You are on page 1of 8

RIZAL

Kabanata 1: Pagsilang ng Pambansang Bayani


Dr. Jose Rizal
- Doktor(siruhano sa mata)
- Makata
- Mandudula
- Mananalaysay
- Manunulat
- Arkitekto
- Pintor
- Eskultor
- Edukador
- Lingwista
- Musiko
- Naturalista
- Etnolohista
- Agremensor
- Inhinyero
- Magsasakang negosyante
- Ekonomista
- Heograpo
- Kartograpo
- Pilolohista
- Folkrista
- Pilosopo
- Tagapagsalin
- Imbentor
- Mahikero
- Humorist
- Satirist
- Polemisita
- Manlalaro
- Manlalakbay
- Propeta
Jose Rizal
-ikapito sa labingisang anak nina Francisci Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda
Hunyo 19, 1861
- Ipinanganak si Rizal sa gabing maliwanag ang buwan, Miyerkules sa baybayin ng Calamba Laguna.
- Sa pagitan ng ika 11 at hatinggabi, ilang araw bago ang kabilugan ng buwan.
- Muntik mamatay ang ina sa panganganak dahil sa malaki ang ulo ni Rizal
Hunyo 22, 1861
-bininyagan siya sa simbahang katolika ng kura parokong si Padre RufinoCollantes, isang
Batangueno.
Padre Pedro Casanas
-Ninong ni Rizal, taga Calamba at kaibigang matalik ng pamilyang Rizal
Jose
-piniling pangalan ng ina ni Rizal dahil ito ay deboto ni San Jose.
Setyembre 28, 1862
- Nasunog ang libro ng paroko.
Leoncio Lopez
- Lumagda sa partido de bautismo ni Rizal.

Tenyente Heneral Jose Lemery


- gobernador-heneral ng Pilipinas noong isinilang si Rizal, na namuno mula Pebrero 2, 1861 hanggang
Hunyo 7, 1862.
-siya ang nagtaguyod sa pagatatanim ng bulak sa mga lalawigan
-nagtatag ng mga pamahalaang politico-militar sa Visayas at Mindanao
Francisco Mercado
- 1818-1898
- Isinilang sa Binan, Laguna
- Noong Mayo 11, 1818
- Namatay ang ama niya noong siyay 8 taong gulang
- Nag aral ng Latin at Pilosopiya sa Kolehiyo ng San Jose sa Maynila
- Nakilala niya si Donya Teodora habang nag aaral sa Maynila
- Ikinasal sila noong HUNYO 28, 1848
- Lumipat sa Calamba at naging kasamang magsasaka sa asyendang pag aari ng mga Dominiko noong
mamatay ang mga magulang.
- Namantay sa Maynila noong Enero 5, 1898 sa edad na 80
- Tinawag ni Rizal na Huwarang ama.
Donya Teodora Alonso
- 1826-1911
- Isinilang sa Maynila noong Nobyembre 8, 1826
- Nagaral sa Kolehiyo ng Santa Rosa(kilalang kolehiyo para sa kababaihan sa lungsod)
- Mabining kumilos, may talino sa panitikan, negosyo at may katatagan ng isang babaing Sparta.
- Namatay sa Manila noong Agosto 16, 1911
Mga Batang Rizal
1. Saturnina(Neneng)
Panganay na kapatid ni Rizal
1850-1913
Kinasal kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan, Batangas
2. Paciano
1851- 1930
Sumapi sa Rebolusyong Pilipino at naging Heneral pagkamatay ni Rizal
Nagretiro at tumira sa kanyang Bukid sa Los Banos at naging magsasaka
Namatay noong Abril 13, 1930
Isang matandang binate na namantay sa edad na 79
Nagkaron ng dalawang anak (isang lalaki at babae) sa kanyang kinakasamang si
Severina Decena
10 taon ang tanda nito kay Rizal
Pangalawang ama ni Rizal
Binigyang buhay ito ni Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere bilang Pilosopo
Tasio
Tinawag syang Pinakamaginoong Pilipino ni Rizal sa liham nito kay Blumentritt
naisinulat sa London noong Hunyo 23,1888
3. Narcisa(Sisa)
1852-1939
Kinasal kay Antonio Lopez (pamangkin ni Padre LEoncio Lopez) isang guro sa Morong
4. Olimpia(Ypia)
1855-1887
Kinasal kay Silvestre Ubaldo(operator ng telegrapo mula sa Maynila)
5. Lucia
1857-1919
Kinasal kay Mariano Herboso ng Calamba(pamangkin ni Padre Casanas, namatay sa
kolera noong 1889 itinanggi sa kanya ang kristyanong libing dahil bayaw siya ni Rizal)
6. Maria (Biang)
1859-1945
Ikinasal ka Daniel Faustino Cruz ng Binan, Laguna
7. Jose (Pepe)
Nakisama kay Josephine Bracken na isang Irlandes na mula sa Hong Kong, habang
desterado sa Dapitan , nagkaanak siya rito ngunit ilang oras lang na buhay
ang sanggol, pinangalanan niya itong FRANCISO at inilibing sa Dapitan.
8. Concepcion (Concha)
1862-1865
Namatay sa sakit sa edad na 3, unang kalungkutan na naranasan ni Rizal
9. Josefa (Panggoy)
1865-1945
Namatay na matandang dalaga sa edad na 80
10. Trinidad (Trining)
1868-1951
Namatay na matandang dalaga sa edad na 83
11. Soledad (Choleng)
1870-1929
Ikinasal kay Pantaleon Quintero ng Calamba

Donya o Senora
-tawag ni Rizal sa mga kapatid na babaeng may asawa
Senorita
-tawag ni Rizal sa mga kapatid na Dalaga
Ang mga Ninuno ni Rizal
-nananalaytay sa dugo ni Rizal ang pinaghalu-halong lahi ng Silangan at Kanluran;Negrito, Indones,
Malaya, Tsino, Hapon at Espanyol.

SA PARTIDO NG AMA
Domingo Lameo
- kanunununuan ni Rizal, Chinong imigrante mula sa Changchow, lungsod ng
Fukien, na
dumating sa Manila noong 1690
- napangasawa si Ines de la Rosa, mayamang Tsinong Kristyano sa Maynila
- ginawa niyang Mercado ang kanyang apelyido na bagay na bagay sa kanya dahil
isa
siyang mangangalakal,
- Mercado na ang ibig sabihin sa Filipino ay PALENGKE
- nagkaanak na sila at pinangalanang Francisco Mercado
Francisco Mercado
- nanirahan sa Binan
- napangasawa si Cirila Bernacha, isang mestisang Tsinong Pilipino
- nahalal bilang Gobernadorcillo (alkalde ng bayan)
- isa sa mga anak nila ay si Juan Mercado
Juan Mercado (lolo ni Rizal)
- napangasawa nito si Cirila Alejandro, mestisang Tsinong Pilipino
- nahalal din bilang Gobernadorcillo ng Binan (alkalde ng bayan)
- nagkaroon sila ng 13 na anak, ang bunso ay si Francisco Mercado(ama ni Rizal)

SA PARTIDO NG INA
Lakandula
- ang huling katutubong hari ng Tondo
- pinagmulan ng lahi ng pamilya ni Donya Teodora

Eugenio Ursua (lolo sa tuhod ni Rizal)


- may lahing hapon
- nakapangasawa si Benigna, isang Pilipino
- nagkaanak na pinangalanang Regina

Manuel de Quintos
- napangasawa nito si Regina
- isang Abogadong Tsinong Pilipinong mula sa Pangasinan
- isa sa mga anak nila ay si Brigida
Lorenzo Alberto Alonso
- napangasaqa nito si Brigida
- kilalang mestisong Espanyol-Pilipino ng Binan
- ang kanilang mga anak ay sina Narcisa, Teodora (ina ni Rizal), Gregorio, Manuel
at Jose.
Ang Apelyidong Rizal
Mercado
- Ang tunay na Apelyido ng mag anak na Rizal, ito ay ginamit noong 1731 ni
Domingo Lameo .
Rizal
- ay ibinigay ng isang Espanyol na alcalde mayor (gobernador ng lalawigan) ng
Laguna, na kaibigan ng pamilyang Rizal
*Sinabi ni Rizal sa sulat nya kay Blumentritt na siya lamang ang Rizal sa kanilang tahanan, sapagkat ang
kanyang magulang at kapatid at ibang mga kamaganak ay tinatawag sa dati nilang apelyido, ngunit kinailangan
niyang gamitin iyon upang magmukha siyang anak sa labas.

Embahador Leon Ma. Guererro


- Diplomata at kilalang Rizalista
- Sinabi niya Sinumang Alcalde Mayor iyon, ay naging mahusay sa pagkakapili
niya sa apelyidong Rizal. Sa Espanyol, ito ay isang bukid na tinataniman ng trigo,
inaani habang lunti pa, at muling tutubo
*Ang maganak na Rizal ay kabilang sa mga Principalia, tawag o pangkat ng mayayaman noong panahong ng
Espanyol. Kilalang pamilya sa Calamba. Patunay pa ng pagiging mayaman nila ay ang pagkakaroon ng malaking
bahay sa may tabi ng simbahan , na may dalawang palapag, parihaba ang hugis, gawa sa batong adobe at
matigas na kahoy na mayroong bubong na pulang tisa, mayroon din silang KARWAHEN, simbolo ng pagiging
ilustrados, mayroon din silang probadong aklatan (pinakamalaki sa Calamba) na may higit 1, 000 tomo .

Azotea- o hardin
Kabanata 2: Kabataan sa Calamba

Calamba
- Ang ngalan ng baying ito ay mula sa salitang Banga
- Isang asyendang- baying pinamamahalaan ng Ordeng Dominiko
1876
- Sinulat ni Rizal ang Un Recuerdo A Mi Pueblo na ang ibig sabihin ay Isang Alaala sa Aking
Bayan sa edad na 15 taong gulang at estudyante sa Ateneo Municipal De Manila

Mga Alaala ng Kabataan


*ipinagpatayo siya ng kanyang ama ng maliit na bahay kubo upang may mapaglaruan siya sa araw
*araw araw nagdarasal ang pamilyang Rizal tuwing Orasyon.

Ang Unang Kalungkutan ng Bayani


*sa mga kapatid ni Rizal si Concha ang pinakmamahal ni Rizal, isang taon ang tanda niya kay Concha, ngunit
namatay ang huli sa edad na 3 noong 1865. Ang pagkamatay ni Concha ang unang kalungkutan niya.

Debotong Anak ng Simbahan


*Sa edad na 3, kasama na siyang nagdadasal ng pamilya. Nang siya ay mag limang taong gulang, marunong na
siyang magbasa ng Bibliya na nasa wikang Espanyol. Tinutukso siyang Manong Jose ng mga Hermanos at
Hermanas Terceras sapagkat si Rizal ay napaka Relihiyoso. Si Padre Leoncio Lopez ay isa sa mga iginagalang at
pinagpipitagan ni Rizal sa Calamba na syan kura ng bayan.
Peregrinasyon sa Antipolo
Hunyo 6, 1868
- Unang pagtawid ni Rizal sa lawa ng Laguna
- Unang peregrinasyon sa Antipolo
- Sumakay sila sa isang kasko
- At dinalaw nila si Saturnina, na nangangaserang estudyante sa Kolehiyo ng Concordia sa
Sta. Ana
Mga Talinong Pansining
- Sa edad na 5 gumuguhit na si Rizal gamit ang lapis at humuhubog nan g magagndang
bagay sa luwad o wax.
Usman
- Itim na aso ni Rizal
*noong 6 na taon si rizal ay pinagtawanan siya ng mga kapatid dahil mas mahabang oras ang kanyang inilalaan
sa eskultura kaysa paglalaro, kayat sinabi niya nang papalayo na ang mga kapatid na Sige, pagtawanan ninyo
ako nang pagtawanan ngayon! Balang araw, kapag patay na ko, ang taumbayan pa ang gagawa ng mga
monument para sa akin
*sa edad na 8, isinulat ni Rizal ang unang tulang isinulat sa katutubong wika at pinamagatang Sa Aking Mga
Kababata
Unang Drama ni Rizal
- Isang komedyang tagalog
- Tinanghal sa isang pista sa Calamba
- Napanood ng isang gobernadorcillo mula sa Paete, na gustuhan ito ng huli kaya binili sa
halagang dalawang piso ang manuskrito nito, at pagkatapos ay itinanghal ito sa pista sa
bayan ng Paete
Mga Impluwensiya sa Kabataan ng Bayani
- Impluwensiyang namana
- Impluwensiya ng kapaligiran
- Tulong ng Maykapal
Impluwensiyang namana
- Namana ni Rizal ang pagibig sa kalayaan sa mga nunong Malaya, ang pagiging seryoso, masinop,
pasensiyoso at mapagmahal sa mga bata ay naman niya sa mga nunong Tsino,ang pagiging
elegante, maramdamin sa insult at pagiging galante sa mga babae ay nakuha sa mga nunong
Espanyol, namana niya sa ama ang pagpapahalaga sa sarili, sa gawa at pagiging Malaya sa
pagiisip, namana naman niya ang pagiging relihiyoso,mapagmalasakit at pagmamahal sa sining
at literature sa kanyang ina.
Impluwensiyang Kapaligiran
- Kinintal ni Paciano ang isip ni Rizal sa pagmamahal sa kalayaan at katarungan
- Natuto siyang maging magalang at mabuti sa mga kababaihan mula sa kanyang nga kapatid na
babae
- Ang kanyang yaya ang bumuhay ng kanyang interes sa mga kwentong bayan at alamat
- Ang kanyang Tiyo Jose Alberto ang kanyang naging inspirasyon sa pagpapanday ng kanyang
talino sa sining, ito ay nag aral ng 11 taon sa isang paaralang Ingles sa Calcutta, India at
nakapaglakbay na sa Europa
- Ang kanyang Tiyo Manuel ang humikayat sa kanya sa mga pampalakasan
- Ang kanyang Tiyo Gregorio, na palabasa, ang nagpatingkad sa kanyang hilig sa pagbabasa.
- Si Padre Leoncio Lopez ang tumulong kay Rizal upang mapagyaman ang kanyang pagmamahal
sa pagaaral at katapatang intelektuwal
- Ang pagkamatay ni Concha at pagkakapiit ng ina (1871-1874) ang tumulong sa pagpapatatag ng
kanyang katauhan.
- Ang kalupitan ng mga tenyente sa mga Pilipino at pagkakabitay ng GomBurZa noong 1872 ang
gumising sa kanyang diwa ng pagiging makabayan.

You might also like