suliranin sa pag-aaral. Ang panimulang
haka ay hindi dapat maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya lamang sa posibleng kahihinatnan ng
pagsisiyasat at pananaliksik. Ang panimulang haka ay paglalatag ng isang pangkalahatang
inaasahang resulta ng pananaliksik kaya’t mahalagang batay sa panimulang pagbabasa at
pagsarbey ng mga kaugnay ng babasahin at paksain. Maaari itong magbago sa bandang huli,
matapos makapangalap ng mga datos at obserbasyon. Ang panimulang haka ang tantyadong tugon
sa inaasahang resulta ng pagsisiyasat kaya’t bukas sa posibilidad na mabago, mapatunayang hindi
totoo o hindi aplikable o di kaya ay makapagbukas ng panibagong larangan ng pag-aaral matapos ng
pagsisiyasat.

Pansinin ang kasunod na halimbawa:

Suliranin:

Halimbawa: Ano ang salitang ugat at mga kaugnay na salita ng katuringang dula
sa Pilipinas?

Halimbawa: Ano-ano ang mga dahilan ng maagang pagbubuntis?

Panimulang Haka:

Ang salitang dula ay maaaring nagmula sa salitang dula mula sa Cebuano na ang
ibig sabihin ay laro. Ang mga katangian ng dula ay maaaring nahalaw sa mga salita at
katuringang iniuugnay sa salitang dula.

Halimbawa: Walang makabuluhang dahil ang maagang pagbubuntis.

Layunin ng pagbuo ng suliranin at panimulang haka na mabigyan ng gabay ang pagsisiyasat.


Ngunit mahalagang maging malaya ang mananaliksik na ang panimulang haka ay hindi
konklusyonng kailangan niyang patunayan upang maturing na matagumpay ang pagsisiyasat. Ang
paglalatag ng panimulang haka ay pagtaya lamang ng posibilidad na simula ng pagsisiyasat upang
maging lunsaran ng pananaliksik. Mahalaga ito upang may mapagbatayan ng pamamaraan ng
pangangalap ng datos o metodolohiyang isasagawa sa pagsisiyasat at pananaliksik.
5. Sarbey ng mga Sanggunian (Literatura). Ang panimulang sarbey ng sanggunian o
kaugnay na pag-aaral ay listahang bibliograpikal ng mga mag-aaral na makakatulong sa
pagpapahusay ng pagsisiyasat. Maaari itong buuin ng lima hanggang walong babasahing nabasa ng
mananaliksik at nakatulong sa pagsisinop at pagpapatalas ng kanyang suliranin at pananaliksik. Ang
panimulang sarbey na ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay
nagmumula sa mga nagawa nang pananaliksik at nakabatay sa mga kaalamang lalong
pagyayamanin ng isasagawang pagsisiyasat at pananaliksik. Isinusulat ang mga ito sa akmang anyo
ng sanggunian. Ang mga sangguniang ito ay dapat na madagdagan at mapalawak habang
isinasagawa ang pananaliksik. Maaaring may mga sangguniang na makikitang hindi na magagamit
sa pananaliksik. Mayroon din namang madadagdag na bago. Maaaring gumamit ng pormat ng APA,
MLA, The Chicago Manual of Style o di kaya ay ang A Manual for Writers ni Kate Turabian.
Alin man ang gamitin, mahalagang maging konsistent sa pormat na pipiliing gamitin.
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)

6. Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik. Ang metodolohiya o pamamaraan ng


pagsisiyasat ang mga balak na hakbang sa pangangalap ng datos at pag-iimbestiga ukol sa napiling
paksa. Sa paglalatag ng suliranin at panimulang haka sa pagsisiyasat at pananaliksik nakabatay ang
mabubuong pamamaraan ng pananaliksik.
Sa pangkalahatan, maaaring ipag-uri ang mga metodo ng pananaliksik sa ilang pangunahing
ginagamit – ang pananaliksik sa mga aklatan at arkibya, ang pagsasagawa ng field work, pag-
eeksperimento sa laboratory o sa isang kontroladong espasyo.
Sakop ng pananaliksik sa mga aklatan at arkibya ang paggamit ng nalathala (aklat, dyornal,
dyaryo, magasin, newsletter, at iba pang lathalain) at ‘di nalathala kasulatan (tisis, disertasyon,
manuskrito, katitikan, sulat-uganayan, mapa, larawan, guhit at iba pang mga personal na
dokumento). Ang mga dokumentong ito ay maaaring nasa pag- iingat ng mga aklatan o ‘di kaya ay
nasa mga pribadong koleksyon ng mga indibidwal.
Sakop naman ng pamamaraang field work ang mga pamamaraang tulad ng pakikipanayam,
sarbey gamit ang mga pormularyo o questionnaire, participant- observation, pagmamapa at iba pang
mga pamamaraang mangangailangan ng pagpunta sa isang lugar at pakikisalamuha sa mga tao.
Ang pamamaraan namang nangangailangan ng eksperimento sa isang laboratoryo o isang
kontroladong lugar ay kadalasang ginagawa sa mga pagsisiyasat sa agham tulad ng mga
eksperimento sa biyolohiya, kimika, at iba pang sangay ng agham.
Ang metodo o pamaraan ng pananaliksik ay nalilikha batay sa kalikasan ng paksang nais
siyasatin. Ang disenyong pananaliksik ay hinuhubog batay sa kalikasang paksain at ang mga
pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nililikha upang matiyak na mapalabas ang mga datos sa
pinakamaayos at pinakabuo nitong anyo. Malaking pagsasaalang-alang ang ibinibigay sa pagkuha
ng datos mula sa pangunahing batis ng impormasyon upang matiyak na ang mga datos na nakukuha
ay hindi pa nakukulayan ang mga palagay o obserbasyon ng mga nakapagsulat na rito at
nakapaglatag na ng mga datos sa kanilang mga pananaliksik.

Ang mga pangunahing batis ay mga original na dokumentong hindi pa nakukulay ng


pagsusuri o obserbasyon ng mga mananaliksik. Halimbawa ng mga ito ay ang katitikan ng pulong,
mga korespondensya at mga talaang-buhay ng mga pangyayari.
Ang mga itinuturing na sekundaryong batis ng impormasyon ay ang mga aklat at
publikasyon nagsistematisa na ng mga datos at nabigyan na ng isang uri ng pagbasa sa
pamamagitan ng kanilang pananaliksik.
Mainam ang mga pangunahing batis para sa mga mananaliksik na may kahusayan na sa
pagkilatis ng mga datos mulas sa ibang batis. Ang mga sekondaryang batis naman ay mainam para
sa mga nagsisimulang manaliksik sapagkat mayroon na itong panimulang pagbasa na nagiging
gabay ng mga nagsisimula pa lamang manaliksik sa pagtunton ng kanilang layunin sa pagsisiyasat.

Pagpapahalaga:
Lahat ng batis ng impormasyon ay pawang may taglay na halaga at ambag sa kaalaman.
Ang mahalaga lamang ay maging malaya ang mananaliksik sa maayos na pagtatala ng mga batis
ng impormasyon, maging tiyak at masinop sa instrumento ng pangangalap ng datos na
gagamitin, maging masinop sa pagtupad sa etika ng pananaliksik, lalo na sa pagkilala ng batis at
pinagmulan ng mga datos na makakalap. Ang tinutukoy na etika sa pananaliksik ay masusuma sa
pagiging matapat sa pagkilala ng batis ng impormasyon at datos at paggalang sa layuning ang
kaalaman ay sinaliksik upang higit na mapabuti ang kaalamang at kabuhayan ng tao sa lipunan.
Ang ganitong etika ay nasasalin sa gawain ng pagiging tapat sa pagkilala ng pinagkunan ng datos
, tapat sa pagbibigay-pugay sa ideya at kaaalamagn nalinang ng mga komunidad at mamamayan,
FILDIS: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina
(CHMSC – College of Computer Studies)
nakapagyayaman sa halip na nakapipinsala sa karanasan at dignidad ng buhay komunidad at
mamamayan.

You might also like