Komunikasyon at Pananaliksik Sa Wika at Kulturang Pilipino: Jayson B. Campos Subject Teacher

You might also like

You are on page 1of 28

KOMUNIKASYON AT

PANANALIKSIK SA WIKA AT
KULTURANG PILIPINO
JAYSON B. CAMPOS
Subject Teacher
Daily Routine:
Breathing Exercise

A
TALUMPATI NG NAKARAAN…

Magbigay ng halimbawa ng
talumpating iyong narinig at
ibahagi ito sa kapulungan/klase.

2
MGA KONSEPTONG PANGWIKA
(Bilingguwalismo at
Multilingguwalismo)

3
Layunin:
1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang
sitwasyong pangkomunikasyon,
2. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya sa pag-unawa
sa mga konseptong pangwika,
3. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa
lipunan,
4. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari/kaganapan tungo sa
pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa, at
5. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa.
4
ARALIN 2

MGA KONSEPTONG
PANGWIKA

5
Magkahiwalay na gamit ng Filipino at
Ingles ang tungkol sa bilingguwalismo
at samantalang paggamit ng Mother
Tounge tungo sa pagkatuto ang MTB-
MLE.

6
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 25,
S.1974
-nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng
Kagawaran ng Edukasyon at Kultuta na
nagtatakda ng panuntunan ng
pagpapaunlad ng Patakaran ng
Edukasyong Bilingguwal.

7
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 52,
S.1987
-Atas Tagapagpaganap Blg. 335 na nag-aatas
sa lahat ng kagawaran, kawanihan, opisina,
ahensya, instrumentality ng pamahalaan na
gamitin ang Filipino sa opisyal na mga
transaksiyon, komunikasyon at
korespondensiya.

8
KAUTUSANG PANGKAGAWARAN BLG. 74,
S.2009
-Institusyonalisasyon ng Mother Tounge-
Based Language-Multilingguwal na
Edukasyon (MTB-MLE)

9
BILINGGUWALISMO
-nakatakda na ang Ingles ang gagamitin bilang
wikang panturo sa asignaturang Agham,
Matematika, at wikang Filipino sa lahat ng ng iba
pang asignatura sa mas mababa at mataas na
paaralan.

10
BILINGGUWALISMO
-Ang Edukasyong Bilingguwal ay
nangangahulugan ng magkahiwalay na paggamit
ng Filipino at Ingles bilang mga midyum ng
pagtuturo sa mga tiyak na asignatura. Dapat na
masunod ang magkahiwalay na paggamit ng
Filipino at Ingles sa pagtuturo.

11
BILINGGUWALISMO
-Dapat na matamo ang kahusayan sa pagbasa sa
mga wikang panrehiyon, sa Filipino at Ingles nang
yugto-yugto. Sa mga lugar na hindi katutubong
sinasalita ang Tagalog, maaaringiturong pasalita
ang Filipino na gumagamit ng mga paraan,
Teknik at mga kagamitan na kinakailangan sa
pagtuturo ng Filipino sa mga di-Tagalog.

12
MULTILINGGUWALISMO
-Paggamit ng maraming wika. Nagiging laganap na
ang eksposyur ng isang indibidwal sa maraming
wika. Sa paggamit nito, maaaring may positibong
epekto ito sa tao. Nagkaroon ng isnag pag-aaral
tungkol sa paggamit ng maraming wika. Nakita sa
nasabing pag-aaral na ang kakayahan upang
gamitin ang isang wika ay nagdudulot ng
magandang bentahe sa isang indibidwal.

13
TALUMPATI
-Isang sining at agham ang pagtatalumpati.
Sining at agham sapagkat dapat na maayos
na nakahanay ang mahahalagang kaisipan
at mabisang paraan ng paghahatid ng mga
ito sa tagapakinig. Nagpapakita ito nang
husay at wastong pamamaraan na may
layong humikayat.

14
PAGHAHANDA NG TALUMPATI
-Nakasalalay sa paksa at sa
mananalumpati ang ikapagtatagumpay ng
isnag pagtatalumpati, patimpalak man o
hindi.

15
ANG PAGPILI NG PAKSA
1. Tumutugon sa Layunin
-layon ba nitong magturo, magpabatid,
manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna
at bumatikos?

16
ANG PAGPILI NG PAKSA
2. Napapanahon
-ang paksa ng talumpati ay napapanahon
kung may kaugnayan sa okasyong
ipinagdiriwang

17
ANG PAGPILI NG PAKSA
3. May Kaisahan
-dapat na may isang pokus lang ang paksa.

18
BALANGKAS NG TALUMPATI
1. Panimula
-lubhang nkakaganyak sa mga tagapakinig ang isang
mahusay na panimula. Sa mahusay na panimula ng
talupmpati nakasalalay ang kawilihan ng mga
tagapakinig. Isang magandang panimula ang pagsipi
ng mahahalagang pahayag mula sa mga batikan at
bantog na tao, pagtatanong, pagsasalaysay ng mga
personal na obserbasyon, karanasan at iba pa.

19
BALANGKAS NG TALUMPATI
2.Katawan
-itinuturing itong pinakakaluluwa ng talumpati
sapagkat nakapaloob dto ang mahahalagang
kaisipan ng paksa.
-nagtataglay ng mga sumusunod na katangian
ang isang mahusay na katawan ng talumpati.

20
BALANGKAS NG TALUMPATI
2.Katawan
-may kawastuhan na inaasahan ang pagiging
wasto ng buod o anyo nito. May matibay o
pinanghahawakang batayan at hindi ito gawa-
gawa o kathang-isip lamang. Dapat wasto ang
tinataglay nitong gramatika.

21
BALANGKAS NG TALUMPATI
2.Katawan
-Dapat din may kalinawan. Kailangang maging
malinaw upang maunawaan ng husto ang
nilalaman ng talumpati.
-Pagkakaroon ng pang-akit sa pamamagitan ng
mahusay na pagbigkas ng talumpati, madaling
magigising ang damdamin ng mga nakikinig.

22
BALANGKAS NG TALUMPATI
3. Wakas
-ito ang pagtatapos ng talumpati. Dpat
na bigyang-diin ang paksa. Mahusay
ang isang wakas kung makapag-iiwan
ang talumpati ng mahalagang diwa sa
isipan o kaisipan ng mga nakikinig.

23
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY
NA MANANALUMPATI
1. May magandang personalidad.
2. Malinaw magsalita.
3. May malawak na kaalaman sa
paksang tinatalakay.
4. May kasanayan sa pagtatalumpati
5. Mahusay gumamit ng kumpas.

24
PAGLALAPAT
Sumulat ng isang paksa ng talumpati
na isinasaalang-alang ang dapat
tandan sa pagsulat nito. Maaaring ito
ay isang napapanahong isyu o paksa
tungkol sa wikang Pambansa.

25
PAGTATAYA
1.Ano ang pagkakaiba ng
bilingguwalismo at
multilingguwalismo. Ipaliwanag.
2.Isa-isahin ang balangkas ng
talumpati at ang kahulugan nito.

26
GAWAING-BAHAY
Mula sa nabuong paksa ng talumpati.
Sumulat ng isang talumpati na
isinasaalang-alang ang dapat tandaan
sa pagsulat nito. Kapag nabuo na ang
isinulat na talumpati bigkasin ito ng
maayos sa harap ng klase.

27
Thank you

You might also like