You are on page 1of 13

PAGPILI SA PAKSA

WEEK 7
Pagpili ng paksa
Ang pagpili ng paksa ay ang isa sa mga unang hakbang
sa pananaliksik. Dahil dito, mahalaga na magkaroon
ng maayos na paksa upang maging magandaang takbo
ng magiging pananaliksik. Maraming paraan ng
pagpili ng paksa, marami ring paksa ang maaaring
pagpilian.
Mga dapat isa-alang alang sa pagpili ng paksa

• Sakop ng paksa
• Timeliness ng paksa
• Mga kagamitan o materyales
• Mga taong maaaring pagtanungan
Sakop ng paksa

- kailangang maging specific ang paksa na ating pipiliin.

Halimbawa, hindi sapat na pumili ng paksa ukol sa kabataanat sa


halip, dapat ay pumili ng mas pino tulad ng "Ano ang epektibong
hakbang sa pag aaral ng kabataan sa paksa ng Calculus?”
Timeliness ng paksa

- ang paksa ba ay bago o hindi kaya ay dati na?

Halimbawa, ang Covid 19 ay laganap sa panahon


ngayon kung kaya't ang anumang pananaliksik na
may kinalaman dito ay magandang piliin
Mga kagamitan o materyales

- ikaw ba ay may sapat na kagamitano aklat para sa paksa?

Mga taong maaaring pagtanungan

- marami bang tao ang maaari mong pagtanungan ukol sa


paksa?
Saan Maaaring Humanap ng Paksang
Sasaliksikin?
1. Sarili
- maaaring humango ng paksa mula sa sariling karanasan,
nabasa, narinig o napakinggan, natutunan.
2. Magasin at Dyaryo
- maaaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu
sa mga pamukhang pahina ng dyaryo o magasin.
3. Radyo at TV
- maraming programa sa radyo at TV na
mapagkukunan ng paksa

4. Kaibigan at guro

- sa pamamagitan ng pagtatanong sa ibang tao


maaaring makakuha ng ideya na
mapaghahanguan ng pananaliksik
Mga Dapat Isaalang-Alang sa Pagpili ng Paksang
Sasaliksikin

Ang pagbuo ng tiyak na paksa ay kailangan dahil ang paksa ay


ang magiging pundasyon at gabay ng gagawing pananaliksik.

Sa pagpili ng paksa mahalaga ding makapagbigay tayo ng


ating gagawing pamagat kung saan dito na papasok ang mga
saklaw at limitasyon ng atinggagawing pag-aaral.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa
1. Sapat na Datos
– Kinakaialangang may sapat na impromasyon at kaalaman
tungkol sa napiling paksa. Kapag kakaunti ang datos
namakakalap tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa mga
detalye sa gagawing pag-aaral.
2. Limitasyon ng pag-aaral
– Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung
hanggang kailan lamang pwedeng gawin ang iyong pananaliksik.
May mga paksa na matagal gawin kaya nangangailan ng
mahabang panahon para ito ay matapos at maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal

– Sapagpili ng paksa, dapat isaalang-alangang iyong kakayahang


pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at mabigat sa
bulsa. Maaring hindi mo matapos ang pananaliksik sapagkat ang
pinili mong paksa ay masyadong malaki angmagagastos.

4. Kabuluhan ng paksa

– Sapagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa


halip dapat ito ay makakatulong din sa ibapang mananaliksik at sa
ibang tao.
Mga karaniwang paksa na ginagamit sa pananaliksik

• Computer Games • Teknolohiya


• Kapaligiran • Kultura
• Bullying • Paninigarilyo
• Paaralan • Social networking sites
• Pamilya • K + 12
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!

You might also like