NG IMPORMASYON PARA SA KOMUNIKASYON KABANATA IV introduksyon
Ang kahalagahan ng akademikong komunikasyon ay ito ay
ginagamit sa pananaliksik tulad na lamang nito ay ang problema sa kasalukuyan, kung paano ito ipoproseso gamit ang mga abeylabol na impormasyon. Tinatalakay sa kabanatang ito kung paano ihahayag ang sariling salita sa pinakamaikling salita. Nakapahayag din dito ang pag-susuri sa reyabilidad sa kasalukuyan. Pagpili ng batis o hanguan ng impormasyon Sa aklat ng Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina o FilDis (2019) ay tinatalakay ang paksang ito ngunit ang tuon ng aklat na ito ay layunin ng pananaliksik. Walang pinagkaiba nag pagpili ng batas, hanguan, o sors ng impormasyon sa layunin ng komunikasyon at sa layunin ng pananaliksik. Ang batis ng impormasyon o sanggunian ay mayroong tatlong kategorya: primarya, sekondarya, at tersyarya. Ang apat na kategorya ay walang kalinawan ngunit nailalahad nito ang pagkilala sa bawat isa upang makatulong sa pangangalap ng impormasyon o datos. hanguang primarya Pinagmumulan ng mga raw data. Mga publikasyong unang na-ulat ng mga datos. Dito nakapaloob ang mga dokumento mula sa panahon o taong pinapaksa at mga bagay bagay. Ang mga tekstong nakapaloob dito ay ang mga datos na may salitang nakalimbag sa bawat pahina. hanguang sekondarya Mga datos na gumagamit ng mga datos mula sa mga hanguang primarya. Isinulat ito parab sa mga iskolarli at propesyonal na mambabasa. Upang magamit ang mga datos na nabasa sa paraang pagpapatunay o pagbubulaan. hanguang tersyarya Dito nakapaloob ang mga aklat at artikulo sa lumalagom at nag-uulat sa mga naunang hanguan para sa pangkalahatang mambabasa. Mga aklat at artikulo sa ensayklopidya at mga publikasyong pangmasa. hanguang elektroniko Ang mga datos at impormasyon ay matatagpuan sa internet. Ito ay nagagamit sa akademiko upang maakses ang mga hanguang pang-aklatan at iba’t ibang database. Ang mga datos na ito ay magagamit katulad ng kanilang mga nakalimbag na counterpart. Ang internet ay maihahalintulad sa isang tagalimbag na walang editor o isang laybrari. THANKS Y’ALL MWEHEHE