You are on page 1of 45

PANGANGALAP

NG
PAUNANG
IMPORMASYON
PANGANGALAP NG
PAUNANG IMPORMASYON AT
PAGBUO NA PAHAYAG NA
TESIS
ANG MAGBIBIGAY NG IDEYA SA
MANANALIKSIK KUNG BAKIT
KAILANGANG PAG-ARALAN ANG
NAPILING PAKSA AT GAGABAY SA
PAGPILI NG PAPANIGANG PANANAW
SA BUBUONG PAHAYAG NG TESIS.
MGA URI NG IBA’T IBANG
ESTRATEHIYA NG
PANGANGALAP NG
IMPORMASYON SA
PAGSUSULAT NITO
Sa pagsusulat ng anumang
babasahin, napakahalaga ang
pagkakaroon ng sapat na
kaalaman hinggil sa paksa o
isyung isusulat .
Narito ang ilang paraan o
estratehiya upang maging
maayos at hitik sa
impormasyon ang susulating
paksa.
Magagawa ito sa pamamagitan
ng pagkonsulta sa mga libro at iba
pang mga materyales
Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao
o pangkat, pangyayari, at mga
katangian na kaugnay ng paksa na
iyong gagawin.
Magagawa ito sa pamamagitan ng
pakikipagpanayam sa mga taong
malaki ang karanasan at awtoridad
sa paksang hinahanapan ng
impormasyon .
Magagawa ito sa pamamagitan
ng paglalatag ng mga
katanungang nais masagutan
hinggil sa paksa.
Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga mahalagang
pangyayari upang hindi makalimutan
ang paksa na iyong nabuo.
Magagawa ito sa pamamagitan ng
pangangalap ng opinyon at katwiran
ng ibang tao.
Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagpapasagot ng isang questionnaire
sa isang grupo ng mga respondent.
PAGPILI NG
MAPAGKAKATIWALAANG
MAPAGKUKUNAN NG
PAUNANG IMPORMASYON
 GOOGLE

libo-libong impormasyon ang lalabas


kaugnay nito subalit maging maingat sa
pagpili sapagkat hindi lahat ng mga
impormasyong mababasa mo ay tumpak,
beripikado, mabisa, at kompleto.
MGA DOMAIN NG HANGUANG ONLINE
Suriin ding mabuti ang mga
nagtatapos sa domain na ito dahil
minsa'y sa mga propaganda ng
pamahalaang nakapanig ang
nilalaman ng kanilang mga website.
maging mas maingat at mapanuri sa mga
website na nagtatapos sa domain extension ito
dahil kung may mahuhusay na pangkalahatan
impormasyon mang taglay ang ila sa mga ito,
ang iba'y hindi beripikado at madlas ay
nagsisilbing paraan lang para makapapakilala
ng mga produkto o serbisyon at makabenta
ang mga ito
Ang sites na ito ay ipinatatakbo
ng mga kolehiyo o unibersidad
omga nasa akademya.
Madalas,ang ganitong mga sites
ay ipinatatakbo ng ilang
negosyante ng imprastuktura ng
serbisyo tulad ng mga internet
providers.
Kadalasan,ipinatatakbo ang
sites na ito ng non-profit ng
grupo o organisasyon
Ang aklatan ng inyong paaralan ay
isa pang napakahalagang lugar na
maaari mong mapagkunan ng mga
impormasyon.
• almanac, atlas, encyclodpedia, mga pahayagan, journal,
magasin
• Gayunpama'y tignan rin ang taon kung kailan inilimbag
ang mga aklat na ito. Kung mahigit sampung taon nang
nalalathala ang mga aklat ay maaaring may mga mas bago
nang impormasyon o hindi napapanahon ang mga
impormasyong taglay nito.
• librabry database- Academic search premier o JSTOR
,atbp. Upang makabasa ng napapanahong teksto o
artikulong pang akademiko
MGA URI NG DATOS SA
PANANALIKSIK
Mayroong mga uri ng hanguan ng mga impormasyon
o datos ang isang papel-pananaliksik. Ang una ay ang
hanguang praymarya, kung saan ang datos o ideyang
kinalap ay nanggaling mismo sa direktang hanguan o
indibidwal, awtoridad o organisasyon(mapamahalaan
man o pribado).
Ang ikalawa ay ang sekundaryang hanguan kung saan
aytinutukoy ang mga hanguang aklat, artikulo, mga
naunang pag-aaral na tesis, disertasyon,pananaliksik,
mga manwal at iba pa.
Tandaan na ang hangang primarya at sekondarya ay
maaaring makuha sapamamagitan ng online o print.
May ilang hanguan na makikita lamang online subalit
may ilangprint na makikita na sa Web. Makakakita na
ng maraming hanguang nakalimbag sa silid-
aklatansubalit ilan sa mga ito ay online na rin. Sa
pangkalahatan, may apat na aspeto ang
dapatpagtuunan ng pansin sa pangangalap ng datos
ng isang mananaliksik tulad ng sumusunod:
1.General Reference Works (encyclopedia,
diksyunaryo at iba pang hawig nito)
2.Library catalog (para sa mga aklat)
3.Indexes at databases (para sa periodicals)
4.Search Engines and Subject Directories
(para sa mga materyales sa Web)
 Ang ikatlong hanguan ay ang online o hanguang elektroniko.
Tulad ng nabanggit na, angdatos/impormasyong makukuha sa
online ay maaaring maituring na primarya o
sekondarya,depende sa uri mismo ng material at sa
paggagamitan ng impormasyon. Sa silid-aklatan,maaaring
makaita ng ilang database tulad ng Pro-Quest central o
Academic Search premier depende sa silid-aklatan na maaring
ma-access online. hindi maipagkakaila na Malaki
angmaitutulong ng pananaliksik online sa lalong pagpapabilis
ng mga gawaing pananaliksik. Angmga sumusunod ay dapat
bigyang pansin ng mga mananaliksik sa mga online na aspeto:
 1.com (komersyal) - ang sites na ito ay ipinatatakbo ng mga
mangangalakal.
 2.edu (edukasyonal) - ang sites na ito ay ipinatatakbo ng mga
kolehiyo o unibersidado mga nasa akademya.
 3 .gov (gobyerno) - ang ganitong sites ay ipinatatakbo ng mga
sangay ng gobyerno.
 4.net (network) - madalas, ang ganitng mga sites ay
ipinatatakbo ng ilang negosyanteng imprastuktura na serbisyo
tulad ng mga internet providers.
 5.org (organisasyon) - kadalasan, ipinatatakbo ang sites na ito
ng non-profit na grupo o organisasyo
Dito, makakakuha ang mananaliksik ng mga
dokumento sa gobyerno, archives, onlinena
balita at bersyon ng publikasyon na nasa
online, mga sulating nalimbag at mga
databasesna inilalaan ng ilang pribadong
grupo at iba pa.
1.Dapat ang impormasyong makukuha ay
naipaliwanag nang maigi at nasuportahanng mga
ideya.
2.Ang impormasyon sa website ay hindi naa-access at
nae-edit ng kung sino lamang.
3.isaalang-alang ang kredensyal ng sumulat/website
at kung wala bang pagkiling saideya.
 Ang mga datos, tulad ng mga naunang nabanggit na, ay
maaaring manggaling sahanguang praymarya, sekondarya at
maging sa hanguang elektroniko. Ang sarbey napamamaraan
ng pangangalap ng datos ay ang pinakamadalas na
paghanguan ng datos ngmga mananaliksik. Ang mga sarbey
ay maaaring maituring na hanguang praymarya kung ito
ayaktwal na isinagawa ng mga mananaliksik at magiging
sekondarya naman ito kung ito ayginawa ng mga naunang
pananaliksik at gagamitin na lamang bilang batayan.
Mayroong iba’t ibang pamamaraan ng pagsasagawa ng
sarbey, at ilan na dito ang pag-iinterbyu, sensus,questionnaire
at iba pa.
 Isang uri ng pangangalap ng datos sa pamamagitan
ng kumbersasyon o ngpagtatanong ng ilang mga
punto na nauukol sa paksa ng pananaliksik. Madalas,
ang ganitongpamamaraan ay mas matatagpuan sa
kwalitatibong pananaliksik na pamanahong-papel.
Ang isang sarbey ay isang tiyak na mga katanungan
namaaaring maisagawa sa pamamagitan ng isang
papel at panulat, ng isang web o sapamamagitan ng
isang interbyu na may sinusunod na iskrip.
Naglalahad ng pangunahing o sentral na ideya ng
sulating pananaliksik
Matibay na pahayag na paglalahad ng pinapanigang
posisyon o pananaw tungkol sa paksa na handang
patunayan ng mananaliksik sa pamamagitan ng
pangangalap ng mga datos at ebidensya
Dito malalaman kung tungkol saan ang sulatin
Nagbibigay direksyon sa mananaliksik
1.Mahalagang magsimulasa paunang pangangalap ng
impormasyon o datos
.2.Basahin at suriing mabutiang mga nakalap upang
makita ang kaugnayan ng bawat isa ang iyong paksa.
3.Mula dito ay magkakaroon ng ideya kung sapat na ang
impormasyong nakalap at maaaari nang makabuo ng
isang mahusay na pahayagng tesis o kung kailanagan pa
magsaliksik upang higit itong mapagtibay.
4.Kung sapat na ay buuin na ang tesis batay sa
ebidensyang nakalap.
Nakasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
Nakapokus bai to sa isang ideya lamang?
Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan
nito sa pamamagitan ng pananaliksik?
 Ayon kay Samuels (2004) ay maaari itong isagawa sa alinmang
mga paraan.

• Isulat sa pamamagitan ng isang suliraninat isama rito ang iyong


opinion o posisyon.
• Talakayin ang kasalaukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at
manghinuha kung paano ito malulutas.
• Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
• Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perspektibo o
pananaw.o Magpanukala kung paano ang mundo sana ay naiiba
ngayon kung nangyari/ hindi nangyari ang mga bagay-bagay sa
nakalipas.
• Pagkumparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan
ito ng marka.
• Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensyahan ang
isang paksa kaya ito nagging ganito o ganoon
( Hal. Musika, sining, politika)
MGA HALIMBAWA NG PAKSA AT
PAHAYAG NA TESIS NA NABUO
PAKSA: PANGUNAHING DAHILAN KUNG
BAKIT TINATANGKILIK ANG ISANG
AWITING ISINALIN SA IBANG
LENGGUWAHE

TESIS :Bukod sa himig at ritmo,tinatangkilik


ang isinaling awit kung naisalin ang ideya
ng orihinal na awit nang hindi hinahabol o
isiniksik ang titik ng pinagsalinang
lengguwage sa tono ng orihinal na awit .
• PAKSA : PAGIGING POPULAR SA MGA
MANONOOD NG MGA LOVETEAM SA
TELEBISYON AT PELIKULA

• TESIS: Isinasabuhay ng mga loveteam


ang romantikong pantasya ng mga
manonood ng telebisyon at pelikula
kaya suportado o tinatangkilik nila
ito.
• PAKSA: MAS PINIPILI NG MGA
TAO ANG MGA KAPIHAN
BILANG LUGAR PARA SA
SOCIALIZATION KUMPARA SA
MGA FASTFOOD OUTLETS
,RESTORAN AT KARINDERYA.
TESIS:
Kasabay ng kanilang pagsikat ang mga
kapihan ay nakapagproject ng imahe sa
lipunan sa tulong ng media bilang lugar
kung saan nagkikita-kita o nakikipagkilala
ang mga taong sinusuportahan naman ng
arkitektura , internal na disenyo, at
pagtawag sa pangalan ng kostumer na
bumili kaya siya nakikilala ng iba pang
mga konstumer sa loob ng kapihan.

You might also like