You are on page 1of 7

MODYUL 2

KONSTEKSTUWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
( KOMFIL )

IKALAWANG LINGGO
MARSO 3-4, 2021

RAMEL D. DESUYO
INSTRAKTOR
Aralin 2- Pagpoproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon

Pagpili ng Batis ( Sources ng Impormasyon)

Maituturing na komplikadong Gawain ang pagpili ng angkop na babasahin. Sa


mga Seminar-workshop ukol sa pagbasa, karaniwan ang pagpapalitan ng kuro
tungkol sa mga gamit na kraytirya sa pagpili ng artikulo. Ilan sa mga kraytirya
ay makikita sa kanilang talaan at ito’y isang magandang palatandaan para sa
mga magandang pagbuo ng pananaliksik. (Adriano,et al.,2008).

Sapagkat ang ng pananalikisik o anumang impormasyon na nais ipahayag o


ibahagi sa iba ay nangangailangan ng patotoo, nararapat lamang na wasto at
balido ang mga datos na kakailanganin.Mahalaga sa mga gawaing nabanggit
ang paghahanap ng tamang batis (sources) ng impormasyon. Ang
pananaliksik ,ay tapat at totoo na mga impormasyong sinususugan o
pinagtitibay na mga kasipan/impormasyong hinango/hinahango sa
bibliyograpiya.

Pagtiyak sa Batis ng Impormasyon

Sa pagpoproseso ng mga impormasyon para sa anumang gawaing


komunikasyon ,iminungkahi ni Salazar at Lim(2017) ang pagtiyak ng mga
angkop na batis ng impormasyon sa kontekstong Filipino. Narito ang tala.

 Pagtatanong sa mga kaanak,kapitbahay o mga opisyal ng barangay


hinggil sa mga suliranin ng pamayanan.
 Pagmamasid sa pamayanan na nakatuon sa mga gawi ng
tao ,kapaligiran/kalikasan.
 Pagdalaw sa mga munisipyo at paghingi ng pahintulot na masuri ang mga
opisyal na dokumento.
 Pagtatanong sa iba pang mga sector ng pamayanan.

Sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga aklatan at mga web site , mapupunan


ang pangangailangan sa presentasyon ng mga kaugnay na literature at pag-
aaral.Narito ang tala ng mga maaring gawing sanggunian.
Iba pang Sangguni

Ang Bibliyograpiya ay isang listahan ng mga ginamit na sanggunian sa


pagsasaliksik. Ito ay inihahanay ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod
batay sa apelyido ng awtor.(Abueg,et.al.,,2012)

Sa pamamagitan ng pagdalaw sa mga aklatan at mga web site , mapupunan


ang pangangailangan sa presentasyon ng mga kaugnay na literature at pag-
aaral.Narito ang tala ng mga maaring gawing sanggunian.

Iba pang Sangguniang

 Aklat , ensayklopidya,almanac at iba katulad na reperensya


 Artikulong inilathala sa mga dyornal , magasin,pahayagan at iba pang
publikasyon
 Manuskrito,monograp,talumpati at mga liham
 Konstitusyon at mga batas
 Buletin,sirkular at kautusan
 Pampubliko at pribadong record
 Papel mula sa mga panayam
 Opisyal na pampublikong ulat

Ilan sa mga halimbawa na maaring batis ay mga:

 Aklat
 Cassette tape
 Pahayagan
 Dokumento ng pamahalaan
 Artikulo
 Internet at entry
 Pananaliksik

Bukod sa mga nabanggit, mainam din na paghanguan ng impormasyon ang


mga papel na binasa o nilimbag sa mga kilalang lathalain o journal ng mga
unibersidad.
Ang University of the Philippines(U.P.) Diliman Journals Online ay libreng online
service na naglalaman ng mga journal sa U.P. Diliman. Kabilang na rito ang
Daluyan at Lagda.

Ang Daluyan: Journal ng Wikang Filipino ay isang refereed journal na


naglalathala ng dalawang beses kada taon. Ito ay monolingguwal s Filipino at
may layuning paunlarin ang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa wika,panitikan
at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso sa iba’t-ibang disiplina gamit
ang wikang Filipino.

Ang Lagda: Journal ng U.P. Departamento ng Flipino at Panitikan ng Plipinas


ay isang refereed journal na naglalathala ng dalawang beses kada taon ng
DFPP,Kolehiyo ng Arts at Literatura ,Unibersidad ng Pilipinas. Ito ay
monolinguwal sa Filipino;maaring maglathala sa rehiyonal na wika sa Pilipinas
ngunit may lakip na salin sa Pambansang wika. May layunin itong paunlarin
ang pag-aaral at pananaliksik tungkol sa wika ,panitikan,malikhaing pagsulat,at
kulturang Pilipino,at pagyamanin ang diskurso sa iba’t-ibang disiplina gamit ang
wikang Filipino at ibang wika sa Pilipinas.

Sa Ateneo , mayroon ding isang journal sa Filipino na tinatawag na Katipunan:


Journal ng mga pag-aaral sa Wika , Panitikan,Sining at Kulturang Pilipino. Ang
Katipunan ay nagpapakilala sa intelektuwalisasyon ng Filipino,hindi lamang
bilang wika,bagkus isang disiplina. Tunguhin ng journal na ito ang magkaroon
ng kritikal at analitikal na pagsusuri sa wika,panitikan at mga aralin sa Pilipinas
kabilang ang ilang disiplina(https://journals.ateneo.edu/ojs/katipunan).

Ang Daloy ay isang journal na pangwika at pampanitikan ng Departamento ng


mga Wika sa Pilipinas sa Pamantasang De La Salle na taunang nililimbag.

Ang Hasaan ay isang interdisiplinaryong refereed journal sa Filipino ng


Unibersidad ng Santo Tomas na taunang nililimbag.

Ang Layag ay opisyal na journal ng Departamento ng Sikolohiya ng


Pamantasan ng De La Salle. Matutunghayan sa journal na ito ang mga
artikulong nakasulat sa mga wikang Filipino at Ingles bilang pagtataguyod sa
patakarang bilingguwal sa paggamit ng wika.
Ang Malay ay isang refereed journal na multidisiplinaryo sa Filipino,nililimbag
dalawang beses sa ilalim ng pamamahala ng Kolehiyo ng Malalayang Sining,
para sa Pamantasang De La Salle.
Bilang journal na Multi-disiplinaryo,nagtatampok ang Malay ng mga
papel,riserts,at artikulong naglalahad ng mga kaisipan at kaalaman mula sa
iba’t-ibang disiplina.

Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon

Mahabang panahon ang iginugugol sa pananaliksik. Sa paghahanap ng


impormasyon sa mga paksang napili,tinitiyak ito kung nakasasapat ba sa
pangangailangan ng hinahanap sa pag-aaral . Gayundin , ang pagtatala at
organisasyon ng mga nabasang impormasyon sa pananaliksik.

Ayon kina Abesamis,et.al.,(2001),mahalaga ang pagtatala at pag-oorganisa


ng mga nakalap na datos sapagkat kung hindi, tiyak ang pabalik-balik sa
aklatan para lamang tiyakin kung tama ang pagkakasipi.

Ilan sa mga mabisang tip sa pagtatala ng impormasyon ay ang mga


sumusunod:
Sa halip na mga walang
1. Isulat ang lahat ng mga impormasyong iyong kinakailangan at sipiin ang
mga ito sa oras na Makita agad. Huwag maging ugali ang kapag nakakita
ng isang impormasyon ay lalagpasan ito at sasabihin sa sariling”babalikan
na lamang”.
2. Sumulat ng maayos upang mabasa.
3. Magdaglat kung kinakailangan upang makatipid sa oras ngunit tiyaking
mauunawaan ang mga ito sa muling pagbasa.
4. Tiyaking buo ang mga impormasyon upang hindi magkakaproblema sa
pagsulat ng mga talababa at bibliyograpiya.
5. Gawing eksakto ang mga impormasyon upang madaling makakuha ng
mga sipi o lagom na magagamit sa konklusyon.
6. Sinupin ang iyong mga impormasyon. Magpokus lamang sa mga
pangunahing ideya sa halip na mga walang kabuluhang detalye.
7. Organisahin ang mga tala upang hindi malayo sa balangkas.
Ayon naman kina Cancino,et. al.,(2012),may ilang pamantayan sa paghahanap
ng mga datos na kailangan sa pananaliksik.
1. Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa
pananaliksik.
2. Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga
kukuning sanggunian.
3. Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatutugon sa
paksang pag-aaralan.

Kasanayang Pagbabasa at Pananaliksik ng Impormasyon


Sa ibang pagbasa (tinukoy na ksingkahulugan ng pag-aaral ayon sa Webster Online Dictionary)ng
mga palaaral tulad nina SMITH at DECHANT ( Villamin et.al.,,2001), hinimay sa iba’t-ibang pagkilala
ang pagbasa bilang iba-iba ring proseso. Narito ang mga iyon na tinatapatan ng mga kaugnay na
konsepto ng pagbasa ayon sa iba’t-ibang paham at website tungkol sa larang na ito.

Konsepto ng Pagbasa Bilang Proseso Kaugnay na Konsepto/Kahulugan ng


Pagbasa
Ito ay proseso ng pagtugon sa wikang pasulat o Ang pagbasa ay pagtugon sa wika bilang
pasimbolo. pangkaisipang representasyon ng kahulugan o
kahalagahan niyon.(Free Online Dictionary,2009)
Ito ay proseso ng pagkilala at persepsyon. Ang pagbasa ay pagkilala at persepsyon na
ginagamitan ng mata bilang kabahagi ng pisikal
na pagproseso na sinusundan at tinutumbasan ng
mental na pagtugon(Villamin et.al.,2001)
Ito ay prosesong ginagamitan ng mga pandama. Ang pagbasa ay pagkilala sa titik gamit ng mata at
tainga,binabasa saka pinakikinggan(Plato).
Ito ay proseso ng pagsasakatuparan ng interes. Ang pagbasa ay pagsasakatuparan ng interes
upang makapaglibang at gawing kapaki-
pakinabang ang mga libreng oras(Smith at
Dechant sa Tejero,2004)
Ito ay proseso ng pag-unlad at kabahagi ng paglaki. Ang pagbasa ay kinabibilangan ng mga yugtong
kahandaan sa pagbasa (preschool),panimulang
pagbasa(unang baiting sa elementarya),mabilis na
paglaki (ikalawa hanggang ikaapat na baitang ) at
malawak na pagbasa(ikalima at ikaanim na
baitang sa elementarya,mga taon sa sekundarya
hanggang kolehiyo)(Badayos 1999/Tejero 2004)
Ito ay proseso ng pagkatuto. Sa preschool hanggang sa unang baitang sa
elementarya , ang yugto ay pagkatuto upang
makapagbasa. Samantala, sa ikalawang baitang
hanggang sa kolehiyo ,ang yugto ay pagbabasa
upang matuto.(Shelly Umans sa Villamin,et. al.,)
Ito ay prosesong ginagamitan ng mga kasangkapan Ang pagbsa ay kinabibilangan ng mga
sa pagkatuto. kasangkapan sa pagkatuto tulad ng aklat (bilang
pangunahin) at iba pang aklat sanggunian na
magbubunsod sa mga sumusunod na Gawain :
pagkilala at paggamit sa mga bahagi ng
aklat,paggamit ng diskyunaryo,paalpabetong pag-
aayos ng mga salita, paggamit ng Sistema ng
kalsipikasyon(Dewey Decimal o Library of
Congress)at kard katalog (kard ng awtor,pamagat
at paksa) sa mga silid-aklatan,pagbuo at
pagpapakahulugan ng mga grapikong
pantulong( grap,tsart,maps, diyagram at talaan)at
iba pang kaugnay na kasanayan sa pagbasa(Grace
Goddell sa Villamin et. al.,2001)

Ang mga inilahad sa itaas ay mga batayang kaalamang malaking tullong sa mga mag-aaral sa
pagsasakatuparan ng kritikal na pagbasa bilang tugon sa pangangailangan sa domeyn-akademiko.

You might also like