You are on page 1of 1

GURONG NAGBABALIK SA BAYAN, INC.

Silid 115A, Gusaling APP, Bulacan State University


Lungsod ng Malolos, Bulacan

3 Disyembre 2018

TAGAPAMAHALA
Robinsons Place Malolos
Lungsod ng Malolos

Sa kinauukulan:

Pagbati!

Ang Gurong Nagbabalik sa Bayan, Inc. ay pambansang samahan ng mga gurong nag-
aadhika ng kagalingang panlipunan sa loob at labas ng mga paaralan. Isa sa panulukang
gawain ng samahan ang mga makakalikasang pagkilos. Nakapaglunsad na ang samahan ng
mga rainforestation project sa kabundukan ng Sierra Madre sa bahagi ng Bulacan at sa mga
bakawanan sa baybayin ng lalawigan. Kaugnay ng pagpapatuloy sa mga adhikaing ito ay ang
paglulunsad ng kauna-unahang TAGA-ILOG EKO FEST, isang panlalawigang patimpalak sa
paggawa ng maikling pelikula.

Isasagawa ang TAGA-ILOG EKO FEST sa buwan ng Pebrero 2019 sa temang “Hulagway ng
Laot” o Imagery of the Sea. Layunin ng eko fest na dalhin sa kamalayan ng madla ang mga
isyung pangkalikasang kinakaharap ng mga pamayanan at ekosistema sa mga pook baybayin
at kailugan sa Bulacan.

Sa diwang ito, nais naming bumuo ng pakikipagtulungan sa inyo bilang major partner sa
TAGA-ILOG EKO FEST. Ang partnership na ito ay kapapalooban ng mga sumusunod na
kahingian:

1. Maisagawa ang screening ng mga magwawaging pelikula sa Robinsons Movieworld sa


petsa at oras na pahihintulutan sa buwan ng Pebrero 2019; at
2. Makapaglagay ng eksibit ukol sa Eko Fest at adbokasiya nito sa Activity Center ng mall sa
petsa at oras na phihintulutan sa buwan ng Pebrero 2019.

Bilang tugon, ang Robinsons Place Malolos ay kikilalanin sa lahat ng mga kagamitang
pampublisidad ng proyekto tulad ng tarpaulin, polyeto at mga poster.

Lubos ang aming pag-asa na inyong pauunlakan ang aming kahilingan. Malugod naming
sasagutin ang anumang paglilinaw kaugnay ng proyekto.

Maraming salamat po!

Para sa Bayan,

FREDERICK JOHN A. MACALE


Tagapag-ugnay, TAGA-ILOG EKO FEST 2019
09352738623 famacale@gmail.com

Sa kabatiran ni:

DR. REYNALDO S. NAGUIT


Pangulo, Gurong Nagbabalik sa Bayan, Inc.
HULAGWAY NG LAOT

You might also like