You are on page 1of 7

Modyul 2

Pagpoproseso ng Impormasyon Para


sa Komunikasyon (Unang bahagi)
(Ikatlong Linggo)

LAYUNIN
Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa pananaliksik.

 Nagagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa


lipunang Pilipino.

MGA GAWAIN
Ikatlong Linggo (Asynchronous)
 Pagbasa ng itinakdang paksang aralin
 Pangagalap ng datos sa iba’t ibang batis ng impormasyon batay sa itinakdang paksa

NILALAMAN

INTRODUKSYON
 Ang KOMUNIKASYON ay hango sa salitang Latin na “communis” na ibig sabihin ay saklaw
lahat na binubuo ng lipunan.
 Ito rin ay proseso ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Sangkot sa komunikasyon
ang mga sumusunod na makrong kasanayan: Pagsasalita, Pakikinig, Pagbasa, Pagsulat at
Panonood.
URI NG KOMUNIKASYON
 Komunikasyong Berbal - ginagamitan ng wika na maaaring pasulat o pasalita. Halimbawa
ng text messages, pakikipagtsismisan at pagbibigay ng mensahe sa mga nakalimbag na
teksto sa mga mambabasa.
 Komunikasyong Di-Berbal - ang komunikasyong ito ay hindi ginagamitan ng wika bagkus
kilos o galaw ng katawan lamang ang gagamitin sa paghahatid ng mensahe tulad ng
pagtango, pagkindat at pagkaway na halimbawa ng senyas.
ANYO NG KOMUNIKASYON
 Intrapersonal - isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na kinakausap ng tao ang
kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal.
 Interpersonal - ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na umaasa sa
mensaheng inihatid at tugon sa kausap.
 Pampubliko - sa komunikasyong ito nagaganap ang linyar na komunikasyon na ibig
sabihin, natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala ng mensahe
sa kanyang tagapakinig. Dalawa o higit pang katao ang kasangkot. (seminar, conference at
miting de avance)
 Pangmadla - magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa
paghahatid ng impormasyon dahil sa komunikasyong ito, ginagamitan ito ng elektroniko
tulad ng cellphone, telebisyon at radyo.
PAGTALAKAY
 Para sa layunin ng akademikong komunikasyon, lalo na sa pananaliksik, hindi na problema
ang abeylabaliti ng impormasyon, sa kasalukuyan. Ang mga impormasyong kailangan para
sa nasabing layunin ay naglipana na kung saan-saan.
Ang problema sa kasalukuyan ay kung paano ipoproseso ang mga abeylabol na impormasyon.
1) Saan kukunin ang impormasyon?
2) Sa aling batis o hanguan iyon kukunin?
3) Paano susuriin ang relayabiliti?
4) Paano iyon ihahayag sa sariling salita sa pinakamaikling salita?
5) Paano pag-uugnay-ugnayin?
Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
 Ang mga batis ng impormasyon o sanggunian ay makakategorya sa tatlo: primarya,
sekondarya at tersyarya (ang pang-apat ay hindi kategorya kung hindi isang uri ng lokasyon
o midyum ng hanguan).
 Ang hangganan ng bawat kategorya ay hindi gaanong malinaw, ngunit ang pagkilala sa
bawat isa ay makakatulong sa pagpapalaganap ng mga impormasyon o datos.
Paglalarawan nina Booth, et al. (2008) sa nasabing batis ng impormasyon

Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon


 Ang pinagmulan ng mga dokumento mula sa
panahon o taong pinaksa, bagay-bagay, mapa at
Hanguang Primarya maging kasuotan.
 Bibihirang makasulat ng papel nang hindi
gumagamit ng hanguang primarya.
 Ito ang mga ulat na gumagamit ng mga datos
mula sa hanguang primarya.
Hanguang Sekondarya
 Sinulat para sa mga iskolarli o propesyonal na
mambabasa.
 Binabasa ng mga mananaliksik upang hindi
mapag-iwanan sa kanilang mga larangan na
magagamit upang patotohanan o pabulaanan
ang mga datos.
 Ito rin ay magagamit upang suportahan ang
isang argumento.
 Kinapapalooban ng mga aklat at artikulo na
lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga naunang
hanguan para sa pangkalahatang mambabasa.
Hanguang Tersyarya  Nagmumula sa mga ensayklopidya at mga
publikasyon sa sirkulasyong pang masa.
 Ito rin ay magagamit upang maging pamilyar sa
uri ng paksa.
 Ang internet ay dati nang hindi naging matibay
na paraan ng pananaliksik ngunit sa panahong
ito ang mga mananaliksik na mismo ang
Hanguang Elektroniko nagiging daan para ang internet at mga
elektronikong impormasyon ay maging
kapakipakinabang at maging matibay na
hanguan.
 Ang mga database ay abeylabol na rin online.

Pagbabasa at Pagpili ng Impormasyon


 Sa mga larangan ng Araling Literari, Sining at Kasaysayan, ang mga hanguang primarya
ay ang mga orihinal na akda tulad ng talaarawan, manuskrito, imahen, pelikula, skrip ng
pelikula, rekording, paglalapat ng musika sa pelikula at iba pa.
 Nagbibigay ang mga ito ng mga datos sa anyong salita, imahen at tunog na magagamit
bilang ebidensyang pangsuporta sa mga katwiran.
 Ang hanguang sekondarya, ay ang mga iskolarling aklat at artikulong isinusulat ng/para sa
ibang mananaliksik. Gumagamit sila ng mga datos mula sa hanguang primarya upang
suportahan ang pahayag ukol rito.
Ayon kay Turabian (2008), may apat na gamit ang pagbabasa ng mga hanguang sekondarya:
1) Upang makakuha ng pamalit sa mga hindi magagamit na hanguang primarya - inuulat ng
mga sekondarya ang mga datos na matatagpuan sa mga hanguang primary. Dito ay
pwedeng gamitin at palawakin ang mag datos na hindi makikita sa hanguang primary
upang pag-aralan at palalimin ang impormasyon
2) Upang malaman kung ano na ang naisulat na ng iba tungkol sa paksa - ito ay upang
malaman ang mga paksang natalakay na at malaman ang mga naging pundasyon at
pamantayan sa naunang hanguan at mabigyan ng karapat-dapat na kredito ang unang
nagbiday ng datos.
3) Upang tumulkas ng mga modelong magagamit sa pagsusulat, pag-uulat at pagpapalakas
ng argumento - magagamit ang sekondaryang hanguan hindi lamang upang matuklasan
kung ano ang sinsabi ng iba tungkol sa paksa, kundi maging kung paano nila iyon nasulat.
Kung magagamit ang hanguan ay maaaring tanggapin ang primaryang modelo at ito ay
bigyan ng mas malalim na paliwanag at kahulugan.
4) Upang tumuklas ng mga taliwas na punto de bista - ang epektibong pagbibigay ng
impormasyon ay nakabase sa pagtutol at pagsang-ayon ng mga tagapakinig at mga
mambabasa. Sa hanguang sekondarya makikita ang mga alternatibong ideya na maaaring
isama sa mga impormasyon o datos na kakailanganin sa pananaliksik at pag-aaral.
Pagsusuri ng Batis o Hanguan ng Impormasyon
 Para sa layunin man ng komunikasyon o ng pananaliksik (maging ano pa mang layunin),
magagamit ang mga susmusunod na indikeytor sa pagsusuri ng batis o hanguan ng
impormasyon.
 Mahalaga sa pagpoproseso ng impormasyon para sa komunikasyon ang pagsusuri ng
mga hanguan para sa relayabiliti.
Senyales o indikeytor ng relayabiliti ayon kina Booth, et al. (2008; Bernales, et al., 2019):
1. Ang hanguan ba ay nailathala ng reputableng tagalimbag? - karamihan ng mga university
press ay relayabol, lalo na kung kilala ang pangalan ng unibersidad.
2. Ang aklat o artikulo ba ay peer-reviewed? - kumukuha ng mga eksperto ang karamihan ng
mga reputableng tagalimbag at dyornal upang rebyuhin ang isang libro o artikulo bago nila iyon
ilathala
3. Ang awtor ba ay isang reputableng iskolar? - mahirap itong masagot kung ang mananaliksik
ay bago lamang sa larangan.
4. Kung ang hanguan ay matatagpuan online lamang, inisponsoran ba iyon ng isang
reputableng organisasyon? - ang isang web site ay kasingrelayabol lamang ng insponsor niyon.
5. Ang hanguan ba ay napapanahon? - ang pagkanapapanahon ng isang hanguan ay depende
sa larangan.
6. Kung ang hanguan ay aklat (maging artikulo), mayroon ba iyong bibliyograpiya? - kung
mayroon, itinala ba sa bibliyograpiya ang mga hanguang binanggit sa mga pagtalakay?
7. Kung ang hanguan ay isang web site, kakikitaan ba iyon ng mga bibliyograpikal na datos? -
sino ang nag-iisponsor at nangangasiwa ng site? Sino ang nagsusulat ng ano mang naka-post
doon?
8. Kung ang hanguan ay isang web site, naging maingat ba ang pagtalakay sa paksa? - huwag
magtiwala sa mga site na mainit na nakikipagtalo kahit pa ng adbokasiya, umaatake sa mga
tumataliwas, gumagawa ng mga wild claim, gumagamit ng mapang-abusong lenggwahe, o
namumutiktik sa mga maling ispeling, bantas at gramatika.
9. Ang hanguan ba ay positibong nirebyu ng ibang mananaliksik o iskolar? - ano ang sinasabi
ng ibang mananaliksiko iskolar hinggil sa hanguan? Positibo ba o negatibo?
10. Ang hanguan ba ay madalas na binabanggit o sina-citeng iba? - matatantya kung gaani
kaimpluwensyal ang isang hanguan sa kung gaano kadalas iyong sina-cite ng ibang awtor at
mananaliksik.
Ang mga indikeytor na nabanggit ay hindi garantiya ng relayabiliti. Kaya nga, hindi komo ang
isang hanguan ay isinulat ng isang reputableng awtor o inilathala ng isang reputableng
tagalimbag ay maari na iyong hindi suriin nang kritikal, at ipasya kara-karaka na iyon ay
relayabol.

PANUKAT SA NATAMONG KARUNUNGAN


Isahang Gawain

Pangagalap ng datos sa iba’t ibang batis ng impormasyon batay sa itinakdang paksa


 Pupunan ang mga hinihinging impormasyon sa I-search upang makumpleto
 Ito ay mayroong kabuuang apatnapung (40) puntos
Pangalan: Asignatura:
Seksyon na Kinabibilangan: Petsa ng Pagpapasa:
OBA#3 Panuto: Gamit ang I-Search Reflection na pormularyo sa ibaba, punan ang
hinihinging sagot sa mga nakatalang katanungan. Katapat ng sagot ay tukuyin ang
pinaghanguan nito at gayundin ang uri ng batis ng impormasyon.

Uri ng Batis
Mga Tanong Sagot Pinaghanguan ng Sagot ng
Impormasyon
Halimbawa:
 Batay sa mga
eksperto na Pangkatawang https://newsfeed.ph/facts/86846/ Hanguang
galing sa ekspresyon o gingamit-sa-komunikasyon-noong- Elektroniko
Isequalto, ito komunikar na unang-panahon-halimbawa/
umano ang “di-berbal”
ginagamit ng
tao sa kanilang
pakikipagkomu
nikasyon. Ano
ang tinutukoy
ng pahayag na
ito?
1) Tumutukoy ito
sa
ipinapakitang
kakayahan sa
pakikipag-usap
sa
pamamagitan
ng dalawang
wika. Ano ito?
2) Ano sa wikang
ingles ang
tawag sa
grupong
nagsusulong na
panatilihin ang
pagtuturo ng
asignaturang
Filipino sa
kolehiyo
3) Ang pagsabay
ng Pilipinas sa
Sistema ng
edukasyon na
ginagamit sa
lahat ng bansa
sa Asya ay mas
kilala sa tawag
na?
KARAGDAGANG NILALAMAN/BABASAHIN

Pagpili ng Batis ng Impormasyon


 Ang pananaliksik ay isang mahalagang gawain  higit lalo sa larangang akademiko,
medisina, teknolohikal at iba pa sapagkat saklaw nito ang paghahanap ng posibleng
kasagutan sa  mga tanong  may  kinalaman sa  buhay ng tao.  Hindi lingid sa ating
kaalaman ang mabilis na pagbabago ng maraming bagay sa mundo at ang pagsasagawa
ng pananaliksik ay isang malaking hamon upang magkaroon ng matibay na basehan ang
pagsasagawa ng mga bagay-bagay.
 Ang paggamit ng sariling wika ng mga Pilipino ay higit na makabubuti sa pagpapaunlad ng
kaalaman sa pamamagitan ng pananaliksik.  Ang mga detalye at kaisipang nakalap ay higit
na mainam at kapaki-pakinabang kapag ito ay nailahad sa wikang Filipino. Ayon nga kay
Yu " ang wikang pambansa ay wika ng mga marurunong at wikang hindi naghihiwalay sa
intelektwal sa samabayanan" ( binanggit ni De Laza, 2016).
 Sa anumang pananaliksik, napakahalagang aspekto ang pangangalap ng mga
mapagkakatiwalaang impormasyong magsisilbing batayan ng anumang pag-aaral. Isa sa
responsibilidad ng sinumang mananaliksik ay siguraduhing wasto at balido ang mga
impormasyong gagamitin sa anumang pag-aaral na isinasagawa  gayundin ang pagiging
epektibong mambabasa sa iba’t ibang paksa na lilinang sa mapanuring pag-iisip.
Maaaring Panoorin
 Mga Primarya at Sekundaryang Batis - (https://www.youtube.com/watch?v=sVO3h-nyhxg)
 BATIS NG IMPORMASYON | Kahulugan at Uri Nito (https://www.youtube.com/watch?
v=DI-FVrEv6kU)

MGA SANGGUNIAN
Nailathalang Hanguan
 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino nina Bernales, R. et. al.

Hanguang Elektroniko
 Pagpili ng Batis ng Impormasyon (https://dlsl.instructure.com/courses/17251/pages/1-
dot-1-%7C-pagpili-ng-batis-ng-impormasyon)
 Mga Primarya at Sekundaryang Batis (https://www.youtube.com/watch?v=sVO3h-
nyhxg)
 BATIS NG IMPORMASYON | Kahulugan at Uri Nito (https://www.youtube.com/watch?
v=DI-FVrEv6kU)

Inihanda nina:

Rizalyn M. Bautista
Instructor I

Jeremias Mendoza
Instructor I

John Carlo S. Verano


Instructor I

You might also like