You are on page 1of 7

1

Pangalan Pangkat Iskor


Gen. Ed. 11 - FILDIS Mdm. Christine
Asignatura Guro Panon
Petsa
Drawing out
Uri ng Gawain: Konsepto Isahan Formative  Iba pa:
the best  Laboratoryo  Pangkatan  Summative
in you!

Modyul 4

Aralin/Paksa: Rebyu sa mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik


Layunin: 1. Nabalik-aralan ang kaalaman sa pagsasagawa ng isang pananaliksik;
2. Nakapagbasa at naibuod ang mga impormasyon, estadistika, datos at iba pa, mula sa isang baba-
sahing nakasulat sa Filipino; at
3. Nakapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong
midyang akma sa kontekstong Pilipino.
Sanggunian: San Juan, D. M. et al., (2019).Sangandaan: Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. ).Malabon
City, Philippines.Mutya Publishing House, Inc.

PAGGANYAK (TO ENGAGE)


Punan ang BUBBLE CHART na nasa ibaba ng iyong dating kaalaman tungkol sa pagsulat.

PANANALIKSIK

PAGTUTUKLAS (TO EXPLORE)


MAG-UMPISA TÁYO SA salitang RESEARCH. Napakahalagang salitâ. Sa Oxford Concise
Dictionary (2006), sinasabing isa itong “investigation into and study of materials and sources in order to
establish facts and reach new conclusions.”
Mahalaga sa naturang depinisyon ang panlaping re- na ngangahulugang “muli,” bagaman kung
mula daw sa lumang salitang Pranses, ito ay nagpapahayag ito ng “matinding puwersa.”
Ang ibig sabihin, ang isinasagawang imbestigasyon at pag-aaral ng mga materyales ay isang
paraan ng “muling paghahanap,” ngunit kung ilalahok ang gamit ng mga Pranses, isa itong “matinding
muling
paghahanap.”
Ano naman kaya ang hinahanap?
Ang sinomang “researcher o mananaliksik” ay naghahanap ng “mga katunayan” (facts).
Dagdag pa, mula sa Oxford, na ito ay paghahanap din ng “bagong mga kongklusyon” (new
conclusions).
Prepared by:
Christine Mae A. Panon
Gen. Ed. 11—FILDIS Instructor
2
Ginamit namang nilang katumbas ng salitang Ingles ang research na ang salitang “saliksik” o
“pananaliksik.” Ito ay isang katutubo at sinaunang salita ang saliksik. Ito ay nangangahulagang buscar
por todos los rincones (“hanapin sa lahat ng sulok”) na mababasa natin sa aklat na Vocabulario nina
Noceda at Sanlucar kung saan nakalimbag ang pagpapakahulugan ng naturang salita.
May tindi at sigasig ang paghahanap dahil kailangang gawin ito sa “lahat ng sulok.” Kailangang
sa kahit saan at sa kaliit-liitang bahagi ng pook na ginalugad sa paghahanap ng kasagutan sa mga
katanungan

Prepared by:
Christine Mae A. Panon
Gen. Ed. 11—FILDIS Instructor
o suliranin. Taglay rin nito ang pahiwatig ng paulit-ulit na paghahanap upang makatiyak na walang
puwang na nakaligtaang impormasyon.
Ang masigasig mong pagsasagawa ng isang pananaliksik ay may kabuluhang patutunguhan. Ang
pangwakas nitong tungkulin—ang KARUNUNGAN. Ang isinasaad na “katunayan” at “bagong
kongklusyon” sa depinisyon ng research ay kapwa nauukol sa pagtatamo ng KARUNUNGAN—ang
karunungang (1) nakabatay sa mataimtim na pagsusuri ng mga ebidensiya, at ang karunungang (2)
makapagsusulong sa estado ng kaalaman at makapagbibigay ng higit na matatag na direksiyon sa
pananaw at pamumuhay ng tao.
Samakatuwid, PANANALIKSIK ang pangkalahatang tawag sa mga kaparaanang tumutukoy sa
proseso ng pagsagot ng mga makabuluhang tanong na maaaring humantong sa pagkakatuklas ng
bagong kaalaman sa lahat ng bagay, mula sa ating materyal na realidad hanggang sa mga pilosopikong
tanong tungkol sa ating pag-iral.

PAGPAPALIWANAG (TO EXPLAIN)


Ang PAGPILI NG PAKSA ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa
ay ang pangunahing ideya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng ating
pamanahong papel/term paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay nating
datos. Mahalagang pag-planuhan nating mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o saliksikin. Sa
pagpili ng paksa mahalaga ding makapagbigay tayo ng ating gagawing pamagat kung saan dito na
papasok ang mga saklaw at limitasyon ng ating gagawing pag-aaral. Sa pagpili ng paksa may mga dapat
isaalang-alang upang maisakatupatan ng maayos ang gagawing pananaliksik at ito ay mababasa natin sa
baba:

I. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa


1. Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili mong
paksa. Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa
mga detalye sa gagawing pag-aaral.
2. Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung
hanggang kailan lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang
gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya nangangailan ngahabang panahon para
maisakatuparan.
3. Kakayahang pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang
pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral,
maaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong
malaki ang mailalabas na pera.
4. Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip
dapat ito ay makakatulong din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.
5. Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay
gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong
paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo ng komportable ang iyong pag-
aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.
II. Mga Hanguan ng Paksa
Ngayong alam mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili, pwede ka nang humanap ng
mga paksang iyong sasaliksikin. Ngunit saan nga ba magandang kumuha ng paksa? Narito ang
ilan na pwede mong pagkunan:

1. Sarili – Maari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaring ang maging paksa
natin ay batay mismo sa ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging sa ating mga kaalaman
na natutunan. Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang lulong sa computer games, maari mo itong
gawing paksa sa iyong pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong kondisyon o magkaroon pa
ng impromasyon ukol sa paksang ito.
2. Dyaryo at Magazine – Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang mga napapanahong
isyu sa loob at labas ng bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin nating paksa.
3. Radyo at TV – Katulad sa dyaryo at magazine, natatampok din sa mga programa ng telebisyon at
radyo ang mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Dito, maari din tayong makakuha ng mga
ediya na pwede nating gawing paksa sa gagawing pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa
isport, edukasyon at maging sa mga balita. Halimbawa ng isyung napapanahon na napapanood
natin sa T.V at napapakinggan natin sa radyo ay tungkol DROGA, DENGVAXIA, POLITIKA at
TRAIN Law.
4. Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan – Sa pagtatanong sa kanila, maari tayong magkaroon at
makabuo ng ediya batay sa mga impormasyong ibibigay nila patungkol sa gagawin nating
pananaliksik.
5. Internet – Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas mabilis na ang ating pangangalap ng
impormasyon. Sa pamamagitan ng pag browse sa internet, makakakalap tayo ng mga ediya na
pwede nating gawing paksa. Maari tayong makakuha ng paksa sa mga social media websites tulad
ng Facebook, sa pagse-search sa Search Engines tulad ng Google, at sa mga online web articles na
ating nababasa.
6. Aklatan – Pwede din tayong humango ng ating paksa mula sa Aklatan. Magandang kumuha ng
paksa sa aklatan kung ang nais nating maging pangunahing ediya ay may kaugnayan sa
Edukasyon at Akademya.

III. Paglilimita ng Paksa


Nakapili ka na ba ng paksa? Kung oo, lilimitahan naman natin ito para hindi maging
masyadong malawak ang ating pag-aaralan.
Paano nga ba natin lilimitahan ang ating paksa at paano tayo makakagawa ng epektibong
pamagat sa ating pananaliksik?
1. Paglilimita ng Paksa – Sa paglilimita ng paksa, maaari na tayong magkaroon ng tiyak na Pamagat
kung saan dito lamang iikot sa pamagat na ito ang ating gagawing pananaliksik. Narito ang ating
pwedeng pagbatayan sa pag lilimita ng ating paksa: HALIMBAWANG PAKSA: Droga => Epekto ng
Droga
2. Paglilimita ng Panahon – sa paglilimita ng panahon, pipili tayo ng taon kung hanggang saan
lamang ang sakop ng ating pag-aaralan. NALIMITANG PAKSA: Epekto ng droga noong taong 2017-
2018
3. Kasarian – Lalaki o Babae ang target na respondente ng iyong gagawing pag-aaral. NALIMITANG
PAKSA: Epekto ng droga sa kalalakihang nagamit nito
4. Edad – Edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral. NALIMITANG PAKSA: Epekto ng Droga sa mga
kabataang may edad na 15-18.
5. Uri o Anyo
NALIMITANG PAKSA: Epekto ng droga sa kalusugan
6. Lugar – Saan isasagawa ang pananaliksik. NALIMITANG PAKSA: Epekto ng Droga sa Universty of
Example, Manila
7. Pangkat o Grupo.
NALIMITANG PAKSA: Epekto ng Droga sa mga mag-aaral
8. Partikular na halimbawa o kaso.
NALIMITANG PAKSA: Epekto ng Droga sa mga estdyanteng nagsisimula pa lamang gumamit nito
9. Kombinasyon – Para mas maging tiyak o partikular ang ating paksa, maari pa nating pagsama
samahin ang mga batayan.
HALIMBAWA:
a. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng University of Example, Manila sa taong 2017-2018
b. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga mag-aaral ng UOE, Manila sa taong 2017-2018
Mapapansin mo sa nalimitahan mong paksa, may nabubuo ka nang Pamagat!

IV. Pagdidesenyo at Paggagawa ng Epektibong Pamagat para sa Pananaliksik


Sa paggawa at pagdisenyo ng pamagat ng pananaliksik, dapat ito ay maging malinaw,
madaling maintindihan, tuwiran at maging tiyak. Sa bilang ng mga salita, dapat ay hindi bababa sa
sampu (10) ngunit hindi tataas sa dalwampu (20). Mas magandang sumasagot sa tanong na
“Saan”, “Kanino”, “Kailan”, at “Papaano” ang gagawing pamagat para sa pananaliksik .
Sa Tanong na “paano”, pwedeng gamitin ang mga salitang “Isang Pag-aaral”, “Isang
Pananaliksik”, “Isang Pagsusuri” “Paghahambing na pagsusuri” at iba pang salita na
maiihalintulad dito.
Nahihirapan pa rin? Narito ang ilan sa halimbawa ng mga napapanahong paksa at pamagat
Pakipalitan na lamang ng salitang nasa loob ng [brackets].
HALIMBAWA NG WASTONG PAGPILI NG PAKSA
Narito ang mga halimbawa ng mga paksang pwede mong pagbasehan sa pagpili ng
wastong paksa. Ang mga sumusunod ay hinango sa mga napapanahong isyu na dapat mabigyan ng
atensyon. PAKSA: Droga
Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga taong gumagamit nito sa [lugar] sa taong
[2017-2018]: Isang pag-aaral

PAGPAPALAWAK (TO ELABORATE- to extend, connect, rationalize, and apply)

Apat Bahagi ng Pananaliksik


1. ang pagbuo ng makabuluhang tanong;
2. ang paghanap ng mga pamamaraan upang masagot ang tanong;
3. ang pagsusuri ng nalikom na datos batay sa idinisenyong pamamaraan; at
4. ang pagharap ng kasagutan sa orihinal na tanong sa madla.

Layunin ng Pananaliksik
Ayon kina Calderon at Gonzales (1993) ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tiyak na
layunin ng pananaliksik:
1. upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena;
2. upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na
metodo at impormasyon;
3. mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto;
4. makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements;
5. makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba
pang larangan;
6. ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik; at
7. mapalawak o maberpika ang mga umiiral na kaalaman.

Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik


Mula pa lamang sa mga depinisyong inilahad na sa unang bahagi ng leksyon ito ay mahahango na
natin ang mga sumusunod na katangian ng mabuting pananaliksik na binigyan ng sapat na
pagpapaliwanag sa mga kasunod na talataan:
1. Ang pananaliksik ay sistematik—may sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga
hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa
pananaliksik.
2. Ang pananaliksik ay kontrolado—lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang
mapanatiling konstant. Sa madaling salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang
pagbabagong magaganap sa asignatura sa pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na
baryabol. Ito ay kailangan lalong-lalo na sa mga eksperimental na pananaliksik.
3. Ang pananaliksik ay empirikal—kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang
ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. HALIMBAWA, kapag sinabi ng isang
tao na mayroong limang tao sa loob ng silid, magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag
naobserbahan na at na-verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon. Samakatuwid,
ang bilang ng tao ay isang datos na empirikal. Ngunit kapag sinabing may limang multo sa loob ng
isang silid, maaaring sang-ayunan iyon ng isa o dalawa. Ibig sabihin, ang iba ay maaaring tumutol
at sabihing wala namang multo o kaya’y hindi naman lima ang multo kundi ibang bilang. Ito ay sa
kadahilanang ang mga multo ay halimbawa ng mga di-empirikal na datos.
4. Ang pananaliksik ay mapunuri—sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay kailangang
suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa
mga datos na kanyang nakalap. Kadalasan pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga
nabalideyt nang pamamaraang pang-estadistika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal
ang pananaliksik.
5. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwatiteytib o istatistikal na metodo —ang mga datos
ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri ang kanilang pamamagitan ng istatistikal
na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan. HALIMBAWA, ang pagsasaad ng
siyamnapung bahagdan (porsyento), isa sa sampung mag-aaral (ratio) at limang tanong bawat
respontente (distribusyon) ay ilang mga halimbawa ng kwantiteytib na datos, kumpara sa mga
pahayag na tulad ng marami, ilan, humigit-kumulang na walang malinaw na istatistikal na halaga.
6. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda —maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga
datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala
ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari
sorses o mga hanguang first-hand.
7. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon —bawat
aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas
ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Samakatuwid, lahat ng
konklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya.
8. Ang pananliksik ay matiyaga at hindi minamadali—upang matiyak ang katumpakan o
accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na
minamadali at ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay
na kongklusyon at paglalahat.
9. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan—walang pananaliksik na naisasagawa nang walang
pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.
10. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang —kailangan ang tapang ng isang
mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang
pananaliksik. May mga pagkakataon ding maasi siyang dumanas ng di pagsang-ayon ng publiko at
lipunan. Maaari ring magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang
mananaliksik.
11. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat —lahat ng datos na nakalap ay
kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas
ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pagsulat na paraan sa anyo ng isang papel-
pampananaliksik (HALIMBAWA: pamanahong-papel, tisis at disertasyon) para sa angkop o ang
tinatawag na oral presentation o defense.

You might also like