You are on page 1of 1

Ang SALIKSIKAN ay likmuan para sa panlipunang pananaliksik.

Itinatag ito upang maging


pandayan ng mga mananaliksik sa agham panlipunan. Pinanghahawakan ng kolektibo ang
pagsasagawa ng mga pananaliksik na makabuluhan sa interes ng bayan at pagpapaunlad ng
kamalayang panlipunan.
SEKRETARYAT
-Maging tagapagpatawag at tagapamuno ng mga pagpupulong.
-Matyagan ang matagumpay na pagkilos ng lahat ng mga lupon.
-Maging kinatawan ng kolektibo sa labas.
KOMITE SA PAGSASANAY
-Magmungkahi at magpatupad ng mga programa para sa pagpapaunlad ng kaalaman at
kakayanan sa pananaliksik ng mga kasapi at ng mas malawak na pamayanan.
KOMITE SA PANANALIKSIK
-Magmungkahi at gumawa ng mga pananaliksik.
KOMITE SA PAGPAPALAGANAP
-Magsagawa ng mga aktibidad na magpapalaganap sa mga pananaliksik ng kolektibo tulad ng
publikasyon, mga panayam, eksibit at iba pang gawain. Kabilang narin dito ang paghahanap ng
mga gawain kung saan maipepresenta ang mga pananaliksik ng kolektibo.
KOMITE SA PANANALAPI
-Tiyakin na may sapat na pananalapi ang kolektibo para sa maayos nitong pagkilos.
-Magmungkahi at magpatupad ng mga income generating projects.
-Maghanap ng mga external funding sources para sa mga pananaliksik at mga programa.
-Mag-ulat patungkol sa kalagayang pinansyal ng kolektibo.

You might also like