You are on page 1of 2

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA'T-IBANG TEKSTO

4TH QTR, S.Y. 2020-2021


Modyul 7 - Awtput

Pangalan: Ramos, Raphaella E.


Strand/Section: Grade 11 HE-A
Petsa: June 14, 2021
____________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

1. Naisa-isa ko sa aralin na ang mga paraan ng pangangalap ng datos ay napakahalaga


upang magkaroon ng sapat na kaalaman hinggil sa paksa o isyung isusulat kaya mainam na
malawak ang kaalaman ng isang manunulat ukol sa paraan ng pangangalap ng datos at
maging ang tamang paggamit nito. Ang pangangalap ng datos ay naaangkop sa anumang
babasahin o teksto. Sa aralin na ito ay natutuhan ko na may walong paraan ng pangangalap ng
datos at ito ay ang sinupan o archival research, pakikipanayam o interbyu, focus group
discussion, pagsasagawa ng sarbey, emersyon, pag-eeksperimento, obserbasyon, at internet
website. Ang Sinupan o Archival Research ay ang pagkuha sa aklat, journal, magasin, at
pahayagan ng isang silid-aklatan o library upang makahanap ng mga impormasyon na
kailangan sa pag-aaral. Ang Pakikipanayam o Interbyu naman ay pakikipag-usap sa isang
eksperto tungkol sa paksang pinag-aaralan at ito ay may dalawang uri, maaaring ito ay pormal
na panayam o kaya naman ay di-pormal na panayam. Ang pormal na panayam ay
pinaghahandaan ang mga tanong at itinatakda sa espesipikong lugar at panahon, ito rin ay
mayroong pormal na abiso o imbitasyon. Samantala, ang di-pormal na panayam naman ay
kadalasang ginagawa sa kapamilya, kamag-anak, o kaibigan, at maaaring sabihan ang
kapapanayamin sa araw mismo ng panayam kaya't kaswal din ang usapan sa panayam na ito.
Ang ikatlong namang paraan ng pangangalap ng datos ay Focus Group Discussion na kung
saan apat o higit pang kalahok ang kapapanayamin dito na may magkakaparehong karanasan
na maaaring kapupulutan ng impormasyon tungkol sa ginagawang pananaliksik. Sumunod
naman ay ang Pagsasagawa ng Sarbey, dito ay pagpapasagot sa mga respondente ng
talatanungan kung saan ang kanilang tugon ay makakatulong sa iyong pag-aaral. Sa kabilang
banda, ang Imersyon naman ay isinasagawa sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa sarili
sa isang karanasan o pakikisalamuha sa isang grupo ng tao na pagkukuhaan ng tiyak na
kaalaman. Ang Pag-eeksperimento naman ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsubok ng
isang bagay bago sumulat ng akda o anumang pag-aaral. Sumunod naman ay ang
Obserbasyon, isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o
pangkat, pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa. At panghuli ay ang Internet
Website na kung saan ay tinatawag din na hanguang elektroniko. Ang mga web page Uniform
Resource Locators (URLs) nito na nagtatapos sa (.edu) ay nangangahulugang ito ay mula sa
institusyon ng edukasyon o akademiko, ang (.org) naman nangangahulugang mula sa isang
organisasyon, ang (.com) ay mula sa komersyo, at ang (.gov) naman ay nangangahulugang
mula ito sa institusyon o sangay ng pamahalaan. Napag-alaman ko rin na bukod sa mga
nabanggit ay may dalawang uri ng hanguan ng impormasyon o datos, ito ay ang hanguang
primarya o sekondarya. Ang Hanguang Primarya ay mga datos na nagmula sa tuwirang
pinanggalingan ng impormasyon tulad na lamang ng mga indibidwal o awtoridad, mga grupo o
organisasyon, mga kinagawiang kaugalian at orihinal na pampublikong kasulatan o dokumento.
Samantala, ang Hanguang Sekondarya naman ay mga datos na nagmula sa tao o
organisasyong hindi tuwirang pinanggalingan ng impormasyon at maaaring pinagpasahan
lamang ito ng impormasyon, ngunit hindi direktang nakasaksi o nakaranas ng pinag-aaralang
pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay tulad ng mga aklat na diksyunaryo, ensayklopedia,
taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas, mga nalathalang artikulo sa journal, magasin,
pahayagan at newsletter, mga tisis, disertasyon, at pag-aaral sa pisibility, nailathala man, ang
mga ito o hindi, at mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

2. Lubos kong naunawaan na ang tamang paggamit ng mga datos ay napakahalaga sa


pagsulat ng isang babasahin o teksto. Sa aralin na ito ay natutuhan ko na may pitong tamang
paggamit ng mga datos na nakalap at ito ay ang Pagpapakahulugan, Tuwirang Sipi, Sinopsis o
Lagom, Sintesis, Presi/Presis, Hawig o Paraphrase, at Abstrak. Ang Pagpapakahulugan ay
pagbibigay ng sariling interpretasyon at pag-unawa sa teksto matapos mabasa ang isang teksto
o tiyak na datos. Ang pagpapakahulugan sa mga bagay o teksto ay nakadepende sa tayog at
lalim ng pag-iisip ng isang tao. Bagama’t walang ganap o hustong pagpapakahulugan, ang
interpretasyon ng isang tao sa isang paksa ay makikita sa kanyang mga karanasan at mga
dating kaalaman o iyong tinatawag natin na prior knowledge. Maaaring ito ay
pagpapakahulugang literal, konseptwal, propesyonal, pragmatik, o matalinghaga. Ang Tuwirang
Sipi naman ay ang mga nabasang pahayag o sinabi ng isang tao. Dito ay sinisipi o kino-quote
ang mahahalagang pahayag ng mga personaheng nagkaroon ng malaking ambag sa
kani-kanilang larangan upang lalong mabigyan ng bigat at diin ang isinasagawang pag-aaral o
sulatin. May dalawang paraan sa pagsulat ng isang Direktang Sipi. Una ay ang sinisipi ang
buong pahayag at inilalagay sa ilalim ang pangalan ng nagsabi at ang pangalawa naman ay
ang ipinapasok ang pangalan ng nagsabi sa loob ng talata. Ang Sinopsis o Lagom naman ay
mula sa kumpletong datos ay sinusulat sa sariling pangungusap na mas pinaikli ngunit ang
diwang tinataglay ay nananatiling naroon. Sa madaling salita, makikita pa rin dito ang kabuuang
kaisipan o pananaw ng orihinal na tekstong binasa. Sumunod naman ay ang Sintesis, dito ay
mula sa mga sari-saring datos sa iba’t-ibang pinanggalingan na maaaring sa tao, libro at
pananaliksik, ito ay pagsasama-samahin upang mapagdugtong-dugtong na magiging resulta ng
pagbuo ng panibagong ideya o kaalaman. Ito rin ay pagsasaayos at pagdudugtong ng mga
magkakahiwalay na bahagi at ideya ng isang sulatin upang mabuo at maging ganap ang diwa.
Sa Presi o Presis naman ay paggawa ng pinakamaikling buod ng mahahalagang punto,
pahayag, ideya at impormasyon matapos mabasa ang buong nilalaman ng isang tiyak na datos.
Ang Hawig o Paraphrase naman ay ang pagpapahayag ng ibang ideya sa pamamagitan ng
sariling pananalita mula sa tiyak na datos. Ito ay may pagdaragdag at pagkakaltas na at
kinakailangan din dito ay makapagbigay pa rin ng sanggunian o reference. Panghuli naman ay
ang Abstrak, ito ay ang lagom ng isang pinal na papel o tesis. Bagama't hindi konkreto,
naglalaman pa rin ito ng introduksyon, suliranin, saklaw at limitasyon ng pag-aaral, metodo,
buod, konklusyon at rekomendasyon. Ang lahat ng nabanggit na ito ay ang mga natutuhan ko
sa aralin na "Paraan ng Pangangalap at Tamang Paggamit ng mga Datos".

You might also like