You are on page 1of 11

Pagpili ng Paksa at Paggawa ng Epektibong

Pamagat sa Pananaliksik
• Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik.
Ang paksa ay ang pangunahing ediya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot
ang nilalaman ng ating pamanahong papel/term paper/research, at ito ang magiging
batayan sa pagkuha ng mga ilalagay nating datos. Mahalagang pag-planuhan nating
mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o saliksikin. Sa pagpili ng paksa mahalaga
ding makapagbigay tayo ng ating gagawing pamagat kung saan dito na papasok ang
mga saklaw at limitasyon ng ating gagawing pag-aaral. Sa pagpili ng paksa may mga
dapat isaalang-alang upang maisakatupatan ng maayos ang gagawing pananaliksik
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa
• Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili mong paksa. Kapag
kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa mga detalye sa gagawing pag-aaral.
• Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung hanggang kailan lamang
pweding gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya
nangangailan ngahabang panahon para maisakatuparan.
• Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang pinansyal. May mga
paksang masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral, maaring hindi mo matapos ang iyong
pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong malaki ang mailalabas na pera.
• Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip dapat ito ay
makakatulong din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.
Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay gagawin mo para
makuha ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong paksa ay nakabatay sa iyong interes.
Magagawa at matatapos mo ng komportable ang iyong pag-aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.
Mga Hanguan ng Paksa
Ngayong alam mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili, pwede ka nang humanap ng mga paksang iyong sasaliksikin.
Ngunit saan nga ba magandang kumuha ng paksa? Narito ang ilan na pwede mong pagkunan:
• Sarili – Maari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaring ang maging paksa natin ay batay mismo sa
ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging sa ating mga kaalaman na natutunan. Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang
lulong sa computer games, maari mo itong gawing paksa sa iyong pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong kondisyon
o magkaroon pa ng impromasyon ukol sa paksang ito.
• Dyaryo at Magazine – Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang mga napapanahong isyu sa loob at labas ng
bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin nating paksa.
• Radyo at TV – Katulad sa dyaryo at magazine, natatampok din sa mga programa ng telebisyon at radyo ang mga
napapanahong isyu sa ating lipunan. Dito, maari din tayong makakuha ng mga ediya na pwede nating gawing paksa sa
gagawing pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa isport, edukasyon at maging sa mga balita. Halimbawa ng isyung
napapanahon na napapanood natin sa T.V at napapakinggan natin sa radyo ay tungkol DROGA, DENGVAXIA,
POLITIKA at TRAIN Law.
Mga Hanguan ng Paksa
• Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan – Sa pagtatanong sa kanila, maari tayong magkaroon at
makabuo ng ediya batay sa mga impormasyong ibibigay nila patungkol sa gagawin nating
pananaliksik.
• Internet – Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas mabilis na ang ating pangangalap ng
impormasyon. Sa pamamagitan ng pag browse sa internet, makakakalap tayo ng mga ediya
na pwede nating gawing paksa. Maari tayong makakuha ng paksa sa mga social media
websites tulad ng Facebook, sa pagse-search sa Search Engines tulad ng Google, at sa mga
online web articles na ating nababasa.
• Aklatan – Pwede din tayong humango ng ating paksa mula sa Aklatan. Magandang kumuha
ng paksa sa aklatan kung ang nais nating maging pangunahing ediya ay may kaugnayan sa
Edukasyon at Akademya.
Paglilimita ng paksa
• Nakapili ka na ba ng paksa? Kung oo, lilimitahan naman natin ito para hindi
maging masyadong malawak ang ating pag-aaralan.
• Paano nga ba natin lilimitahan ang ating paksa at paano tayo makakagawa ng
epektibong pamagat sa ating pananaliksik? Sa paglilimita ng paksa, maari na
tayong magkaroon ng tiyak na Pamagat kung saan dito lamang iikot sa
pamagat na ito ang ating gagawing pananaliksik. Narito ang ating pwedeng
pagbatayan sa pag lilimita ng ating paksa:
Paglilimita ng paksa
• Halimbawang Paksa: Droga -> Epekto ng Droga
• Paglilimita ng Panahon – sa paglilimita ng panahon, pipili tayo ng taon kung hanggang saan
lamang ang sakop ng ating pag-aaralan.
• Nalimitang paksa: Epekto ng droga noong taong 2017-2018
• Kasarian – Lalaki o Babae ang target na respondente ng iyong gagawing pag-aaral.
• Nalimitang Paksa: Epekto ng droga sa kalalakihang nagamit nito.
• Edad – Edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral
• Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga kabataang may edad na 15-18.
• Uri o Anyo
Paglilimita ng paksa
• Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa kalusugan
• Lugar – Saan isasagawa ang pananaliksik
• Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa Universty of Example, Manila
• Pangkat o Grupo
• Nalimitang Paksa:
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral
• Partikular na halimbawa o kaso
• Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga estdyanteng nagsisimula pa lamang gumamit nito
• Kombinasyon – Para mas maging tiyak o partikular ang ating paksa, maari pa nating pagsama samahin ang
mga batayan.
Paglilimita ng paksa
• Halimbawa:
1. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng University of Example,
Manila sa taong 2017-2018
2. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga mag-aaral ng UOE, Manila sa
taong 2017-2018
• Mapapansin mo sa nalimitahan mong paksa, may nabubuo ka nang Pamagat!
Pagdidesenyo at Paggagawa ng Epektibong
Pamagat para sa Pananaliksik
• Sa paggawa at pagdisenyo ng pamagat ng pananaliksik, dapat ito ay maging
malinaw, madaling maintindihan, tuwiran at maging tiyak. Sa bilang ng mga
salita, dapat ay hindi bababa sa sampu(10) ngunit hindi tataas sa
dalwampu(20). Mas magandang sumasagot sa tanong na “Saan”, “Kanino”,
“Kailan”, at “Papaano” ang gagawing pamagat para sa pananaliksik.
Sa Tanong na “paano”, pwedeng gamitin ang mga salitang “Isang Pag-aaral”,
” Isang Pananaliksik”, “Isang Pagsusuri” “Paghahambing na pagsusuri” at iba
pang salita na maiihalintulad dito.
END OF POWERPOINT

You might also like