You are on page 1of 12

Para sa Tanging Gamit ng Sangay ng Lungsod Zamboanga

0
HINDI IPINAGBIBILI

5
FILIPINO
Kuwarter 4
Linggo 2 (MELC 44-45)

Capsulized Self-Learning
Empowerment Toolkit

Inihanda ni:

BELINDA R. ROSAGARON
T-III/ TUGBUNGAN ELEMENTARY SCHOOL

Belinda R. Rosagaron, T III


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
1

ASIGNATURA MELC
FILIPINO 5 KUWARTER 4 LINGGO 2 44 ______________________
AT BAITANG dd/mm/yyyy

CODE F5WG-IVb-e-13.2
KASANAYANG Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikidebate tungkol
PAMPAGKATUTO sa isang isyu.

TANDAAN: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong
SAGUTANG PAPEL para sa mga Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Nagagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikidebate tungkol sa isang isyu.
Paksa: Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng Pangungusap sa Pakikidebate tungkol sa Isang Isyu.
(Lunsaran)
Ano ang ibig sabihin ng debate?

➢ Ang debate – ay isang masining na pagtatalo sa paraang paligsahan o tagisan ng


dalawang koponan na magkasalungat ang panig hinggil sa isang isyu o paksa. Dito,
ibinibigay ng magkatunggaling koponan ang kanilang katuwiran, opinyon at katibayan
ukol sa paksa.

Paano nakakatulong ang paggamit ng mga uri ng pangungusap sa


pakikipagdebate tungkol sa isang isyu?

➢ Nakatutulong ang paggamit ng mga uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol


sa isang isyu sa pamamagitang nakatutulong ito sa pagbubuo ng mga diwa na nais
sabihin at nakatutulong din sa kahusayan sa paglalahad ng mga saloobin.

Upang mapaunlad ang kakayahan sa pakikipagdebate gamit ang iba’t ibang uri ng
pangungusap, narito ang isang isyu. Basahin at intindihin nang mabuti.

Maliitang Pagmimina, Malaking Problema

Maraming pook sa Pilipinas ang mayaman sa ginto kaya maraming Pilipino ang
nagmimina rito at kumikita naman sila. Ngunit gumagamit sila ng asoge o mercury upang
matanggal ang ginto sa kinatataguang bato. Lason sa lamang-dagat at sa tao ang asoge.
Gulugod at utak ng tao ang inaatake ng asoge. Sa dami ng nagmimina ay tone-toneladang
asoge ang natitipon sa mga batis at ilog na gamit sa pagmimina ng ginto. Maiisip mo ang
panganib ng asogeng ito sa mamamayan.

Belinda R. Rosagaron, T III


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
2

Pagtatasa sa Pagkatuto 1: Ano ang Debate?


Pagtatasa sa Pagkatuto 2: Paano nakatutulong ang paggamit ng mga uri ng pangungusap sa
pakikipagdebate sa isang isyu?

Sanayin Natin!
(Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.)
Gawain 1: Gawin mo!

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan tungkol sa isyung nabasa.

1. Sa anong bagay mayaman ang Pilipinas?


2. Bakit maraming Pilipino ang nagmimina rito?
3. Ano ang ginagamit ng mga nagmimina sa pagtanggal ng mga ginto sa kinatataguang
bato?
4. Saang lason ang asoge?
5. Kung ikaw ay magmimina, gagamit ka rin ba ng asoge? Bakit?

Gawain 2: Kaya Ko!


Panuto: Gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang
isyung nabasa (Maliitang Pagmimina, Malaking Problema). Gawin ito sa
pamamagitan nang pagsulat ng salaysay na may limang (5) uri ng pangungusap.
Gawing gabay ang rubriks sa pagsasalaysay. (5 puntos)
RUBRIK SA PAGSULAT NG SALAYSAY
5 4 3 2 1
NILALAMAN
• pagsunod sa uri at anyong hinihingi
• lawak at lalim ng pagtatalakay
BALARILA
• wastong gamit ng wika/salita
• baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
ORGANISASYON
• lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
• pagkakaugnay ng mga idea
5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong ng pagsasanay
3-Katanggap-tanggap

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

Sa paggamit ng iba’t ibang uri ng mga pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa


isang isyu mahalagang bumuo ng diwa na angkop sa isyu gamit ang mga uri ng
pangungusap.

Belinda R. Rosagaron, T III


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
3

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !

(Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.)

Panuto: Gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa pakikipagdebate tungkol sa isang
isyu. Gawin ito sa pamamagitan nang pagsulat ng salaysay na may sampung
(10) pangungusap. Gawing gabay ang rubriks sa pagsasalaysay.

Bulkang Mayon, Hinog na sa Pagsabog

Maituturing kritikal ang sitwasyon sa Bulkang Mayon ayon sa Philippine Institute of


Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay pinaniniwalaang hinog na sa pagsabog.

Sabado noon na ang ika-20 araw simula nang iakyat ng PHIVOLCS sa Alert Level 3
ang babala sa bulkan.

Ayon sa gobernador ng lalawigan ng Albay, may 20% na lamang umanong tsansa na


bumaba ang alert level ng bulkan kaya’t pinaghahandaan na nila ang Alert Level 4.

Tinukoy na ng Albay Local Government Unit (LGU) ang mga residenteng ililikas
sakaling iakyat ng PHIVOLCS sa Level 4 ang babala.

Kabilang sa mga ililikas ay mga residente ng bayan ng Guinobatan, Ligao City,


Tabaco City Daraga, at Santo Domingo.

Patuloy naman ang pag-iikot ng mga awtoridad para matiyak na wala ng mga evacuee
ang pumupuslit sa loob ng permanent danger zone.

Sinusubaybayan ng PHIVOLCS ang iba pang senyales ng pagsabog gaya ng pagbitak


ng lupa at tremors o walang tigil na paggalaw ng lupa.

Umabot na sa mahigit 12,000 pamilya ang inilikas at nasa Php 54 milyon na rin ang
tulong na ipinaabot ng pamahalaan sa Albay.

Sa kabila ng panganib na dulot ng Bulkang Mayon sa tuwing ito ay mag-aalburoto, ang


kagandahan nito ay patuloy na bumibighani sa maraming Pilipino at dayuhang turista. Sa
katunayan, nakasama ito sa listahan ng United Nations Edcuational, Scientific and Cultural
Organization (UNESCO) bilang World Heritage Sites noong Marso, 2015. Itinakda ang
lokasyon ng Bulkan Mayon bilang National Park ng Presidential Proclamation No. 413
noong Hunyo 2000 sa ilalim ng National Integrated Protected Areas System Act.

Belinda R. Rosagaron, T III


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
4

RUBRIK SA PAGSULAT NG SALAYSAY

5 4 3 2 1
NILALAMAN
• pagsunod sa uri at anyong hinihingi
• lawak at lalim ng pagtatalakay
BALARILA
• wastong gamit ng wika/salita
• baybay, bantas, estruktura ng mga
pangungusap
ORGANISASYON
• lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga idea
• pagkakaugnay ng mga idea
5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga pantulong ng pagsasanay
3-Katanggap-tanggap

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang
papel para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLET.

Hiyas sa Wika Batayang Aklat, Filipino, Ikalimang Baitang p.43


Sanggunian:
ALAB FILIPINO 5 Batayang Aklat pp. 182-183

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.


Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

Belinda R. Rosagaron, T III


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
5

Susi sa Pagwawasto

( Maaaring magkaroon ng ibang sagot ang mga mag-aaral dahil ang ibang mga sagot
ay batay sa kanilang sariling reaksiyon o opinyon.)

Pagtatasa ng Pagkatuto 1:

➢ Ang debate – ay isang masining na pagtatalo sa paraang paligsahan o tagisan


ng dalawang koponan na magkasalungat ang panig hinggil sa isang isyu o
paksa. Dito, ibinibigay ng magkatunggaling koponan ang kanilang katuwiran,
opinyon at katibayan ukol sa paksa.

Pagtatasa ng Pagkatuto 2:

➢ Nakatutulong ang paggamit ng mga uri ng pangungusap sa pakikipagdebate


tungkol sa isang isyu sa pamamagitang nakatutulong ito sa pagbubuo ng mga
diwa na nais sabihin at nakatutulong din sa kahusayan sa paglalahad ng mga
saloobin.

Sanayin Natin!

Gawain 1: Gawin mo!

1. Ginto
2. Dahil mayaman ang mga lugar na ginto
3. Asoge
4. Sa katawan at sa kalusugan
5. Hindi, kasi nakakasama ito sa kalusugan

Gawain 2: Kaya Ko!

Ang Pilipinas ay mayaman sa mina ng mga ginto. Bakit maraming Pilipino ang
nagmimina dito? Ano ang ginagamit ng mga nagmimina sa pagtanggal ng mga ginto sa
kinatatayuang bato? Naku! Lason ang asoge sa kalusugan ng tao. Kaya kayo mga
nagmimina ay huwag nang gamitin ang asoge sa pagtanggal ng ginto sa mga bato.

Belinda R. Rosagaron, T III


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
6

SUBUKIN NATIN!
Ang Bulkang Mayon ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology
(PHIVOLCS) ay hinog na sa pagsabog. Nasa anong level inakyat ang babala? Ayon sa
Gobernador ng lalawigan ng Albay may ilang porsyento lamang ang tsansa na bumaba
ang alert level ng bulkan. Tinutukoy na ng Albay Local Government Unit (LGU) ay mga
residenteng ililikas sakaling iakyat sa level 4 ang babala. Ano-ano ang mga lugar ang
kabilang sa lilikas? Patuloy naman ang pag-iikot ng mga awtoridad para matiyak na
wala ngmga evacuee ang pumupuslit sa loob ng permanent danger zone. Ano-ano ang
mga senyales ang sinusubaybayan ng PHIVOLCS? Mahigit ilang pamilya na ang
inilikas? Sa kabila ng panganib na dulot ng Bulkang Mayon sa tuwing ito ay nag-
aalboroto, ang kagandahan nito ay patuloy na bumibighani sa mga turista. Kaya, tayo
bilang Pilipino, patuloy natin tangkilikin ang ating magagandang tanawin.

Belinda R. Rosagaron, T III


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
7

ASIGNATURA
FILIPINO 5 KUWARTER 4 LINGGO 2 MELC ______________________
AT BAITANG dd/mm/yyyy
45
CODE F5PB-IVb-26
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO Natutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu.

TANDAAN: Huwag sulatan ang kagamitang ito. Isulat ang iyong sagot sa iyong
SAGUTANG PAPEL para sa mga Pagsasanay at Pagtatasa.

ARALIN NATIN
Layunin: Natutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu.
Paksa: Pagtutukoy ng Paniniwala ng May-akda ng Teksto sa Isang Isyu
(Lunsaran)
Ano ang ibig sabihin ng may-akda?

➢ Ang May-akda – ay ang taong sumulat ng iba’t ibang sulatin gaya ng kuwento, tula,
teksto sa isang isyu at marami pang iba.

Paano natin matutukoy ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang


isyu?

➢ Matutukoy natin ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu, kung ang mga
nilalaman nito ay nagpapahiwatig ng isang diwa o isang tema lang at kung ano ang
gusto niya ipabatid sa mga mambabasa.

Sa pagpapaunlad ng kasanayang ito, narito ang isang isyu. Basahin nang mabuti at
intindihin.

Ang Dugong

Ang Dugong-Dugong, o mas kilala sa karaniwang tawag na Dugong, ay hayop na


naninirahan sa Karagatang Indian at sa Kanlurang bahagi ng Karagatang Pasipiko. Sa
Pilipinas, makikita ang mga dugong sa mga baybayin ng Isabela, Quezon, Mindoro,
Palawan, Panay, at Mindanao. Subalit mayroon ding mga dugong sa ilang bahagi ng Africa,
Australia, at iba pang bansa sa Asya. Umaabot sa sampung talampakan ang haba ng isang
dugong, at maaari namang umabot sa mahigit 300 kilo ang bigat nito. Nabubuhay sila sa
pagkain ng damong dagat sa mabababaw na bahagi ng karagatan.

Dahil sa kanilang laki, umaabot sa 13-15 buwan bago maipanganak ang mga dugong.
Pagkapanganak ng isang dugong, tinutulak ito ng ina paakyat mula sa tubig upang
makahinga. Habang bata pa ang dugong, lagi itong lumalangoy malapit sa ina hanggang sa
matutuhan niyang kumain at lumangoy nang mag-isa. Humihiwalay lamang ito sa kaniyang
ina kapag kaya na nitong mabuhay ng sarili.
Belinda R. Rosagaron, T III
Paaralang Elementarya ng Tugbungan
8

Sa kasalukuyan, nanganganib na mawala ang mga dugong dahil sa polusyon o


pagdumi ng dagat na nakasisira sa damong-dagat na kanilang pangunahing pagkain.
Minsan naiipit din sila sa mga lambat na ginagamit ng mangingisda. Kung magpapatuloy
ang polusyon sa dagat, hindi malayong mawala na ang mga dugong sa mundo.

Pagtatasa sa Pagkatuto 1: Ano ang ibig sabihin ng May-akda?


Pagtatasa sa Pagkatuto 2: Paano natin matutukoy ang paniniwala ng isang may-akda ng teksto
sa isang isyu?

Sanayin Natin!
(Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.)
Gawain 1: Gawin mo!

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan tungkol sa isyung nabasa.

1. Ano ang mas kilala na Dugong-Dugong?


2. Saan saang baybayin sa Pilipinas makikita ang Dugong?
3. Ilang talampakan umaabot ang isang dugong?
4. Ilang kilo rin mahigit ang kilong timbang nito?
5. Bakit tinutulak ng ina ang bagong panganak na dugong na paakyat sa tubig?

Gawain 2: Kaya Ko!

Panuto: Tukuyin natin ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu. Gawin ito sa
pamamagitan ng pagpipili ng tamang sagot. (5 puntos)

*Ano ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isyung “Ang Dugong”?

1. Dadami lang ang dugong kahit hindi sila pinapangalagaan.


2. Mainam na gawing pook panturista ang mga baybayin na maraming dugong.
3. Mabuting gawing negosyo ang pag-aalaga ng dugong.
4. Malaki ang maitutulong nito sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
5. Kung magpapatuloy ang polusyon sa dagat, hindi malayong mawala na ang mga
dugong sa mundo.

TANDAAN
Mahahalagang Konsepto

Ang pagtutukoy ng paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu ay mahalaga dahil


dito nalalaman natin ang tema ng teksto at ano ang gustong ipabatid ng may-akda sa mga
mambabasa, na kadalasan ay nakatutulong sa pagbabago o sa pagsugpo na maaaring
hindi mabuting resulta dahil sa mga maling gawain ng mga mamamayan.

Belinda R. Rosagaron, T III


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
9

SUBUKIN NATIN
Sukatin ang iyong natutuhan !
(Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.)
Panuto: Tukuyin ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu. Gawin ito sa
pamamagitan ng pagpipili ng titik ng tamang sagot. Basahin ang bawat isyu.
Ito ay may katumbas na limang puntos.

RPG Metanoia

Ang pelikulang RPG Metanoia ay tungkol sa isang batang si Nico na labis ang
pagkalulong sa paglalaro ng isang laro sa kompyuter na kung tawagin ay Massively
Multiplayer Online Role Playing Game o MMORPG. Halos araw-araw ay nasa harap siya ng
kompyuter. Dahil dito ay halos hindi na sila nagkakausap ng kaniyang ina. Sa MMORPG
umiikot ang kaniyang mundo. Mas nawiwili siya sa paglalaro nito kaysa makisalamuha sa
kaniyang mga kaibigan at halos wala na siyang alam sa paligid at kulturang Pilipino.
Pumupunta pa siya sa computer shop na malayo sa kaniyang bahay dahil nga sa pagkahilig
niya rito. Sa isang computer shop na ang pangalan ay Bomb Shelter, nakikipagpustahan
siya sa ibang kabataan. Ang mananalo ay maiiwan sa shop at sila na lang ang maglalaro
dito. Samantala, aalis naman ang matatalo. Muntik na nga siyang matalo kung hindi pa siya
tinulungan ng isang batang babae. Sa kaniyang pagkakalulong ay may kumalat na virus na
kung saan ay nabibiktima at nahihipnotismo ang mga manlalarong tulad niya na nagresulta
sa lubhang pagkatutok niya sa kompyuter. Dito ay nagkaroon ng pakiramdam si Nico na
ang laro ay nangyayari sa totoong buhay at isa siya sa mga dapat tumalo sa kanilang
malaking kalaban. Ano ang mangyayari kay Nico? Matatalo kaya nila ang kanilang kalaban.
Ano ang mangyayari kay Nico? Matatalo kaya nila ang kanilang kalaban? Kailan matitigil
ang pagkahumaling niya sa mga larong kompyuter?

*Tukuyin ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isyung nabasa.

A. Mabuti ang paglalaro ng isang laro sa kompyuter dahil napapaunlad nito ang talino.
B. Hindi mabuti ang ugnayan ng manlalaro sa kanyang pamilya.
C. Nagdudulot ito ng pagkakaroon ng maraming kaibigan.
D. Napapaunlad nito ang kakayahan ng isang manlalaro.
E. Magdudulot ito kalaunang sakit sa isipan at pagkatao ng isang manlalaro.

➢ Narito naman ang pangalawang isyu. Basahin din at sagutin ang katanungan.

“Gusto Mo Bang Maging Siyentista?”

Gusto mo bang makaimbento ng isang sapatos na puwedeng makapag-charge ng


gadget o ng isang flashlight na ang kailangan lamang ay init ng katawan upang mapailaw?
Imposibleng mangyari ang mga ito kung iisipin, ngunit alam mo bang nagawa at
naimbento na ito ng mga batang Pilipino? Nagsimula sa kanilang imahinasyon ang mga
bagay ngunit ngayon nagkatotoo na.

Ang electricity-generating footwear ay inimbento ng isang batang si Angelo Casimiro.


Gumawa siya ng generator gamit ang powerbank. Idinikit niya ito sa sapatos na kapag
inilakad ay maaaring makapagcharge ng gadget kapag nilagyan ng USB connection. Ayon
Belinda R. Rosagaron, T III
Paaralang Elementarya ng Tugbungan
10

kay Casimiro, ang kaniyang lolo ang kaniyang naging inspirasyon.

Ang flashlight naman na hindi gumagamit ng baterya ngunit napapailaw gamit ang init
ng katawan ng may hawak nito. Naimbento naman ito ni Ann Makonski, isang batang may
dugong Pilipino na nakatira sa Victoria, Canada. Ginamit ni Makosinksi ang tinatawag na
thermoelectric technology na nagko-convert ng init mula sa kamay ng humahawak ng
flashlight upang maging koryente na nagpapailaw sa bombilya ng flashlight.

Malaki ang ginagampanan ng mga scientist o siyentista sa ating lipunan. Sa


kanilang patuloy na pag-aaral, natutuklasan ang mga solusyon sa mga problemang
kinakaharap ng mga tao tulad ng halimbawang gamot sa mga sakit, teknolohiya para sa
mga kalamidad, at iba pa. Katuwang sila ng lipunan upang gawing madali ang pamumuhay
ng mga tao.
Gusto mo rin bang maging isang siyentista balang araw?
Gamitin ang imahinasyon sa paglikha ng mga bagay na kapaki-pakinabang. Malaki
ang maitutulong ng siyensiya upang magkatotoo ang mga ito.

*Tukuyin ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isyung nabasa.

A. Imposibleng mangyari ang mga naiisip ng mga nais maging siyentista.


B. Maraming gugugulin na oras at pagpupursigi ng isang tao kung gusto niyang maging
siyentista.
C. Magiging tanyag pa rin ang isang taong gustong maging siyentista kahit hindi naging
matagumpay ang kanyang ginawa.
D. Gamitin ang imahinasyon sa paglikha ng mga bagay na kapaki-pakinabang kung
gusto maging siyentista.
E. Maliit ang naitutulong ng mga siyentista sa kaunlaran ng isang bansa.

Huling Paalala: Pagkatapos mo sa gawaing ito, ibigay sa iyong guro ang sagutang
papel para sa mga pagsasanay at pagtatasa at kumuha ng panibagong CapSLET.

Sanggunian:
ALAB FILIPINO 5 Batayang Aklat pp. 108-109,150-151,202-203

DISCLAIMER
This learning resource contains copyrighted materials. The use of which has not been
specifically authorized by the copyright owner. We are making this learning resource in our
efforts to provide printed and e-copy learning resources available for the learners in
reference to the learning continuity plan of this division in this time of pandemic.

This LR is produced and distributed locally without profit and will be used for educational
purposes only.

No malicious infringement is intended by the writer.


Credits and respect to the original creator/owner of the materials found in this learning
resource.

Belinda R. Rosagaron, T III


Paaralang Elementarya ng Tugbungan
11

Susi sa Pagwawasto

( Maaaring magkaroon ng ibang sagot ang mga mag-aaral dahil ang ibang mga sagot
ay batay sa kanilang sariling reaksiyon o opinyon.)

Pagtatasa ng Pagkatuto 1:

➢ Ang May-akda – ay ang taong sumulat ng iba’t ibang sulatin gaya ng kuwento,
tula, teksto sa isang isyu at marami pang iba.

Pagtatasa ng Pagkatuto 2:

➢ Matutukoy natin ang paniniwala ng may-akda ng teksto sa isang isyu, kung ang
mga nilalaman nito ay nagpapahiwatig ng isang diwa o isang tema lang. At kung
ano ang gusto niya ipabatid sa mga mambabasa.

Sanayin Natin!

Gawain 1: Gawin mo!

1. dugong
2. Baybayin ng Isabela, Quezon, Mindoro, Palawan at Panay
3. Sampung Talampakan (10 ft)
4. 300 kilo
5. Upang makahinga ang bagong ipinanganak na dugong

Gawain 2: Kaya Ko!

5. Kung magpapatuloy ang polusyon sa dagat, hindi malayong mawala na ang


mga dugong sa mundo

SUBUKIN NATIN!
1. E. Magdudulot ito kalaunang sakit sa isipan at pagkatao ng isang manlalaro.
2. D. Gamitin ang imahinasyon sa paglikha ng mga bagay na kapaki-
pakinabang, kung gusto maging siyentista

Belinda R. Rosagaron, T III


Paaralang Elementarya ng Tugbungan

You might also like