You are on page 1of 15

Sample Footer Text

Pangangalap ng
Paunang Impormasyon
at Pagbuo ng Pahayag
na Tesis
ARALIN 2

1/16/2024
1
PANGANGALAP NG PAUNANG
IMPORMASYON

• Kasunod na hakbang sa pagpili ng paksa ay ang


pahayag na tesis o thesis statement.
• Para makabuo ng isang mahusay na pahayag ng
tesis, ito ay nangangailangan muna ng mga
paunang impormasyon o mga kaalaman tungkol
sa napiling paksa.
Pagpili ng mapagkakatiwalaang
mapagkukunan ng paunang
impormasyon
Kung sa internet Kung sa Internet kamaghahanap at
nag-type sa search engine tulad ng Google ng mga salita
o pariralangkaugnay ng inyong paksa, tiyak na libo-
libong impormasyon ang lalabas kaugnay nitosubalit
maging maingat ka sa pagpili sapagkat hindi
lahat ng mga impormasyongmababasa mo ay
tumpak, beripikado, mabisa, at kompleto.
May mga web site na maituturing na higit
na mapagkakatiwalaan kaysa sa iba tulad ng
may domain namesystem na nagtatapos sa
.edu (educational institution)
.gov (government)
.org(nonprofit organization).
• Sa lahat ng mga posibleng mapagkukunan,
ang silid-aklatan pa rin ang napakahalagang
lugar sa inyong paaralan ang mapagkunan ng
mga impormasyon sa gagawing pananaliksik.
Maraming maging sanggunian gaya ng aklat,
almanac, atlas, at encyclopedia, gayundin ng
pahayagan, journal, at magasin.
Tanong:
1. Bakit mahalagang tiyakin ng isang mananaliksik na
mapagkakatiwalaan ang mga pinagkukunan ng
impormasyon?
2. Ano-anong mga bagay ang dapat isaisip ng isang
mananaliksik kapag nangangalap ng impormasyon sa
Internet?
3. Bakit iminumungkahi ang paggamit sa mga
sangguniang matatagpuan sa silid-aklatan?
Mga uri ng datos
• Angpananaliksik ay may iba’t ibang uri. Ang
bawat uri ng pananaliksik ay may kanya-
kanyang layunin na nais makamit at
nangangailangan ng angkop na datos. Ang
mananaliksik ay nangangailangan ng tamang
metodo sa pagkalap ng mga datos.
1. Datos ng kalidad o qualitative
data
• Ito ang mga datos na nagsasalaysay o naglalarawan o
pareho. Halimbawa ngqualitative data ay ang kulay,
tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari at sasagot
satanong na paano at bakit. Maging ang mga sagot sa mga
tanong na ano, sino, kalian, at saan ay maaari ding
ikonsiderang datos ng kalidad depende sa tanong
at/o ng
• respondents.
Datos ng kailanan o quantitative
data

• Itoang pananaliksik na nangangailangan ng datos na


numerikal na ginagamitanng mga operasyong
matematikal. Tumutukoy ang mga ito sa dami o bilang
ng mga dingang mga bagay o sagot ng mga sinarbey o
ininterbyung mga reposndent. Maaari ding ang mga
datos na ito ay tumutukoy sa mga katangiang
nabibilang o nasusukat.
Ang pahayag na tesis o thesis
statement
• .Isa itong matibay na pahayag na nagpapakita sa
pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik na handa
niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng datos
at impormasyon.
• Ito rin ay nagbibigay batid sa mga mambabasa kung tungkol
saan ang sulating pananaliksik at nagbibigay direksyong sa
paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa paksang pinag-
aralan.
Pagbuo ng mahusay na pahayag na
tesis

• Ang pangangalap ng paunang impormasyon ay


mahalaga sa pagbuo ng mahusay na pahayag ng
tesis. Dapat suriing mabuti ang mga
impormasyon na nakalap at kung sapat na ang
mga ebidensiyang nakuha ay maaari ng makabuo
ng isang mahusay na pahayag ng tesis.
Ayon kay Dayag at del Rosario (2016), maaaring masubok kung mahusay
o matibay ang nabuong pahayag ng tesis sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod:

• Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?


• Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
• Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
• Maaari bang patunayan ang posisyong
pinaninindigan nito sa pamamagitan ng
pananaliksik?
Mga Paraan ng Paglalahad sa
Pahayag ng Tesis
• Ayon kay Samuels (2004), maaari itong isagawa sa alinman sa sumusunod na
mga paraan:

1. Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o


posisyon.
2. Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at
maghinuha kung paano ito maaaring malutas.
3. Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
4. Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perkspektibo o pananaw.
5. Magpanukala kung paanong ang mundo sana
ay naiiba ngayon kung nangyari/hindi nangyari
ang mga bagay-bagay sa nakalipas.
6. Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos
magkapareho at bigyan ang mga ito ng marka.
7. Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong
naimpluwensiyahan ang isang paksa kaya ito
naging ganito o ganoon.
Halimbawa:
PAKSA: Pagpapatupad ng Bangsamoro Basic Law (BBL)
Pahayag na Tesis:
1. Hindi matutugunan ng BBL ang mga suliranin sa Mindanao
nagkus ay maaaring dahilan pa ito ng pananamantala at
pangungurakot ng mga mamumuno rito.
2. Ang pagpapatupad ng BBL ang sagot sa pagkakamit ng
kapayapaan sa ARMM dahil matutugunan nito ang
pagpupunyagi ng mga mamamayang Bangsamoro para sa
kanilang Karapatan sa sariling pagpapasya (Self-determination)

You might also like