You are on page 1of 9

Laoag City, Ilocos Norte

Dito sa yunit 2 ay matatalakay natin ang apat na pagpoproseso ng


impormasyon tungo sa mabisang komunikasyon. Una pagpili ng batis o sors ng
impormasyon, pangalawa pagbasa at pananaliksik ng impormasyon, pangatlo
pagbubuod at pag-uugnay at ang panlima ay mga tiyak na sitwasyong pang-
komunikasyon.

Handa na
ba kayo?

A. Pagpili ng batis (sources) ng impormasyon

a. Primarya – Naglalaman ng mga impormasyon na galing mismo sa bagay o taong


pinag-uusapan sa kasaysayan.
Halimbawa rito ay mga aktwal na nangyayari na nakikita, naririnig at nahahawakan
mismo ng isang tao.

Kaya ang mga nagbabalita


ay hindi maaring
magkulang at lumabis ang
mga datos na nakakalap
mula sa mga nakaranas ng
ganitong pangyayari at
marami pang iba.

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 1 of 9
Laoag City, Ilocos Norte

Naririto rin ang ibang halimbawa


ng preliminaryong batis ng
impormasyon, mga orihinal na
dokumento

b. Sekundarya – Tinatawag na indirect source, na hindi ikaw mismo ang saksi para sa
isang sanggunian. Nakapaloob sa hanguang ito ang mga aklat na akademiko at
artikulo, rebyu, biograpiya at iba pang mga ginawang interpretasyon sa mga
hanguang primarya.

c. Elektroniko – mga hanguang ginagamitan ng internet.

Ito ang batis ng impormasyong madalas nang


ginagamit sa panahon ngayon. Sa isang pindot
lamang ay marami nang napapaabutan.

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 2 of 9
Laoag City, Ilocos Norte

B. Pagbasa

Be more, read more ang sabi sa adbertisement ng isang pahayagan.


Wika naman ni Lord Chesterfield, The man who reads is the man who leads. Bakit
kaya ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng dalawang quotation?

_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

Kung pakasusuriin, talino ang natatanging puhunan ng tao sa kanyang


pakikipagsapalaran sa buhay. Samakatwid, mahalagang mahasa ang talino ng bawat
tao para na rin sa kanyang sariling kabutihan at kaunlaran.

Ayon kay (Bernales, et al., 2001), mahalaga ang ginagampanang papel ng


pagbasa sa paghahasa ng talino at isipan. Kailangan ang masidhi at malawakang
pagbabasa na siyang makapagbubukas ng daan ng lahat ng karunungan at disiplina
tulad ng agham panlipunan, syensya, matematika, pilosopiya, sining at iba pa.

Ano nga ba ang pagbasa?


Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga
sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika
ng awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag (Austero, et al., 1999).
Ang pagbasa’y isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig,
pagsasalita at pagsulat (Bernales, et al., 2001).
Ayon kay Goodman (sa Badayos, 2000), ang pagbasa ay isang
psycholinguistic gessing game. Sa pagbabasa kasi, ang isang mambabasa ay bumubuo
muli ng kaisipan o mensahe hango sa tekstong kanyang binasa. Sa depinisyong ito ni
Goodman, binigyang diin ang mga kasanayan sa paghula, paghahaka, paghihinuha at
paggawa ng prediksyon sa pagpapakahulugan ng tekstong binasa.

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 3 of 9
Laoag City, Ilocos Norte

Proseso at Katangian ng Pagbasa

Applikasyon

Asimilasyon

Reaksyon

Komprehensyon

Persepsyon

Makakatulong kaya sa ating pagbasa ang mga hakbang na ito? Ating alamin!

Ang pagbasa ay isang gawing pangkaisipan at ang gawaing ito ay mailalarawan


bilang isang proseso. Ayon kay William Gray (Sa Bernales, et al., 2001), may apat na
hakbang sa pagbasa: (tingnan ang pigura sa itaas)
a. Persepsyon. Ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at
maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
b. Komprehensyon. Pagpoproseso ito ng mga impormasyon o kaisipang
ipnahahayag ng simbulong nakalimbag na binasa. Ang pagpoprosesong ito ay
nagaganap sa isipan. Ang pag-unawa sa tekstong binabasa ay nagaganap sa
hakbang na ito.
c. Reaksyon. Sa hakbang na ito, hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan,
kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong binasa.
d. Asimilasyon. Sa hakbang naming ito, isinasama at iniuugnay ang kaalamang
nabasa sa mga dati nang kaalaman at/o karanasan.
e. Applikasyon. Hakabang sa pagbasa na inilalapat sa aktuwal na buhay ang mga
nababasa.

Ang pagbasa ay isang proseso ng pag-iisip. Utak ang ginagamit sa pagbasa at


hindi ang mga mata na tagahatid lamang ng mga imahen o mensahe sa utak.
Sapagkat ang epektib na mambabasa ay isang interaktib na mambabasa, nakagagawa
ng interaksyon sa awtor, sa teksto at sa kanyang sarili mismo. Huwag hayaang
mahadlangan ang iyong pagbabasa sa mga iniisip dahil maaaring maging hadlang
ang pag-unawa, kahit pa nababasa ng isang tao ang isang teksto. Badayos (2000)

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 4 of 9
Laoag City, Ilocos Norte

May mga limang uri ng pagbasa na madalas ay ating ginagawa kapag tayo ay
nagbabasa.

1. Iskaning. Uri ng pagbasa na nagsasagawa ng paggalugad sa materyal na hawak tulad ng


pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at sub-titles. Hindi binibigyang pansin
ang mga mahahalagang salita rito. Ang pinagtutuunan lamang ay ang mga mahahalagnag
mensahe na makikita sa mga pahinang binabasa. Halimbawa nito ay pagtingin sa diyaryo
upang alamin kung nakapasa sa isang Board Examination.
2. Iskiming. Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang
ideya o impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o
paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa pangangailangan
tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
3. Previewing. Sa uring ito ng pagbasa, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o tsapter.
Sinusuri muna ang kabuuan, ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang ganitong
paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa.
Iba’t ibang bahagdan ng previewing.
a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at tsart, ito ay binibigyan
suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o talaan ng nilalaman.
4. Kaswal. Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa
habang may inaantay o pampalipas ng oras.

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 5 of 9
Laoag City, Ilocos Norte

C. Pananaliksik

Ano nga ba ang Pananaliksik?

Ito ang pagtuklas at pagsubok ng isang teorya upang lutasin ang problema o
hadlang sa buhay ng isang suliranin na ngangailangang bigyan ng solusyon.

Iba’t ibang katuturan ng pananaliksik

 Good, 1963 – Ito ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong pagtatanong ng


impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ayon sa kalikasan at kalalagyan
ng suliraning tinukoy tungo sa solusyon nito.
 Aquino, 1974 – Ito ay isang detalyadong kahulugan at isang sistematikong paghahanap
at pagsusuri sa mga importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa o
suliranin
 Manuel at Medel, 1976 – Ito ay isang proseso ng pangangalap ng impormasyon o datos
para masolusyonan ang isang karaniwang problema sa paraang siyentipiko.
 Parel, 1966 – Isa itong sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay na ang
layunin ay mabigyan ng sagot ang mga katanungan ng isang nagsusuri o nananaliksik.
 E. Trece at J. W. Trece, 1973 – Ito ay isang pagsubok para makakuha ng mga sagot ng
mga walang katiyakan. Ito rin ay isang pag-iipon ng impormasyon o datos sa isang
kontroladong kalagayan para mahulaan at makapaliwanag.
 Calderon at Gonzales, 1993 – Ayon sa kanmila, ito naman ay isang sistematiko at
siyentipikong pamamaraan ng pag-iipon, pagsusuri, paglilinaw, pag-aayos,
pagpaliwanag, at pagbigyang kahulugan nga isang datos o impormasyon na
nangangailangan ng solusyon sa problema. Ito rin ang palawakin sa mga limitadong
kaalaman at pagpakita ng pag-unlad sa buhay ng tao.
 Kerlinger, 1973 – Ayon naman sa kanya, ito ay isang sistematiko, kontrolado,
panigurado sa obsebasyon, at panunuri ng mga panukalang hypotetikal ukol sa
inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari.

Katangian ng pananaliksik

1. Ang pananaliksik ay sistematik. Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang


na dapat sundin tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa kung anumang layunin ng
pananaliksik.

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 6 of 9
Laoag City, Ilocos Norte

2. Ang pananaliksik ay kontrolado. Dapat ay hindi mabago ang mga baryabol na


sinusuri, lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik. Dahil anumang pagbabagong
magaganap dito ay makaaapekto sa buond pananaliksik.
3. Ang pananaliksik ay empirikal. Dapat ang mga pamamaraan at baryabol na gagamitin
sa pananaliksik, gayundin ang mga datos na makakalap, ay katanggap-tanggap. Hidni ito
dapat maging isang teorya lamang o kaya nama'y gawa-gawa lamang. Dapat ito ay
maging katotohanan na sasang-ayunan ng nakararami. Dapat ay may basehan na
karanasan o obserbasyon.
4. Ang pananaliksik ay mapanuri. Ang mga datos na nakalap sa pananaliksik ay dapat
suriin ng mabuti upang hindi magkamali sa pag-iinterpret ang mananaliksik. Madalas na
ginagamitan ng estadistika ang pagsusuri upang masabing analitikal ang pananaliksik.
5. Ang pananaliksik at obhetibo, lohikal at walang pagkiling. Anuman ang lumabas na
resulta sa pananaliksik ay hindi dapat mabago o mabahiran ng personal na saloobin ng
mananaliksik.
6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteytib o istatistikal na metodo.
Nakalahad sa numerikal na pamamaraan ang mga datos at ginagamitan ng istatistika
upang maging mas akyureyt ang resulta. Madalas na ginagamitan ng porsyento, ratio at
distribusyon ang paglalahad ng mga numerikal na datos.
7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. Ang isang pananaliksik ay naglalaman
ng mga datos na nakalap ng isang mananaliksik na nagmula mismo sa kanyang
paghahanap at pagtuklas dahil kailangan na ang mga datos ang galing sa praymari
sorses. Hindi ito galing sa pag-aaral ng ibang mananaliksik.
8. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali. Kailangang pagtiyagaan ang
bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang accuracy ng mga datos
na makakalap, pati na rin ang magiging resulta nito. Pinaglalaanan ito ng sapat na
panahon at ibayong pag-iingat dahil kung hindi ay hindi magiging matagumpay ang
pananaliksik at hindi magiging matibay ang mga resulta at kongklusyon.
9. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang. Dapat ay maging matapang ang
isang mananaliksik sapagkat hindi maiiwasan na makaranas siya ng di magagandang
bagay habang ginagawa ang kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding hindi
sumasang-ayon ang lipunan sa resulta ng pag-aaral, o kaya nama'y magkaroon ng hindi
pakakaunawaan sa pagitan ng mga mananaliksik.
10. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon.
Bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik ay dapat na maisagawa ng tama upang
maging tama rin ang resulta. Nararapat lamang na ang kongklusyon sa isang pag-aaral ay
may kaakibat na matibay na ebidensya upang sumuporta dito.

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 7 of 9
Laoag City, Ilocos Norte

Bakit kailangang taglayin ng isang mananaliksik ang mga sumusunod na


katangian?_________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Katangian ng mananaliksik

1. Masipag
2. Matiyaga
3. Maingat
4. Sistematik
5. Kritikal o mapanuri

Pananagutan ng mananaliksik

Kaugnay ng pananagutan ng katapatan ay ang isyu ng plagyarismo

Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap,


buod at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa, hindi kinikilala ang
pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil
inaangkin moa ng hindi iyo (Atienza, et al, 1996).

Sa pananaliksik ay may sinusunod na etika. Katulad ito ng anumang disiplina


na may istriktong code of ethics na ipinapatupad. Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na
napakalaking kasalanan ang plagyarismo.

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 8 of 9
Laoag City, Ilocos Norte

Bilang buod ng mga paliwanag, sa pagpoproseso ng


impormasyon ay nangangailangan ng sistematikong pangangalap ng
mga datos hinggil sa isang paksa. Sa una, siguruhing may mga sors o
batis kang magagamit upang nang sa gayon ay marami kang
maitatala pang datos. Ikalawa ay ang masusing pagbasa ng lahat ng
mga nakalap na impormasyon. Ikatlo ay ang pagsisiyasat ng mga ito
kung maari bang magamit ang mga nakalap o hindi sa pamamagitan
ng pananaliksik.

Kaya pansinin ang mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino gaya ng mga
naitala, Ano kaya ang madalas na usapan ng mga sangkot ditong tao? O di kaya, naranasan
niyo na bang dumalo sa mga ganitong gawain?

Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino


A. Tsismisan
B. Umpukan
C. Talakayan
D. Pagbabahay-bahay
E. Pulong-bayan
F. Komunikasyong Di Berbal (Kumpas at iba pa)
G. Mga Ekspresyong Lokal

FIL 101: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Page 9 of 9

You might also like