You are on page 1of 5

Pagpili ng Paksa

Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa ay ang
pangunahing ediya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng ating
pamanahong papel/term paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng mga ilalagay
nating datos. Mahalagang pag-planuhan nating mabuti ang paksang nais nating pag-aralan o
saliksikin. Sa pagpili ng paksa mahalaga ding makapagbigay tayo ng ating gagawing pamagat kung
saan dito na papasok ang mga saklaw at limitasyon ng ating gagawing pag-aaral. Sa pagpili ng paksa
may mga dapat isaalang-alang upang maisakatupatan ng maayos ang gagawing pananaliksik at ito ay
mababasa natin sa baba:

Table of Contents

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa


1. Kasapatan ng datos – Kinakaialangang may sapat na impromasyon na tungkol sa napili mong
paksa. Kapag kakaunti ang datos na makakalap mo tungkol sa iyong paksa, maaring kapusin sa
mga detalye sa gagawing pag-aaral.
2. Limitasyon ng pag-aaral – Ang limitasyon ng pag-aaral ay ang deadline o ang oras kung
hanggang kailan lamang pweding gawin ang iyong pananaliksik. May mga paksa na hindi kayang
gawin sa loob lamang ng isang semestre kaya nangangailan ngahabang panahon para
maisakatuparan.
3. Kakayahang Pinansyal – Sa pagpili ng paksa, dapat isaalang-alang ang iyong kakayahang
pinansyal. May mga paksang masyadong magastos at mabigat sa bulsa. Bilang isang mag-aaral,
maaring hindi mo matapos ang iyong pananaliksik sapagkat ang pinili mong paksa ay masyadong
malaki ang mailalabas na pera.
4. Kabuluhan ng paksa – Sa pagpili ng paksa, hindi sapat na ito ay napapanahon lamang, sa halip
dapat ito ay makakatulong din sa iba pang mananaliksik at ibang tao.
Interes ng mananaliksik – May kasabihan tayo na kapag gusto mo ang isang bagay lahat ay
gagawin mo para makuha ito. Sa pananaliksik, mas mapapadali ang iyong gawain kung ang iyong
paksa ay nakabatay sa iyong interes. Magagawa at matatapos mo ng komportable ang iyong pag-
aaral sapagkat gusto mo ang pinili mong paksa.
Mga Hanguan ng Paksa
Ngayong alam mo na ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili, pwede ka nang humanap ng mga
paksang iyong sasaliksikin. Ngunit saan nga ba magandang kumuha ng paksa? Narito ang ilan na
pwede mong pagkunan:

1. Sarili – Maari tayong makakuha ng paksa mula mismo sa ating saliri. Maaring ang maging paksa
natin ay batay mismo sa ating karanasan, nabasa, napakinggan at maging sa ating mga kaalaman
na natutunan. Halimbawa, ikaw ay isa sa kabataang lulong sa computer games, maari mo itong
gawing paksa sa iyong pananaliksik para mas maalaman pa ang iyong kondisyon o magkaroon pa
ng impromasyon ukol sa paksang ito.
2. Dyaryo at Magazine – Sa dyaryo at magazine, makikita at mababasa natin ang mga
napapanahong isyu sa loob at labas ng bansa na pwede nating pagbatayan sa pipiliin nating paksa.
3. Radyo at TV – Katulad sa dyaryo at magazine, natatampok din sa mga programa ng telebisyon at
radyo ang mga napapanahong isyu sa ating lipunan. Dito, maari din tayong makakuha ng mga
ediya na pwede nating gawing paksa sa gagawing pananaliksik tulad ng mga impormasyon sa
isport, edukasyon at maging sa mga balita. Halimbawa ng isyung napapanahon na napapanood
natin sa T.V at napapakinggan natin sa radyo ay tungkol DROGA, DENGVAXIA, POLITIKA at
TRAIN Law.
4. Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan – Sa pagtatanong sa kanila, maari tayong magkaroon at
makabuo ng ediya batay sa mga impormasyong ibibigay nila patungkol sa gagawin nating
pananaliksik.
5. Internet – Dahil sa lumalago nating teknolohiya, mas mabilis na ang ating pangangalap ng
impormasyon. Sa pamamagitan ng pag browse sa internet, makakakalap tayo ng mga ediya na
pwede nating gawing paksa. Maari tayong makakuha ng paksa sa mga social media websites tulad
ng Facebook, sa pagse-search sa Search Engines tulad ng Google, at sa mga online web articles na
ating nababasa.
6. Aklatan – Pwede din tayong humango ng ating paksa mula sa Aklatan. Magandang kumuha ng
paksa sa aklatan kung ang nais nating maging pangunahing ediya ay may kaugnayan sa
Edukasyon at Akademya.
Paglilimita ng paksa
Nakapili ka na ba ng paksa? Kung oo, lilimitahan naman natin ito para hindi maging masyadong
malawak ang ating pag-aaralan.

Paano nga ba natin lilimitahan ang ating paksa at paano tayo makakagawa ng epektibong pamagat sa
ating pananaliksik? Sa paglilimita ng paksa, maari na tayong magkaroon ng tiyak na Pamagat kung
saan dito lamang iikot sa pamagat na ito ang ating gagawing pananaliksik. Narito ang ating pwedeng
pagbatayan sa pag lilimita ng ating paksa:

Halimbawang Paksa: Droga -> Epekto ng Droga


 Paglilimita ng Panahon – sa paglilimita ng panahon, pipili tayo ng taon kung hanggang saan
lamang ang sakop ng ating pag-aaralan.
Nalimitang paksa: Epekto ng droga noong taong 2017-2018
 Kasarian – Lalaki o Babae ang target na respondente ng iyong gagawing pag-aaral.
Nalimitang Paksa: Epekto ng droga sa kalalakihang nagamit nito.
 Edad – Edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral
Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga kabataang may edad na 15-18.
 Uri o Anyo
Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa kalusugan
 Lugar – Saan isasagawa ang pananaliksik
Nalimitang Paksa: Epekto ng Droga sa Universty of Example, Manila
 Pangkat o Grupo
Nalimitang Paksa:
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral
 Partikular na halimbawa o kaso
Nalimitang paksa: Epekto ng Droga sa mga estdyanteng nagsisimula pa lamang gumamit nito
 Kombinasyon – Para mas maging tiyak o partikular ang ating paksa, maari pa nating pagsama
samahin ang mga batayan.
Halimbawa:
1. Paksa+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng University of Example, Manila sa taong 2017-2018
2. Paksa+Anyo+Pangkat+Lugar+Panahon
Epekto ng Droga sa kalusugan ng mga mag-aaral ng UOE, Manila sa taong 2017-2018
Mapapansin mo sa nalimitahan mong paksa, may nabubuo ka nang Pamagat!

Pagdidesenyo at Paggagawa ng Epektibong Pamagat para sa


Pananaliksik
Sa paggawa at pagdisenyo ng pamagat ng pananaliksik, dapat ito ay maging malinaw, madaling
maintindihan, tuwiran at maging tiyak. Sa bilang ng mga salita, dapat ay hindi bababa sa sampu(10)
ngunit hindi tataas sa dalwampu(20). Mas magandang sumasagot sa tanong na “Saan”, “Kanino”,

“Kailan”, at “Papaano” ang gagawing pamagat para sa pananaliksik .


Sa Tanong na “paano”, pwedeng gamitin ang mga salitang “Isang Pag-aaral”, ” Isang Pananaliksik”,
“Isang Pagsusuri” “Paghahambing na pagsusuri” at iba pang salita na maiihalintulad dito.

Nahihirapan pa din? Narito ang ilan sa halimbawa ng mga napapanahong paksa at pamagat
Pakipalitan na lamang ng salitang nasa loob ng [brackets]
Halimbawa ng wastong pagpili ng paksa
Narito ang mga halimbawa ng mga paksang pwede mong pagbasehan sa pagpili ng wastong paksa.
Ang mga sumusunod ay hinango sa mga napapanahong isyu na dapat mabigyan ng atensyon.
Filipino

Ipinasa ni:Shinwha Y. Fuentes

Ipinasa kay:Rosalind B. Luna

You might also like