You are on page 1of 2

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa

1. Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili mong paksa. Kapag kakaunti ang
datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.
2. Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung hanggang kailan lamang pweding
gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya nangangailan
ngahabang panahon para maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal. May mga paksang
masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik sapagkat
ang pinili mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na pera.
4. Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip dapat ito ay makakatulong
din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.
Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay gagawin mo para makuha ito. Sa
pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos
mo ng komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.
Mga Hanguan ng Paksa
Ngayong alam mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili, pwede ka nang humanap ng mga paksang iyong sasaliksikin.
Ngunit saan nga ba magandang kumuha ng paksa? Narito ang ilan na pwede mong pagkunan:

1. Sarili – Maari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaring ang maging paksa natin ay batay mismo sa
ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging sa ating mga kaalaman na natutunan. Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang
lulong sa computer games, maari mo itong gawing paksa sa iyong pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong kondisyon o
magkaroon pa ng impromasyon ukol sa paksang ito.
2. Dyaryo at Magazine – Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang mga napapanahong isyu sa loob at labas ng
bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin nating paksa.
3. Radyo at TV – Katulad sa dyaryo at magazine, natatampok din sa mga programa ng telebisyon at radyo ang mga
napapanahong isyu sa ating lipunan. Dito, maari din tayong makakuha ng mga ediya na pwede nating gawing paksa sa
gagawing pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa isport, edukasyon at maging sa mga balita. Halimbawa ng isyung
napapanahon na napapanood natin sa T.V at napapakinggan natin sa radyo ay tungkol DROGA, DENGVAXIA, POLITIKA
at TRAIN Law.
4. Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan – Sa pagtatanong sa kanila, maari tayong magkaroon at makabuo ng ediya batay sa mga
impormasyong ibibigay nila patungkol sa gagawin nating pananaliksik.
5. Internet – Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas mabilis na ang ating pangangalap ng impormasyon. Sa pamamagitan ng
pag browse sa internet, makakakalap tayo ng mga ediya na pwede nating gawing paksa. Maari tayong makakuha ng paksa sa
mga social media websites tulad ng Facebook, sa pagse-search sa Search Engines tulad ng Google, at sa mga online web
articles na ating nababasa.
6. Aklatan – Pwede din tayong humango ng ating paksa mula sa Aklatan. Magandang kumuha ng paksa sa aklatan kung ang
nais nating maging pangunahing ediya ay may kaugnayan sa Edukasyon at Akademya.
Paglilimita ng paksa
Nakapili ka na ba ng paksa? Kung oo, lilimitahan naman natin ito para hindi maging masyadong malawak ang ating pag-aaralan.

Paano nga ba natin lilimitahan ang ating paksa at paano tayo makakagawa ng epektibong pamagat sa ating pananaliksik? Sa
paglilimita ng paksa, maari na tayong magkaroon ng tiyak na Pamagat kung saan dito lamang iikot sa pamagat na ito ang ating
gagawing pananaliksik. Narito ang ating pwedeng pagbatayan sa pag lilimita ng ating paksa:

Halimbawang Paksa: Droga -> Epekto ng Droga


 Paglilimita ng Panahon – sa paglilimita ng panahon, pipili tayo ng taon kung hanggang saan lamang ang sakop ng ating pag-
aaralan.
Nalimitang paksa: Epekto ng droga noong taong 2017-2018
 Kasarian – Lalaki o Babae ang target na respondente ng iyong gagawing pag-aaral.
Nalimitang Paksa: Epekto ng droga sa kalalakihang nagamit nito.
 Edad – Edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral
Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga kabataang may edad na 15-18.
 Uri o Anyo
Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa kalusugan
 Lugar – Saan isasagawa ang pananaliksik
Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa Universty of Example, Manila
 Pangkat o Grupo
Nalimitang Paksa:
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral
 Partikular na halimbawa o kaso
Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga estdyanteng nagsisimula pa lamang gumamit nito
 Kombinasyon – Para mas maging tiyak o partikular ang ating paksa, maari pa nating pagsama samahin ang mga batayan.
Halimbawa:
1. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng University of Example, Manila sa taong 2017-2018
2. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga mag-aaral ng UOE, Manila sa taong 2017-2018
Mapapansin mo sa nalimitahan mong paksa, may nabubuo ka nang Pamagat!

Pagdidesenyo at Paggagawa ng Epektibong Pamagat para sa Pananaliksik


Sa paggawa at pagdisenyo ng pamagat ng pananaliksik, dapat ito ay maging malinaw, madaling maintindihan, tuwiran at maging
tiyak. Sa bilang ng mga salita, dapat ay hindi bababa sa sampu(10) ngunit hindi tataas sa dalwampu(20). Mas magandang

sumasagot sa tanong na “Saan”, “Kanino”, “Kailan”, at “Papaano” ang gagawing pamagat para sa pananaliksik .
Sa Tanong na “paano”, pwedeng gamitin ang mga salitang “Isang Pag-aaral”, ” Isang Pananaliksik”, “Isang Pagsusuri”
“Paghahambing na pagsusuri” at iba pang salita na maiihalintulad dito.

Nahihirapan pa din? Narito ang ilan sa halimbawa ng mga napapanahong paksa at pamagat Pakipalitan na lamang ng salitang
nasa loob ng [brackets]
Halimbawa ng wastong pagpili ng paksa
Narito ang mga halimbawa ng mga paksang pwede mong pagbasehan sa pagpili ng wastong paksa. Ang mga sumusunod ay
hinango sa mga napapanahong isyu na dapat mabigyan ng atensyon.

Paksa: Droga
-Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga taong gumagamit nito sa [lugar] sa taong [2017-2018] : Isang pag-aaral

You might also like