You are on page 1of 19

- WELCOME BULLPUPPIES –

I. PROPONENT NG AKTIBIDAD

Bb. Tesoro, Hannah U. -Tagapangulo

G. Avenio, Lance -Kasapi

Bb. Dela Merced, Althea P. -Kasapi

Bb. Edangal, Mellisa May -Kasapi

G. Mabuti, Achilles -Kasapi

Bb. Nabong, Alyana Louise B. -Kasapi

Bb. Pons, Augusta Juliet -Kasapi

II. KLASIPIKASYON NG AKTIBIDAD

Ang proyektong “Welcome Bullpuppies” o tinatawag na “Welcome Fair” ay maaaring


pumasok sa klasipikasyon na pang-edukasyon at pagtitipon-tipon. Maituturing itong
pang-edukasyon sapagkat magkakaroon ng introduksyon tungkol sa mga aktibidad na
gagawin sa paaralan para sa mga estudyante ng NU Fairview. Nabibilang na rito ang
introduksyon ng mga ASP kagaya ng mga Dulaang Nasyunal, Pintados, The Social Catalyst,
at marami pang iba. Dahil dito, maraming matututunan ang mga mag aaral at ma-eensayo ang
galing nila sa kanilang mga piniling larangan. Masasabing pasok din dito ang
pagtitipon-tipon dahil magkakaroon ng mga palaro at concert ang aktibidad na ito.
Makatutulong ito sa mga mag-aaral na kilalanin ang ibang mag-aaral at siyasatin ang
kanilang makakasama sa mga susunod pang mga araw. Malaking tulong ang proyekto na ito
sa mga mag-aaral dahil makapagbibigay ito ng pagganyak sa pagsisimula ng bagong
akademikong taon.

III. RASYONAL

Isa sa pinaka-inaabangan at pinaghahandaan ng bawat estudyante ay ang unang araw


ng pasukan kung saan ito ay magsisilbing unang impresyon ng mag-aaral sa kanilang
magiging eskwelahan. Ang araw na ito ay mahalaga sapagkat ito ang unang pagkakataon na
magtitipon-tipon ang mga mag-aaral at guro. Kaya naman ay labis ang ekspektasyon ng mga
estudyante sa araw na ito lalo na sa mga magiging bagong mag-aaral ng isang eskwelahan.

Ang bawat paaralan ay may sari-sariling paraan ng pagbati sa pagbabalik-eskuwela ng


mga mag-aaral sa pag-uumpisa ng bagong taon ng pag-aaral. Mahalaga na ang unang araw ng
pasukan ay maging masaya at makapag-iiwan ng masasayang alaala at karanasan na pwedeng
balikan ng mga mag-aaral. Ang “Welcome Bullpuppies” ay isang kaganapan na magaganap
taun-taon para sa mga bagong estudyante ng senior high school ng NU Fairview.

IV. DESKRIPSYON NG AKTIBIDAD

Ang “Welcome Bullpuppies” ay isang welcome fair para sa mga bagong dating na
mga senior high school students lalo na ang mga darating na ika-11 baitang na mga
estudyante sa NU fairview. Ang aktibidad na ito ay nagnanais na ipakilala ang mga bagong
estudyante sa kanilang kapwa Nationalians, at ipakita kung ano-ano ang kayang ibigay ng
eskwelahan para sa mga bagong estudyante.

Tuwing Biyernes ng unang linggo ng bagong akademikong taon ng NU Faiview ay


magkakaroon ng pagdiriwang para sa mga bagong estudyante ng paaralan. Ang pagdiriwang
na ito ay tyansa upang magpakilala ang mga ASP clubs sa paaralan at makakuha ng bagong
miyembro. Ito rin ay paraan upang simulan ang bagong akademikong taon ng mga estudyante
nang masaya at walang prinoproblema. Maipapakalat naman ang impormasyon na ito sa
pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Senior High School Student Government na i-post ang
pangyayaring ito sa kanilang Facebook page.

Ang pondo naman na gagamitin sa aktibidad na ito ay manggagaling sa entrance fee


na nagkakahalagang 50 pesos na babayaran sa Lower Ground floor ng Unibersidad at sa
concert ticket na nagkakahalagang 150 pesos na kanilang babayaran sa online forms. Ang
aktibidad na ito ay matatagpuan sa buong unang palapag ng NU Fairview kung saan makikita
rin ang entrance sa fair. Ang laman naman ng welcome fair na ito ay iba't-ibang mga food
stalls, bazaar, activity booths, at iba pa. Ang aktibidad ay magkakaroon ng konsyerto sa gabi
kung saan may pa-raffle ng iba’t ibang NU merch na iisponsoran ng ASP club na "The
Creatives" sa loob ng basketball court. Ang perang malilikom ay hahatiin sa porsyentong 60
at 40, ang 40 porsyentong makukuha ay ibibigay sa kabuuan na Senior High School
Department at ang 60 porsyento naman ay mapupunta sa organisasyong ”Strays Worth
Saving” na napiling donation drive.

V. LAYUNIN NG AKTIBIDAD

Ang layunin ng aktibidad na "Welcome Bullpuppies" ay ipakilala ang mga bagong


mag-aaral sa kanilang mga kapantay at ipakita ang lahat ng ma-iaalok ng paaralan.
Makakatulong din ito sa mga estudyante na malaman ang tungkol sa mga regulasyon at
proseso ng paaralan, makipag-ugnayan sa mga tagapayo, at maging pamilyar sa kampus. Ang
isa pang layunin ng aktibidad na ito ay payagan ang mga mag-aaral na magkaroon ng mga
relasyon sa ibang mga mag-aaral at miyembro ng faculty, alamin ang tungkol sa mga
available na resources sa campus, at makakuha ng suporta habang sinisimulan nila ang
kanilang karanasan sa Senior High.

Layunin din ng pagdiriwang na ito ang maglaan ng bahagi ng pondong nalikom upang
matugunan ang mga pangangailangan ng student government. Ang 40% ng donasyon ay
mapupunta sa student government ng NU Fairview upang suportahan ang mga proyektong
naglalayong mapabuti ang mga kondisyon sa paaralan, tulad ng mga programa sa bawat
kaganapan ng eskwelahan. Ang 60% naman ng donasyon ay mapupunta sa pagtulong sa mga
stray animals. Ang donasyong ito ay makakatulong sa pagpapatayo ng pasilidad para sa mga
stray animals, tulad ng mga shelter at veterinary clinics, upang bigyan sila ng ligtas at
maayos na lugar para manirahan. Karagdagan pa rito, maglalaan rin ng pondo para sa
pagkain, pangangalaga, at medikal na pangangailangan ng mga stray animals. Sa
pamamagitan nito, makatutulong ito sa pag-aalaga at pagprotekta ng mga walang tahanang
aso, na magdudulot ng kalayaan at kaligtasan para sa kanila.

VI. PLANO NG PAGSASAGAWA

Narito ang plano kung paano maisasagawa ang Welcome Fair sa NU Fairview:

PETSA KUNG KAILAN MGA HAKBANG SA


GAGAWIN KINAKAILANGANG PAGSASAGAWA
MAISAGAWA

HULYO 1, 2023 Pag-imbita sa napiling Pagpapadala ng liham sa


pwedeng magsagawa ng mga napiling estudyante.
intermission number para sa
mga bagong estudyante.

HULYO 17 - 21, 2023 Paghanda ng mga Pagpupulong ng mga


kakailanganin para sa opsiyal ng mga ASP kung
naitalagang Food Stalls o paano sila makakakuha ng
Activity Booths ng mga bagong miyembro gamit ang
ASP. kanilang Activity Booths.
Pagpapadala ng liham sa
mga napiling pwedeng
magbenta ng pagkain sa
loob ng paaralan.

HULYO 24 28, 2023 Paghanda ng mga NU Pagpapadala ng liham sa


Merch na premyo para sa guro ng ASP Club na “The
raffle. Creatives” sa NU Fairview
para ipaalam ang pagiging
premyo ng kanilang NU
Merch.

AGOSTO 7 - 11, 2023 Pag-promote ng mga ASP sa Paggawa ng PUBMAT ng


page ng SHS Student mga ASP na makakakuha ng
Government ng NU atensyon ng mga bagong
Fairview. estudyante.

AGOSTO 15 - 17, 2023 Pagdekorasyon sa Lower, Paggawa ng konsepto para


Ground, Basketball Court, sa magiging itsura ng mga
Sky Garden, at Halls ng NU lugar na gagamitin.
Fairview ayon sa napiling Paghanda ng materyales
tema para sa pagdiriwang. pangdekorasyon.

AGOSTO 18, 2023 Pormal na pagsasagawa ng Pagsimula ng programa


Welcome Fair para sa mga ayon sa nakatakdang daloy
bagong estudyante ng NU ng pagdiriwang.
Fairview (SHS).

AGOSTO 20, 2023 Pagbigay ng nakuhang 60 Pagkolekta ng perang


porsyento ng pera para sa nalikom sa pagdiriwang ng
napiling organisasyon na “Welcome Bullpuppies.”
paglalaanan ng donasyon.

Narito ang nakatakdang daloy ng pagdiriwang:

ORAS PANGYAYARI

ASP ORIENTATION OPENING PROGRAM

8:00 AM Opening Prayer

8:05 AM National Anthem


8:10 AM Opening Remarks

8:15 AM Online Orientation for ASPs

10:40 AM Closing Remarks

11:00 AM Photo Opportunity

SCHOOL FAIR OPENING PROGRAM

1:00 PM Opening of Activity Booths and Food Stalls

1:15 PM Registration for Raffle tickets

4:00 PM Opening Prayer

4:05 PM Opening Remarks

4:15 PM Intermission Number

5:00 PM Open Concert / Open Mic

7:00 PM Awarding and Announcements of Raffle Winners and Reminders

8:00 PM Closing Remarks

8:20 PM Photo Opportunity

Narito ang mga napiling magsagawa ng intermission number para sa pagdiriwang:

MGA MAGSASAGAWA ANG ISASAGAWA

Estrelya Champions Kakanta

Kathleen Borromeo at Tyrese Madrid Kakanta

Aaliyah Argullano at Krizia Jordan Sasayaw

Jewel Miranda at Jhava Celeste Kakanta

Julman Alarca at Jhames Manlapig Sasayaw

Narito ang mga napiling palaro para sa Activity Booths:

MAGSASAGAWA LARO PAANO LARUIN

SHS Student Government Ring Games Ring Games: May ibibigay


Board games (chess, na tatlong rings at
scrabble, snakes and ladders kailangang malusot lahat sa
etc.) bote. May premyo kapag
Mini Basketball nakatatlong lusot.
Board games: 30 pesos kada
30 minutong paggamit.

Basketball: Tatlong bola ang


kailangang maipasok para
magkapremyo.

NU Bearers Donation Booth Magbibigay ng donasyon


ang mga estudyante kahit
magkano.

Bulldog Smashers Service Shot Ang manlalaro ay hahawak


ng raketa at i-ugoy ang
shuttle nang direkta sa
basket. Tatlong metro ang
layo ng manlalaro mula sa
basket. Mayroon silang
tatlong tyansa na ipasok ang
shuttle. Kung maipasok nila
ito ng kahit isang beses,
makatatanggap sila ng
premyo. 5 pesos kada subok.

Narito ang mga napiling magbenta para sa Food Stalls:

● Hot Potato
● Chowking
● Arya Coffee

Narito ang mga napiling magbenta para sa Bazaar:

● Crochet
● Yezha Clothing

VII. KABUUANG PONDONG KAILANGAN

Materyales Bilang ng Presyo kada Kabuuang presyo


materyales materyales

Decoration Lights ₱‎4000 ₱‎4000


and Sound
(Package):

Powered Speaker 2 PACKAGE

Mixer 1 PACKAGE

Mic Wireless 2 PACKAGE


Devon

Mic Chords 2 PACKAGE

Laptop 1 PACKAGE

Smoke Machine 1 PACKAGE

LED Lights 12 PACKAGE

DMX Controller 1 PACKAGE

Mic Stand 2 PACKAGE

Speaker Stand 2 PACKAGE

Box Chord 1 PACKAGE

Extension 1 PACKAGE

Broadcasting 1 ₱‎2,500 ₱‎2,500


Camera

Camera Monitor 1 ₱‎800 ₱‎800

SteamDeck 1 ₱‎1,000 ₱‎1,000

Converter 1 ₱‎500 ₱‎500

SDI Cables 1 ₱‎500 ₱‎500

USB Audio 1 ₱‎1,000 ₱‎1,000


Interface

Drums 1 ₱‎3,000 ₱‎3,000


LED Wall 1 ₱‎11,000 ₱‎11,000

Kabuuang Presyo: ₱24,300

Mga pinagbatayan ng presyo:

Lights and Sounds (Package): https://www.facebook.com/rocel.guarin.16

Broadcasting Video Equipments:


https://www.facebook.com/boxstudiosmanila/posts/pfbid0CP1PkkaMaQNDceZy4UGXJGRh
BU7JVZMSv36F92KwLceWyR1mkYACRb5ZTEiEuJMZl

Drums:
https://www.facebook.com/marketplace/manila/?hoisted_items=748756023564640

VIII. MGA KAPAKINABANGANG DULOT NG AKTIBIDAD

Ang panukalang ‘Welcome Bullpuppies’ ay isang aktibidad na magsisilbing pagbati


sa mga Nationalians sa kanilang unang linggo nang pagpasok sa paaralan. Sa pagsasagawa at
pakikisapi rito ay mahahasa ang kapasidad ng mga senior high school Nationalians pagdating
sa pag-iisip ng kanilang maibabahaging interest, talento, at pagkamalikhain. Sa pagtatapos ng
nasabing aktibidad ay asahan na mapupunta sa donasyon ang nalikom na pondo para sa
napiling charity foundation.

Una sa lahat, ang aktibidad na ito ay hindi lamang nagdudulot ng puro kasiyahan,
kung hindi pati na rin ng aral at pagpapaunlad ng sarili. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito
ay maaaring mapaunlad ng mga estudyante ang kanilang kakayahang pang sosyal at
pang-akademiko, kasabay ng pagtuklas sa mga bagong karanasan na magpapalawak sa
kanilang kapasidad bilang tao. Ito ay dahil sa layunin ng programa na nagtatangkilik ng
kooperasyon, partisipasyon, at inobasyon.

Sa pamamagitan ng paggawa ng mga produkto, pag-iisip ng disenyo, at pagtatayo ng


bawat pwesto, ay nahahasa ang pagkamalikhain ng mga estudyante dahil kasama sa aktibidad
ang mga booths, food stalls, at pagtatanghal. Dahil sa karanasan na ito, mas lalong
napapayabong ang iba’t-ibang talino ng tao o mas kilala bilang multiple intelligence.
Kabilang na rito ang interpersonal, linguistic, at logical-mathematical intelligence sa
pagtitinda, spatial-visual intelligence sa pagdisenyo ng mga booths at stalls, at musical
intelligence para sa magtatanghal sa konsiyerto.

Sa kabuuan, ang pagkakaroon ng aktibidad na ‘Welcome Bullpuppies’ ay isang


magandang programa kung saan natutulungan nito ang mga estudyante na palaguin ang
kanilang talento at kakayahan, kasabay ng kasiyahan na dulot ng aktibidad. Bilang
Nationalian ay naisasagawa din ang core values tulad ng inobasyon, compassion, katatagan,
at integridad sa nasabing panukalang aktibidad dahil layunin nitong mapaunlad ang
kakayahan ng mga estudyante at makatulong sa pamamagitan ng donasyon sa napiling
pundasyon.

IX. LIHAM NG KAHILINGAN

Hunyo 1, 2023

Ricky R. Lawas, M.A.,RGC, LPT


Executive Director
National University Fairview
SM Fairview Complex, Quirino Highway,
Cor. Regalado Avenue, Quezon City 1100

Kagalang-galang na direktor:

Pagbati!

Magandang Araw, ang liham na ito ay mula sa pangkat apat sa baitang ng 12ABM2203-
Accountancy para sa asignaturang Filipino sa Piling Larang. Kami ay sumulat upang humingi
ng gabay sa aming hinandang panukalang proyekto at ninanais naming malaman, suriin at
aprubahan ang aming naihandang proyekto. Ang aming proyekto ay pinamagatang “Welcome
Bullpuppies” o tinatawag ding “Welcome Fair” na kung saan ay magkakaroon ng isang araw
na kaganapan para sa mga bagong mag-aaral ng NU Fairview. Mayroon itong introduksyon
para sa mga ASP na kung saan ay maaring sumali ang bagong mga mag aaral. Mayroon ding
mga booth, bazaar, at games sa hapon. Sa gabi naman ay magkakaroon ng Concert. Ang
layunin ng aktibidad na ito ay para magbigay ng motibasyon, at mas lalong ma enganyo ang
mga mag-aaral sa pagsisimula ng kanilang taon.

Isa sa layunin ng proyekto na ito ay tumulong sa napili naming organisasyon. Ang perang
makukuha ay mahahati sa porsyento. Ang 60 porsyento ay mapupunta sa napiling
organisyon, ang Stray Worth Saving o SWS, habang ang matitira ay magiging pondo ng SHS
para sa pangbili ng sariling speaker, mic, at ibang pangangailangan ng SHS Department.

Ang iba pang detalye ay kasama sa papel na aming ibibigay. Hinihiling po namin na
magiging positibo ang inyong tugon tungkol sa aming proyekto.

Maraming Salamat po.

Taos-pusong gumagalang,
Hannah U. Tesoro
Tagapangulo
12ABM2203 (Pangkat apat para sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan)

X. MGA KATITIKAN NG PULONG

● Pagpupulong Bilang 1

FILIPINO SA PILING LARANG


12ABM2203

Pagpupulong Bilang 1
Mayo 24, 2023
Online na Pagpupulong
8:00 PM – 9:00 PM

Mga Nagsipagdalo:
Avenio, Lance

Edangal, Mellisa May

Mabuti, Achilles

Nabong, Alyana Louise

Pons, Augusta Juliet

Tesoro, Hannah

Mga Liban:
Dele Merced, Althea

Inihanda ni:
Edangal, Mellisa May L.

I. Mga Adyenda

· Mag-isip ng paksa at pamagat para sa panukalang aktibidad na ipapakonsulta sa guro.

· Pagtalakay sa mga planong gawin sa panukalang aktibidad.

II. Usaping Napagkasunduan

· Napagkasunduan ng grupo ang mga aktibidad na maaaring ilagay sa panukala.

III. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong:

Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:

Paksa Talakayan Aksyon Taong Magsasagawa


Pag-isip ng paksa at Napagkasunduan ang Naipakonsulta na Lahat ng miyembro
pamagat para sa mga aktibidad na ang naisip na paksa
panukala. gagawin sa at pamagat.
panukalang
aktibidad.

Ang pamagat na
ipapaapruba ay
tatawaging
“Welcome
Bullpuppies”

IV. Iba pang usapin:

· Tinalakay ang mga aktibidad at kung kailan ito ipapasa ng mga miyembro.

V. Pagtatapos ng Pulong

Inihanda at isinulat nina:

Avenio, Lance

Dela Merced, Althea

Edangal, Mellisa May

Mabuti, Achilles

Nabong, Alyana Louise

Pons, Augusta Juliet

Tesoro, Hannah

● Pagpupulong Bilang 2

FILIPINO SA PILING LARANG


12ABM2203
Pagpupulong Bilang 2
Mayo 25, 2023
NU Fairview
8:00 AM – 9:00 AM

Mga Nagsipagdalo:

Avenio, Lance

Dele Merced, Althea

Edangal, Mellisa May

Mabuti, Achilles

Nabong, Alyana Louise

Pons, Augusta Juliet

Tesoro, Hannah

Mga Liban:

Inihanda ni:
Edangal, Mellisa May L.

I. Mga Adyenda

· Magtalaga sa mga miyembro ng kanya-kanyang gawain sa bawat seksyon ng panukalang


aktibidad.

II. Usaping Napagkasunduan

· Napagkasunduan ng grupo ang bawat gawain ng bawat miyembro.

· Napagkasunduan kung kailan ipapasa ang nasabing gawain ng bawat miyembro.

III. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong:


Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:

Paksa Talakayan Aksyon Taong Magsasagawa

Pagtalaga ng mga Napag-usapan kung Ang mga miyembro Lahat ng miyembro


gawain sa mga kailan ipapasa ang ay malayang pumili
miyembro ng grupo. kanya-kanyang parte ng nais nilang gawin
na gagawin sa na parte sa papel.
panukalang
aktibidad.

IV. Iba pang usapin:

· Tinalakay ang mga aktibidad at kung kailan ito ipapasa ng mga miyembro.

V. Pagtatapos ng Pulong

Inihanda at isinulat nina:

Avenio, Lance

Dela Merced, Althea

Edangal, Mellisa May

Mabuti, Achilles

Nabong, Alyana Louise

Pons, Augusta Juliet

Tesoro, Hannah
- DOKUMENTASYON

Bazaar booth (Clothing and Crochet)

Performer’s in the concert (singing and dancing)


NU Creatives sponsorship

Game booth (SG, ASP’s)


Food stalls (Arya kopi, Chowking, Hot potato)
Equipments

You might also like