You are on page 1of 21

MODYUL 3

REBYU SA MGA BATAYANG KASANAYAN


SA PANANALIKSIK
Ang sino mag-aaral na nagtapos ng Senior High School ay inaasahang maalam na
sa pananaliksik pagdating sa kolehiyo. Hindi na dapat banyaga sa kanya ang
konsepto ng pananaliksik at ang mga kasanayang kailangan sa matagumpay na
pagsagawa nito. Sa nasabing antas ng pag-aaral (SHS), hindi iisa kundi ilan ang mga
asignatura tungkol sa research o pananaliksik katulad ng Practical Research 1
(Qualitative Research), Practical Research 2 (Quantitative Research), Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik at Reasearch or Capstone
Project liban pa sa mga asignaturang tumatalakay sa akademikong pagbasa tulad
ng Filipino sa Larangang Akademiko, English for Academic and Professional
Purposes at iba pa. Kaya nga sa modyul na ito ng pag-aaral, balik-aral o rebyu na
lamang ang gagawin tungkol sa mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
A. PANGANGALAP NG
IMPORMASYON O
SANGGUNIAN
Ano ang hahanapin ko? (X)

Saan ako maghahanap? (√)


Ano’ng web site ang
kailangang kung tingnan?
Maghanap ng impormasyon
sa Internet gamit ang
kanilang search engine.
Ang ganoong gawain ay makatutulong lamang kung
naniniwala kang ang kailangan mo lamang gawin ay maghanap
ng impormasyon upang mapunan ang mga pahina ng papel.
Ngunit hindi ganoon ang konsepto ng pananaliksik. Mas
makabubuting isiping ang layunin ng pananaliksik ay
makahanap ng mga paktwal na impormasyong magagamit
bilang ebidensyang susuporta sa iyong mga hinuha, na
kalaunan ay makasasagot sa iyong mga tiyak na tanong.
Magsimula sa…
Ano?
MGA ABEYLABOL NA IMPORMASYON BATAY SA
SUMUSUNOD NA SALIK AYON KAY TURABIAN (2010):

1. Akmang uri ng impormasyon:


primarya, sekondarya, o tersyarya.
2. Sapat na dami ng impormasyon.
Inaasahan ang mga akademikong
mananaliksik na makapanga- ngalap ng
sapat, hindi man lahat na abeylabol na
impormasyon.
Halimbawa :
Ang isang mananaliksik sa bisnes ay
inaasahang makapag-iinterbyu hindi ng
isa lamang kostumer, kundi ilan sa mga
pinakamahahalagang kostumer.
Totoong ang mga estudyante ay hindi naman mga
propesyonal na mananaliksik kaya hindi maaaring
gamitin ang propesyonal na standard sa mga estudyante.
Totoong hindi sapat ang oras at resorses ng mga estudyante sa
pangangalap ng mga impormasyon. Kakaunti ring estudyante
ang may akses sa mga aklatang may mataas na kalidad. Kung
gayon, kailangang malaman ng guro ang mga panuntunang
pang-estudyante kaugnay ng kasapatan ng datos.
B. PAGPILI NG BATIS NG
IMPORMASYON O
SANGGUNIAN
1. HANGUANG PRIMARYA
Ang mga hanguang ito ang pinagmumulan ng mga raw
data, ‘ika nga, upang masulit ang haypotesis at
masuportahan ang mga haka. Sa kasaysayan, halimbawa,
kinapapalooban ito ng mga dokumento mula sa panahon o
taong pinapaksa, mga bagay-bagay, mapa, maging kasuotan.
2. HANGUANG SEKONDARYA.
Ang mga hanguang sekondarya ay mga ulat
pampananaliksik na gumamit ng mga datos mula sa
mga hanguang primarya upang malutas ang mga
suliraning pananaliksik. Sinulat ang mga ito para sa
mga iskolar at/o propesyonal na mambabasa.
3. HANGUANG TERSYARYA .

Kinapapalooban ito ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-


uulat tungkol sa mga naunang hanguan para sa pangkalahatang
mambabasa. Ang mga aklat at artikulo sa ensayklopidya at mga
publikasyon para sa sirkulasyong pangmasa ay nabibilang sa
kategoryang ito. Sa mga unang yugto ng pananaliksik maaaring
gamitin ang mga hanguang ito upang maging pamilyar sa paksa.
4. HANGUANG ELEKTRONIKO
Dati-rati hindi nagtitiwala ang mga mananaliksik sa ano mang datos na
matatagpuan sa Internet. Hindi na ito totoo ngayon. Ang mga mananaliksik
ay umaasa na ngayon sa Internet upang maakses ang mga hanguang pang-
aklatan, mga ulat ng pamahalaan at iba pang database, mga tekstong
primarya mula sa reputableng tagapaglathala, , pahayagan , maging mga
iskolarling dyornal na abeylabol online. Ang mga datos na ito ay magagamit
at mapagkakatiwalaan katulad ng kanilang mga nakalimbag na counterpart.
.
C PAGTATALA NG IMPORMASYON O DATOS:
TUWIRANG SIPI, BUOD, PRESI, HAWIG, SALIN
AT SINTESIS
TUWIRANG SIPI

• Ito ang pagkuha ng eksaktong sinasabi ng awtor o ng


taong pinagkukunan ng impormasyon.
• Kadalasan itong ginagawa kung nakatuon na sa
pangunahing punto ng ideya ang isang pangungusap o
talata.
2. BUOD, PRESI AT HAWIG.
Ang buod o synopsis ay isang uri na pinaikling bersyon
ng isang panulat. Taglay nito ang mga pangunahing ideya
ng panulat nang may bahagyang pagdedetalye upang
mabigyan ng pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa
tinatalakay na paksa. 2. Buod, Presi at Hawig.
Ang presi ay galing sa salitang Frances na ang ibig sabihin ay pruned
o cut-down statement. Ibig sabihin , ito ay isang tiyak na paglalahad
ng mga mahahalagang ideya ng isang mahabang prosa o berso, gamit
ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga ideya ng akda sa
paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o
tono, at punto de bista ng orihinal na akda, sa pinakamaikling paraan.

You might also like