You are on page 1of 3

ARELLANO, DEODATO DE LA CRUZ

A. Portrait

Pinagkunan: https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/17998142310

B. Timeline

26 Hulyo 1844
Ipinanganak sa Maysantol, Bulakan, Bulacan kay Juan at Mamerta Arellano. Bininyagan noong
ika-30 ng Hulyo sa parehong taon. Ang apelyidong Arellano ay ginamit ayon sa atas ni Gob.
Hen. Claveria noong 1849.

Nag-aral ng teneduria de libros o bookkeeping at matapos ay nagtrabaho bilang klerk sa


Maestranza de Artilleria o sa arsenal ng hukbong kolonyal sa Maynila.

22 Abril 1877
Ikinasal kay Hilaria del Pilar na kapatid ni Marcelo H. del Pilar.

1887
Sa pagbabalik ni Dr. Rizal sa Maynila, dinalaw siya ni Arellano upang papurihan sa paglalathala
ng Noli Me Tangere. Noong 1888, naging kasapi siya ng Comite de Propaganda na kasamang
binuo nina Doroteo Cortez, Ambrosio Rianzares Bautista at Pedro Serrano Laktaw. Layunin ng
comite na mangalap ng pondo para sa kilusang propaganda, isulong ang mga programa nito at
ipakalat ang mga rebolusyonaryong doktrinang pulitikal. Ang organisasyon ay kinasapian ng
mga mason tulad ni Arellano.
3 Hulyo 1892
Naging kasaping tagapagtatag at kalihim (Secretario del Consejo) ng La Liga Filipina si Arellano
noong itayo ito ni Dr. Rizal sa tahanan ni Doroteo Ongjunco sa 176 Calle Ilaya, Tondo.

7 Hulyo 1892
Itinatag ang Katipunan matapos dakpin si Dr. Rizal noong Hulyo 6. Naganap ito sa 72 Calle
Azcarraga (ngayon ay C.M. Recto) sa Maynila.

Si Arellano ang unang pangulo ng Kataastaasang Sanggunian (Consejo Supremo) ng


Katipunan. Kasama sa mga nagtatag ng lihim na samahan ay sina Andres Bonifacio, Teodoro
Plata, Valentin Diaz, Ladislao Diwa at Jose Dizon. Pinalitan si Arellano ni Roman Basa noong
Pebrero 1893 na kalaunan naman ay hinalinhan ni Andres Bonifacio bilang ikatlo at huling
pangulo.

Agosto 1896
Sa pagputok ng Himagsikan ay sumama si Arellano bilang comisario sa pangkat ng kanyang
pamangkin na si Gregorio del Pilar sa Bulacan.

7 Oktubre 1899
Ginupo ng tuberculosis at namatay si Arellano sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-Amerikano
sa Bontoc. Ang kanyang labi ay inilagak sa libingan ng La Trinidad, Benguet.

C. Personal Profile

Pangalan: Deodato de la Cruz Arellano


Alyas: Buan/ Santol (pangalang ginamit sa Katipunan)
Petsa at Lugar ng Kapanganakan: 26 Hulyo 1844, Maysantol, Bulakan, Bulacan
Petsa at Lugar ng Kamatayan: 7 Oktubre 1899, Bontoc (Tuberkulosis)
Paaralan at Tinapos: Degree in Bookkeeping (Ateneo Municipal de Manila)
Pangalan ng Ina: Mamerta de la Cruz
Asawa: Paula Rivera (unang asawa, namatay) / Hilaria G.H. del Pilar (Kapatid ni M.H. del
Pilar)

Mga Sanggunian

Artigas, Manuel C. Galeria de Filipinos Ilustres. Manila: Imp. Casa Editora “Renacimiento”,
1917.

Blair, Emma Helen (Ed.). The Philippine Islands, 1493-1898. Cleveland: The A. H. Clark
Company, 1903.
Blunt, Capt. John Young M. An Army Officer’s Philippine Studies. Manila: University Press,
1912.

National Historical Institute. Filipinos in History (5 vols). Manila: National Historical Institute,
1995.

Valdez, Maria Stella. Dr. Jose Rizal and the Writing of His Story, 2007.

V. Almario (Ed.). Sagisag Kultura (Vol. 1). Manila: National Commission for Culture and the
Arts. Retrieved from https://philippineculturaleducation.com.ph

Geni. Deodato de la Cruz Arellano. Retrieved from https://www.geni.com/people/Deodato-


Arellano/6000000019417080281

You might also like