You are on page 1of 3

PAGPILI NG BATIS (SOURCES) NG IMPORMASYON

Introduksyon

Hindi madaling pumili ng mga nararapat na mapagkukunan ng impormasyon,kailangang maging maingat sa


pagpili ng mga angkop na babasahin na may kinalaman sa paksa na iyong pinag-
aaralan o sinasaliksik.Kailangang maging mapanuri kung ito ay may katotohanan o gawa-gawa lamang.

Maikling Pagtalakay sa Aralin.

Maituturing na komplikadong gawain ang pagpili ng angkop na babasahin.Sa mga seminar-workshop ukol sa
pagbasa,karaniwan na ang pagpapalitan ng kuro tungkol sa mga gamit ng kraytirya sa pagpili ng artikulo Ilan
sa mga kraytirya ay makikita sa kanilang talaan at ito’y isang magandang palatandaan para sa
magandang pagbuo ng pananaliksik (Adriano, et.,2008).

Sapagkat ang pagbuo ng pananaliksik o anumang impormasyon nan ais ipahayag o ibahagi sa iba ay

nangangailangan ng patotoo,nararapat lamang na wasto at balido ang mga datos na kakailanganin.Mahalaga

sa mga gawaing nabanggit ang paghahanap ng tamang batis (sources) ng impormasyon. Ang pananaliksik ay
tapat at totoo na mga impormasyong sinusugan o panagtitibay na mga kaisipan/impormasyong hinango sa
bibbliograpiya.

Ang bibliograpiya ay listahan ng mga ginamit na sanggunian sa pagsasaliksik.Ito ay inihahanay ayon sa


Kronologikal na pagkakasunod-sunod batay sa apelyido ng awtor (Abueg.et al.,2012).

Ilan sa mga halimbawa na maaaring batis

 Aklat
 Pahayagan
 Dokumento ng pamahalaan
Artikulo
 Internet
 Pananaliksik
Anunsyo
 Panitikan
Larawan
 Encyclopedia
Dyornal
 Atbp

Ang mga batis ng impormasyon o sanggunian ay makakategorya sa tatlo: primarya,sekondarya,tersyarya.


(Ang pang-apat na tatalakayin ay hindi kategorya,kundi isang uri ng lokasyon o midyum ng mga
hanguan).Ang hangganan ng bawat kategorya ay hindi gaanong malinaw,ngunit ang pagkilala sa bawat isa ay
makatutulong sa pangangalap ng impormasyon o datos.
Ganito ang paglalarawan nina Booth,et al.(2008)sa mga nasabing batis ng impormasyon o hanguan.

1. Hanguang Primarya- ito ang mga hanguang pinagmumulan ng mga raw data, ‘ika nga. Sa Kasaysayan,

halimbawa, kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa panahon o taong pinapaksa, mga bagay-
bagay, mapa, maging kasuotan. Sa Literatura o Pilosopiya, ilan sa mga hanguang primarya ay ang
tekstong pinag-aaralan at ang mga datos ay ang mga salitang nakalimbag sa bawat pahina. Sa mga
nabanggit na larangan, bihirang-bihirang makasulat ng papel nang hindi gumagamit ng mga hanguang
primarya.

2. Hanguang Sekondarya - Ang mga hanguang sekondarya ay mga ulat na gumamit ng mga datos mula

sa mga hanguang primarya. Sinulat ang mga ito para sa mga iskolarli at/o propesyonal na mambabasa.
Binabasa ito ng mga mananaliksik upang hindi mapag-iwanan sa kani-kanilang larangan at upang
magamit ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o kaya ay pagpapabulaan. Maaari ring
magamit ang mga datos mula sa mga hanguang sekondarya upang suportahan ang mga argumento.

3. Hanguang Tersyarya - Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-uulat tungkol
sa mga naunang hanguan para sa pangkalahatang mambabasa. Ang mga aklat at artikulo sa
ensayklopidya at publikasyong para as sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa pamilyar sa paksa.
Ngunit, kung gagamitin ang mga datos mula sa mga hanguang tersyarya upang suportahan ang isang
iskolarling argumento, maaari iyong hindi mapanaligan.

4. Hanguang Elektroniko - Dati-rati, hindi nagtitiwala ang mga mananaliksiik sa ano mang datos na

matatagpuan sa Internet. Hindi na ito totoo ngayon. Maging ang mga akademiko ay umaasa na ngayon sa
Internet upang maakses ang mga hanguang pang-aklatan, mga ulat ng pamahalaan at iba pang database,
mga tekstong primary amula sa reputableng tagapaglathala, pahayagan, maging iskolarling dyornal na
abeylabok online. Ang mga datos na ito ay magagamit at mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang mga
nakalimbag na counterpart.

Maliban sa mga tradisyonal na hanguan, higit na maraming matatagpuan sa Internet kaysa saan
mang aklatan. Ngunit ang kalakasang ito ng Internet ay siya ring kahinaan nito dahil sa kawalan niyon ng
gatekeepers

Ang Internet ay maihahalintulad sa isang tagalimbag na walang editor, o sa isang laybrari na walang
laybraryan. Marami ang nagpo-post sa Internet tungkol sa ano mang paksang kanilang
kinawiwilihan o mapagkakakitaan nang walang nagwawasto ng kanilang katapatan o katumpakan. Dahil dito,
totoong maraming datos ang makukuha sa Internet. Ang problema, hindi lahat ng datos mula sa Internet ay
mapagkakatiwalaan.

Kaya nga, ang payo nina Booth, et al. (2008): Gamitin ang Internet kung ang hanguan ay primarya.

Halimbawa, kung nais malaman ang reaksyon ng mga manonood sa mga soap opera, ang mga fan
blog ay maituturing na hanguang primarya. Iwasan ang Internet para sa mga hanguang sekondarya, lalo na
sa mga tersyarya, liban na lang kung maipakikita sa mga mambabasa na ang hanguang mula sa
Internet ay mapagkakatiwalan

You might also like