You are on page 1of 3

SAAN KAYO MAARING HUMANAP NG PAKSANG SASALIKSIKIN

BALITA

- Maari kayong makakuha ng paksa sa balita dahil dito ipinakikita ang mga kaganapang mahalaga at napapanahon.
Sumangguni sa balita kung ikaw ay naghahanap ng paksa para sa pananaliksik tungkol sa agham, politika o agham
panlipunan. Maari ring maghanap sa mga magasin na nagtatampok ng mga artikulo sa iba’t ibang larangan tulad ng mga
Reader’s Digest. May ilang palabas din sa telebisyon na magpagkukuhanan ng paksa tulad ng mga programang
mapapanood sa History Channel, Knowledge Channel, at Discovery Channel.

SARBEY

- Makahahanap din ng paksa sa resulta ng isang sarbey. Ang sarbey ay isinasagawa sa pamamagitan ng pangangalap ng
impormasyon mula sa malaking grupo ng mga tao tungkol sa isang paksa. Dito malalaman kung ano ang saloobin o pulso
ng mga madla. Mainam na sumangguni sa sarbey kung ang pananaliksik ay may kinalaman sa Negosyo, teknolohiya, at
agham panlipunan.

TRENDING O VIRAL NA PAKSA

- Makahahanap din ng interesanteng paksa sa mga usapin o isyung trending o viral sa internet. Isa sa pinakamadali,
mabilis, at malawak na paraan ng paghahanap ng paksa. Kapag trending ang isang paksa, nangangahulugan na mainit at
pinag-uusapan ito ng maraming tao, at makikita ang kanilang saloobin sa mga sikat na sosyal midya tulad ng Facebook,
at Twitter. Magagamit ang mga paksang makukuha rito sa mga pag-aaral na may kinalaman sa humanidades, politika at
agham panlipunan.

DALUBHASA

-Makakukuha rin ng ideya sa paksang sasaliksikin mula sa mga dalubhasa. Maaring tingnan ang mga nauna nilang pag-
aaral o pananaliksik. Kung personal na may kilalang dalubhasa, maari kang sumangguni at humingi ng payo kung anong
paksa ang mainam na saliksikin.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSANG SASALIKSIKIN

Kaalaman ng mananaliksik sa paksa.

-Mahalagang malawak ang kaalaman ng mananaliksik sa paksa dahil mas magiging madali ang pananaliksik kung batid na
niya ang mga kakailanganing impormasyon.

Interes at saloobin ng mananaliksik sa paksa.

-Mas madaling maisasagawa ang pananaliksik kung interesado at naayon sa saloobin ng mananaliksik ang paksa. Kahit
na mahirap ang paksa, mas ginaganahan at nagiging tutok ang mananaliksik kung hilig niya ang tatalakayin.

Kahalagahan ng paksa.

-Maaring maging interesante para sa atin ang paksa ngunit makabuluhan ba ito? Kailangang isaalang-alang ng
mananaliksik kung sino ba ang makikinabang sa gagawin niyang pag-aaral at kung may maiaambag ba ito o maibibigay
na solusyon. Kailangan din isaalang-alang kung ang paksa ba na kanilang napiling talakayin ay napapanahon pa. Mas
mainam na saliksikin ang mga paksang tumutugon sa mga napapanahong isyung panlipunan.

Pananaw ng publiko.

-Mainam na isaalang-alang ng mananaliksik ang saloobin ng madla tungkol sa paksa. Mas nakapupukaw ang interes ng
publiko kung ang pananaliksik ay kapakipakinabang para sa kanila. Masasayang lamang ang pananaliksik kung hindi ito
tatangkilikin ng mga mambabasa dahil hindi sila makaugnay sa paksa. Mabuti ring alamin kung ang paksang napili ay
maselan sa pagpili ng may kinalaman sa pananampalataya, seksuwalidad, o politika at tiyakin na pang-akademiko ang
gagawaing pananaliksik.

Mapagkukunan ng impormasyon.

-Mahalagang isaalang-alang sa pagpili ng paksa ang pagkukuhanan ng impormasyon. May paksang interesanteng
saliksikin ngunit maaring limitado at walang sapat na mga kaugnayan na impormasyon. At ang mas mainam pa na kung
minsan ay sadyang wala pa talagang impormasyon ukol sa paksa.

Panahong gugugulin.

-Kailangan din isaalang-alang kung gaano katagal ang panahon upang maisagawa ang pananaliksik. May ibang
pananaliksik na kailangang tutukan at paglaanan ng sapat na oras, lalo na ang mga pag-aaral na may kinalaman sa
pagtuklas ng epekto ng isang eksperimento o programa. Kung may takdang oras ng pagpapasa ng pananaliksik,
posibleng hindi umabot sa araw ng pasahan ang pananaliksik kung ito ay mahirap hanapan ng mga sanggunian.

Halaga ng gastusin.

-Mainam na batid ng mananaliksik kung gaano kalaki ang kakailanganing pondo sa pagkuha ng impormasyon.
Halimbawa, may mga pananaliksik na nangangailangan ng teknolohiya o pagsusuri ng datos sa mga laboratory upang
masiyasat ito. Mahirap magsagawa ng pananaliksik kung walang badyet na pangtustos upang makalap ang mga
impormasyong kakailanganin at upang masuring mabuti ang resulta ng mga datos.

TANDAAN:
Kapag nakapamili na ng paksang sasaliksikin. Ang pagbuo ng isang maayos na pamagat ang susunod na hakbang. Hindi
dapat mabulaklak at malikhain ang pagsulat dahil hindi naman ito isang akdang pampanitikan. Sa pananaliksik, dapat
malinaw at tiyak ang pamagat. Mabuting limitahan din ito sa loob ng sampu (10) hanggang dalawampung salita (20).

Halimbawang Pormat:

Epekto ng Droga sa Kabataan: Pagsusuri sa kaso ng mga Batang Lansangan sa kalakhang Maynila.

"Kababaihan sa Kulturang Pilipino: Pagbabago at Patuloy na Pagsulong ng Karapatan ng kababaihan sa paaralang …"

Gawain: Kinakailangan na makabuo kayo ng (3) na titulo o pamagat, Tandaan na sa pagbuo nito ay may mga dapat
tayong ikonsidera na nabanggit sa itaas.

Nakadepende sa inyo kung ano ang nais ninyong paksa, maaring nakatuon sa panlipunang sosyal, teknolohiya, Sa
Edukasyon, sa Wikang Filipino, O kaya naman ay school based tulad ng

"Sa Likod ng Kwadradong Puwang": Epekto ng Limitadong Espasyo sa Silid-aralan sa Akademikong Performance ng mga
Mag-aaral sa Ika-11 Antas sa St. John Academy

"Gurong Elektroniko": Epekto ng Kakulangan sa Telebisyong kagamitan sa pampagtuturo at pagkatuto sa Akademikong


Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ika-11 Antas sa St. John Academy

Atpb.
Matapos makabuo ang bawat pangkat ng mananaliksik ay mainam na mangalap na ng impormasyon na maaring
makatulong sa pagbuo nito.

Pag ipapasa ang titulo Kinakailangang maglatag ng suportang detalye ang inyong paksang napili. Sa paggawa mahalagang
malaman, makatotohanan, tumpak at hango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.

Isulat ito sa malinis at presentableng papel.

You might also like