MGA BAYANI SA REHIYON III ( Proyekto sa Araling Panlipunan )
Ipinasa ni: Ipinasa kay:
Rhaldz Jacob C. Ramos Johanna C.Vistan III - Loyalty Guro MARCELO H. DEL PILAR (30 Agosto 1850 – 4 Hulyo 1896) “Dakilang Propagandista”
Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan ay
isinilang noong 30 Agosto 1850 sa Cupang, Bulacan, Bulacan sa isang mariwasang pamilya nina Don Julian Hilario at Blasa Gatmaitan. Idinagdag niya sa pangalan ang apelyidong “del Pilar” ng kaniyang lola bilang pagsunod sa Batas Claveria noong 1849. Pangunahing lider ng Kilusang Propaganda, dakilang makata’t manunulat, si Marcelo H. del Pilar ay tagapagtatag at editor ng Diariong Tagalog at naging ikalawang editor ng La Solidaridad. Bantog din siyá sa sagisag-panulat na Plaridel. Sa bantayog ng pagkilos para sa pambansang kalayaan, nása unang hanay si Plaridel sa piling nina Rizal at Bonifacio. GREGORIO DEL PILAR (14 Nobyembre 1875 – 2 Disyembre 1899) “Bayani ng Pasong Tirad”
Si Gregorio del Pilar (Gre·gór·yo del Pi·lár) ang
pinaka-batàng heneral sa Himagsikang Filipino. Ipinanganak siyá noong 14 Nobyembre 1875 sa San Jose, Bulacan, Bulacan. Ang ama niyang si Fernando H. del Pilar ay kapatid ni Marcelo H. del Pilar, at bagama’t angkan ng mayamang Gatmaitan ay nása sangang mahirap ang kaniyang pamilya. Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero at sumanib siya sa tropa ni Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya sa Paombong, Bulakan at Quingua (ngayon ay Plaridel, Bulacan) ang nagpatanyag sa kanya. JOSE ABAD SANTOS (19 Pebrero 1886 – 2 Mayo 1942) “Ikalimang punòng mahistrado ng Korte Suprema. ”
Si Jose Abad Santos ay isang kagawad ng
gabinete, estadista, at ang ikalimang punòng mahistrado ng Korte Suprema. Nagsilbi rin siyáng Acting President ng bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig at naging martir sa kamay ng mga Japanese. Ipinanganak si Abad Santos noong 1886 sa San Fernando, Pampanga, at pampito sa sampung anak nina Vicente Abad Santos at Toribia Basco. Nahúli siyá ng mga Japanese sa Cebu, kasáma ang anak na si Jose Jr. o Pepito, noong 11Abril 1942. Hinatulan siyá ng kamatayan dahil ayaw makipagtulungan sa mga mananakop. Bago siyá barilin noong 2 Mayo 1942 sa Malabang, Lanao (Lanao del Sur ngayon) TRINIDAD TECSON (18 Nobyembre 1848-28 Enero 1928) “Ina ng Biak na Bato”
Si Trinidad Perez Tecson (Tri·ni·dád Pé·rez
Tek·són) ay babaeng bayani ng Himagsikang Filipino at kilala bilang“Ina ng Biyak-na-Bato.” Isa siyá sa iilang kababaihan na humawak ng armas at nakipaglaban kasáma ng mga kalalakihan sa rebolusyon. Binansagan din siyáng ina ng Red Cross sa Filipinas para sa kaniyang paglilingkod sa mga kasámang Katipunero. Isinilang siyá noong 18 Nobyembre 1848 sa isang mariwasang angkan sa San Miguel de Mayumo, Bulacan. Mga magulang niyá sina Rafael Tecson at Monica S. Perez. Bukod sa maganda, hinangaan siyá ng kalalakihan sa tapang at paghawak ng sandata. CAYETANO ARELLANO (2 Marso 1847 – 23 Disyembre 1920) “unang Punong Hukom ng Korte Suprema”
Siya ay ipinanganak sa Udiong (na ngayon ay
kilalang Orion) sa lalawigan ng Bataan. Ang kanyang ama ay si Servando Arellano, isang Kastila at ang kanyang ina ay si Crispora Lonzon, isang Filipinang taga-Bataan. Bagama't walang madulang pangyayari sa buhay niya tulad sa mga katipunero noong panahon ng himagsikan, siya ay kilala sa kanyang katalinuhan sa batas. Si Don Cayetano ay namatay noong 23 Disyembre 1920 na may habiling huwag tumanggap ng mga alay na bulaklak at ilibing siya bilang isang pangkaraniwang tao lamang. Itinatag ang Kolehiyong Pangbatas ng Arellano (ngayon ay Unibersidad ng Arellano) noong 1938, labingwalong taon mula sa kanyang pagkamatay.